IT TOOK a few seconds for Athena’s brain to fully process what Jeric had just said.
“Slave?” Pabulong na ulit niya.
Nagkibit-balikat ang lalaki. “That was your exact term for me before, hindi ba? You used to love calling me your slave who did everything at your beck and call. Ngayong nagkabaliktad na ang sitwasyon natin, are you willing to be my slave for the hacienda’s sake?”
Lumapit muli si Jeric sa kanya hanggang sa halos wala nang distansya ang mga katawan nila. Pinadaan nitong muli ang daliri sa kanyang pisngi. “But I am not just a spoiled brat, Athena. When I say slave, I don’t just play small child games like you did before. I want more than that.”
Hagip ang hiningang itinulak ni Athena si Jeric at saka nagmamadaling kinuha ang bag sa couch para lisanin ang opisina nito.
“Think about it well, Athena.” Sabi nito bago pumunta sa desk at umupo sa swivel chair nito. “I will only give you this offer once. I don’t like wasting time.”
Napatigil siya sa paglalakad.
“After all, you have nothing to lose, right?” He said coolly. “You already offered yourself to other men bago ka pa pumunta sa akin. So stop playing games with me, Athena. It’s not as if wala tayong nakaraan. Remember how you would always beg me for more?” Biglang namalat ang boses nito nang sabihin ang mga huling kataga.
Kagat-labing pinigilan ni Athena ang mapahikbi. Awang-awa siya sa sarili. Pagod na pagod na siya pero pinangako niya sa sarili kanina na hindi siya uuwing talunan. Na kahit na anong mangyari ay makukuha niya ang deal para sa hacienda sa araw na ito. Na matitigil na ang mga banta sa buhay nila ng kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi makagalaw dahil sa stroke.
Hindi niya kayang marinig ang mga insulto nito pero hindi niya rin kayang hayaan na lang na tuluyang bumagsak ang buhay nila ng ama.
Gusto niyang matawa. Tama nga ang sinabi nito. She used to be so high and mighty. She used to think that she had everything in her power. Na kaya niyang paikutin ang lahat sa mga kamay niya. Na lahat ay kayang-kaya niyang kunin at abutin.
Hindi niya lubos-maisip na darating ang panahon na mawawala sa kanya ang lahat nang nakasanayan niya sa buhay. Na malulugmok siya sa puntong mamimili siya sa kanyang dignidad o buhay. Pero hindi lamang buhay niya ang nakasalalay dito kundi ang buhay ng nag-iisang pamilya niya.
Jeric was the only man she ever loved aside from her father. Willing siyang ibigay dito ang lahat-lahat sa kanya noon. Yes, he seemed like a completely different person now. Hindi na ito ang Jeric na nakilala niya noon.
But life has already pushed her against a wall. Wala na siyang ibang makitang paraan. She suddenly understood all the people she used to judge before. Kapag ikaw pala talaga ang nasa sitwasyon, kahit gaano pa katalas ang patalim, you would be tempted to grab it once life has left you with no other choice.
“I have to go to a meeting in ten minutes,” pukaw ni Jeric sa iniisip ni Athena. “When I come back, I expect you to have an answer.”
Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ang driver. “Get the car ready. Pababa na ako.”
Nang akmang tatayo na si Jeric, humugot ng malalim na hininga si Athena at halos pabulong na sinabi, “I accept the deal.”
Napatigil ang lalaki, muling sumandal, at mariin siyang tinitigan.
“I’ll do it.” This time, mas firm na ang boses ni Athena. “I’ll be your slave, Jeric. If that’s what you want.”
For a split second, there was anger in Jeric’s eyes. Pero bigla itong napalitan ng mala-demonyong ngiti. “Good. Come here.”
Naramdaman ulit ni Athena ang panginginig ng katawan pero tapos na siyang magdesisyon. Kailangan niyang panindigan ito kahit anuman ang mangyari. She was already at a point of no return.
Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki, all the while trying to keep a brave face. Huminto lamang siya nang halos isang dipa na lamang ang layo niya rito. Pero sumenyas ang binata na mas lumapit pa siya.
“Kneel,” ma-owtoridad nitong saad.
Napalunok si Athena at dahan-dahang lumuhod sa harap nito. Ilang hibla na lamang ang layo ng mga tuhod ng lalaki sa harap niya, pero inilapit pang lalo ni Jeric ang swivel chair hanggang sa nasa magkabilaang balikat na ni Athena ang mga tuhod nito.
He slowly held her chin up and looked at her eyes for a moment while shaking his head. Then he leaned in closer to whisper in her ear. “You have always been so dominant before, Athena. It turns me on to see you kneeling here.”
Napapikit si Athena. She could feel his warm breath caressing her neck.
He looked at her face again while grinning mockingly and pushed her chin away harshly. “Now, what will be your first task as my slave?”
She was breathing heavily as she was waiting for his instructions. Kinakabahan siya sa kung ano man ang ipagawa nito sa kanya. He slowly ran his hands on his legs down to his knees.
“Tell me, what should it be, Athena?”
Hindi siya makasagot. Ingat na ingat siyang huwag mapako ang tingin sa may baba nito na ngayon ay ilang hibla na lang ang layo mula sa mukha niya.
“It should be special, right? Ito ang magiging first task mo as a slave. It should make me happy and satisfied.”
He ran his fingers through her hair, carefully and slowly massaging her head. She could feel little surges of currents with each touch of his fingers, but at the same time, gusto niyang iwaksi ang kamay nito.
“Tell me, Athena. How will you serve your master today?”
Nang hindi siya sumagot, muli nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa magkadikit na ang kanilang mga pisngi.
“I’ll tell you how,” he whispered. Patuloy ang mga daliri nito sa pag-massage sa ulo ni Athena, habang maingat na dumadampi sa leeg at tainga ng dalaga ang mainit nitong hininga.
Unti-unting dumidiin ang mga daliri nito hanggang sa akala ni Athena ay tinutulak nito ang ulo niya pababa. But instead, he grabbed her hair.
“Clean my shoes.”
Gulat na napatingin siya sa lalaki. Hindi niya inasahan iyon.
“What?” He asked mockingly. “Would you rather do something else?”
Mabilis siyang umiling at agad na napatingin sa paligid para maghanap ng basahan o kahit tissue man lang.
“I want you to do it with your sleeves.”
Natigilan si Athena. Nakasuot siya ng puting long sleeves. Pero ano ba ang pagpunas sa sapatos nito gamit ang damit niya kumpara sa kung ano man ang iniisip niya kanina na ipapagawa nito?
Dali-dali niyang pinunasan ang dalawang sapatos ng lalaki.