Chapter 19 - Goodbye

2162 Words
Dalawang linggo ang matuling lumipas simula nang mangyari ang pag-aaway namin ni Josha na siyang naging dahilan ng takot na patuloy kong dinadala hanggang ngayon. No one knew what really happened, not even Kuya Leonel. Nang dahil sa ginawa ni Josha sa akin ay nagkaroon yata ako ng trauma. Simula kasi nang araw na iyon ay ayaw ko nang makihalubilo lalong-lalo na sa mga lalaki. Kahit sa mga kaklase ko at kahit kay Kuya. Kung hindi pa niya ako kinausap noong nakaraang araw ay patuloy ko pa rin siguro siyang iiwasan. The good thing was that he was very patient with me. Hanggang sa unti-unting bumalik ang tiwala ko sa kaniya. Malaki ang naitulong ng pagtira ko sa bahay nina Kuya. Bukod sa napalayo ako kay Josha ay nagkaroon ako ng oras upang tutukan ang subject na nagbibigay sa akin ng problema. Wala naman kasi akong gagawin kundi ang mag-aral lang. May mga kasambahay sina Kuya na siyang nag-aasikaso hindi lamang sa pamilya nila, kundi pati na rin sa akin. Hindi nila ako itinuturing na ibang tao. Talagang mababait ang mga magulang ni Kuya at maging ang kanilang mga kasambahay. Lumipas ulit ang halos dalawang lingo. Isang hapon, habang nagre-review ako sa loob ng kuwarto ko para sa nalalapit na exam ay biglang tumunog ang cellphone ko. Walang ibang nakaaalam ng bagong number ko maliban kay Kuya, kay Maurine at kay Tita Shirley. A day after I came here, Kuya bought a new sim card for me so I can avoid any contact with Josha. Sigurado raw siyang uulanin ako nito ng tawag at text. I froze when I opened the text message. Galing iyon kay Josha. Nagtaka ako kung bakit alam niya ang number ko. Pero siguro ay hiningi niya ito kay Tita Shirley. Hindi ko rin kasi nabilinan si Tita na huwag ibibigay kahit kanino ang bago kong numero. “Hi, baby! Kumusta ka na? It’s been almost a month since we last saw each other. Again, I want to apologize for what happened that day. Alam kong walang kapatawaran ang nakagawa ko pero hihingi pa rin ako ng tawad.” I deleted his message but then I received another one. “Baby, please know that I regret everything I did. Nagsisisi akong nagpadala ako sa galit ko. Please forgive me and let me make it up to you before I leave for the States.” Bigla kong naalala na sinabi nga pala niya sa akin na huling semester na niya ito. Magtatapos na siya at babalik ng U.S. kung saan naroon ang kaniyang lola na siyang nagpalaki sa kaniya. Ang kaniyang parents at mga kapatid ay sa Manila na naninirahan. Binura kong muli ang message niya. Maya-maya pa ay tumatawag na siya. I cancelled the call and turned my phone off. Nawalan na ako ng ganang magpatuloy sa ginagawang pagre-review. Nililigpit ko ang mga libro ko nang makarinig ako ng mahihinang katok. Nang buksan ko ang pinto ay ang masayang mukha ni Kuya ang nabungaran ko. Kaagad ko siyang pinapasok. “Hey, sweetheart. Want to go out with me?” “Where to, Kuya?” “Are you busy? Kain tayo sa labas.” “Hindi naman, nagre-review lang. Alam mo naman na final exam na namin next week.” “Sa talino mong iyan, kailangan mo pa bang mag-review? Anong subject ba iyan?” “Calculus, Kuya. Ito talaga ang challenge ko, e.” “Calculus? That’s a piece of cake. Halika’t tuturuan kita. Basta pagkatapos nito, lalabas tayo. Deal?” “Sige ba,” pagsang-ayon ko. Tinuruan nga ako ni Kuya, at sa loob ng dalawang oras ay naintindihan ko ang topic na hindi ko makuha-kuha noong ang professor ko ang nag-discuss. “There! Madali lang, ‘di ba? So, ano? Labas tayo?” “Okie, dokie. Tatanggi pa ba ako? May natutunan na nga ako, may kasama pang libreng dinner.” “Ikaw talaga! Basta libre, ang bilis mo! Sige na. Go ahead and take a bath, then mag-ayos ka na. Babalik muna ako sa kuwarto ko at maghahanda,” paalam niyang ginulo pa ang buhok ko bago tuluyang lumabas. Habang naliligo ay bigla kong naisip na mag-iisang buwan na pala akong hindi nakapag-online. Wala na kasi akong panahon sa university dahil pagkalabas ko sa huling klase ko ay diretsong umuuwi na kami ni Kuya. Hindi rin naman ako nagbubukas ng computer dito kung hindi rin lang school-related ang gagawin ko. “Hmmm, matagal ko na rin palang hindi nakakausap si Sage. Kumusta na kaya siya? Baka nakahanap na iyon ng bagong chatmate. Susubukan kong kumustahin siya mamaya pagkatapos kong gumawa ng assignment,” wika ko sa isip ko habang nagpupunas ng katawan. Pagkalabas ko ng banyo ay kaagad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Saktong pagkatapos kong magsuot ng sapatos ay siyang pagkatok ni Kuya. “Let’s go?” bungad niya pagkabukas ko ng pinto. Tumango lang ako bago kumapit sa kaniyang braso. “Kuya, saan tayo?” tanong ko habang inaalalayan niya ako sa pagpasok sa kaniyang kotse. “Saan mo ba gustong kumain, or, ano ba ang gusto mong kainin?” “Gusto ko ng pizza, Kuya.” “Then, pizza it is,” sagot niya bago pinaandar ang sasakyan. Dinala niya ako sa pizza house na paborito naming puntahan. Pagdating namin doon ay pumili siya ng table sa may gilid na malapit sa garden. Kahit ala sais na ng gabi ay maliwanag pa rin sa bahaging iyon dahil maraming ilaw sa palibot ng lugar. “Should I order the usual?” “Yes, Kuya, please,” sagot ko. Ang tinutukoy niyang the usual ay ang bacon cheeseburger flavor na paborito ko. “Alright.” Kaagad niyang tinungo ang counter. While waiting, I took my phone out of my bag and turned it on. I was busy checking my messages when someone sat on the chair before me. Sa pag-aakalang si Kuya iyon ay dali-dali akong nag-angat ng ulo. “Kuya, ang bilis mo naman—” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa sobrang gulat. Hindi si Kuya ang nasa harapan ko. It’s Josha! “Hey, baby. How are you?” Akmang tatayo ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Nakikiusap ang kaniyang mga mata. I understood what he was trying to say. Binawi ko ang kamay kong hawak niya at muli akong umupo. Ayaw ko rin naman ng eskandalo dahil nasa public place kami. Tahimik akong nanalangin na sana hindi pa bumalik si Kuya upang walang gulo. “Go ahead, Josh. Say whatever you want to say. Pero pagkatapos nito ay tigilan mo na ako. Tapos na sa atin ang lahat. Gusto ko nang makalimot.” “I know, baby, I know. I’ve been wanting to talk to you to personally apologize for what I did before I leave for the States in two weeks,” saad niya bago mariing napapikit. Nang magmulat siya ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. “B—Baby, I want you to know that I regret the awful things that I did to you. I am terribly sorry. You are right. Masasaktan lang tayong dalawa kung ipagpapatuloy natin ito. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi kita niloko. Wala na talaga kami ni Maryse nang mga panahong iyon. I ended our relationship the night after I told you that I’ll break up with her. Hindi lang talaga niya natanggap.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Pero nangyari na ang nangyari kaya siguro kailangan ko na ring tanggapin. Masakit dahil alam ko sa puso kong mahal kita. Pero alam ko ring hindi na maibabalik pa ang tiwala mong sinira ko. Again, I am sorry. I’m hoping that one day… ay mapatawad mo rin ako. Maraming salamat sa maikling panahong pinagsamahan natin. I will t—take with me… all the m—memories… we made together.” Biglang nag-iba ang kaniyang tono. That’s when I realized that he was already crying. Kitang-kita ko ang pagbagsakan ng masaganang luha sa kaniyang mga mata. “A—Alagaan mo ang sarili mo. Alam kong nandiyan ang Kuya mo upang tulungan ka. Alam kong m—mahal ka niya. Isa lang ang hihilingin ko. M—Mag-aral kang mabuti at abutin mo ang l—lahat ng mga pangarap mo. I want to see you become successful. I hope and pray that fate will give us a chance to see each other again in the future. Kahit bilang magkaibigan na lang. Goodbye, baby. Please know that I love you.” Walang ni isang salitang lumabas sa mga labi ko. I saw him stood up amidst the deafening silence. Nilapitan niya ako at binigyan ng magaang halik sa aking ulo sabay yakap ng isa niyang kamay sa balikat ko. Gusto kong magsalita. But I just couldn’t find the right words to say. Before I knew it, he was already walking away. Palabas na siya ng bakuran ng pizza house. Isa-isang tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan ako. But I knew it’s what’s best for the two of us. Babaunin ko rin ang lahat ng magagandang alaalang mayroon kami. Masakit. Pero alam kong makakaya ko. Sa nanlalabong mga mata ko ay nakita ko si Kuya Leonel na pabalik na sa puwesto namin. Dali-dali kong kinuha ang panyo ko at mabilis na pinunasan ang aking mga mata at pisngi. Kahit nasasaktan ako ay pinilit ko pa ring ngumiti. “Hey, what’s wrong? Umiyak ka ba?” “Hindi, Kuya. May insektong pumasok sa mata ko. Thankfully, natanggal ko rin naman,” pagsisinungaling ko na pinaniwalaan naman niya. Pinagsaluhan namin ang pizza na pinaresan niya ng canned soda. Hindi ko pinahalata sa kaniya na nawalan na ako ng gana. Pinilit kong pinasigla ang boses ko habang nag-uusap kami. Ang hindi niya alam, gusto ko nang humagulgol ng iyak dahil tila sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Pagkatapos naming kumain ay diretso kaming umuwi. Pumasok ako ng banyo upang maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog bago ako haharap sa desktop computer upang gumawa ng assignment. Ngunit nang nasa banyo na ako ay bigla kong naalala si Josha. Ramdam ko ang sakit at pagsisisi sa boses niya kanina. Alam ko sa sarili kong napatawad ko na siya ngunit hindi ko lang masabi-sabi sa kaniya. Nanghihinayang ako sa aming nasimulang relasyon. Pero sadyang ganito nga siguro ang buhay. May mga taong darating sa buhay natin hindi upang manatili. Darating sila upang turuan tayo ng aral na dadalhin natin sa ating pagtanda. Masakit man ang pagtatapos ng istorya namin ni Josha pero marami akong natutunan. Isa na roon ay ang magmahal nang tapat at totoo. Alam kong mahal niya ako. Sadyang napakahina ko lang. I also learned that we should not make huge decisions and say things when we are at the height of our emotions. Higit sa lahat, ipaglaban ang mga bagay na karapat-dapat ipaglaban at bitawan ang kung ano mang unti-unting sumisira sa atin at sa mga tao sa paligid natin. May mga panahong kailangan din nating sumuko, hindi dahil pagod na tayo, kundi dahil wala na rin namang dapat ipaglaban pa. Magiging mahirap sa simula, pero darating ang panahong matututunan din nating tanggapin ang lahat at magpatuloy sa buhay. Dumaloy ang masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan. Mabilis kong hinubad ang mga suot ko at pumuwesto sa ilalim ng shower. Hinayaan kong tangayin ng tubig ang mga luhang bunga ng pagkabigo ko sa una kong pag-ibig. I may be young. Pero alam ko sa sarili kong minahal ko si Josha sa paraang alam ko. Hindi ko nga lang napanindigan ang pagmamahal kong iyon. Nang medyo kumalma na ako ay saka ko tinapos ang paliligo. Inayos ko ang sarili ko at nagsimulang gumawa ng assignment na parang walang nangyari. Pagkatapos kong gawin iyon ay nag-log in ako sa aking YM account na mahigit isang buwan ding hindi ko nabuksan. Pagka-log in ko pa lang ay kaagad nang nag-pop up ang chat screen na naglalaman ng mga messages ni Sage. Mga nasa labin-limang messages din iyon na halos pangungumusta ang laman. Ang huling message niya ay kahapon pa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. Alas otso na ng gabi. Siguradong bukas ng umaga pa siya magiging online ulit. Nag-compose ako ng message para sa kaniya. “Hello, Sage! Kumusta ka na? Sorry kung hindi ako nakareply sa mga messages mo. A lot of things came up. How are you? Thank you for checking on me often these past few days. Just message me back when you get online. Bye!” Naghintay ako ng sagot sa pagbabakasakaling online siya kahit alas otso pa lang ng umaga sa New York. Marahil ay nasa trabaho na siya sa university. Paglipas ng limang minuto ay nagdesisyon akong mag-log out at i-check na lang kinabukasan ang sagot niya. I was about to click “Sign Out” when a chat from him popped up. “Hey, Marg! Still there?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD