NAGULAT SI ATHENA nang umuwi siya ng condo at nadatnan doon si Jeric. Buong akala niya ay kasama na naman nito si Jessica at hindi na naman uuwi. Nakaupo ito sa mahabang sofa na nakaharap sa elevator. Nakatingin lang ito doon kaya’t napaisip tuloy siya kung hinihintay talaga siya nitong dumating. Huminto siya sa paglalakad. Ilang segundong nagtama ang paningin nila. Mayamaya ay tumayo ang binata. “Bakit hindi ka bumili ng bagong sapatos?” She tried to stand tall and raise her chin up. She refused to give him the satisfaction of seeing her weak and vulnerable. Tinalikuran niya ito at didiretso na sana sa kanyang silid nang habulin siya nito at hinawakan sa braso. “Don’t you dare turn your back on me, Athena!” may pagbabanta sa boses ng lalaki. Napakislot siya sa higpit ng pagkak