By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: Michael Juha Full
-----------------------------
Sa tindi ng aking pagkagulat ay naitulak ko si Kuya Renan at mabilis akong tumayo, pinahid ang aking bibig dahil nabasa ito ng laway. Hindi kaagad ako nakapagsalita, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pati si Kuya Renan ay bakas sa mukha ang pagkagulat habang isiniksik muli sa ilalim ng kanyang brief ng kanyang medyo lumabot nang ari at isinara ang kanyang zipper.
“P-paano na iyan? Nahuli tayo?” ang nanginginig kong tanong kay Kuya Renan.
“Huwag kang mag-alala. Hindi natin aaminin, okay? Kapag may lumabas na issue o kaya ay itanong ng inay kung totoo ito, sabihin natin na nag-imbento lang si Cathy dahil nga galit sa atin. ‘di ba siya lang naman ang nakakakita? Dalawa tayo laban sa kanya.” Natahimik siya sandali. “…atsaka, ano naman kung malaman din ng lahat ang ginawa natin? Kaya ko namang panindigan.”
“Ikaw kuya.. kaya mo. Kasi malaki ka na. At ikaw ang lalaki rito. Pero ako…?”
Tiningnan niya ako. “Dapat talagang hindi mo kayang manindigan dahil bata ka pa,” ang biro niya. Marahil ay gusto lang niya akong tumawa.
“Kuya naman eee. A-ayaw kong malaman ng mga tao na bakla ako kuya. N-nakakatakot. Baka tuksuin ako.”
“Kaya nga, huwag nating aminin, ok? Bahala siyang magtalak.” tinungo niya ang pintuan at inilock ito. Bumalik sa akin at niyakap ako, hinalik-halikan ang aking buhok. “Mula ngayon ay mag-iingat na tayo…”
Siya namang pagkalabog ng pinto ng malakas. “Renan! Renan! Buksan mo ang pinto? Nagtsutsupaan na naman ba kayo?!!!” ang sigaw ng nasa labas. Si Cathy. At talagang bulgaran na siya.
Agad na tinungo ni Renan ang pinto at binuksan ito. “Mula ngayon ay ayaw ko nang tumira ka pa rito. Lumayas ka!” ang sigaw ni Kuya Renan.
“Ako??? lalayas??? Ngayon pa na may alam na ako sa inyong dalawa?” tiningnan ako. At baling kay Kuya renan. “Hindi!!! At mag-ingat kayo sa akin dahil kung magkamali kayo, isusumbong ko kayo kay Inay upang ang baklang hampas-lupang iyan…” turo niya sa akin, “ay mapa-alis sa bahay na ito! Iyan ang pabigat dito eh! Iyan ang malas sa bahay na ito! Mga baklang salot sa lipunan, mga makasalanan! Dapat sa mga ganyan ay pinupugutan ng ulo! O kaya ay tinatanggalan ng mata at ari! At ikaw naman na pumapatol, e ‘di Bak—“ hindi na niya naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin gawa ng pagbusal ni Kuya Renan ng kanyang palad sa bibig ni Cathy.
“Sige gawin mo ang gusto mong gawin para lalong hindi kita pakakasalan! Gusto mo ba iyan? At ipagkalat ko pa na ikaw itong habol nang habol sa akin, na ikaw itong nanukso sa akin upang makipagtalik ako sa iyo dahil sabi mo, ay sabik na sabik ka nang matikman ako! Tama ba?”
Nagpumiglas si Cathy at nakawala sa pagbusal ni Kuya Renan sa kanyang bibig. “So… papayag kang magpakasal sa akin kung hindi ko ipagkalat ang nasaksihan ko sa ginawa ninyo?”
Tiningnan ako ni Kuya Renan. At baling kay Cathy. “Pag-isipan ko pa…”
“Puwes Dalian mo at sa pangalawang linggo ay graduation na! Hindi ako maka-graduate kung hindi ako kasal sa ganitong postura ko na nagbubuntis sa anak mo!” ang bulyaw ni Cathy sabay walk out.
Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. “P-pakasalan mo na lang siya, Kuya ah,” ang sabi ko.
“Ngayon pa? Na kilalang-kilala ko na ang ugali niya. nagbait-baitan lang pala siya sa akin noong hindi pa siya buntis. Pero maganda na rin ang nangyari…” Tiningnan niya ako.
Maya-maya ay naisip kong ipakita sa kanya ang aking ginawa na sinabi ni Mico. Agad kong tinumbok ang aking cabinet at binuksan ang kandado noon. Seryosong tiningnan ni Kuya Renan ang aking ginawa. Matagal niya itong pinagmasadan, pinag-aralan. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin, abot-tainga ang ngiti. “Matalino ka talaga Bugoy!” at muli niya akong niyakap at hinalikan.
Maya-maya ay kumatok na naman si Cathy. “Buksan ninyo ang pinto! Bakit ba kayo nagla-lock, sa kuwarto rin naman na ito ako natutulog?!”
Binuksan ni Kuya Renan ang pinto habang ako naman ay inilock ko uli ang aking cabinet. “Kung maka-asta ito, akala mo ay may-ari ng bahay, ah!” ang sambit ni Kuya Renan.
“Bakit? Malapit na rin naman akong maging bahagi ng pamilyang ito, eh!” sabay irap sa akin habang pumasok sa kuwarto.
“Anoh?” ang sagot ni Kuya Renan na tila nang-iinis. “Baka sa panaginip!”
“Bakit? Hindi mo pa rin ba ako pakakasalan? Remember… baka mabulgar ang baho mo, at nitong baklitang kalaguyo mo!”
“Kung ganyan ka magsalita, umalis ka na lang siguro rito baka masapak ko pa iyang mukha mo.”
“Bakit hindi ba totoo? Kaya pala sa kanya tumatabi sa pagtulog, iyon pala ay sinisipingan mo na siya!” at baling sa akin. “Lumabas ka nga ng kuwarto?! Hindi ka kasali sa usapan!”
Akmang tatalima na sana ako nang nagsalita si Kuya Renan, mataas ang boses. “Huwag kang umalis Bugoy!” At baling kay Cathy, “Isang salita mo pang ganyan ay makatikim ka na sa akin!!!” ang sigaw ni Kuya Renan na tila nanlilisik ang mga mata. Noon ko lang siya nakita sa ganoong anyo. Galit na galit. Alam ko, totohanin niya ang kanyang sinabi.
“Renan naman eh!” ang tila batang pagdadabog naman ni Cathy na lumapit kay Kuya Renan at hinawakan ang kamay ng huli. “Pag-usapan na lang natin ang ating kasal. Papayag ako kahit sa isang civil wedding lang muna. Sige na please…” ang dugtong niya na para pa ring batang naglalambing.
Ngunit tumiwalag si Kuya Renan mula sa kanyang paghawak. “Hindi kita masasagot d’yan. Ngunit huwag kang umasa, baka mabigo ka lang.”
“Renan naman! Nakakainis ka! Maaatim mo ba na itong anak mo ay isisilang na walang ama? Kawawa naman siya.”
“Bakit sinabi ko bang itakwil ko ang bata?” Wala namang problema kung ako ang mag-alaga sa bata. Huwag lang ikaw ang alagaan ko.”
“Hindi naman ako magpapaalaga sa iyo eh. Tayong dalawa ang mag-aalaga sa ating anak.”
“Ganoon?!”
“Ganoon na nga.”
“Hoy, ikaw ha, huwag mo akong kulitin kung ayaw mong palayasin kita, okay? Okay???” ang sambit ni Kuya Renan.
“Naman eh!” ang yamot na pagdadabog ni Cathy habang lumabas muli ng kuwarto
ORAS NG HAPUNAN. Tensionadong-tensyonado ako at hindi mapakali habang magkaharap kaming apat sa hapag-kainan. Paminsan-minsan ding tumitingin sa akin si Cathy, iyong tingin na may pagbabanta. Ngunit yumuyuko lang ako kapag tinitingnan niya. Si Kuya Renan naman ay hindi ko nakitaan ng pagkatensiyonado bagamat hindi siya nagsasalita.
“Nay… kilala mo ba talaga si Renan inside-out?” ang sambit ni Cathy na parang may tinutumbok.
Napatingin sa kanya ang inay ni Kuya Renan. “Oo naman. Anak ko iyan eh.”
“E, itong si Bugoy, kilala niyo po ba?”
“Oo naman. Magkapitbahay kami niyan. At mabait na kapitbahay ang inay niya. Halos hindi lumalabas iyon ng bahay, trabaho nang trabaho lang iyon, ni halos hindi nakikisalamuha sa mga tao dahil may pagka mahiyain. Ayaw noon ng mga tsismis. Trabaho lang talaga siya.”
“Pero itong si Bugoy, Nay, namana naman kaya ang kabaitan ng kanyang inay?” Talagang hindi maaawat si Cathy sa kanyang mga patutsada. Nagsimulang kumabog ang aking dibdib. Sa isip ko ay baka may mangyaring away sa oras na iyon.
“Sa tingin ko naman. Masipag, matalino, masunurin, magalang…” ang sagot ng inay ni Kuya Renan.
“Talaga?” ang sagot ni Cathy na biglang binitiwan ang nakakalokang tawa. Iyong tawa na ngibit ang mukha, nang-iinis na ‘di mo maintindihan.
Doon na sumingit si Kuya Renan. “Ikaw Nay, sa ilang araw lang ni Cathy rito, kilala mo na ba siya?”
Napatingin ang inay ni Kuya Renan kay Cathy. “Sa tingin ko naman ay mabait itong si Cathy. Maalalahanin, masipag, mapagmahal, totoong tao.”
“Hahahahahahahaha!” At humagalpak talaga ang tawa ni Kuya Renan. “Ako, nay, mahigit dalawang taon kong naging syota iyan, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala ang tunay na pagkatao niyan. I mean, ngayon pa lang siguro,” ang dugtong niyang napailing-iling.
“Ito namang si Renan o… Pareahs lang tayo. Sa dalawang taon natong mag-syota, ngayon ko lang din nalaman na…” hindi niya itinuloy pa ang sasabihin. Ngumiti lang ito na tila nananadya.
“Na ano?” ang bulalas ni Kuya Renan. “Sabihin mo para malaman ng inay. Baka nga hindi pa rin niya alam ang kung ano man iyang sabi mong alam mo.”
“Bakit Cathy? Mayroon bang bagay na hindi mo nagustuhan kay Renan?”
“Wala po inay… love na love ko nga iyan eh,” ang pagbawi naman ni Cathy.
Tahimik lang si Kuya Renan. Maya-maya lang ay nagsalita si Cathy. “Nay… p-pumapayag akong kahit sa civil lang muna kami pakakasal ni Renan upang hindi masyadong malaki ang gastos…”
“Walang problema sa akin. Kay Renan ba ay ok lang?”
Mabilis ang pagsagot ni Kuya Renan. “Hindi, Nay. At wala pa sa isip ko ang makasal hanggang sa makapagtrabaho ako at makaipon.”
“Ang hirap sa iyo, sarili mo lang ang iyong iniisip!” ang biglang pagtaas ng boses ni Cathy. “Hindi mo iniisip na hindi ako makaka-graduate kapag hindi ako kasal at itong anak mo ay isisilang nang walang ama! Maaatim mo ba iyan?”
“Bakit? Sino ba ang atat na atat na makipag-s*x sa ating dalawa? Ang sabi ko sa iyon noon, respetuhin ko ang p********e mo at ayaw kong mabuntis ka at na gusto ko ay kung magkatuluyan man tayo, kasal muna bago ang talik! Ano ang ginawa mo? Ang sabi mo ay huwag akong mag-alala dahil protected ka, dahil, marunong ka, dahil may contraceptive ka, at kung may mangyari man sa iyo, hihintayin mo kung kailan ako handa at irerespeto mo iyon. Nasaan ang respeto na iyan ngayon?”
“Ano ba! Ano ba!” ang pagsingit naman ng inay ni Kuya Renan. “Nasa harap tayo ng hapag-kainan. Irespeto naman ninyo ang pagkain!”
Bigla kaming natahimik. Itinuloy ko ang aking pagkain. Tila walang patid naman ang pagkabog ng aking dibdib.
Naramdaman kong nagmadaling kumain ni Kuya Renan. Nagmadali na rin ako gawa nang ayokong maiwan sa hapag kainan na kasama ni Cathy. Nang matapos na si Kuya Renan at nakatayo na, tumayo na rin ako upang sundan si Kuya Rrenan.
“Bugoy, huwag ka munang umalis. May itatanong ako,” ang utos ni Cathy.
Nag-atubili akong bumalik sa aking upuan. Nang lingunin ko si Kuya Renan, hindi na nito itinuloy pa ang pag-alis. Bumalik siyang umupo sa kanyang puwesto sa hapag-kainan, halata sa mukha ang pagkainis.
“Renan, hindi ka kasali rito. Para kay Bugoy lang ang tanong na ito,” ang sambit ni Cathy.
“At bakit kailangang wala ako habang tinatanong mo si Bugoy?” ang sagot rin ni Kuya Renan. “Inihabilin iyan si Bugoy sa akin ng kanyang inay.”
“Inihabilin upang protektahan, gabayan, turuan sa tamang landas. Hindi lapain…” ang pasaring ni Cathy.
“Hinay-hinay ka sa pagsasalita mo, Cathy. Hindi mo ito pamamahay.”
“Hindi pa ngayon…” ang halos pabulong niyang sabi at pagkatapos ay nahinto ng sandali. “At bakit mo kailangang makinig sa itatanong ko kay Bugoy? May itinatago ka ba?” ang dugtong niya.
“Oo. May itinatago ako.”
“Kayong dalawa ba ni Bugoy ang may itinatago?” ang tanong uli ni Cathy na tila nakangiting demonyo na, sa isip siguro ay kinakagat na ni Kuya Renan ang kanyang patibong na tanong.
“Oo… kaming dalawa ni Bugoy ang may itinatago. kaya kailangang narito ako dahil baka magkamali sa pagsagot si Bugoy at mabisto ang aming itinatago.”
Lumingon si Cathy sa kanyang inay. “Nay… hayan, inamin na talaga nila na may itinatago sila. Iyan ang dahilan inay kung bakit ayaw akong pakasalan ni Renan. Dahil silang dalawa…” nahinto sa pagsasalita si Cathy at nag-iiyak. “Silang dalawa ay may ginawang hindi kanais-nais, Nay!”
“A-ano ba iyang pinagsasabi mo, Cathy?” ang tanong ng inay ni Kuya Renan. At baling kay Kuya Renan, “Ano Renan? Sabihin mo kung ano iyan at hindi mo pakakasalan si Cathy nang dahil d’yan?”
“Nay… nagdrama lang po iyan. Gagawin po niyan ang lahat para makuha ang gusto niya sa akin.”
“Totoo po ang sinabi ko, Nay! Hindi po ako sinungaling!”
“Eh kung ganoon, sige, sabihin mo kung ano!” ang paghamon pa ni Kuya Renan kay Cathy.
Natahimik naman si Cathy. Siguro natakot din na totohanin ni Kuya Renan na tuluyang mawala ang chance na pakasalan siya nito.
“Ano na? Ano iyong ginawa nilang hindi kanais-nais?” ang pagsingit ng inay ni Kuya Renan na iniusog na ang plato palayo sa kanyang harapan, tanda na tapos na siyang kumain, humarap kay Cathy.
“Itanong niyo na lang po kay Bugoy, N-nay…”
Tumingin sa akin ang inay ni Kuya Renan. “Bugoy… ano itong sinasabi ng Ate Cathy mo na may ginawa kayo ng kuya Renan mo na hindi kanais-nais?”
Halos hindi ako makatingin sa kanya. Tiningnan ko si Kuya Renan. “W-wala naman po, ‘Nay,” ang sagot ko.
“Mayroon po!” ang pagsingit naman ni Cathy.
“E, kung mayroon, sabihin mo! Huwag iyong padrama-drama ka pa riyan. Dapat ay naroon ka sa showbiz, hindi rito!”
“Di ba sinabi mong may ginawa kayong sikreto ni Bugoy, Renan na siyang dahilan kung bakit ayaw mong pakasalan si Cathy?” ang pagsingit sa inay ni Kuya Renan.
“Opo, Nay… inaamin ko iyan. Totoo iyan.”
“Kaya sabihin mo na? Ano ba iyan? Ba’t kailangan pang itago?”
“Hayaan nating si Cathy ang magsabi niyan inay,” ang sagot ni Kuya Renan. At baling kay Cathy, “Kung wala ka na palang itatanong kay Bugoy, babalik na kami sa kuwarto!” Hinawakan ni Kuya Renan ang aking kamay at hinila ako upang tumayo at sumunod sa kanya sa kuwarto.
“Hindi mo ba talaga ako pakakasalan, Renan!” ang narinig kong sigaw ni Cathy habang sabay na tinumbok na namin ni Kuya Renan ang kuwarto.
“Hindi!” ang matigas namang sagot ni Kuya Renan na hindi lumingon kina Cathy at sa kanyang inay na nanatiling nakaupo sa harap ng hapag-kainan.
Doon ko na naramdaman na nagpupuyos sa galit si Cathy. “Hindi mo ako pakakasalan kahit sasabihin ko sa harap ng inay mo ngayon na kinakantot mo si Bugoy gabi-gabi habang tinatabihan mo siya sa papag!” ang sigaw ni Cathy kasabay ng pagbasag niya sa mga pinggan.
“Diyos ko!!!” ang sigaw naman ng inay ni Kuya Renan. “Totoo ba ito, Renan!!!”
Nahinto si Kuya Renan. Nahinto rin ako. Nilingon niya si Cathy. Akala ko ay babalikan niya ito at babasagin na ang mukha. Ngunit mahinahon niya rin akong sinabihan ng, “Tara Bugoy.” Hindi na niya sinagot pa ang kanyang inay. Nagmamadaling nagpatuloy kami sa kuwarto. Doon na niya ako sinabihan na buksan ko ang aking cabinet at kunin iyong ginawa ko.
Dali-dali kaming lumabas sa sala. “Nay, halika,” ang pagtawag niya sa kanyang inay habang ikinabit ang extension wire ng tablet ko sa TV.
Lumapit ang kanyang inay at naupo sa sofa na nakaharap sa TV. Nakiusyoso rin si Cathy na nakatayo lang sa may bungad ng kusina.
“Ito ang lihim na ginagawa namin ni Bugoy. Pagmasdan mo.” Pinindot ni kuya Renan ang start ng video kung saan ay lihim kong nirecord ang pang-aapi at pananakit ni Cathy sa akin habang walang tao sa bahay. Naroon din ang pagmumura ni Cathy, at ang pagsabi niyang talipandas, hukluban, at haliparot ang inay ni kuya Renan, at na ipapakidnap, ipaparape, at ipapa-salvage niya.
“Iyan ba ang babaeng dapat nating pagkatiwalaan, Nay? Iyan ba ang babaeng dapat kong pakasalan? Ito nga ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang pakasalan, Nay. Ngayon ngang hindi pa kami kasal ay malakas na ang loob niyang paikutin tayo, takutin tayo. Paano na lang kung kasal na kami? Kaya no way! Hindi ko siya pakakasalan!”
Kitang-kita ko naman ang pagyuyukyok ni Cathy, na parang isang talunang aso at ang buntot ay nakatupi sa ilalim ng bayag.
Nilingon ng ina ni Kuya Renan si Cathy. “Hindi ko akalain Cathy na magagawa mo ito. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagtitiwala ko sa iyo, puro pala kasinungalingan ang ipinapakita mo sa akin! Nakisakay ako sa mga gusto mong gawin ko, iyon pala ay may malisya sa iyo! Hindi mo na ako iginalang! Lumayas ka sa pamamahay na ito! Umuwi ka sa inyo!” ang sigaw ng inay ni kuya Renan.
Dali-dali namang lumapit si Cathy sa inay ni Kuya Renan at lumuhod ito sa harap niya na parang nananalangin. “Patawad po inay! Patawad po. H-hindi ko po alam kung bakit nagawa ko iyon. Nagseselos po ako kay Bugoy. Noon pa man ay duda na po ako sa kanila, inay! Maniwala ka. Totoo ang sinabi kong may ginagawa sina Renan at Bugoy na hindi kanais-nais! Hindi po ako nag-imbento ng kuwento!” ang paliwanag ni Cathy na humagulgol.
“Pasensya na Cathy. Ngunit sa mga kasinungalingang ipinakita mo sa akin, hindi ko na alam kung alin ang totoo o hindi sa mga sinasabi mo. Kaya mas mabuting umalis ka na sa pamamahay ko,” ang sagot ng inay ni kuya Renan sabay talikod at bumalik sa kanyang kuwarto, isinara nang padabog ang pinto.
Wala nang nagawa pa si Cathy kundi ang tumungo sa kuwarto. Hindi na kami umimik ni Kuya Renan na nanatili sa sala. Maya-maya lang ay nakita namin si Cathy na lumbas ng kuwarto, bitbit ang kanyang bag na puno ng kanyang mga gamit.
Nang dumaan siya sa amin, nilapitan niya si kuya Renan, “Babalik ako Renan, tandaan mo!” ang sambit niya. At baling sa akin. “May araw ka rin sa akin, bakla!”
Hindi na lang ako umimik. Nang tuluyan na siyang nakalabas, tinitigan ako ni Kuya Renan sabay sabing, “Wala na tayong problema…”
Binitiwan ko lang ang isang ngiting pilit. Naroon pa rin kasi ang aking takot sa huling sinabi ni Cathy na babalik siya at makatikim ako sa kanya.
Sa sumunod na mga araw ay balik-sigla na naman ang aming samahan sa pamilya. Balik-normal kumbaga. Kagaya ng dati, masaya kami sa harap ng hapag-kainan, may time na nagba-bonding kami ni Kuya Renan sa paborito naming restaurant, at syempre, sa pagtulog, magkatabi kami sa kama.
Huling linggo na iyon bago ang graduation, heto na naman. Kinabahan na naman ako nang sa gitna pa ng aming hapunan ay may sumulpot na tatlong lalaki. Ang dalawa ay mukhang hoodlum at ang isa ay nagpakilalang siya raw ang ama ni Cathy. nang tiningnan ko ang kanilang mga tagiliran, may mga nakausli, kagaya ng sa mga pulis na may dala-dalang baril.
Inanyayahan ng inay ni kuya Renan na kumain ang tatlo ngunit tumanggi sila gawa nang nagmamadali raw. Kaya pinutol muna namin ang aming hapunan at kinausap sila.
“Pinapaalalahanan kita Renan na ang aking anak ay buntis at ikaw ang nakabuntis sa kanya. Kaya bilang isang lalaki, inaasahan kong panindigan mo ang iyong ginawa sa anak ko,” ang pananakot ng ama ni Cathy.
“S-sige po. Pag-isipan ko,” ang sagot ni Kuya Renan.
“Hindi ako nagpunta rito upang pag-isipan mo pa ang pangyayaring ito, Renan. Ang hiningi ko ay panindigan mo ang iyong ginawa sa aking anak. Masisira siya sa school, masisira ang puri niya, masisira ang kinabukasan. Sa Miyerkules ay nakatakda na ang inyong kasal ni Cathy. Civil wedding. Nakausap ko na ang huwes na siyang hahawak sa inyong kasal. Alas 9:00 ng umaga,” ang sambit uli ng ama ni Cathy sabay tayo at timubmok ang pintuan. “Dapat ay sumipot ka Renan kung ayaw mong may mangyaring masama sa pamilya mo,” ang dugtong pa niyang pananakot bago tuluyang lumabas ng bahay.
Halos matulala kaming lahat sa aming narinig. Tiningnan namin si Kuya Renan.
Hindi nakaimik si Kuya Renan. Binitiwan lang niya ang isang malalim na buntong-hininga. Napailing. Ako man ay nalungkot din. Ngunit pilit na isiniksik ko sa aking isip na wala naman talaga akong karapatan kay kuya Renan. Una, hindi naman kami. Pangalawa, si Cathy ay nagdadalantao sa anak niya. Kaya kung ano man ang deissyon niya, pilit ko itong unawain.
Ipinagpatuloy namin ang aming hapunan. Nakakabingi ang katahimikan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
“Anong desisyon mo Kuya?” ang tanong ko nang kaming dalawa ay nasa kuwarto na niya. Nakatagilid akong paharap sa kanya samantalang siya ay nakatihaya, ang isang braso ay ipinatong sa kanyang noo na tila nag-isip ng malalim.
“Hindi ko alam, ‘Tol eh,” ang sagot niya. Lumingon siya sa akin, “Ikaw ba… ano ang opinion mo?”
“Eh… p-pakasalan mo na lang siya Kuya. May anak ka na sa kanya eh.”
“Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko at ganyang ugali nang kay Cathy mayroon ang ugali ng babae, pakakasalan mo pa rin ba siya?”
“Ewan. Hindi ko pa naranasan, eh.”
“Tange. Bakit ako, naranasan ko na rin ba ang magpakasal?”
“Eh, kung ‘di mo naman siya pakakasalan, baka may mangyari sa iyo... sa inyo ng inay mo.”
Tiningnan niya ako. “At pati sa iyo...”
“Kaya pakasalan mo na siya, Kuya.”
“Hindi ko alam...”
Iyon ang takbo ng aming pag-uusap. Hindi makapagdesisyon nang maigi si kuya Renan.
GABI BAGO ANG takdang kasal, lungkot na lungkot ang mukha ni kuya Renan. Tinanong siya ng kanyang inay kung sisipot ba siya sa kasal.
“Opo, nay,” ang sagot niya.
Nangungulit din si Cathy kay kuya Renan sa text kung sisipot ba siya. Ganoon din ang sagot ni kuya Renan. Sisipot siya.
Hanggang sa sumapit ang alas dose ng hating-gabi ay hindi pa rin nakatulog si kuya Renan. Bumalikwas siya sa kama at lumabas ng kuwarto, dala-dala ang kanyang cp. May tinawagan. Hindi ko na inalam kung sino.”
Hindi ko na lang siya pinakialaman. Nanatili akong nakahiga sa kama. Maya-maya ay tinawag niya ako.
Bumalikwas ako at umupo sa silyang katabi ng inuupuan niya. “Hindi ako dadalo sa kasal... Aalis ako. Nakausap ko ang aking kapatid na nasa Davao at doon ang tungo ko.”
Doon na nagsimulang mamuo ang aking mga luha. Masakit kasing pakinggan ang salitang “aalis”. Naranasan ko na ito nang iniwan ako ng aking inay. Natakot ako sa malaking posibilidad na muling mag-isa. Nahabag ako sa aking sarili. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking mga luha.
Pinahid niya ang mga luha ko. “Huwag kang umiyak, ok? Dapat ay matatag ka...”
Tumango ako bagamat patuloy pa rin ang pagpatak ng aking mga luha.
“Ngayon na ako aalis, ‘Tol. Bukas naman ng madaling araw ay paalisin ko ang inay...”
Doon na ako mas lalo pang umiyak. Napahikbi na ako. Sa isip ko kasi ay baka hindi na talaga sila babalik pa. “P-paano na lang ako, kuya?” ang tanong ko.
“Gusto mo bang sumama?”
“H-hindi ko po alam. P-parang hindi ko pa kayang iwan ang inay at ang bahay namin...”
“At ang pasok ninyo sa eskuwela ay hindi pa tapos, may mga tests pa kayo. Kailangan mong tapusin. Ikaw pa naman ang number one sa klase.”
“A-ako na lang ang maiiwan dito?”
“Hindi. Tatawagan natin si Mico. May number ka sa kanya?”
Tumango ako.
Doon na niya ako binatukan. Napa-“Araykopo!” naman ako. Ang sakit kaya ng pagbatok niya sa ulo ko.
“Sabi ko na nga bang nagkikita pa rin kayo eh!” ang bulyaw niya, tiningnan ako ng matulis.
“Eh... batchmate ko naman iyong tao kasi,” ang pangangatuwiran ko pa.
“Tawagan mo! Sabihin mong kakausapin ko.”
Dali-dali kong dinayal ang numero ni Mico. Naka-ilang dial din ako. Maya-maya, “H-hello Tol! Musta? Napatawag ka. Sensya na nakatulog na ako eh,” ang sagot sa kabilang linya.
Ngunit bago pa man ako makasagot ay hinablot na ni kuya ang tablet ko. “Si Kuya Renan ito ni Bugoy...”
“Ay k-kayo pala, k-kuya... a-ano pong a-atin?”
“May importanteng bagay akong ipakisuyo sa iyo. Importanteng-importante at urgent. Makakapunta ka ba rito ngayon na? Dalhin mo ang sasakyan mo?”
“O-opo. Opo... Ngayon na ba? As in ASAP na?”
“Oo. Ngayon na,” ang sagot ni kuya Renan at pinutol na ang linya.
Napatingin ako sa kanya. Iyong tingin na nagtatanong, sa isip ko ay kung seryoso ba talaga siya na ihabilin niya ako kay Mico samantalang ayaw na ayaw naman niya akong makipagkita pa sa tao at mas lalo nang ayaw niyang may mangyari uli sa amin.
“Ano?” ang tanong niya nang napansing tinititigan ko siya nang ganoon.
“Ihahabilin mo ako sa kanya?”
“Wala tayong choice, ‘Tol. Ikaw, may idea ba kung sino ang sasama sa iyo rito? May tao bang mas close sa iyo na puwedeng mapagkatiwalaan mo?”
“Paano mo nalaman na close ako kay Mico?”
Tinitigan niya ako. “Alam ko... may pagtingin siya sa iyo. Alam kong inaalagaan ka niya. Ilang beses kitang nakita sa bahay nila nang inihahatid ko si Cathy. Alam ko ring bigay niya iyang tab na gamit mo. May nabasa rin akong text niya sa tab mo, at ang sabi ay mahal ka niya. At noong umuwi ka sa bahay ninyo na naabutan kita? Nakita ko siya na nagtago sa may kisame ng bahay. Alam kong may ginawa kayo roon. Ngunit hindi ko na sinabi pa ito sa iyo dahil ayaw kong awayin kita. Gusto kong bigyan ka ng kalayaan. Kasi, kung hindi mo gusto ang mga nangyari sa inyo, iiwasan mo siya. Ngunit hindi. At ramdam kong gusto mo rin siya. Kaya wala akong magagawa.”
Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman sa sandaling iyon. Iyon bang natuwa na inintindi niya ako, ngunit na-guilty din dahil may itinatago ako, at baka nga inisip niya rin na si Mico talaga ang mahal ko. Parang lalong lumabo tuloy na paniwalaan niya akong mahal ko siya. “S-sorry kuya,” ang nasambit ko na lang na hindi makatingin-tingin sa kanya.
Niyakap niya ako.
Maya-maya ay narinig na namin ang ingay ng sasakyan na pumarada. Alam naming si Mico iyon. Agad siyang sinalubong ni Kuya Renan sa pintuan. Nang bumalik na si Kuya sa loob ng kuwarto, kasama na niya si Mico. Naka kulay grey na sweatshirt na may hood, naka-shorts na kulay blue. “Musta ‘Tol!” ang sambit niya nang nakita niya ako sa kuwarto ni Kuya Renan na nakaupo sa gilid ng kama.
Tiningnan ako ni Kuya Renan na ngumiti na nang-ismid, inobserbahan ang aking reaksyon. Iyon bang tila nang-iinsulto na hindi maintindihan kung nagseselos o nananadya. Parang iyong ang nasa isip niya ay gusto akong kantyawan, o okrayin ngunit hindi makakantyaw dahil respeto na lang sa tao. Parang gusto akong pagsabihan ng, ‘Hayan ang lover boy mo! At kinilig ka na naman!’ Ngunit hindi niya magawa dahil nasa harap namin iyong tao.”
“O-ok lang,” ang nahiya ko pang sagot hindi halos makatingin kay Mico at kay Kuya Renan.
Umupo si Mico sa isang upuan sa gilid ng mesa. Nanatiling nakatayo si Kuya Renan. “Aalis ako maya-maya at ang inay naman ay aalis bukas ng umaga... Iiwanan ko si Bugoy sa pangangalaga mo. Okay lang ba?”
Tiningnan ako ni Mico. “O-ok po. Ok lang po...”
“Alam mo naman siguro na wala na siyang mga magulang at sa akin siya inihahabilin...”
“O-opo. A-alam ko po. S-sinabi iyan sa akin ni Bugoy.”
Doon na sinabi ni Kuya Renan ang lahat kung bakit sila aalis. Seryoso na ang kanilang usapan. Tumango-tango lang si Mico sa mga sinasabi ni Kuya Renan. Muli na naman akong napaluha. Naramdaman ko na naman sa aking sarili ang matinding awa. Bumalik-balik sa aking isip ang pangungulila sa aking ama, ang pagpanaw ng aking ina, ang nag-iisa kong pamilya. Iyon paghabilin niya sa akin kay kuya Renan na natutunanan kong mahalin nang higit at mas malalim pa kaysa isang kuya. At sa pagkakataong iyon, ang paghabilin naman ni kuya Renan sa akin kay Mico. Para bang iyong feeling na pinaglaruan lang ako ng pagkakataon. Iyong pakiramdam na ipinapasa-pasa lang ako, iyong pakiramdam na talagang wala akong pamilya. Hindi ako nabelong. Muling nanumbalik na naman ang matinding sakit ng pag-iisa, ang sakit nang paglisan. Iyong aking pag-iisa, Iyong paglisan ng aking inay. At sa pagkakataong iyon ay ang nagbadyang paglisan naman ni Kuya Renan at ng kanyang inay na kumupkop n asana sa akin at natutunan ko nang mahalin bilang pamilya. Parang ayaw ko nang mabuhay pa. Parang hindi ko kaya na mag-isang muli.
Nang matapos na silang mag-usap, pinuntahan namin ang kuwarto ng kanyang inay. Nagulat ang kanyang inay sa pagkakita sa amin. Dinala kaming lahat ni Kuya Renan sa sala at doon na sila nag-usap at nagpaliwanagan tungkol sa plano ni Kuya Renan.
“Paano na lang ang bahay natin? Ang bangka na palaisdaan natin? Ang graduation mo?” ang mga tanong ng kanyang inay.
Sinagot naman ni Kuya Renan ang lahat. Ilalock lang ang bahay namin, ang palaisdaan ay ihahabilin niya rin kay Mico at sa kanyang daddy, kung may kita man ay hahatian daw ako, at iyong graduation ni Kuya Renan ay nakausap na raw niya ang kanyang dean na hindi na siya dadalo dahil may urgent na nangyari sa family, sa kanyang kapatid sa Davao na siya ring puntahan nilang mag-ina. At dinagdagan pa niya na babalik naman talaga sila, maghintay nga lang na malutas ang kanilang problema. Ipinaliwanag din ni Kuya Renan sa amin kung gaano kadelikado ang sitwasyon. “Nakita mo iyong dalawang taong kasama ng itay ni Cathy? Mga hired killer iyon, ‘Nay. May dalang mga baril iyon. Kaya nila tayong patayin nang hindi malalaman kung sino ang pumatay o kung saan nila itatapon ang ating bangkay,” ang dagdag-paliwanag ni Kuya Renan.
“P-paano si Bugoy?” ang tanong ng inay niya.
“Babalikan natin siya, Nay. May mga tests pa siya at sayang naman ang honors niya. Tayo ang pakay ng itay ni Cathy. Si Bugoy ay sa bahay nina Mico titira. Mas protektado siya roon dahil may mga tauhan sila ni Mico.”
Hindi naman nahirapan si Kuya Renan na kumbinsihin ang kanyang inay. Dali-daling tinungo ng kanyang inay ang kanyang kuwarto upang maghanda sa mga dadalhing damit at gamit. Si Kuya Renan naman ay nagtungo sa kanyang kuwarto at nag-impake na rin.
Maya-maya ay bumaba siya. “Ang mga dokumento mo ‘Tol na inihabilin ng inay mo sa akin – birth certificate, titulo ng lupa ninyo, ibibigay ko na muna sa iyo ha? Ingatan mo ang mga iyan. Kailanganin mo iyan balang araw,” ang sambit ni Kuya Renan habang iniabot sa akin ang isang envelope na nakasilid sa plastic.
Tinanggap ko ang dokumento. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadaramang sakit nang mapasakamay ko ito. Naghalo ang sakit ng mga ala-ala ko sa aking inay at ang sakit ng kanyang paglayo. “Totohanan na ba talaga itong pag-alis niya?” ang tanong ng isip ko. Ibinaling niya ang tingin niya kay Mico. “Ihatid mo ako sa terminal?” ang tanong niya.
“Opo... opo,” ang sagot naman ni Mico.
Tinumbok ni Kuya Renan ang kuwarto ng kanyang inay. “Nay, aalis na po ako!” ang sambit ni Kuya Renan sa labas ng kuwarto ng kayang inay.
Lumabas ang inay ni Kuya Renan. Niyakap niya ang anak. Tila may tumusok sa aking puso sa nakitang pagyayakapan nila. Naalala ko ang aking inay. “mag-ingat ka anak…” ang sambit ng kanyang inay.
“Opo. Kayo rin po,” ang sagot ni Kuya Renan. “Susunduin ko po kayo sa pier ng Davao. Susunduin ka namin ni Kuya.”
“S-sige, sige… alis ka na,” ang sagot naman ng kanyang inay.
Dali-dali kaming lumabas at sumakay sa pick-up ni Mico. Si Mico naman ay sa driver’s seat. Sasakay na sana ako sa tabi ng driver’s seat ngunit hinila ang kamay ko ni Kuya Renan. “Sa likod tayo!”
Kaya nag-isa lang si Mico sa harap at kaming dalawa ni Kuya Renan ang nasa likurang upuan.
Halos walang imik kami habang umaandar ang sasakyan ni Mico patungo sa terminal ng bus. Ang nasa isip ko ay ang magiging kalagayan ko, ang kalagayan namin, ang maaaring mangyaring tuluyan na kaming magkahiwalay at hindi ko na siya makikita.
Nanumbalik sa aking isip ang masasayang nakaraan. Noong buhay pa ang inay at napakasaya ko. Habang dumadaan ako sa bahay nina Kuya Renan ay kinakantyawan niya akong supot. Binabato ko siya, hanggang sa nagpatuli ako, at inaalagaan niya. Doon ko na-realize na gusto ko siya, na kahit ganoon pa ako kabata ay may naramdaman na ako para sa kanya. Hanggang sa may nangyari sa amin na lalo pang nagpatuliro sa aking isip.
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking mga luha. Tahimik na pinahid ko ang mga ito sa aking pisngi.
Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang paghawak ni Kuya Renan sa aking kamay, at isiningit niya ang kanyang mga daliri sa guwang ng aking mga daliri. Hinayaan ko lang ito. Hinigpitan niya ang paghawak sa aking kamay.
Pagkatapos, hinaplos niya ang itim na bracelet na bigay niya sa akin na sinuot ko. hinaplos-haplos ko rin ang bracelet na kamukha ng sa akin na suot niya sa kanyang pupulsuhan.
Binitiwan niya ang isang malalim na buntong-hininga. Tahimik ring nagda-drive si Mico. Marahil ay naramdaman niya ang aking nadaramang lungkot at takot.
Maya-maya ay dumating kami sa terminal ng bus. Huminto ang sasakyan sa isang parking lot. “Nandito na po tayo,” ang sambit ni Mico na lumingon sa amin.
Tinitigan ko si Kuya Renan. “Ma-miss kita kuya…” ang sabi kong patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.
Tinitigan din niya ako. At ang sunod na ginawa niya ay labis kong ikinagulat. Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa bibig!”
Bagamat natulala ako gawa nang naroon si Mico na nakatingin sa amin, sinuklian ko ang kanyang pagyakap at paghalik. Iyon na ang pinakamapusok at pinakamainit na yakap at halik na naranasan ko sa buong buhay ko. Para siyang isang gutom na tigre na lumalapa ng laman. Mistulang sarili namin ang mundo, walang pakialam sa mga tao sa paligid. Matagal ang aming paghahalikang iyon, sinulit ang pagnamnam ng magkahalong sarap at sakit ng halik ng pamamaalam.
Maya-maya ay kumalas siya. “Mamiss din kita, ‘Tol. Sobra. Pero huwag kang mag-alala. Babalik ako. Promise…” Kinuha niya ang kanyang dalawang bag atsaka binuksan ang pinto ng sasakyan. “Magpalit ako ng bagong sim card at tatawagan na lang kita kapag nakabili na ako,” ang pahabol niya.
Ibinaling niya ang kanyang paningin kay Mico. “Alagaan mo ang utol ko. Huwag kang gumawa ng kabulastugan sa kanya. Nakita ko ang kissmarks sa kanyang katawan nang nanggaling siya sa inyo! Makatikim ka sa akin!” ang pananakot niya sabay tampal sa pisngi ni Mico.
“O-opo Kuya…” ang sagot naman ni Mico habang hinaplos ang pisngi na natampal.
“Hihintayin kita rito Kuya! Promise,” ang pahabol kong sabi.
Napatingin sa akin si Mico. Halos hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang naisip niya nang nakita niyang naghalikan kami ni Kuya Renan, pati na ang sinabi ni Kuya Renan na nakita niya ang kissmarks na ginawa ni Mico sa akin.
Ngunit ayaw kong pagtuunan ng pansin ang mga nasa isip ni Mico. Nangingibabaw sa akin sa sandaling iyon ang paglayo ni Kuya Renan.
Ibinaling ko ang aking paningin sa naglalakad na si Kuya Renan. Nasa ganoon akong pagsunod ng tingin sa kanya nang mapadako ang tingin ko sa direksyon kung nasaan nakaparada ang bus. At laking gulat ko nang nakita ko ang may anim kataong mukhang mga hoodlums at namukhaan ko ang dalawa! Sila iyong nagpunta ng bahay namin na kasama ang ama ni Cathy! At may naka siksik na baril sa kanilang mga tagiliran!
Bigla akong kinabahan na baka sinadya nilang magtambay doon upang bantayan na hindi makatakas si Kuya Renan.
“Kuyaaaaaa!!!” ang sigaw ko.
---