By Michael Juha
Email: getmybox@hotmail.com
Fb: getmybox@yahoo.com
--------------------------
WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.
Lumingon sa akin si Kuya Renan. Dali-dali ko siyang minuwestrahan na bumalik. Hindi na ako sumigaw pa. Baka kasi mahalata.
Tumalima naman siya. Tila naintindihan niya ang aking body language. Ni hindi man lang lumingon sa kanila. Dali-dali siyang bumalik sa sakayan, dala-dala pa rin ang kanyang bag. Nang nasa sasakyan na siya, agad kong binuksan ang pinto at hinila siya. “Nariyan ang mga hoodlum kuya! Pasok ka uli!” ang pigil kong pagsasalita sa kanya.
Nang nasa loob na siya ng sasakyan, doon na niya inaninag ang grupo. “Iyang dalawa nga ang nagpunta sa bahay. Namukhaan ko sila!” ang sambit ni kuya Renan.
Maya-maya lang ay nakatingin na sa sasakyan namin ang isa sa kanila. Muli akong kinabahan nang tumayo ito at tinumbok ang aming kinaroroonan. “Paandarin mo na Mico!” ang pigil kong pagsigaw.
“Huwag. Magdududa sila,” ang sagot ni Mico na binuksan pa ang pinto na nasa driver’s seat.
“Anong ginawa mo???” ang tanong ko uli.
“Huwag kang ninirbiyusin. Kalma ka lang,” ang sagot niya at tuluyan na siyang lumabas atsaka isinara muli ang pinto.
Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. Syempre, nagtaka kami sa kanyang inasal. Iyon bang hayan, nariyan ang mga taong kinatatakutan namin at siya naman itong walang takot na humarap sa kanila.
Nang ibinaling namin ang aming paningin kay Mico, nagulat kami sa hindi inaasahan. Nag-usap ang dalawa at pagkatapos ay nagkamay! At maya-maya lang ay nagtawanan na! Sinabayan pa ni Mico ang hoodlum pabalik sa grupo nila. Pagkatapos ay tila inintroduce siya sa lima nitong kasamahan. Nakipagkamay din siya sa kanila. Pagkatapos ay nagkuwentuhan at nagtawanan.
“Ano kaya niya ang mga iyon?” ang tanong ni Kuya Renan.
“Malay ko ba,” ang sagot ko. “A-anong plano mo ngayon?”
“Di ko alam. Hintayin natin si Mico.”
Napatingin ako sa kanya. “Kailan ka babalik?”
“Sa summer siguro. Pero kung hindi pa rin ok rito, kunin kita. Doon ka mag-aral kung saan man ako. Bahala na.”
“Ma-miss kita eh.”
“Ma-miss din kita, ‘tol.”
Nahinto ang aming pag-uusap nang biglang bumukas ang driver’s seat.
“Anong nangyari?” Ang tanong agad ni Kuya Renan kay Mico.
“Kilala ko iyong isa na tutungo sana sa atin at i-check ang sasakyan. Nang gobernador pa ang papa ko, may mga bodyguards siya at isa iyong pupunta sana sa sasakyan natin. Siya ang pinagkakatiwalaan ng papa ko noon. Iyang iba ay ‘di ko kilala. Trained hitmen ang mga iyan at for hire.”
“G-ganoon ba? Bakit daw sila nariyan?” ang tanong ko naman.
“Binantayan nga nila si kuya…” ang turo niya kay kuya Renan “…at balak nilang kapag nahuli nila si kuya ay kikidnapin nila siya atsaka isa-salvage,” ang paliwanag ni Mico habang sinimulang paandarin ang sasakyan.
“Anong sabi mo tungkol kay kuya Renan? Nakita siya noong isang kasama nila, eh.”
“Hindi nila namukhaan si kuya. Sinabi kong bisita siya ni papa at isang turista na nagdadalawang-isip kung tutungo sa private resort sa kabilang bayan o hintayin na lang ang bukas dahil bakante si papa at upang samahan siya roon dahil kaibigan ni papa ang may-ari ng resort na iyon.”
“Ah… mabuti naman,” ang sagot ko. “S-saan na tayo patungo ngayon?” dugtong ko.
“Sa terminal ng kabilang munisipyo tayo pupunta. May isang oras lang naman ang biyahe mula rito. Pero magcheck-in muna tayo sa isang hotel dahil alas 5 pa ng umaga ang first trip” ang sagot ni Mico.
“Ang problema natin ay si inay. Dapat pala ay kasabay ko na lang siya. Uuwi na lang muna tayo, Mico. Sabay na lang kami ng inay bukas sa terminal ng kabilang bayan.”
“Huwag Kuya. Malakas ang kutob ko na pinababantayan na rin ang bahay ninyo. Kaya mag-hotel na lang muna tayo. Tatawagan ko ang driver-bodyguard ni papa upang ipasundo ko sa kanya ang inay mo. Mas maganda ring tawagan mo na ang inay mo upang makapaghanda siya kapag dumating na ang driver-bodyguard.”
“Ok, ok…” ang sagot ni kuya Renan na kinuha ang cp niya at nagsimulang mag-dial.
“Bale doon na lang tayong lahat magkita sa hotel. Mula roon ay aalis tayo patungong bus station bago mag alas-5 ng umaga,” ang dugtong ni Mico na kinuha rin ang kanyang cp, ipinasa sa akin, binigyan ako ng instruction kung alin sa kanyang phonebook ang number ng driver nila atsaka at ipinadayal iyon sa akin. Nang nacontact na, kinausap na niya ito at binigyan ng instruction.
Samantala, nakausap na rin ni Kuya Renan ang kanyang inay at nagkaintindihan sila.
Halos isang oras din ang pag-drive ni Mico bago marating ang isang hotel malapit sa terminal ng kabilang bayan.
“Two rooms ba sir?” ang tanong ng front desk nang nakapasok na kami sa nasabing hotel.
Nilingon kami ni Mico. “Two rooms?” ang tanong niya sa amin.
Sasagutin ko na sana ng “Two rooms” dahil gusto kong makasarinlan si Kuya Renan at mayakap sa huling pagkakataong iyon. Ngunit naunahan ako ni Kuya Renan. “Isa na lang para makatipid tayo,” ang sambit niya. Marahil ay nahiya siya dahil sagot iyon ni Mico ang bayad, gamit ang credit card niya.
“Isang kuwarto please,” ang sagot niya sa front desk.
Nang nakapasok na kami sa kuwarto ay agad kong tinumbok ang kama at ibingasak ang aking katawan. Natuwa kasi ako dahil VIP ang kuwarto na kinuha ni Mico. Matrimonial ang kama, iyong solo bed na pang-dalawahan. Bagamat kinabahan pa rin ako sa aming kalagayan, nagawa ko pa ring ma-appreciate ang ganda ng hotel. Unang pagkakataon ko kasing makapasok ng hotel.
Agad namang inilatag ni Kuya Renan ang kanyang bag. Nang nakita niyang tumabi sa akin si Mico sa higaan, minabuti niyang maupo na lang sa isang silya sa gilid ng kama, sa harap ng TV. Kinuha niya ang remote control at pinaandar ang TV. Nanood siya. Nakipanood kami. Halos wala kaming imikan.
Maya-maya ay hindi rin ako nakatiis. “Kuya… Higa ka rito sa tabi ko. Bibiyahe ka pa mamaya, kailangan mong magpahinga para maka-ipon ng lakas.
“Huwag na, dito na ako,” ang sagot niya.
Biglang bumalikwas si Mico sa kama. “Sige na Kuya, tabi na kayo ni Bugoy,” ang sambit niya habang tinumbok ang isa pang silya.
“Ito naman… bumalik ka roon sa kama. Tabihan mo si Bugoy,” ang sambit ni Kuya Renan kay Mico.
“Eh… ikaw ang gusto niyang katabi eh,” ang sagot naman ni Mico na tila may halong pagseselos.
“Mico naman eh. Wala naman akong sinabing si Kuya Renan ang gusto kong makatabi. Gusto ko lang makapagpahinga siya dahil nga magbibiyahe pa siya…” ang pangangatuwiran ko naman bagamat hindi ko maitatwa na sa loob-loob ko ay gusto ko talagang makatabi si Kuya Renan. Paalis na kasi iyong tao at gusto kong sanang sulitin ang aming pagtabi sa huling sandali. Kung maaari nga lang sana ay gusto kong kami lang dalawa ang nasa loob ng kuwartong iyon.
“O, e wala naman palang problema. Sige na, tabihan mo na siya. Dito lang ako. Ok lang sa akin ditto,” ang sambit naman ni kuya Renan na hindi ko mawari kung may pagseselos din o iyong pride na nagpapa-presyo lang.
Sa inis ko ay bumalikwas na rin ako sa higaan, tinumbok ang isang sulok at naupo sa sahig at isinandal ang likod sa dingding, nakaharap sa TV.
Napatingin silang dalawa sa akin. “Anong nangyari?” Ang tanong ni kuya Renan na halatang naguluhan.
“Ayaw ninyong tumabi sa akin, e. ‘di kayo na lang dalawa ang magtabi riyan!” ang padabog kong sagot.
Dali-daling tumayo si Mico at tinabihan ako sa pag-upo, nanunuyo. “Ito naman o, nagtatampo agad. Gusto naman kitang makatabi eh. Alam mo iyan. Ikaw pa… Tara higa ka na roon.” Ganyan kasi si Mico. Alam niya ang ugali ko, at kapag ganyang alam niyang nagtatampo ako susuyuin ako niyan, halos luluhod na nga lang iyan sa harap ko kapag nanunuyo para lang mapawi ang galit o tampo ko.
Tiningnan ko si kuya Renan. Dedma lang siya. Alam ko, nakikinig siya sa amin ni Mico at alam niyang nagtatampo ako. Ganyan din kasi ang ugali ni Kuya Renan. Iyon bang playing hard to get, ayaw ng ka-dramahan. Ayaw pahalata na apektado siya. Ngunit kapag bumigay naman, magulat ka na lang. Iyon bang pahihirapan ka muna at pagkatapos naman ay pakikiligin. Iyan ang style niya.
“Sige na… tara na, tabi na tayo,” ang panunuyo pa rin ni Mico sa akin habang hinila niya ang aking bisig upang tumayo.
Tumayo na lang ako. Naisip ko kasing hindi maganda kung gagawa pa ako ng eksena. Nakakahiya kay Mico na siyang nagsakripisyo para makaeskapo lang si Kuya Renan. Tapos, hayun, ako pa ang itong magdagdag ng pabigat. Kaya tumalima ako sa sinabi ni Mico. Nahiga ako sa kama, si Mico ay nahiga rin sa kaliwang gilid ko, may kaunting guwang sa pagitan namin. Bagamat nagmamaktol ang aking isip, tumahimik na ako at nakipanuod ng TV.
Maya-maya, tumayo si Kuya Renan. At doon na ako natuwa nang tinumbok niya ang kabilang gilid ng kama, pinisil ang aking ilong sabay sabing, “Kulit!” at humiga sa aking tabi at sinadya pa talagang ipatong ang gilid ng katawan niya sa katawan ko! Iyon bang naglalambing. Ewan. Baka hindi rin niya natiis na nakita niya si Mico na katabi ko sa ibabaw ng kama.
“Arrgggghhh! Ang bigat eh!” ang kunyaring pagrereklamo ko bagamat natuwa ako sa kanyang inasta.
Hindi siya sumagot. Inayos na lang niya ang kanyang paghiga.
Tahimik.
Pareho kaming nakatihayang tatlo, nanuod ng TV. Ang mga kamay ni Mico ay nakapatong sa kanyang tiyan habang ang isang kamay naman ni Kuya Renan ay nakapatong sa kanyang noo. Halos walang gumalaw sa aming tatlo, nagpakiramdaman kumbaga. Ngunit maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Kuya Renan, iyong nakpatong sa kanyang noon a sa tagiliran ko lang. naramdaman kong lihim na kinalmot-kalmot niya ang aking tagliliran. Ibinaba ko na rin ang aking kamay na nasa tagiliran niya. Doon ay isiningit niya ang kanyang mga daliri sa guwang ng aking mga daliri. Hinigpitan niya ang paghawak noon. Naghawakan kami ng aming mga kamay. Maya-maya ay tinangggal niya ang paglapat ng aming mga palad at iginuri-guri ang kanyang daliri sa mismong palad ko.
Hinayaan ko lang siya. Nakikiliti man, hindi ako gumalaw gawa nang ayaw kong mahalata ni Mico na tila nag-uusap ang aming mga kamay ni Kuya Renan.
Maya-maya naman, naramdaman ko ang kamay ni Mico na hinawakan ang kabila kong kamay. Nag-holding hands din kami. Pinisil-pisil niya ang aking mga kamay na mistulang nagpaparamdam na iyong, parang ang sabi ay “musta ka na, na-miss kita, gusto kitang halikan…” lingid sa kaalaman ni Kuya Renan. Kami naman ni Kuya Renan ay nag-uusap sa pamamagitan ng aming mga kamay, lingid din sa kaalaman ni Mico.
Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman. Si Kuya Renan ay alam na nanligaw sa akin si Mico. Si Mico naman ay nakita ang aming paghahalikan ni Kuya Renan. Parang ewan, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng dalawang lalaking aking katabi. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Nakaharap kaming tatlo sa monitor ng TV ngunit lumilipad ang aking isip. Magkahalong lungkot, kaba, kilig ang aking naramdaman sa tagpong iyon.
Maya-maya ay naputol ang aking pagmumuni-muni nang tumunog ang intercom.
Bumalikwas si Mico at sinagot ang tawag. “Narito na raw ang inay mo, kuya…” ang sambit niya kay Kuya Renan nang ibinaba na niya ang receiver ng telepono.
“Ganoon ba? Mabuti naman. Salubungin ko siya” ang sambit ni Kuya Renan.
“Ako na lang po. Kakausapin ko rin iyong driver namin na huwag magsalita kahit kanino tungkol sa sitwasyon natin…” ang sagot naman ni Mico sabay tumbok sa pintuan at dali-daling lumabas.
Nang wala na si Mico. “Mahal mo iyon?” ang tanong ni Kuya Renan.
“Owww?” ang gulat kong reaksyon sa tanong niya. “Anong klaseng tanong iyan?”
“Wala lang…” ang sagot ni Kuya Renan.
“Hindi ko mahal iyon ah! Paano mo nasabi iyan?”
“E, may nangyari na sa inyo eh.”
“E, kapag may nangyari na ba sa dalawang tao, mahal na kaagad?”
“Malay ko...”
“Tayo... may nangyari na sa atin, mahal mo ba ako?” ang pagbalik ko rin sa tanong niya.
“Mahal naman talaga kita eh. Kaso… ‘di ba ayaw ng inay mo na maging bakla ka? At ako naman ay lalaki. Ang hinahanap ko ay babae.”
Tila may sibat na tumusok sa aking puso sa kanyang sagot. Nalito ako sa sinabi niyang mahal ako ngunit siya ay lalaki. “Sinabi rin ba ng inay iyan sa iyo na ayaw niyang maging bakla ako?”
“Oo…”
“Bakit mo ako mahal samantalang ang sabi mo ay lalaki ka, at ang hanap mo ay babae? Bakit ginawa mo pa rin sa akin ang bagay na iyon? Tapos, nilabag mo pa ang sinabi ng inay na ayaw niyang maging bakla ako. Paano ako magiging lalaki kung palagi mong ipinapagawa sa akin ang bagay na iyon? Paano ako magiging lalaki kung dahil sa ipinapagawa mo ay hahanap-hanapin ko na ito?”
“Sa ngayon ay hindi mo pa maintindihan ang lahat.”
“Ano? Ano ang hindi ko maintindihan?”
Hindi na siya sumagot. Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang aking magkabilang pisngi. Tinitigan niya ako, iyong titig na tila nanunuyo. Maya-maya lang ay inilapat na niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko.
Kahit nalilito ako sa mga sinasabi niya, wala akong nagawa kundi ang suklian ang kanyang mga halik. Nagyakapan kami. Mahigpit.
Hinawi niya ang kanyang t-shirt at iginiya ng kanyang kamay ang aking kamay sa kanyang tiyan, sa kanyang abs. Damang-dama ko sa aking palad ang mga balahibong nakahilera sa parte ng katawan niyang iyon. Hinaplos ko ito nang hinaplos habang patuloy ang paglapat ng aming mga labi.
Maya-maya ay tumayo siya. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila niya ako patungo sa isang gilid ng kuwarto. Doon siya tumayo, isinandal niya ang kanyang likod sa dingding. Muli kaming nagyakapan at naghalikan. Maya-maya uli ay hinawakan niya ang aking kamay at muling iginiya niya iyon sa kanyang abs, sa ilalim ng kanyang t-shirt. Kinapa ko ang bahagi na iyon ng kanyang katawan. Hinila niya ang harapang dulo ng kanyang t-shirt at kinagat ito upang hindi malaglag at tumakip sa kanyang tiyan.
Lalo pa akong nag-init sa nakita niyang ayos na nakasandal sa dingding ang itaas na bahagi ng kanyang likuran habang ang kanyang harapan naman ay nakadiin paharap sa akin. Tapos kagat-kagat pa niya ang harapang dulo ng kanyang T-shirt. Para siyang isang modelo na nagpapalitrato ng nanunuksong kuha.
Lumuhod ako sa kanyang harapan. Muli kong hinagod sa aking mga kamay ang mga balahibo sa ibaba lang ng kanyang pusod. hanggang sa hindi rin ako nakatiis at inilapat ko ang aking bibig doon. Inamoy-amoy ko muna ang mabalahibong parteng iyon ng kanyang katawan.
“Ahhhhh.,” ang narinig kong ungol ni Kuya Renan nang lumapat ang aking bibig sa bahaging iyon. Naramdaman ko na rin ang bahagyang pagkanyod niya na tila nang-uudyok na ibaba ko pa ang aking bibig.
Dahil nag-init na rin ang aking katawan, tuluyan nang iginapang ko ang aking bibig pababa patungo sa mismong waistline ng kanyang maong na pantalon. Nang nasagi ng akong bibig ang mismong butones ng kanyang waistline, dali-dali kong tinanggal iyon. Wala siyang sinturon kaya malaya kong natanggal iyon.
Kitang-kita ko ang malaki at mahabang nakapahiris na bukol na bumakat sa kanyang puting brief. Tila natuyuan ako ng laway sa pagkakita noon.
Dali-dali kong hinawakan ang garter ng kanyang brief at hinawi iyon. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang brief upang dukutin ang nakapahiris na ari niya nang bigla. Sobrang lakas ng kalampag ng aking dibdib sa eksena naming iyon.
Nahawakan ko na ang kanyang tigas na tigas na p*********i nang siya namang pagkarinig ko ng, “Riiiiiinnnng! Riiiiiiiinnnnnnnng!” ang tunog ang doorbell.
Gulat na napahawak si Kuya Renan sa kanyang harapan at kinapa ang zipper at dali-daling itinaas ito. Ako naman ay biglang napatayo. Tiningnan niya ako. Napangiti ng hilaw sabay bigay ng mabilisang halik sa aking labi. “Istorbong mga to ah!” ang bulong niya, sabay yakap din sa akin ng mahigpit.
Napayakap na rin ako sa kanya ng mahigpit. Sa isip ko ay may panghihinayang.
“Riiiiiinnnng! Riiiiiiiinnnnnnnng!” ang muling pagtunog ng doorbell.
Dali-daling tinumbok ni Kuya Renan ang pintuan at tiningnan mula sa maliit na butas nito kung sino ang nasa labas. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto.
Pumasok sina Mico at inay ni Kuya Renan. Dala-dala nila ang kanyang mga gamit. Dala na rin niya ang aking mga gamit. “Dinala ko na lang iyan, Bugoy upang hindi ka na babalik pa roon. Delikado kung makita ka nila roon. Siguradong pupuntahan nila ang bahay. Ini-lock ko na rin iyon.”
“S-salamat po inay” ang sagot ko habang kinuha ang bag ko mula sa kanya.
“At kapag nakumpleto mo na ang mga tests mo, huwag ka munang gumala-gala ha? Kina Mico ka na lang muna. Hanggang babalikan ka ng Kuya Renan mo.”
“Opo, inay.”
“Alas 5 ang alis natin ‘nay. 4:30 pa lang ay check-out na tayo rito sa hotel,” ang sambit ni Kuya Renan. Tiningnan niya ang kanyang relo. “Alas 2:00 pa lang ng madaling araw kaya may mahigit dalawang oras pa tayong makapagpahinga rito.
“Ihahatid ko muna ang inay mo Kuya sa kabilang kuwarto. Kung gusto mo ay samahan mo na rin siya roon,” ang sambit ni Mico.
Nagkatinginan kami ni Kuya Renan. Marahil ay naisip niyang kung sasamahan niya ang inay niya sa kabilang kuwarto, kaming dalawa lang ni Mico ang maiiwan, kung makakapayag ba siya. “Ah… ang inay na lang doon. Ok lang siya roon,” ang sagot ni Kuya Renan.
Kaa sinamahan na lang naming ihatid ang inay ni Kuya Renan sa kanyang kuwarto. Nang nakabalik na kaming tatlo sa aming kuwarto, ganoon na naman ang aming set-up. Pinagitnaan nila ako. Ganoon pa rin, holding hands sa isa, ang isa naman ay nilalaro ang aking kamay.
Iyon ang eksena hanggang sa nakatulog na ako.
Eksaktong alas 4:30 ay lumisan kami ng hotel patungong estasyon ng bus. Wala namang sagabal sa plano. Maayos na nakarating kami sa lugar at sa mismong estasyon ng bus ay wala kaming nakitang kahina-hinalang mga taong maaaring nagmanman sa mga kilos namin. Naroon na rin ang mismong bus na sasakyan nina Kuya Renan at kanyang inay, may mga sakay na at handa nang umalis. Nang sinimulan nang bitbitin nina Kuya Renan at Mico ang mga bagahe nila mula sa pick up ni Mico patungo sa bus, doon na ako muling nakadama ng matinding lungkot. Nakitulong na rin akong bitbitin ang iba pa nilang mga bagahe. Binitbit ko rin sa isa kong kamay ang aking sariling bagahe. Ewan ko, sa ayos kong iyon ay feeling ko, sasama rin ako sa kanila.
Hinatid namin sila sa mismong bus na nagsimula nang umandar. Nang nailagay na ng kunduktor ang mga bagahe sa compartment ng bus niyakap ako ng inay ni Kuya Renan bago siya pumasok ng bus. Si Kuya Renan naman ay nagpaiwan pa sa labas at inalo ako. Hindi ko naman mapigilan ang sariling huwag tumulo ang mga luha. “Mag-ingat ka rito palagi ha? Babalikan kita kaagad, promise ko iyan sa iyo. At magpakabait ka…” ang sabi niya. Pagkatapos ay hinugot niya ang kanyang wallet at binigyan ako ng isang libong piso.
Tinanggap ko ang ibinigay niya. “Opo kuya… Hihintayin kita,” ang sagot ko. Sa aming postura ay para kaming magsing-irog na nakatakdang maghiwalay sa oras na iyon. Kung hindi lang ako mukhang bunso niya, sasabihin siguro ng mga taong magsyota talaga kami. Ngunit dahil bunso akong tingnan, ang lahat na nakakakita sa amin ay naawa na lang, ang iba ay na-kyutan na hayun nag-iiyak ako at hindi halos mabitiw-bitiwan ang pagyakap sa aking Kuya.
Nahinto lang ang pagyayakapan namin nang sumigaw na ang kunduktor na aalis na ang bus. Wala na akong nagawa kundi ang pakawalan siya. Sinundan ko pa ng tingin ang pag-akyat niya sa bus habang kumakaway sa akin.
Sobrang sakit ng eksenang iyon. Nang magsmula nang umarangkada ang bus mula sa aking kinaroroonan, nanatili lang akong nakatayo roon, hawak-hawak ko ang sariling bagahe, pinagmasdan ang bus na unti-unting naglaho sa aking paningin. Sa sandaling iyon ay parang biglang gumuho ang aking mundo. Parang aksidenteng napadpad ako sa isang lugar na hindi ko na alam kung saan. Kagaya ni Kuya Renan, para rin akong naglakbay, bagamat mag-isa at patungo sa kabilang direksyon na kanyang patutunguhan. Parang na-dis-orient bigla ang aking isip. Pakiramdam ko ay muli na naman akong nag-isa sa mundo, hindi alam kung ano ang gagawin, kung saan patungo. Naalala ko na naman ang araw ng pagpanaw ng aking inay. Tila ganoon din ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Sobrang sakit…
Nang tuluyan nang nawala ang bus sa aking paningin, saka pa ako bumalik kay Mico, sa sasakyan niyang nakaparada sa ‘di kalayuan. Bagamat pinilit ko, hindi ko magawang pigilan ang patuloy na pagpatak ng aking mga luha. Nang nakapasok na ako sa sasakyan, sa tabi niya, ibinaling ko na lang ang aking paningin sa ibang direksyon upang hindi niya ako mahalata.
Wala ring imik si Mico sa pagpasok ko sa sasakyan. Tahimik niyang pinaandar ito.
“S-so… m-may relasyon ba kayo ng Kuya Renan mo?” ang pagbasag ni Mico sa katahimikan. Hindi pa rin siya lumingon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa kanyang isip.
Mistulang hinataw ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa tanong niyang iyon. Nilingon ko siya. “Wala…” ang sagot ko.
“Bakit ka niya hinalikan sa bibig kagabi sa terminal kung wala?”
“Hindi ko alam.”
“Hindi mo alam? Hahalik lang ba ang isang tao sa bibig kung walang dahilan?”
“Hindi ko nga alam, e. Ang kulit mo. Kagaya natin, naghahalikan. May relasyon ba tayo? Wala naman, ‘di ba?” ang sagot kong nairita.
“Wala nga…” ang sagot niya at bahagyang natahimik. “…pero mahal kita” ang dugtong niya. Nilingon niya ako. “Sino ang nagmamahal sa inyong dalawa? Ikaw ba o siya?”
Doon na ako napikon. Kasi, natumbok niya. Gusto ko mang aminin na ako ang nagmamahal ngunit ayoko dahil wala namang sinabi si Kuya Renan na mahal din niya ako. Isa pa, ayokong saktan siya. Siya na nga ang tumulong at nagsakripisyo, pati ba naman sa akin ay masasaktan din siya. “Mico naman eh! Ayaw ko ng ganyan! Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ko? Kung ganyan lang din na pahirapan mo ako sa katatanong mo, ihinto mo na lang ang sasakyan, babalik ako sa bayan na nag-iisa. May bahay pa naman kami ng inay, doon na ako.”
“Tangi. E, ‘di kung nahuli ka nila, kaninong kasalanan iyan?”
“Kung iyan lang pala ang kinatatakutan mo na masisi ka kapag may mangyari sa akin, puwede naman akong gumawa ng sulat eh. Sasabihin ko sa sulat na wala kang kasalanan, na wala kang pananagutan. Para kapag namatay ako, walang sisisi sa iyo. Iyan lang pala ang dahilan kung bakit mo ako tinulungan?”
“Ito naman o. Na-misinterpret mo naman ang sinabi ko eh. Sige na, sorry na… Kung ‘di lang kita mahal.”
“Puwede namang hindi mo ako mahalin, eh,” ang pabalang ko pa ring sagot.
“Ang sakit mo namang magsalita…” Iyon na ang huling sinabi niya. Hindi na siya nagsalita pa. Tahimik na lang siyang nagdrive. At dahil nakonsiyensya ako, nag-sorry din ako.
“Wala iyon. Ikaw pa. Ang lakas mo sa akin,” sabay bitiw ng isang ngiti, at pinisil pa ang pisngi ko.
NAKARATING kami ng bahay nina Mico lampas alas 7 ng umaga. Nasa hapag kainan na ang kanyang mga magulang. Sinabayan na lang namin sila sa pagkain. Nagtaka ang mga magulang ni Mico kung bakit may dala-dala akong bag, at kung saan kami nanggaling sa umagang iyon.
Ikinuwento ni Mico sa kanyang papa at mama ang lahat, pati ang dati niyang alalay na naroon sa bus station at kasali na ng mga hoodlum na naghanap kina Kuya Renan ay ikinuwento niya rin. Nagpaalam na rin si Mico na sa kanila muna ako titira dahil nga sa banta sa aking buhay.
“Walang problema. Hanggang narito ka sa aking poder, ligtas ka. Walang makakagalaw sa iyo,” ang sabi ng papa ni Mico. “Saang kuwarto mo siya patutulugin, Mico?”
“S-sa kuwarto ko na lang po, papa. Maluwag naman iyon. Mabuti kung sa iisang kuwarto lang kami upang mabantayan ko siya.”
“Mas maigi…”
Pagkatapos ng agahan ay dumiretso na kami sa kuwarto ni Mico. Sabado naman kasi iyon kaya walang pasok. Gusto ko sanang mag-review gawa ng final tests na namin sa darating na linggo ngunit nawalan ako ng gana. kaya nagmukmok na lang ako. Hindi ko pa tanggap na wala na si Kuya Renan. Hindi ko pa tanggap na bagong mundo na naman ang aking tatahakin. Naupo ako sa gilid ng bintana ng kuwarto, nakatingin sa kawalan.
“Gusto mo bang manuod ng palabas?” ang tanong ni Mico na napansin ang matinding kalungkutan ko.
Umiling ako.
Hinayaan na lang niya ako. Umupo rin siya sa tabi ko. Walang imik. Iyon na ang huli kong natandaan. Nakatulog pala ako sa ganoong posisyon na nakaupo. Marahil ay dahil iyon sa sobrang pagod at stress sa mga nangyari sa nakaraang gabi. Nang nagising ako, nakasandal pala ako sa kanyang bisig, habang niyayakap ni Mico.
“G-gising ka na?” Ang sambit niya nang gumalaw ako at kinuskos ko ang aking mga mata. Nang nakita ko siya, nabigla naman ako. Hindi pa kasi na-kundisyon ang aking utak na naroon ako sa ibang pamamahay. Dati-rati, sa paggising ko, ang mukha ni Kuya Renan agad ang aking nakikita. Ngunit ibang mukha ang nakita ko sa pagkakataong iyon. Doon ko na naalala na wala na pala ako sa bahay nina Kuya Renan. Nagsimula na namang gumapang ang matinding lungkot sa aking kalooban.
“Lipat ka na sa kama, para makapagpahinga ka ng mas maayos,” ang sambit ni Mico.
Ngunit hindi ko siya sinagot. Ang nasa aking isip ay si kuya Renan. Kung ano ang nangyari sa kanya, kung nakatulog ba siya, kung kumain na... Ang sabi kasi niya ay may labing-dalawang oras ang biyahe. Kaya siguradong nasa hi-way pa sila sa mga oras na iyon.
Tiningnan ko ang wall clock sa kanyang kuwarto. Ala-una na pala ng hapon. Napansin ni Mico tiningnan ko ang wall clock. “Magpadala na lang pala ako ng pagkain dito,” ang sambit niya.
“Wala akong gana eh,” ang sagot ko naman.
“Kapag natikman mo ang ipinaluto kong crispy pata kay yaya, siguradong gaganahan kang kumain.” Lumabas siya at at maya-maya lang ay dumating na ang katulong nila at may dala itong mga pagkain. At maya-maya lang din ay bumalik uli siya at nagdala ng beer.
“Sige kain ka. Pagkatapos ay mag-inuman tayo para malimutan mo si Kuya Renan mo habang manuod tayo ng palabas. Anong gusto mong palabas? Comedy?’
Kumain kami at nang matapos ay nagsimulang mag-inum. Pinaandar naman niya ang kanyang DVD. Comedy ang pinili niyang ipalabas. Ngunit hindi ako matawa-tawa. Kahit ginagaya ni Mico ang mga nakakatawang eksena ng palabas at tawa nang tawa, hindi ko pa rin magawang tumawa. Matindi pa rin ang aking nadaramang lungkot.
Lasing na ako nang nagsimula na akong mag-iiyak. Ang bukang-bibig ko palagi ay si Kuya Renan. Hindi naman ako kinontra ni Mico. Sinasakyan lang niya ako. Ewan kung nakahalata siyang mahal ko si Kuya Renan ngunit dahil sa matindi kong pangungulila kaya hindi ko mapigilang magsalita tungkol sa kanya.
Niyakap-yakap na lang ako ni Mico. Hanggang lasing na lasing na ako at naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng aming mga labi. At sa pagkakataong iyon, muling nangyari sa amin ni Mico ang bagay na iyon.
Kinabukasan ay masaya ako sa aking paggising. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Kuya Renan at ang sabi ay nakarating na sila ng Davao at maayos na sila roon. Binigyan din niya ako ng payo. “Siguraduhin mong mag-aral ka para maganda pa rin ang resulta ng test mo. Pagkatapos ng lahat ng tests ninyo at natapos mo na ang clearance, huwag ka nang maglalabas-labas pa para iwas disgrasya. Basta, antayin mo ako, kukunin kita riyan,” ang text niya.
“Opo…” ang sagot ko.
Kaya sa araw na iyon ay ginanahan akong mag-aral.
Natuwa naman si Mico sa napansin niya sa akin. Kahit nasa loob lang kami ng bahay nila, halos tanggap ko na ito. Dahil magka-batch naman kami ni Mico, kaming dalawa ang nag-aral at tinutulungan ko rin siya sa kanyang pagre-review.
Tuwang-tuwa naman ang mga magulang niya na nakitang seryoso ang kanilang anak na sa pagrereview. ”O baka naman ma-perfect niya ang mga tests Bugoy at hindi na tuloy paniniwalaan ang resulta?” ang biro ng papa niya.
“Ah, grabe naman si papa. ‘Di ba puwedeng minana ko sa iyo ang katalinuhan at ngayon ko lang sineryoso?” ang sagot naman ni Mico.
“Ay magtatampo naman ako niyan. Dapat ay minana mo rin sa akin,” ang saogt naman ng mama ni Mico.
Tawanan.
Kinabukasan, Lunes, masaya kaming pumasok ni Mico sa klase. Pareho kasi kaming handa. Siya naman, masaya na nakitang masaya na ako. Ako naman, masaya dahil palagi nang nagti-text na sa akin si Kuya Renan. Pagkatapos ng pagsusulit sa araw na iyon ay sabay rin kaming umuwi. Tila nabura na sa aking isip ang mga pangyayari tungkol kay Cathy, sa kasal nila ni kuya Renan na nabasura, sa sa banta niya sa aming buhay, sa mga hitmen… Hindi ko na rin inalam pa ang nangyari sa kanya. Nang magtext muli si kuya Renan, sinabi kong okay kami at wala na akong narinig pa tungkol kay Cathy at sa kanyang papa, o kung ano man ang kinahahantungan sa kasal na hindi niya sinipot.
Kinagabihan naman ay nag-review kaming muli, sa front lawn nila, sa gilid ng swimming pool. Ang saya-saya ko na. Pagkatapos naman ng aming review ay nagtungo kami sa kusina, nagpaturo akong magluto sa kanilang katulong. Gusto ko kasing magluto. Ang ganda kasi ng kanilang mga lutuan at mga gamit, pati na mga ingredietns ay kumpleto. Kumbaga, kahit anong klaseng pagkain ang gusto mong iluto ay puwede. Ang laki kaya ng kanilang refrigerator at freezer.
Nagpaturo akong gumawa ng cake. Sinabi lang sa akin ng katulong ang paraan at ako na ang gumawa noon. Nag-assist lang si Mico sa akin kung paano gamitin ang oven, saan nakalagay ang gamit... Nang natapos na, tuwang-tuwa ako sa aking nagawa. Sa buong buhay ko ay noon lang ako nakagawa ng cake. “Ang galing mo palang mag-bake!” ang sambit ni Mico na tuwang tuwa rin. Ang ginawa kong iyon ay ang siya naming miryenda sa kuwarto niya. “Bukas uli gusto kong matutong magluto ng ulam, iyong kare-kare,” ang sambit ko.
“Huwag mo naman masyadong galingan ang pagluto, Sir. Baka mawalan na ako ng trabaho niyan…” ang biro naman ng kanilang katulong na palabiro din.
So… bagamat malayo si Kuya Renan sa akin, tanggap ko ang aming kalagayan. Lalo na sa sinabi niyang kunin niya ako. Iyon ang aking inspirason at inasam-asam na mangyari. Excited ako na magkasama kaming muli.
Huling araw na iyon ng aming pagsusulit. Pauwi na kami ni Mico. Habang nag-drive si Mico sa kanyang pick up na service at napadaan sa lugar na medyo abandonado at walang katao-tao, biglang may humarang na itim na van sa aming harap. Nagulat ako, pati na si Mico na agad tinapakan ang break ng sasakyan. Nang nakahinto na kami, dali-daling nagsilabasan ang mga taong naka-bonnet at may dala-dalang malalakas na kalibre ng mga baril. NIlapitan nila an gaming sasakyan at pinabuksan ang pinto ng driver’s seat at ang pinto rin sa aking tagiliran. Nang nabuksan na, kinaladkad kaming pareho patungo sa loob ng van nila. Dahil mga armado, wala kaming nagawa kundi ang sumunod.
Nang nasa loob na kami ng van, piniringan nila ang aming mga mata. Sobrang lakas ng kalampag ng aking dibdib. Pati si Mico ay hindi rin makapalag. Pareho kaming natakot.
Sa loob ng van ay narinig naming ang kanilang pag-uusap. Puro mga lalaki at sa kanilang pag-uusap ay nalaman kong may nag-utos sa kanila na ipa-kidnap kami, pahirapan. Ipapatay daw ako ngunit si Mico ay ipa-tubos sa kanyang mga magulang upang magkapera sila.
“Itong isang maliit ay wala namang silbi kaya papatayin na lang natin. Ang alam ko ay wala na raw mga magulang ito, eh. Nakisawsaw lang daw ito sa eksena ng magsyotang magpakasal na sana. Kaya dapat ay todasin na lang ito. Ito namang isa, anak mayaman, kaya nasa kanya ang pera. Milyones din ito!” ang wika ng isang kidnapper.
Napaiyak na ako. “Ipapatay pala ako Mico… n-natatakot ako,” ang bulong ko.
“Huwag kang matakot. Malalaman din ng papa ko ito. Tutulungan niya tayo. At huwag kang maingay para hindi nila tayo pagdiskitahan. Susunod na lang tayo sa kung ano mang gusto nila.”
Natahimik na lang ako. Tama naman siya. Baka saktan lang nila kami kapag nagsisigaw kami o lumalaban.
Marahil ay may mahigit isang oras ang nilakbay ng van bago kami huminto. Ramdam kong lubak-lubak ang daanan dahil sa paga-alog nito. Ramdam ko ring bulubundikin ang aming destinasyon gawa ng ilang beses na pag-akyat at pababa ang van at sigsag pa na dinaanan namin.
Nang tuluyan nang huminto ang van, kinaladkad nila kaming muli. Doon ay naramdaman kong itinali nila ang aming mga paa at kamay habang nakaupo kami sa dalawang silyang magkatalikod.
Nang tinanggal na ang piring n gaming mga mata, hindi ko na halos maaninag ang paligid gawa ng gabi na. Ngunit naaninag ko na nasa loob kami ng isang kubo. Namukhaan ko rin ang mga taong dumukot sa amin. Sila iyong nakita naming nagbantay sa terminal.
“Wala yata iyong kaibigan mo, Mico?” ang bulong k okay Mico.
“Wala nga eh…” ang sagot naman niyang pabulong din. “Kinakabahan na ako.” dagdag pa niya.
“Mamamatay na talaga tayo nito,” ang bulong ko uli na mas lalo pang natakot.
“Sino ang nag-utos sa inyo?” ang sigaw na tanong ni Mico sa kanila.
“Huwag mo silang sigawan ah! Baka patayin na nila ako!” ang bulong k okay miko na nainis na.
“Aba! matapang ang isang ito!” ang sambit naman ng isang kidnapper kay Mico sa kanyang pagsigaw sa kanila. “Importante pa ba iyan?” dugtong niya.
“Oo. Importante. Si Cathy ba at ang kanyang ama ang may pakana nito?”
“Ah! Alam mo? Kilala mo sila?”
“Oo, dahil kaibigan ko siya!”
Humalakhak naman ang mga kidnapper. “Kaibigan? Baka noon iyon. Ang sabi niya ay isali ka raw eh!”
“Magkano ba ang ibinayad nila sa inyo! Dodoblehin ng papa ko iyan!”
“Ah wala namang perahan dito. Nagkataon lang na matalik na kaibigan ng aming pinuno ang ama ni Cathy kaya heto, tinupad lang namin ang pangako namin sa kanya. Pero dahil mapera ang papa mo, ipatubos ka na lang namin. Pero iyan ay bago ka namin patayin. Kasi… alam mo na ang lahat eh. Para malinis, dapat na dedo ka rin. Kailangan lang namin ang pera!”
“Magsisi kayo sa ginawa ninyong ito sa amin!” ang sagot uli ni Mico.
“Magsisi daw o!”
Humalakhak ang mga kidnappers.
“Mahuhuli sana kayo at makulong!” ang sigaw ko naman.
Doon na lumapit sa akin ang isa sa kanila. Pinagmasdan niya ang aking anyo at mukha. Hinaplos-haplos pa ang aking pisngi.
Pilit ko namang inilayo ang aking mukha sa kanya. Iyon bang nainis na nandidiri sa kanyang ginawa na halos lalamunin o lalamutakin na lang ako kung makatingin.
Maya-maya ay nagsalita siya. “Mga bossing, sariwa ito ah! Bata pa! At ang kutis at mukha, parang babae. Ito yata iyong mas pinili ng boyfriend noong babaeng ikakasal eh! Kahit naman sinong lalaki pala ay malilibugan dito!” ang sambit niya habang patuloy na hinaplos-haplos ang aking mukha. “Ang sarap nito mga bossing! Sayang naman kung madedo ito na hindi natin matikman! Syet, tinitigasan ako, tangina!”
“Gahasain na iyan!” ang sigaw ng isa.
“Simulan mo na!” ang sigaw pa ng isa.
At nakita ko na lang na silang lahat ay nagsimulang magsihubaran ng kanilang mga pantalon…
Tinanggalan nila ako ng tali at puwersahang hinubad ang aking pantaloon, itinulak paharap sa dingding na kubo.
“Huwaaaggggg pooooo! Maawa po kayo sa akin! Maawa po kayoooo!” ang sigaw ko. “Micooo! tulungan mo akooooooo! Micooooooo!”
---