Chapter 6 - Distance

1425 Words
Pagdating ng university ay kaagad akong sinalubong ni Maurine sa harapan ng gate. Nakangiti siyang yumakap sa akin. “Hello, fren! Kumusta kahapon ng hapon? Pasensiya na at wala ako. Biglaan kasi ang lakad ng pamilya namin.” “It’s okay, Mau. Wala namang masyadong ganap. Kumusta nga pala ang lakad ninyo?” sagot ko habang nakahawak sa kaniyang braso. Pinag-iisipan ko pa kong sasabihin ko sa kaniya ang mga nangyari kagabi. “Ayos lang naman,” balewala niyang tugon. “Ganoon ba? Anyway, let’s go. Our class will start in ten minutes.” “Relax, fren. Mahaba pa ang sampung minuto. At isa pa, minor lang naman ang subject natin.” “Kahit na. Nakahihiya pa rin kung mahuhuli tayo!” sagot ko sabay hila sa kaniya papasok ng gate. Habang naglalakad kami sa pasilyo ng Engineering Department kung saan kami nag-cross enroll ay bigla siyang bumulong. “Marg, ang Kuya Leonel mo, makakasalubong natin. My gosh! Ang gwapo talaga! Nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa sinusunggaban ang grasya sa harapan mo. Kung ako sa ‘yo, matagal ko nang natikman ang katawan ng Greek God na ‘yan. Ang bagal mo, fren!” “Hoy, ang bibig mo! Mamaya marinig ka niya!” pabulong kong sita sa kaniya. “Hello, Cute! How are you feeling?” bati ni Kuya bago binalingan si Maurine. “Good morning, Maurine!” “Hi, Leonard! Mas good ka pa sa morning,” sagot nito na hindi naman pinansin ni Kuya. Nakaramdam ako ng mahinang pagsiko sa tagiliran ko. “Fren, how are you feeling daw? Nagkasakit ka ba kahapon? Bakit wala kang sinasabi sa akin? Tapos natulala ka na riyan. Alam kong gwapo ang Kuya mong hilaw pero bago ka panawan ng ulirat, sagutin mo muna ang mga tanong namin.” “Tumahimik ka, Mau! Napakakulit mo. Mamaya magkukuwento ako. Okay?” nandidilat ang mga matang saway ko kay Maurine bago hinarap si Kuya. “Hi, Kuya. I feel good. Salamat nga pala kagabi.” “Don’t mention it. Teka, inaway ka ba ng jowa mo?” “Jo—Jowa? Kailan ka pa nagka-jowa, Marg? Nawala lang ako ng kalahating araw, bakit parang ang dami na yatang nangyari sa buhay mo?” tanong ni Maurine na hindi ko binigyang-pansin. Tumikhim ako bago sinagot ang tanong ni Kuya. “Hindi naman, Kuya. Medyo nagtampo lang siya pero okay naman na kami.” Laking pasasalamat ko dahil naging dire-diretso ang pagsasalita ko. “That’s good to know. Akala ko kasi aawayin ka. Kung makaasta kasi kagabi, parang may kayo. Anyway, I’ll go ahead. May klase rin kasi ako. Ingat kayo, Cute. Bye, Maurine,” paalam ni Kuya sabay yakap sa akin. Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo ko bago tumalikod. “Gosh! Ang sweet ng Kuya mo, frenny! At ang bango! Bakit ba hindi ka pa rin nahuhulog sa kaniya? Ano pa ba ang hinihintay mo?” eksaheradong pahayag ni Maurine. “Alam mo kung ano ang hinihintay ko? Hinihintay kong tumigil ang bibig mo. Halika na nga!” “Ay! Ang taray sa personal. Mind you, may ipapaliwanag ka pa sa akin mamaya,” sagot niya habang nakasunod sa akin. Habang nasa klase ay panay ang pangungulit ni Maurine. Kahit magkatabi kami ay pinapadalhan niya ako ng text message upang makipagchismisan. Paminsan-minsan ay palihim kung binabasa ang mga messages niya pero hindi ko sinasagot dahil sa pag-aalalang mahuli kami ng professor namin. Sinipat ko ang aking relong pambisig habang nakikinig sa nakaaantok na lecture. Nakita kong limampung minuto na lang ang natitira kaya sinimulan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Hinding-hindi ako magpapahuli nang buhay kay Maurine. Alam kong kukutusan niya ako sa oras na malaman niya ang kagagahang pinaggagawa ko kagabi. When the bell rang indicating the class dismissal, I automatically grabbed my bag and immediately ran out of the classroom. Determinado akong takasan si Maurine. Ngunit nagkamali ako dahil mas nauna pa siyang nakarating sa pintuan ng classroom. “Running away?” nakapamaywang niyang tanong. “N—Naiihi na kasi ako, Mau. Kailangan ko nang pumunta ng washroom sa ground floor.” “Talaga lang, ha? Sige. Kunwari ay naniniwala ako kaya sasamahan kita. Pero pagkatapos ay sasabihin mo sa akin ang dapat kong malaman. Walang lihiman, remember?” nakataas ang kilay niyang saad. “Fine! Wala talagang nakalulusot sa ‘yo,” naiiling kong sagot. Wala na akong nagawa. Pumasok ako ng washroom kahit hindi naman talaga ako naiihi. Paglabas namin ay nagpatianod na lang ako nang hinila niya ako papunta ng canteen. “Fren, maghanap ka ng pwestong medyo malayo sa ibang customers. Ako na ang bibili ng kakainin natin. At huwag mo nang ipilit ang bayad mo. Hindi ko rin naman iyan tatanggapin,” saad niyang itinaas pa ang isang kamay bago tumalikod. As usual, ililibre na naman niya ako. Hindi na siya nagtanong kung ano ang kakainin ko dahil alam na alam niya ang mga paborito kong pagkain. Pagbalik niya ay may bitbit na siyang tray na naglalaman ng dalawang slices ng Hawaiin pizza at dalawang lemonade. May inorder pa siyang dalawang slices ng blueberry cheesecake. “Wow! Ano ‘to, last supper ko? Bakit? Hahatulan mo na ba ako?” “Talagang iyan ang mangyayari kapag hindi ka pa nagkuwento, kaya simulan mo na.” “Hindi ka rin demanding, ‘no?” “Shut up, Margaux. Enough of your nonsense and start spilling the beans.” Napailing ako bago nagsimulang magkuwento ng tungkol sa mga nangyari. Kahit iyong sa amin ni Josha ay ikinuwento ko rin sa kaniya. Wala akong inilihim dahil alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. “What the hell, Margaux?! Are you out of your mind? Pumatol ka sa Josha na iyon na alam naman nating may girlfriend? Akala ko ba MU lang kayo?” Hindi ko maipaliwanag ang reaksiyong nakikita ko sa mukha niya. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi siya natuwa sa ikinuwento ko. “I guess I did. P—Pumatol nga ako. Happy now?” “Ngali-ngaling sabunutan kitang gaga ka! Hindi ko lubos maisip na ganyan ka karupok! Kaunting paghimas at pagdila lang, bumigay ka na?” “Ay, grabe siya! Nasapul ako, ha! But correction. Hindi kaunting paghimas at pagdila lang ang nangyari. MARAMI! Kaya sino ang hindi madadala?” “Marg, akala ko inosente ka sa mga ganyang bagay?!” “Inosente naman talaga ako!” depensa ko. “Ni hindi nga ako masyadong marunong humalik. Kagabi ko lang naranasan ang halos lahat ng una. Pero s**t! Masarap pala talaga, Mau! Ang galing ni Josha. Grabe!” Hindi nga nakatiis ang bruha. Sinabunutan nga niya ang maikli kong buhok. “Arayyy! Mau, masyado ka namang pisikal. Kalma lang, okay?!” “Kalma lang? Naririnig mo ba ang sarili mo? You almost lost your virginity! At eighteen, Marg!” impit niyang saad habang niyuyugyog ang balikat ko. “Pero hindi naman, ‘di ba? Kaya ano’ng pinoproblema mo?” “Gaga ka talagang babae ka! Puputi ang buhok ko sa ‘yo!” nanlalaki ang mga matang muli niyang saad na halatang nagpipigil na sigawan ako. “Mau, alam kong concern ka lang sa akin kaya ka nagkakaganyan at nagpapasalamat ako. Don’t worry. Hindi na iyon mangyayari. Pangako,” saad ko sa seryosong boses sabay taas ng kanang kamay ko na tila nanunumpa. “Siguraduhin mo lang, Marg. Remember, you have dreams. Also, let me remind you, you hate snakes, ‘di ba?” “Yeah. That’s why I decided to stop this… whatever this is that I have with Josha now. Iiwasan ko na siya simula ngayon. At iyong nangyari kagabi? Ano pa nga ba ang magagawa ko? It already happened. Might as well forget about it.” “Mabuti naman at gumagana pa rin iyang utak mo. Huwag kang masyadong magpapaniwala sa mga salita ng mga lalaki. Kadalasan sa kanila, kukunin lang ang gusto nila at kapag nakuha na, Who you? ka na sa kanila.” “Thanks, Mau. I appreciate your concern,” saad ko sabay yakap sa kaniya. “Okay, fine! Tama na ang drama. Mag-online muna tayo. Baka may reply na iyong mga foreigners na pinadalhan ko ng messages kahapon. Malay natin, baka isa sa kanila ang aking the one.” “Ambisyosa! Hindi ka papatulan ng mga iyon lalo na kapag narinig nila ang bunganga mo!” pang-aasar ko sa kaniya na sinabayan ko ng isang malutong na halakhak. “Gaga! Ang bibig mong kasing laki ng ano mo!” asik niya na ikinatawa naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD