RYLEIGH'S POV KATATAPOS lang ng family day sa school nila Azry at ngayon ay nasa kotse na kami, pauwi na. Half-day lang naman ang family day. Enjoy naman. Alam kong nag-enjoy ang anak ko dahil kanina pa ito nakangiti habang nakaupo ito sa backseat. Nakaupo naman ako sa passenger seat habang si Azry ang nakahawak sa manibela. Yes, kami lang. Hindi na kami nagsama ng mga bodyguard namin. Kasama naman namin si Azriel, so, may dapat pa ba akong ipag-alala? "Kiddo, did you enjoy your family day?" tanong ni Azriel. "Yes po, Daddy. Nag-enjoy po ako dahil nandoon kayong dalawa ni Mommy." Ngumiti si Azriel. "That's good. Dapat mag-enjoy ka dahil bata ka pa," sabi niya. "Opo." Sumulyap sa akin si Azriel. "I'm hungry. Let's eat before we go home," aniya. Tumango ako. "Okay." "Daddy, I want be