NAGISING na lang ako kinabukasan na wala na akong katabi sa kama. Wala na si Azriel. Bumangon ako. Ang aga naman yata niyang nagising. Nauna pa siya kaysa sa akin. Lagi akong nauuna kay Azriel na magising at paminsan-minsan ay siya naman ang nauuna. I sighed and went to the bathroom. I did my morning routine and after doing my morning routine, I took a bath. Nagbihis ako at nag-ayos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nang makitang maayos na ang mukha ko at damit ko, kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kwarto ni Azry para asikasuhin siya. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naman tumingin ako sa loob at hindi ako kaagad pumasok, natigilan ako nang makita ko si Azriel na nasa loob ng kwarto ni Azry at dinadamitan nito ang anak ko. "Daddy," tawag ni Azry . "Hmm?"