Chapter Four

1246 Words
BAGO UMALIS si Jeric para sa meeting nito sa umagang iyon, nagbilin ito sa executive assistant na si Charvis na samahan si Athena sa hotel na tinutuluyan ng dalaga. Gusto nitong kunin ang lahat ng gamit niya roon. Nag book na si Athena ng one-week stay sa isang hotel sa Makati para sa trip niyang ito, pero ang sabi ni Jeric ay sa condo siya nito tutuloy. As his slave, he expected her to be at his beck and call twenty-four seven. Jeric’s penthouse was at the top floor of a high-rise building in BGC, Taguig, boasting a 360-degree view of the metro’s skyline. It looked modern with a minimalist interior design. According to Charvis, the unit had three big bedrooms, one library that also served as Jeric’s office, gym, terrace, and even an infinity pool. Hindi rin papahuli ang sala, dining area, at kitchen ng unit. Pakiwari niya ay puwedeng puwede silang maghabulan doon sa lawak ng area. “Sir Jeric is an early riser,” pukaw ni Charvis sa iniisip ni Athena. “He’s up by 4:00 AM and goes to sleep at around 1:00 AM. So yes, he only sleeps three hours at most. No wonder he’s so successful at such a young age, right?” Tumatawa nitong dagdag. “I mean, halos magka-edad lang yata kami ni Sir, pero hindi ko kaya ang life style niya. Kailangan ko ng at least six hours na tulog.” Tumango lang si Athena bago pinagpatuloy ang pag-obserba sa paligid. Dati na niyang alam na hindi masyadong natutulog si Jeric dahil ganito na ito noon kahit noong teenagers pa lamang sila. “By the way,” patuloy ni Charvis. “A cleaning lady goes here every Monday and Thursday. His chef naman goes every Tuesday to cook for the whole week, tapos i-re-reheat na lang si Sir every time na kakain siya dito. But most of the time, sa labas pa rin naman siya kumakain.” “What is he like?” Wala sa sariling tanong ni Athena. After nine years, marami na ang nagbago sa lalaki. Para na itong isang estranghero. Gusto niyang malaman kung ano ang mga nangyari sa buhay nito at kung sino na ang Jeric Fundar sa ngayon. “Well… Sir Jeric is a workaholic. Most of the time gusto niyang mapag-isa but he also dates women from time to time although none of them were really serious. Nakakatakot din siyang magalit, so just to warn you, don’t do anything that will trigger him. Nobody wants to be his enemy.” But he’s already treating me as if I'm his enemy, Athena thought bitterly. Pagkatapos masiguro ni Charvis na okay na si Athena doon sa condo, umalis na ito. Nilagay nito ang mga gamit niya sa isang kwarto na katabi ng kuwarto daw ni Jeric. Wala naman siyang maraming dala kaya agad niyang naayos ang mga gamit sa loob. Kahit guest room lang iyon, malaki ang kuwarto na binigay kay Athena. May sarili itong walk-in closet at may jaccuzi pa sa loob ng banyo. Natatakpan lamang ng glass wall ang buong bahay kabilang na ang mga kuwarto, kaya kung hahawiin mo ang draperies, kita mo na agad ang labas ng building. Buong mag-hapon, wala siyang ibang ginawa kundi isipin ang mga nangyari kaninang umaga. Paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak niya. Parang isang panaginip lamang ang lahat. Everything happened so fast at hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan kung bakit tila kinamumuhian siya ng binata. Hanggang sa nakatulog na lang si Athena… NANG MAGISING si Athena, madilim na ang paligid. Agad siyang naligo upang maghanda sa pagdating ni Jeric. Nang matapos ay nag-init naman siya ng pagkain sa microwave. Pero lumamig na lang ulit ang mga ito sa hapag-kainan dahil halos hating-gabi na umuwi ang lalaki. Nasa sala noon si Athena at nanonood ng Netflix sa 146-inch TV screen. Napatuwid siya nang upo nang marinig ang elevator na tumunog. Ang unit ni Jeric lamang ang may access sa elevator na iyon kaya’t diretso na iyon sa penthouse niya. Jeric looked drunk when he went out of the elevator. Hinubad nito ang sapatos at inalis ang necktie habang naglalakad papunta sa kanya. “Kumain ka na ba?” Kumakabog ang dibdiba na tanong niya. Hindi niya alam kung kumakabog iyon dahil kinakabahan siya o kumakabog iyon dahil ang guwapo pa rin nito kahit sa ganoong oras na ng gabi. Jeric smirked and threw a white folder on her lap. “That’s your contract.” Umupo ito sa kabilang sofa at saka hinilot-hilot ang noo. Maang na napatingin si Athena rito. “Contract? Anong contract?” Bago pa man ito makasagot ay binuksan na niya ang folder. It was a service contract agreement. Mabilis niyang pinasadahan ang unang pahina at muntik nang lumuwa ang mga mata niya sa nabasa. “Twenty million pesos?!” Napatayo siya. “I don’t have that kind of money!” Iritadong tiningnan siya nito. “You will only pay me that amount if you break our agreement. I’m not a fool. Our laws will not allow me to make a slave contract. So you will sign that service agreement instead. You will provide me with your services for one year, at kung umalis ka bago ang isang taon, you will have to pay me that money.” Nahahapong napaupo ulit ang dalaga. “Kaya nga ako humingi ng tulong sa’yo, 'di ba? I don’t have that kind of money.” “Why? Are you planning to get out of our agreement?” Nakataas ang mga kilay na hamon nito. “N-no. Kaya lang…” Alam ni Athena na sobrang dehado siya sa kasunduan nila ni Jeric. Hindi niya alam kung ano ang mga ipapagawa nito sa kanya pero kapag umalis naman siya, puwede siya nitong pagbayarin nang malaking halaga. “I will take full control of Hacienda Escalbar. I will make sure na hindi mawawala sa inyo ang hacienda during our one-year contract. After that, I will give you back everything, and all of your debts will be paid.” He made it sound so easy. Pero may choice pa nga ba si Athena? She already made the decision earlier that morning. There’s no turning back now. Kinuha niya ang ballpen na nakasukbit sa folder at pinirmahan isa-isa ang mga papel. Nang matapos ay nilagay niya ang folder sa center table at muling tiningnan ang lalaki. There was something in Jeric’s eyes that made her shiver. Dumausdos ito ng upo pababa at inunan ang ulo sa sandalan ng sofa. “Dance for me, Athena.” “H-ha?” “Alexa, dim lights to 25 percent,” utos ng lalaki sa digital voice assistant nito. Napalinga si Athena sa paligid nang dumilin ito kaunti. She felt so awkward. “Alexa, play sexy music,” muling utos ng lalaki. Agad-agad namang nag-play and isang instrumental saxophone music sa surround sound speakers ng condo. Tiningnan ni Athena si Jeric. Matiim itong nakatitig sa kanya. Napalunok siya. “Don’t make me wait, Athena,” may pagbabantang sabi nito. Kuyom ang mga palad na tumayo ang dalaga. Ilang beses muna siyang humugot ng malalim na hininga bago sinimulang umindak kasabay ng pulso ng musika. Pinikit niya ang mga mata upang itago ang hiya na nadarama. She took ballet lessons when she was younger. She had always been a graceful dancer. But dancing in front of a drunk man who wanted her to be his slave made her so nervous. “Take off your shirt.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD