Leonel’s POV
Pagkababa ko ng stage ay siya namang pag-ring ng aking cellphone. It was Ate Zenia’s name on the screen. Napaisip ako kung bakit siya napatawag. Madalang lang niyang gawin iyon dahil abala siya sa kaniyang trabaho sa Riverside Medical Center. Naghintay muna ako ng ilang segundo bago ko iyon sinagot.
“Hello, Ate Zenia. Napatawag ka?”
“Hi, Cynel! Kumusta ka na? Nasaan ka ngayon?” nag-aalala ang boses niyang tanong.
“I’m good, Ate. Nandito ako sa tambayan ng grupo ko. Why? Is there a problem?”
“How should I say this? A—Ano kasi… I called to inform you that Margaux was rushed to RMC this afternoon. I was the one who took care of her. May idea ka ba sa nangyari?”
“Ano’ng sabi mo, Ate? Sinugod sa RMC si Margaux? Bakit? Ano’ng nangyari sa kaniya? Who was with her?” sunod-sunod kong tanong. Binaha ng kaba ang dibdib ko.
“Nawalan daw kasi ng malay. Siguro ay dahil sa sobrang stress at pagod. She was also a bit dehydrated because of too much crying. And oh, a certain Josha Dean Mallory brought her here. Kilala mo ba ito? Nag-away yata silang dalawa na siyang naging dahilan upang himatayin si Margaux.” Ate Zenia paused for a second before she continued speaking. I heard her take a deep breath. “N—Nakita ko ring namumula ang mga kamay niya at may mga sugat siya sa labi. I decided to inform you because I know how much you care about her. Kung gusto mo siyang puntahan, nasa room two three five siya. I will also be at the hospital until eight this evening just in case you want to talk to me.”
Kaagad akong nagpaalam kay Ate Zenia at may pagmamadaling tinungo ang kotse ko. Mabilis namang nagpresenta si AJ na siya ang magmamaneho.
Habang nasa daan ay kinakabahan ako sa madadatnan kong sitwasyon ni Marg. Basi sa mga sinabi ni Ate Zenia, mukhang may ginawang kagaguhan si Josha.
“Mapapatay ko talaga ang gagong Josha na iyon kung may ginawa siyang katarantaduhan kay Marg!” nanginginig sa galit kong saad.
“Kalma lang, LC. Huwag kang magpadalos-dalos mamaya. Si Margaux ang isipin mo.”
Sa halip na sagutin si AJ ay tinawagan ko si Mom.
“Hello, Mom?”
“Hello, son? Napatawag ka? May kailangan ka ba?”
“Tumawag po si Ate Zenia. Dinala raw po si Margaux sa RMC. I’m on my way there right now.”
“Ano?! What happened to her, Cynel? Is she okay?” maririnig sa boses ni Mom ang pag-aalala.
“I don’t know, Mom. Pero nawalan daw po siya ng malay at ang board mate niya ang nagdala sa kaniya sa hospital.”
“Son, I would love to come with you but am at a conference now. I’m sorry.”
“That’s alright, Mom. I called to let you know that I’m taking Margaux home. Maaari po bang sa bahay na muna siya mamalagi? Alam ninyo naman po na walang mag-aalaga sa kaniya dahil hindi naman sila malapit ng kapatid niya.”
“Of course, son! She’s always welcome to stay with us.”
“Thank you, Mom. I’ll update you. If not, hintayin ninyo na lang po kami sa bahay.”
“Alright. You take care. Ingatan mo rin si Marg. I love you, son.”
“I love you too, Mom,” I answered and immediately ended the call.
Hindi pa man maayos ang pagkaka-park ni AJ ng sasakyan ay kaagad na akong bumaba at patakbong pumasok ng hospital. I wasn’t just mad. I was furious! Sa pagmamadali ko ay hindi ko na hinintay ang elevator. Tinakbo ko ang hagdanan patungo ng second floor kung nasaan ang kuwarto ni Margaux. Pagdating ko roon ay diretso kong binuksan ang pinto. Nakita ko si Marg na umiiyak habang yakap ni Josha. Dahil sa sobrang galit ay binugbog ko ang gago at pinalabas ng hospital.
Bago kami umuwi ay pinayuhan ako ni Ate Zenia ng mga dapat gawin at nag-set din siya ng counseling schedule upang masigurong maayos si Margaux.
Pagkatapos kong maasikaso ang lahat ay sumaglit muna kami ni Marg sa kaniyang boarding house at kumuha ng mga gamit. Ipinagpaalam ko rin siya kay Tita Shirley na walang kaalam-alam sa nangyari.
Pagdating sa bahay ay sinalubong kami ni Mom sa main door.
“Good evening, Mom.”
“Good evening po, Tita Riza. Pasensiya na po sa abala,” hinging paumanhin ni Marg sabay abot ng kamay ni Mom upang magmano.
Niyakap siya ni Mom bago inakay at pinaupo sa sofa sa living room.
“Oh, no, darling. It’s perfectly okay. How do you feel now?” nag-aalalang tanong ni Mom.
“Okay naman na po ako, Tita. Medyo nanghihina lang po nang kaunti.”
Sa puntong iyon ay nakita ko si Dad na pababa ng hagdan.
“Good evening, Dad,” bati ko sabay lapit sa kaniya at nakipag-man hug.
“Good evening po, Tito Matthew,” bati ni Marg kay Dad sabay mano.
“Good evening din, hija. Kumusta ang pakiramdam mo?”
“I am okay na po, Tito.”
“Can you tell us what happened, hija?”
“Dad, pwede po bang bukas na lang natin pag-usapan iyan? Medyo pagod po si Marg at kailangan niyang magpahinga sabi ni Ate Zenia.”
“Of course, son. Go and take Margaux to her room now so she can rest.”
“Thanks, Dad.”
“Wait. Kumain na ba kayo, Cynel? Magpapahanda ako ng pagkain.”
“Tapos na po, Mom. Ihahatid ko lang po si Margaux sa room niya.”
“Alright,” saad ni Mom bago binalingan si Marg. “Hija, rest well, okay? Just inform Cynel if there is anything you need.”
“Thank you po Tita Riza. Tito, maraming salamat po.”
Niyakap ni Mom si Marg bago kami tuluyang umalis ng sala.
Pagkapasok ng guest room ay pinaupo ko siya sa nag-iisang mahabang sofa na naroon na nakaharap sa flat screen TV.
“Would you like to watch TV? O baka gusto mong maligo para makapagpahinga ka kaagad?” tanong ko habang inaayos ang mga gamit niya sa study table na naroon kung saan nakalagay ang isang desktop computer.
Mga gamit lang niya sa eskwelahan at iilang libro ang kinuha namin sa boarding house niya. Wala na siyang kakailanganin pa. She has everything she needed in here. Kung pumayag lang siya noon ay matagal na siyang nakatira sa amin. Iyon kasi ang gusto ng mga magulang ko upang makatipid siya sa gastusin. Ngunit tinanggihan niya ang alok ng mga ito.
“Magpapahinga lang ako ng ilang minuto rito sa sofa, Kuya.”
“Alright,” tanging sagot ko bago umupo sa kaniyang tabi.
“Sweetheart, what’s your plan about Josha?”
“I d—don’t know, Kuya,” tipid niyang sagot.
“Okay, pag-isipan mo munang mabuti. In the meantime, dito ka na lang muna sa bahay tumira. You can stay here for as long as you want, or dito ka na lang kaya tumira for good?”
“Kuya naman, e. Babalik na naman ba tayo riyan?”
“Alright. Baka lang naman nagbago na ang isip mo,” sagot ko sabay akbay sa kaniya. Normal na ito sa amin lalo na kapag nandito siya sa bahay. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang umusod palayo sa akin. I wasn’t sure if it’s because of what happened between us or if it’s because of what Josha did to her. Siguro kailangan nga niya ng counseling dahil baka nagkaroon siya ng trauma sa nangyari. “Lalabas na ako, sweetheart. Nasa kuwarto lang ako kung may kailangan ka,” paalam ko bago ako tumayo at lumabas ng guest room.
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at sa loob ng panahong iyon ay hindi na namin napag-usapan pa si Josha. Marg told me she’d just forget everything. She had been to two counseling sessions already. The doctor said she’s completely fine. Pero alam kong may nagbago.
Dapat masaya ako dahil abot-kamay ko na siya. Pero kabaligtaran yata ang nangyari. Ni hindi ko na mahawakan kahit ang kamay man lang niya. She’s avoiding physical contact. Kung magkakadikit man ang aming balat, iyon ay aksidente lang na nangyayari na kaagad naman niyang iniiwasan. Ayaw na rin niyang inaakbayan ko siya. Kahit magkasabay kaming pumapasok sa university at umuuwi araw-araw ay tila napakalayo niya. Kaya nang hindi ko na matagalan ang nangyayari ay kinausap ko siya.
Pagkaupo pa lang namin sa sofa sa kaniyang kuwarto ay nahalata ko kaagad na naglagay siya ng distansiya sa pagitan namin.
“Hello, sweetheart. How are you doing?”
“I’m okay, Kuya.”
“Sweetheart, magtapat ka nga sa akin. May nangyari ba noong nag-away kayo ni Josha? Kasi simula noon ay bigla kang nagbago. Or is it because of what happened between us? If it’s the latter, then, forget about it. Humihingi rin ako ng tawad sa kapangahasan ko. But please know that everything I said was true.”
“N—No, Kuya. I’m okay. Really.”
“I don’t believe you. Please tell me what’s bothering you. It has been two weeks. At palagi kitang nakikitang tulala at ni ayaw mong madikit sa akin kahit ang kamay mo. Tell me what the problem is. Nandito ako. Tutulungan kita,” saad ko at akmang hahawakan ko ang kaniyang kamay ngunit mabilis niya iyong inilayo.
“Kita mo? Bakit ba ayaw mong hawakan kita? Wala naman akong sakit. Come on, sweetheart. Ayaw kong nagkakaganito ka. It pains me to see you like this.”
Unti-unti siyang yumuko habang nasa kandungan ang kaniyang nanginginig na mga kamay nang walang ano-ano’y isa-isang nagbagsakan ang masagana niyang luha. Doon ako nag-alala nang husto kaya mabilis ko siyang niyakap. Ngunit sa pagkabigla ko ay itinulak niya ako at malakas siyang nagsisigaw.
“Huwag, K—Kuya! Huwag mo akong hawakan. Please m—maawa ka! Don’t hurt me!” Humagulgol siya ng iyak. Itinaas ko ang aking dalawang kamay na tila sumusuko.
“Hey, sweetheart. It’s me, your Kuya Leonel. I will never hurt you; you know that. Mahal na mahal kita. Please, tahan na,” malumanay kong saad upang pakalmahin siya. Halata ang matinding takot sa kaniyang reaksiyon. Kaya sa halip na pilitin siyang magkuwento ay iniwasan ko na lang muna. Instead, I tried to comfort her and put her mind at ease.
“Sweetheart, ipatong mo ang palad mo sa palad ko. I’m going to show you that I won’t hurt you,” saad ko bago inilahad ang aking kaliwang palad. “Go on, sweetheart. Place your palm above mine. Just do it slowly.”
Doon na siya unti-unting kumilos. Makikita ang kaba sa kaniyang mukha habang dahan-dahan niyang ipinatong ang kaniyang palad sa palad ko. Patuloy pa rin siya sa paghikbi.
“See? It’s okay. Are you still nervous?” Dahan-dahan siyang tumango. “I’m going to place my other hand on top of yours. Huwag kang matakot.” I felt relieved when she nodded again. Nang makulong na ng mga palad ko ang nanlalamig niyang palad ay marahan ko iyong pinisil, hoping that it would calm her down. “Do you feel a bit better now?” tanong ko na muli niyang tinanguan. “I’m going to wait until you’re ready to tell me everything, sweetheart. Just take your time. Pero pakiusap, huwag mo akong layuan o iwasan. Nandito lang ako para sa ‘yo. Alam mo iyan, ‘di ba?”
Tumango siya nang sunod-sunod while wiping her tears with the back of her palm. Awang-awa ako sa sitwasyong nakikita ko. Hindi ito ang Margaux na nakilala kong matapang at palaban.
“Come here, sweetheart. Let me wipe your tears. Tingnan mo, pati tuloy sipon mo ay tumulo na rin. Naghalo na ang luha at sipon. Mukha ka ng dugyot.”
Doon na siya tumawa nang mahina.
“Kuya naman, e.”
“Totoo naman, a. Ang pangit mo na ngang tingnan.”
“Ang sama mo, Kuya,” tipid niyang saad sabay hampas sa braso ko na tinawanan ko lang.
“Come here. Let me give you hug.” May pagdududa niya akong tinitigan. “Promise. Hug lang talaga. Unless, you want more than just that,” panunukso ko na sinabayan ko ng kindat.
“Ang manyak mo, Kuya! Ewww!”
“Maka-ewww ka parang hindi ka umungol—”
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tinakpan na niya ng palad niya ang aking bibig.
Nakaramdam ako ng tuwa dahil kahit papaano ay napakalma ko siya. Kontento na ako sa ganito, ang makasama siya at manatili sa kaniyang tabi. Hindi na ako maghahangad ng mas higit pa rito kung ang aming pagkakaibigan naman ang magiging kapalit.