CHAPTER 3: Kasal

2157 Words
Mabigat ang suot kong wedding gown. Buong minuto na inaayos ko ang sarili hindi ako mapakali. Para akong lalamunan ng sama ng loob sa pagkat hindi ko gusto ang nangyari sa buhay ko. Parang kahapon lang nakahiga pa ako sa malambot na kama, nagtatrabaho sa malaking 5 star Hotel bilang CEO. Tapos kanina masaya pa akong nagmaneho ng helicopter. Kung alam ko lang na mapupunta ako sa Isla ng mga sindikato sana nakinig na lang ako kay Harley. Sana hindi na lang ako tumuloy. Hindi sana ako mamoblema nang ganito at hindi ako sasabak sa kasalan sa isang estranghero. I wiped my tears. Everytime I think of my future it 's getting heavier. Tinali ko nang maayos ang buhok ko, dahil wala naman akong dala maski konti na paganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura ko. This thing is got into my nerves. Hindi ko pinangarap na ganito kapanget ang itsura ko sa araw ng kasal, maski foundation at lipstick wala ako n'un. Pagkalabas ko ng kuwarto laking gulat ko nang makita ko na naman ang lalaking nakakatakot kanina. Nakasandal siya sa dingding habang seryoso itong naninigarilyo. Bumaling siya sa akin. Agad niyang tinapakan ang sigarilyo saka pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Nagtagal ang titig niya sa mukha ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil kinikilabutan ako sa mga titig niya sa akin na para bang may nagawa akong mali. "Have you look at yourself in the mirror?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Sabi ko na nga ba e, sobrang panget ko talaga dahil wala man lang akong kolorete sa mukha. Iniling ko ang ulo saka nagbuntong hininga. "Biglaan ang pagpapakasal ko. Do you think may oras pa ako para magpaganda?" "You're already beautiful. I'm referring to your eyes. It's swollen, you need to wipe your tears away. Baka isipin ng Lolo ko na pinaiyak kita." Pinilig niya ang ulo. Hindi ko alam kung matuwa ba ako sa compliment niya o mainsulto. "Bakit? Hindi ba?" balik kong tanong. "Sa pilitan mo akong ipakasal sa'yo. Do you think hindi nakakaiyak ito?" Kinunutan niya lang ako ng noo na para bang wala itong pakialam sa naramdaman ko. Agad siyang namulsa. "Huwag kang umalis sa tabi ko," he said coldly. "The Ceremony will start as soon as you get out in the rest house. Just follow me." Umahon siya sa pagkasandal saka naunang maglakad. Hirap naman ako sa paglalakad dahil medyo mahaba ang wedding gown ko. Panay tingin ako sa lalaking nasa unahan na maski isang beses hindi man lang ako binalingan o maski kumustahin kong kaya ko bang dalhin itong wedding gown nang mag-isa. Of course, dahil takot ako sa lalaking 'yun tahimik na lang akong sumunod sa kanya. Hindi na ako nagreklamo. Hindi ko na lang pinagtuonan ang kabuuan ng rest house dahil ang tanging alam ko. Sobrang laki ng rest house na ito. As I have said para talaga itong palasyo at nag-iisa lang ito rito sa Isla. Nilakad ko ang mahabang first floor ng rest house. Malayo na 'yung lalaki sa akin. At doon ko lang na pansin na maraming mga naka men in black sa bawat sulok ng first floor. Para silang mga statwa sa tabi, hindi umiimik. Maski magsalita. Ganito ba talaga kayaman ang lalaking papakasalan ko? Ang dami naman yata nitong bodyguards sa paligid. Naka de uniporme pa. Malaki ang hawak na baril. Parang isang putok pa lang sa'yo diretso ka na kay kamatayan. Ilang beses akong lumunok nang makarating ako sa pintuan ng rest house. Ang sabi niya magsisimula na ang ceremony oras na lalabas ako rito. Biglang may humarang na lalaki sa akin. Kinunutan ko ito ng noo sa pagkat siya itong grey ang buhok kanina. His smirking on me. "Ikaw 'yung lalaki kanina!" bulalas ko at galit siyang pinagmasdan. Umatras siya palayo at ngumisi. "Hi... I'm Freddie. Nandito ako para sabihin sa'yo ang mga gagawin mo. Ang utos ni bossing dapat kailangan mong kumalma at magpanggap ka na masaya habang ikakasal. Dahil 'yung Lolo niya mismo ang makilala mo. Siya ang importanteng tao na nandito kaya kailangan mong mag-ingat sa mga galaw at pananalita mo kung ayaw mong si bossing mismo ang papatay sa'yo." Nanlamig ako sa sinabi niya. Kinurap ko ang mga mata. Sa totoo lang nakakatakot na talaga sa lugar na ito, puro pagpatay ang ginagamit nilang salita para takutin ang isang tao. Alam kong matapang akong babae pero sa daming mga armadong lalaki na nakapalibot sa akin, any moment pwede akong mawala sa mundo. "Wala kayong kasing sama! Gusto ko lang naman umuwi bakit-" "Magsisimula na ang kasal niyo ni boss. Lumabas ka na rito." Tinalikuran niya ako. Pinagmasdan ko lang ang likuran niya noong lumapit siya sa isang kasamahan niyang tauhan saka may binulong siya roon at nagtawanan sila. Are they laughing because of me? Huminga na lang ako ng malalim. Pagkabukas ng pintuan bumungad sa akin ang simoy ng hangin galing sa dalampasigan. May red carpet akong matatapakan at maraming bulaklak ang nasa paligid. Sa pinakagitna ng red carpet ang isang arc formation na may desinyo gamit ang mga artificial na bulaklak. Nilibot ko ang tingin sa paligid, as usual puro mga bodyguards ang nandito. Sa unahan nakita ko ang isang priest na magkakasal sa amin at 'yung lalaki kanina sa kuwarto na seryosong naghihintay sa akin. He was there standing, and patiently waiting for me. I wasn't amaze dahil hindi ko gusto itong mga nangyayari ngayon. Ngunit kailangan kong gampanan lalo na't nakita ko ang isang armadong lalaki na tinutukan ako ng baril ng patago. Suminghap ako at parang hihimatayin sa panginginig. Kung hindi ko itutuloy itong kasal, alam kong hindi ako makakalabas ng buhay sa Isla na ito. Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko narinig ang tunog ng violin at piano. Kumuha muna ako ng kumpol na bulaklak sa tabi saka nilagay ko sa tenga ko, para kahit paano hindi masiyadong simple ang mukha ko. Ang ibang bulaklak hinawakan ko ito nang mariin nang sa ganoon walang makakapansin sa panginginig ko. Nagsimula na akong maglakad palapit doon sa lalaki at priest. Mahina lang ang bawat hakbang ko sa mga paa. Nagmistula akong pagong sa ginagawa ko. Ilang beses ko ring kinagat ang pang-ibabang labi. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito. Sana hindi ito totoo, pero sino ba ang niloloko ko? Bawat ganap ngayong araw, ramdam ko mismo, itong takot, pangamba pagkamuhi sa mga taong nakapalibot sa akin. Nang makarating ako sa arc, doon ko nakita ang isang matanda na may hawak na tungkod. Malalaki ang bodyguard nito sa kanyang likuran. Nakatitig ito sa akin ng diretso at tumango ng nakangisi. Sinubukan kong ngumiti dahil nakita ko 'yung lalaki na senenyasan akong ngumiti sa lolo nito. Mukhang 'yun na yata ang Lolo niya. Aniya'y doon sa labas ng kuwarto, kailangan kong gumalaw ng maayos at i-impress ang matandang lalaki. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bawat tapak ko sa carpet, unti-unti ring tumulo ang luha ko. Para akong pinagsakluban ng sama ng loob. Kulang ang salitang takot upang ihayag itong naramdaman ko. 'Yung pakiramdam na sa pilitan kang gumawa sa hindi mo naman gusto. This tears isn't joy, it is sadness and emptiness. Pagkarating ko sa harapan noong lalaki. Agad siyang naglahad ng kamay. Tinaas niya ang kilay nang makita nitong wala akong planong tanggapin ang kamay niya para dalhin ako sa altar. He tried to smirk slightly but there's a glimpse of warning on his look. "Don't make me kill you," bulong niya sakto lang para ako ang makarinig. Huminga ako ng malalim saka tinanggap ang kamay nito. Sobrang gaspang ng kamay niya at malaki ang kanyang daliri. Ilang beses akong nagpakawala ng hangin sa dibdib para makalma itong sarili ko. Pagdating namin sa priest agad nagsimula ang ceremony. Lutang ako sa mga gagawin sa kasal, sinusunod ko lang bawat sasabihin nang priest. Nagpirma kami sa isang marriage contract at pangalan ko ang nilagay roon dahil 'yun ang sabi ng lalaki. At isa sa mga kinatatakutan kong mangyari.... "You may now kiss your bride." Nanlamig ako nang wala sa oras. Para akong nakalutang sa kawalan at hindi ko alam kung ano'ng sasabihin lalo na't first kiss ko pa ang mawawala. Nagkatinginan kami ng lalaki. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. Hinimas niya pa ang pisnge ko na agad akong lumayo ngunit hawak niya ang isang braso ko at mariin niya itong pinisil. "Stay... My grandfather is looking on us. Don't make me pull the trigger just because you disobeyed me. Would you like to die in here?" Heto na naman siya tinatakakot na naman ako sa mga salita niya. Before I could say any words. Bigla na lang nitong nilapit ang labi sa akin. It was quick at halos hindi ko maramdaman ang mga labi niya. Para lang siyang ihip ng hangin na sobrang lamig kaya hindi ko ramdam ang halik. And that's it... I'm married with a stranger. "Glad to meet you, iha. Hindi ko akalain na ang ganda pala ng napangasawa ng apo ko." Tumawa ang matanda sa aking harapan. "She's really amazing, Lolo. As I have said... She's perfectly fine and I know you would like her a lot," sabi naman ng lalaki. "You have a good taste, Froilan. I'm so proud of you. Natali ka na rin sa wakas. Akala ko wala ka ng balak mag-asawa. Mabuti na lang na isipan mo ng magpakasal. Kailangan ko na talaga ng apo sa tuhod." Froilan? Is that his name right? "Have fun here, Lolo. My wife is tired. Mukhang kailangan na niyang magpahinga muna." Hawak lang ako nitong lalaki sa bewang. Sa tuwing may warning siya at hindi niya gusto ang pinapakita kong trato agad itong bumubulong sa tenga at tinatakot ako. Buong minuto na nag-uusap kaming tatlo madalang lang ang pagsasalita ko. Maraming sinasabi ang Lolo ni Froilan na papuri sa akin at tanging plastic na ngiti ang ginawad ko sa kanya. "Oh sure, mukhang pagod nga ang asawa mo. You can have take a rest, iha. Nice meeting you, Renalyn Astashia Salazar." Naglahad siya ng kamay sa harapan ko pagkatapos kong ipakilala sa kanya ang buong pangalan ko. Tumingin ako kay Froilan at sinenyasan niya ako na tanggapin ko ito nang bukal sa loob ko. Dahil magaling yata akong umarte kailangan kong magpanggap na masaya sa harapan ng Lolo nito. "Nice meeting you po. Don't worry bigyan ko kayo ng maraming apo sa tuhod Mr.Rufino Monarez." Muling natawa ang matanda. "Simulan niyo na agad ngayong gabi." Is that a joke? Hindi ko maiwasang ngumiwi pero dahil kailangan kong magpanggap na masaya, tumawa nalang ako sabay tango. "Grandpa, ihahatid ko lang ang asawa ko sa kuwarto. I'll come back here." Tikhim ni Froilan. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas makakaalis na rin ako rito. Hindi ko na kailangan magpanggap na masaya para lang makuha ang loob ng matanda. "Okay, iho... I'll wait here." Inalalayan ako ni Froilan papasok sa loob ng rest house. Mariin ang kapit niya sa aking bewang, ingat-ingat rin ito sa paghawak sa akin. Ngunit noong makapasok kami sa loob ng rest house kung saan wala na ang lolo niya. Agaran niya akong binitawan at lumayo siya sa akin. "Go, take a rest in the room," walang kabuhay-buhay niyang utos na tila ba isa akong batang paslit na kaya niyang utusan basta-basta. Nagbago rin ang tono ng pananalita niya, hindi katulad kanina noong kaharap namin ang lolo nito sobrang lambing. Hinarap ko siya na may poot sa mga tingin ko. His cold stare can make my knees shivers. "Uuwi na ako... I've done my part. We're already married. I wanna go home. Ibalik mo na ako sa-" "No you're not going somewhere," pinal nitong sabi. Mas lalo siyang sumeryoso at nakakatakot pagmasdan. Nalaglag ang panga ko. Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko maiwasang ma-pressure dahil tila ba pinagloloko lang ako ng tao na ito. "Akala ko ba makakaalis na ako pagkatapos ng kasal natin?" Namulsa siya sa harapan ko at balewalang naglabas ng sigarilyo. Nilagay niya sa kanyang bibig at nagkadlit gamit ang lighter. He really ignoring me. What an asshóle. Humithit muna siya nang ilang saglit bago siya nagsalita. "Hindi ka pa pwedeng umalis rito sa rest house. My grandfather will stay here for five days. And on that day... Kailangan mo pa ring magpanggap. Kailangan mo rin akong samahan. And you're free if you did your job." Kung may mas malala pa sa pagpapakasal sa baliw na lalaking ito, 'yun ang samahan ko siya rito at magpanggap na masyahing asawa niya. "I really can't believe you. You're a jerk!" tanging na sabi ko at naiiyak na naman. Pinagmasdan niya lang ako sandali saka walang ganang tumalikod. Hindi man lang ako binigyan ng assurance para makampante ako sa pananatili ko rito ng ilang araw. Paano kung patayin niya ako pagkatapos ng limang araw? Paano ako nakakasiguro na makakauwi ako ng buhay? Napahilamos na lang ako sa mukha at parang ang bigat sa pakiramdam dahil pumayag akong magpakasal sa lalaking walang puso.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD