Chapter 27

1383 Words

CHAPTER 27 “WOW, MAY BAGONG SAPATOS!” Nilingon ni Athena ang sarkastikong nagsalita sa likuran niya. Si Tess iyon. Nakangisi ito habang tinitingnan ang suot niyang chunky-heeled shoes na may strap sa harapan kaya’t hindi nahuhubad kapag naglalakad. Inaamin niyang napaka-komportable nitong suotin. Hindi masakit sa paa at may malambot din na apakan. Maganda din ang disenyo nito kaya’t hindi nakakahiyang suotin sa opisina. Hindi alam ni Athena kung si Jeric ba mismo ang pumili niyon o may inutusan ito. Pero malaking pasasalamat niya sa bumili dahil nagustuhan niya talaga ang sapatos. Inirapan lang ni Athena si Tess. “Galing ba sa sugar daddy mo?” panunuya nito. “Eh ano naman ngayon?” Nakataas ang isang kilay na sabi ni Athena. Ngumisi ito. “Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya pala may

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD