Chapter Five

1066 Words
NAPADILAT si Athena sa sinabi ni Jeric. “Take off your shirt,” ulit nito. Nanginginig ang mga kamay na sinimulang hubarin ni Athena ang white oversized shirt na suot. Tumambad sa lalaki ang maputi niyang dibdib na ngayon ay nababalutan na lamang ng black lace niya na bra. Sa ibaba ay may suot siyang maiksi na maong shorts. Kahit hindi naman malakas ang aircon sa condo, nangatog ang buong katawan niya sa nararamdamang kaba at hiya. She continued dancing. She felt humiliated but she tried to brush it off her mind dahil alam niyang wala rin namang magagawa ang pagtutol niya sa lalaki. Napansin ni Athena ang sunod-sunod na paglunok ni Jeric bago ito muling nagsalita sa paos na boses. “Come here.” Nag-aalangan ang mga paa na lumapit siya sa binata. His eyes were dark but she could clearly see a glint of lust in there. Nang ilang pulgada na lamang ang layo niya sa lalaki, napasinghap siya ng malakas nang bigla na lamang siya nitong hinila sa balakang kaya’t napaupo siya sa ibabaw nito. Ang dalawang tuhod niya ay nakapuwesto sa magkabilang gilid ng lalaki. “J-Jeric…” Awtomatikong napahawak siya sa balikat nito. “Don’t stop dancing,” matigas nitong sabi. Naaamoy niya ang alak sa hininga ni Jeric. Lumunok ulit muna siya bago nagpatuloy sa pag-gewang ng balakang kasabay ng tempo ng nakakaakit na musika. Dahan-dahang umakyat ang mga kamay nito galing sa balakang niya papunta sa may baywang. Napapikit si Athena. Ramdam na ramdam niya ang bawat pagbuga ng mainit nitong hininga sa walang takip niyang dibdib. Gusto niyang umungol sa kiliting hatid nito at ng kamay ng binata. She suddenly felt aroused. Ilang taon na ba simula nang huli niyang maramdaman ang ganito? Ilang taon na nga bang nangulila ang katawan niya sa bawat haplos at halik ng binata? She started grinding her body against his. “Jeric…” halos walang boses na bulong niya. Napahawak siya sa ulo ng lalaki. She kept swaying her hips against him. Halos nakadikit na ang mukha nito sa dibdib niya. Nang dumilat si Athena, taimtim na nakatitig sa mukha niya si Jeric. Nakakuyom ang mga bagang nito pero hindi niya mawari kung nagagalit na naman ba ang lalaki o nagpipigil sa sarili. Yumukod si Athena upang siilin ito ng halik sa labi pero iniwas ni Jeric ang mukha. Saglit siyang natigilan. Kahit medyo nasaktan at napahiya sa ginawa nito, pinagpatuloy na lamang niya ang pag-indayog sa ibabaw ng binata. Mayamaya ay bigla na lamang siyang kinabig ni Jeric paalis sa ibabaw nito. Gulat at nalilitong napasunod siya ng tingin. When Jeric stood up and started walking away, hindi na napigilan ni Athena ang sariling magsalita. “Why are you doing this to me?” Tumigil si Jeric sa paglalakad at nang humarap sa kanya ay puno ng galit ang mukha nito. Inilang hakbang nito ang pabalik sa kinauupuan niya at walang sabing sinakal siya. “J-Jeric!” Namimilog ang mga matang singhap niya. “You are here to be my slave, Athena,” tiim ang mga bagang na bulong nito sa kanyang tainga. His eyes were full of hatred. “You are not here to pleasure yourself. Nagkakaintindihan ba tayo?” Agad na nangilid ang luha niya sa takot sa lalaki. Bagama’t hindi mahigpit ang pagkakasakal nito, nanlilisik ang mga mata ng lalaki na tila gusto siya nitong patayin ora-mismo. “A-anong nagawa kong kasalanan sayo?” Pahikbi niyang tanong. Marahas siya nitong binitawan. “Gusto mo ba talagang malaman?” He tilted his head and squinted his eyes. Tumulo ang isang luha sa pisngi ni Athena. “Y-yes. Bigla ka na lang nawala sa hacienda noon nang walang pasabi at ngayon, halos hindi na kita makilala. Hindi ko alam kung ano ang nagawa namin sayo para tratuhin mo ako ng ganito.” “Pinatay ng tatay mo ang lolo’t lola ko!” His voice echoed throughout the house. It was as if all of his pent-up anger suddenly exploded out of him. Gulat na napamaang si Athena sa binata. Nagsalubong ang mga kilay niya. “A-anong pinagsasabi mo? H-hindi magagawa ‘yan ng daddy. Pinalayas niya lang ang lolo’t lola mo kasi–” “Is that what he told you?” Nangungutyang tanong nito. Tumalikod si Jeric habang sunod-sunod ang paghugot ng malalim na hininga na parang bigla itong hiningal sa mga sari-saring emosyon na hindi nito kayang kontrolin. “O gusto mo lang magbulag-bulagan sa kasamaan ng tatay mo?” Mayamaya ay muli itong humarap at pinukulan siya ng matalim na tingin. “None of these would have happened kung hindi mo ipinagsisiksikan sarili mo sa akin noon, Athena. You were the one who kept seducing me pero ang pamilya ko ang nagdusa dahil sa iyo. So don’t expect me to spare you from my hatred hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. I will make you pay for every pain that your family owes me.” Nanlalaki ang mga matang nakatingin lamang si Athena sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung ano ang pinagsasabi nito. Kilala niya ang ama at kahit na strikto ito, alam niyang hindi nito magagawang pumatay. Napako ang tingin niya sa folder na nasa center table. Unti-unti niyang napagtanto kung bakit gusto siya nitong gawing alipin. Sa una pa lang, she was already doomed to lose. Hinding hindi siya mananalo sa laban na ito. Baka sa huli ay mawala pa sa kanya ang lahat kabilang na ang hacienda. Mabilis na tumayo si Athena para kunin ang folder pero mas mabilis ang lalaki. Agad nitong nahablot ang iyon. He dangled it in front of her as if teasing her deliberately. Nanlulumong napaatras si Athena. She felt hopeless. Nilapag muli ni Jeric ang folder sa center table at nilapitan si Athena hanggang sa napaupo ang dalaga sa sofa. He grabbed her face roughly and leaned closer to her. “The moment you signed that contract, akin ka na, Athena. And everything is according to my own terms. I will make sure your life will be a living hell. I will make you pay for both of the lives that were taken from me.” He lightly brushed his cheek against hers and then proceeded to bite her ear gently before he retreated to his bedroom, taking the folder with him. Nang mawala na sa paningin niya ang binata, hindi na napigilan ni Athena ang mapahagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD