Chapter 7 - Lecture

2734 Words
Dumiretso kami ni Maurine sa computer laboratory. Pagkalog-in ko ay tiningnan ko kaagad kung may message ako galing kay Sage. Nang makita kong wala ay inilagay ko sa “Busy” ang status ko. Habang hinihintay ko siyang mag-online ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong personal page na puro kanta ang laman at computer presentation tungkol sa paborito kong boy band, ang Westside. After a while, I saw my messenger blinking. I immediately switched screens and saw a message from Sage. “Hello, Marg! Busy?” “Hi, Sage! Nope.” “Great! How did your class go?” Napangiti ako. Kahit ang class schedule ko ay alam niya. Hiningi niya ito sa akin upang alam daw niya ang bakanteng oras ko. “It was good. I guess? Wala naman kaming ginawa kung hindi ang makinig sa lecture ng professor namin.” “Psychology ang klase mo kanina, ‘di ba? Ano ang topic ninyo?” “Ahmm... Freud’s Theory of Psychosexual Development yata iyon. Hindi kasi ako nakinig. I was bored.” “Talaga? Ano ang natutunan mo sa discussion ninyo?” “Ang totoo? Wala. Hindi kasi ako nakapag-focus kanina. But I remember she mentioned about the five stages of Psychosexual Development.” “Gusto mo i-review natin?” “Huwag na. Nakahihiya kung maaabala ka pa. Magre-research na lang ako tungkol diyan.” “Oh, it’s okay. The five stages of Psychosexual Development are Oral, Anal, Phallic, Latent, and Genital.” Hindi talaga siya nagpaawat at binigyan ako ng sagot. “Woah! Grabeng mga terms naman iyan. Anyway, thank you. At least may natutunan ako kahit kaunti.” “It would always be my pleasure to help you with anything, Marg. Magtanong ka lang at tutulong ako sa abot ng makakaya ko.” “Thanks, Sage. I’ll remember that. Siyanga pala, kailan ka huling umuwi rito sa Pinas?” tanong ko nang wala na akong ibang maisip na pwedeng pag-usapan. “I usually come home every six months. That would be June and December. Pero hindi ako nakauwi noong June dahil sa schedule ko. So, I’ll make sure to be there this December. That’s going to be in three months.” “Ganoon ba? Mahal siguro ang pamasahe sa eroplano, ‘no?” “Mas mahal kita. Just kidding,” sagot niyang ikinagulat ko. Nakahuma lamang ako nang may idinugtong siya. “Hindi naman ganoon kamahal. Isa pa, hindi lang naman bakasyon ang rason ng pag-uwi ko, may kasama ring trabaho.” “Wow! Ibang klase!” sagot kong pinilit na balewalain ang sinabi niya. “Why? Teka, nakapunta ka na ba ng Iloilo? I’ve been to Bacolod several times already. I’ve been helping the Local Government Unit of Bacolod and the LGUs of nearby cities with some environmental concerns, especially with landfill leachate treatment.” Parang dudugo ang ilong ko sa mga pinagsasabi ni Sage kaya hindi na ako nag-usisa pa tungkol doon. “Yup. Nakapunta na ako ng Iloilo noong high school sa tuwing may competitions o seminars.” “Great! Do you want to meet up with me? Pwedeng ikaw ang pupunta ng Iloilo, o ako ang pupunta ng Bacolod. What do you think?” Nagulat ako sa kaniyang tanong. Sa dami na ng naging chatmate ko, siya ang bukod-tanging nagyayang makipagkita kaya hindi ko alam ang sasabihin. We’ve been chatting for several months now, but never did we ask for each other’s photo. Hindi pa namin nakikita ang hitsura ng isa’t isa. Now he wanted me to meet up with him. Seryoso ba siya? “You’re joking, right?” “Of course not! I’m serious, Marg. Mukha ba akong nagbibiro?” “Aba! Malay ko sa ‘yo. Hindi naman kita nakikita. Ni hindi pa natin nakikita kahit ang picture ng isa’t isa. Tapos yayayain mo ako ng meet up? Okay ka lang? Baka tumakbo ka palayo kapag nakita mo ang pagmumukha ko.” “Ganyan ba ang pagkakilala mo sa akin? I don’t judge people, and I don’t care about looks. I haven’t asked to see your photo or your face because I don’t dwell on such petty things, Marg.” Mabilis akong nagtipa ng sagot dahil pakiramdam ko ay na-offend ko siya. “Sage, I didn’t mean to offend you. Hindi ko sinasabing petty kang klase ng tao. I’m sorry if it sounded that way.” Hinintay ko ang kaniyang sagot. Mukhang mahaba iyon dahil mag-iisang minuto na yatang “Sagittarius is typing” ang nasa screen ko. “Hey! Don’t be sorry. Naiintindihan kita. I know we just met online a few months ago. Kahit ako siguro sa lugar mo, bilang babae ay magdadalawang-isip din akong magkipagkita sa taong ni hindi ko pa nakikita ang mukha. So, no worries. I perfectly understand.” Nakahinga ako nang maluwag nang mabasa ko ang sagot niya. “Thank you, Sage. Napakamaunawain mo talaga.” “Wala iyon, Marg. Perhaps, I need to gradually earn your trust. Patutunayan ko na hindi ako masamang tao. And maybe, before I come home this December, I would have already made you agree to meet up with me. Wala namang magagalit, ‘di ba?” Bigla akong kinabahan sa huling tanong niya. Naalala ko si Josha. Wala naman talaga kaming totoong relasyon. Pero dahil sa nangyari kagabi, ano na ba kami ngayon? Biglang sumakit ang ulo ko sa naisip. I was so lost in thought that I didn’t notice Sage was already pinging me. “Hey, Marg! Are you still there? Why aren’t you replying?” “Yup, I’m here, Sage. I’m sorry.” “What are you sorry for? May problema ba?” “Wala naman. May naalala lang akong mahalagang gagawin mamaya sa boarding house,” kaila ko. I wasn’t sure whether to tell him about what happened between me and Josha. “I can tell that something is bothering you, Marg. Naiintindihan ko kung hindi ka komportableng sabihin sa akin. But please know that I’ll listen to whatever you have to say. Nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap.” As usual, naramdaman ko na naman ang sincerity sa mga salitang binitawan niya. “Nararamdaman kong mapagkakatiwalaan kita, Sage. Dama ko rin na mabuti kang tao. Nahihiya lang talaga ako sa ‘yo.” “Seriously? Nahihiya ka pa sa akin? I thought we were past that stage by now.” “Iba naman kasi ito, e. Hindi ito iyong ordinaryong bagay na napag-uusapan natin, na pwedeng pag-usapan nang ganoon lang.” “Really? Hmmm. I’m curious. Tungkol sa ano ba kasi iyan? Why don’t you tell me?” “Ano kasi... Paano ko ba sisimulan? It’s about me at iyong ka-MU ko.” “Sino? Iyong si Josha ba? Why? What about you and him?” “Ano kasi... May ano... May nangyari...” “May nangyari??? Are you trying to tell me na may nangyari sa inyong dalawa? Kailan? Kahapon lang tayo nag-usap, ‘di ba?” “Hindi ka rin atat, ‘no? Excited lang? Patapusin mo kasi muna ako. Akala ko ba makikinig ka?” “I’m so sorry, Marg. Nabigla lang ako. Go on. I’m all ears.” “That’s alright, Sage. Nakabibigla nga naman. Kaya nahihiya akong magkuwento sa ‘yo. Baka kasi magbago ang tingin mo sa akin. Baka sabihin mong marupok ako kasi bumigay ako kaagad. Pero ganoon nga siguro ako kaya tanggap ko kung iyan ang magiging tingin mo sa akin.” “Bakit naman magbabago ang tingin ko sa ‘yo? I won’t say I wasn’t surprised but given the circumstances, hindi imposibleng may mangyari. You live together under the same roof. You have a mutual understanding, and I am sure, you could have already been girlfriend and boyfriend if Josha isn’t committed.” “Wait! Hindi ka nandidiri or something?” “Why would I? That’s a normal thing for people like us. Isa pa, normal lang sa isang teenager na kagaya mo ang ma-curious sa mga ganyang bagay. You know I’m a little liberated, and I’ve seen worse. Not that what you did was bad. Ang mahalaga pareho ninyong ginusto. And you both know your limits and the possible consequences of your actions. Most importantly, you are willing to take responsibility, lalo na si Josha. Otherwise, then I’d say, you should stop. Siguro, kung may mali man sa ginawa ninyo, that’s ignoring the fact that he’s committed. Do you understand what I’m trying to say?” Napamulagat ako dahil sa mga sinabi ni Sage. This wasn’t what I was expecting to hear from him. Kahit mapagbiro siya minsan ay para rin kasi siyang Tatay kung magsalita kaya akala ko ay makakatikim ako ng sermon. Pero hindi, iba ang mga sinabi niya. “I don’t know what to say, honestly. I thought you’d get mad at me. Akala ko, sesermonan mo ako at pandidirihan.” “Marg, hindi ganyan kakitid ang utak ko. Single ka naman. Basta ang masasabi ko lang, mag-iingat ka palagi. You must be clear-headed wherever you go. At bakit ako magagalit? If I’m your boyfriend, then surely, I would. Bakit hindi mo pa kasi ako sagutin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. “Sagutin? Tigilan mo ako, Sage! Huwag mo nang dagdagan ang mga iniisip ko.” “Alright! Masyado kang hot. Binibiro lang kita. If you don’t mind me asking, how did it happen between you two? Hindi ka ba niya pinilit? Were you drunk?” “Well, I had one too many drinks. Nagkayayaan kasi kami ng mga kaibigan ko. Katatapos lang ng klase ko sa huling subject. Nag-inuman kami mga alas singko hanggang alas nuwebe yata iyon. Sinamahan ako ni Kuya Leonel pauwi. Siya iyong best friend kong nagyayang uminom kami. Pagdating ng boarding house, nagalit si Josha kasi uminom daw ako kasama ang kung sino-sino. Nagkasagutan kami tapos bigla na lang niya akong niyakap.” “Then?” “Iyon na nga, nangyari na. Dapat ko pa bang isa-isahin ang mga ganap?” “Sure. Gusto mo bang isa-isahin? Just kidding! Pero talaga bang may nangyari sa inyong dalawa? Baka naman nanaginip ka lang? Sigurado ka bang papatulan ka niya?” “Aba’t iniinsulto mo na yata ako, a!” Nagpadala siya ng maraming laughing emoticons. “Relax! I was just teasing you. Pero seryoso, may nangyari nga ba? May masakit ba sa ‘yo?” “Bakit naman ako masasaktan?” “Bakit hindi? Maliit lang ba si Josha?” “Maliit? 6’2” ang height niya!” “WHAT? 6’2”? At kinaya mo? Hindi ka man lang nasaktan? Nasabi mo noon na 4’11” ang height mo. Given your height difference of 1 foot, 3 inches, Masasabi kong napakaliit mo kompara sa kaniya. I’m only 5’10”. Mas mataas pa siya sa akin ng 4 inches pero malaking tao ako sa height na ‘to.” “Dapat naka-capslock talaga ang “WHAT”? Ano iyon, para intense?” pagbibiro ko na nilagyan ko rin ng maraming laughing emoticons. “Margaux, I’m serious!” sagot niyang tila napipikon. May nakalagay na frowning emoticon sa dulo ng message niya. “Ano ba kasi ang pinagsasabi mo? Dapat ba akong masaktan?” “Hindi ba sinabi mo na may nangyari sa inyo? 6’2” ang pinag-uusapan natin. Imposible namang maliit lang si baby Josha?” “Excuse me! Wala pang baby si Josha. At kung mayroon man, bakit siya nasali sa usapan natin?” “Oh, good God! Pumasok ka sa ganyang bagay pero wala kang idea sa sinasabi ko. Damn!” “Ano ba kasi, Sage? Diretsuhin mo na ako, pwede?” “Okay, okay. How should I say this? Sana hindi ka ma-offend sa itatanong o sasabihin ko. Tell me right away if you are no longer comfortable. Sumasakit ang dalawang ulo ko sa ‘yo!” “Isa lang ang ulo ng tao. So, ano na?” Isang matagal na “Sagittarius is typing” na naman ang nasa screen ko kaya naghintay ako ng halos dalawang minuto. “Damn! Ganito kasi iyon… Kung may nangyari nga sa inyo ni Josh, ibig sabihin ay pumasok iyong kaniya, you know his p***s, sa loob mo, o mas tamang sabihing sa loob ng p********e mo. At dahil unang karanasan mo, may malaking chance na masakit iyon lalo pa’t malaking tao si Josha. Siguradong malaki rin ang ulo niya sa ibaba. Some women experience pain and discomfort the first time they have vaginal intercourse. They may have so much hymenal tissue, that stretching it open during first intercourse may cause pain and even bleeding. Kaya ang ginagawa sa ganitong mga pagkakataon ay inihahanda muna ang babae ng kaniyang partner. Kaya ko itinatanong kung hindi ka ba nasaktan,” mahabang paliwanag ni Sage na tila nagbibigay ng lecture. Literal na umawang ang bibig ko sa nabasa kong sagot niya. Pero hindi ko rin napigilang matawa. “Wait! STOP! Ano ba’ng pinagsasabi mo, Sage? Hindi kita masundan.” “Hindi ba klaro ang paliwanag ko? That’s the easiest way to explain these things to you.” “Yes! I mean, no! I mean, naiintindihan ko ang paliwanag mo. Pero bakit tayo umabot sa pasukan ng v****a? Sino ba’ng may sabi sa ‘yong pinasok ng ano ni Josha ang v****a ko? Ano ba ‘yan! Hindi ko alam na masyado ka palang advance mag-isip,” panunukso ko sa kaniya. “Are you telling me na walang penetration? Hindi ka pinasok ni Josha?" Maging si Sage ay tila nalilito na rin kaya napangiti ako. “Hindi, ‘no! Excuse me!” “So, you’re still a virgin? E, bakit ang sabi mo may nangyari sa inyo? Ano ba ang nangyari?” “Iyan tayo, e! Hindi mo kasi ako pinatapos. Ang ibig kong sabihin, lumagpas kami sa halik lang. Pero hindi naman kami umabot diyan sa katulad ng iniisip mo!” “Good God, thank you!” “Bakit ka nagpapasalamat?” “Oh, no. Don’t mind me. Go ahead, magkuwento ka lang.” “Iyon na nga. Niyakap niya ako mula sa likod. Tapos hinalikan niya ako sa leeg at balikat habang hinahaplos iyong ano... iyong mga tuktok ng dibdib ko. My gosh! Nakahihiya, Sage! Kailangan ko ba talagang sabihin lahat?” “Well, it’s up to you, Marg. If you’re uncomfortable, then don’t. You don’t have to elaborate. I can pretty much picture out what happened next.” Napaisip ako kung paano niya mapi-picture out ang sumunod na mga nangyari pero hindi ko na siya tinanong. Nahihiya akong magpatuloy sa pagkukuwento, pero may parte sa akin na gustong sabihin sa kaniya ang lahat. Baka mayroon siyang maipapayo sa akin. “Sige na nga. So, ‘yon, habang hinahaplos niya ako sa dibdib, hinahaplos niya rin ng kabilang kamay ang ibaba ko. Doon na ako nakaramdam ng kakaibang init. First time ko iyong maramdaman sa buong buhay ko. At siguro dala na rin ng kalasingan, hindi ko na napaglabanan ang kakaibang pakiramdam na iyon. Idagdag pa na nasa harap kami ng salamin kaya kitang-kita ko ang mga ginagawa niya sa katawan ko.” Tuluyan ko nang ikinuwento kay Sage ang lahat nang naganap sa amin ni Josh. “OMG! Nakahihiya ang pinaggagawa ko, Sage!” He didn’t reply, so, I pinged him. Maya-maya ay nagta-type na siya. “Jesus, Mary, and Joseph! That was hot, Marg! I bet you looked hot in bed!” “Hot ka riyan! Ang haba ng kuwento ko tapos iyan lang ang isasagot mo?” “I’m speechless, like literally!” “A, ewan ko sa ‘yo! Magla-log out na ako. Maaga pa akong uuwi. Next time na lang ako hihingi ng advice.” “Hey! Ang sama mo! Bigla ka na lang mang-iiwan. Nambibitin ka, Marg!” “Nambibitin? Hoy, tigilan mo ako, Sagittarius! Iyon na ‘yon! Wala ng karugtong. Naikuwento ko na ang lahat kaya bye na!” “Alright. But we’ll talk about this again next time. Deal?” “Kung saan ka masaya, susuportahan kita,” sagot ko na may kasamang maraming laughing emoticons. “Ikaw talaga at ang mga kalokohan mo. Sige, Marg. Until next time. Pupunta rin kasi ako ng laboratory dito sa university bago ako uuwi. My students and I are currently working on Robotics.” “Wow, Robotics! That’s awesome! Sige, Sage. Bye! Good night.” “Bye, Margaux. Ingat ka! Mwah!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD