Leonel's POV
I was on my way to Marg’s boarding house. Susunduin ko siya upang isamang magsimba at maglibot sa mall bago umuwi ng bahay upang doon kumain ng lunch at dinner kasama ang parents at ang Kuya ko.
My mother loves Margaux so much. Siguro ay dahil wala silang anak na babae ni Dad. Kaya noong minsang naabutan ako ni Mom sa kuwarto ko na kausap si Marg sa phone ay naging interesado siya rito. Binibiro ko si Margaux nang mga oras na iyon kaya tawang-tawa ito at iyon ang naabutan ni Mom. She asked me who I was talking to at wala akong nagawa kundi ikuwento sa kaniya ang lahat. Kahit ang nararamdaman ko para kay Margaux ay ipinagtapat ko rin kay Mom. My father likes her too. Botong-boto rin siya kay Marg at maging ang mga pinsan ko ay ganoon din. Alam ng pamilya ko ang katayuan ni Marg sa buhay. But it didn’t matter. Hindi matapobreng klase ng tao ang pamilya ko.
Pagdating ko ng boarding house ni Marg ay diretso na akong pumasok dahil hindi naman naka-lock ang gate. Kilala na ako ni Tita Shirley at ng iba pang board mates ni Marg kaya malaya akong nakadadalaw sa kaniya. I have been coming here for months now since I joined the fraternity. Malaki ang tiwala ni Tita sa akin dahil kilala ang pamilya ko sa buong Bacolod. Kilala at sikat na CPA-Laywer ang Dad ko at siya ang kasalukuyang number one councilor ng siyudad. My Mom is also a well-known personality because of her charitable works.
Nang malapit na ako sa sala ay narinig kong may nag-uusap doon. Naisipan kong baka naroon si Marg kaya sa halip na dumiretso sa kuwarto niya ay sa sala ako nagtungo. Hindi nga ako nagkamali. I saw her standing in front of a woman. Kitang-kita sa hitsura pa lang ng babae ang karangyaan. Magalang itong binati ni Margaux at kinausap. But I was appalled when I heard the girl accused her. Inagaw daw ni Marg ang kaniyang fiancé na walang iba kundi si Josha. But what made me furious was when she belittled Marg. Narinig ko ang lahat ng sinabi nito. Sasabat na sana ako sa usapan pero biglang sinagot ni Marg ang babae. Napangiti ako dahil lumaban siya. Pero para akong naubusan ng hangin sa narinig kong sinabi niya sa babae. Tanungin daw nito kung ano ang pinaggagawa nila ni Josha sa ibabaw ng kama niya at kung paano nila inungol ang pangalan ng isa’t isa. Daig ko pa ang sinikmuraan ng ilang beses. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Gulong-gulo rin ang utak ko sa pag-iisip kung may nangyari na sa kanila ni Josha. Kailan? Noon bang nalasing siya?
“f**k! Why was I so confident na ipaubaya si Marg sa lalaking iyon nang nalasing siya? Ang laki kong gago!” kastigo ko sa sarili ko.
Ngunit natigilan ako nang makita kong sinabunutan ng babae si Marg. Wala siyang kalaban-laban dahil ‘di hamak na mas mataas ito sa kaniya. Nang makita kong idinidiin siya ng babae sa sahig ay doon na ako kumilos.
Nagpanggap akong boyfriend ni Marg dahil gusto ko siyang tulungan, parang napakababa kasi ng tingin sa kaniya ng babaeng kausap niya. Nakaramdam ako ng matinding awa para sa kaniya habang inaakay ko siya pabalik sa kaniyang kuwarto.
Upang may mapag-usapan ay tinanong ko siya kung naaalala pa ba niya ang mga panahong ginagamot niya ang aking mga pasa gawa ng hazing sa fraternity na sinalihan ko. Doon siya nag-angat ng mukha at tumitig sa akin nang matagal. It’s as if she was remembering something. Hanggang sa napag-usapan namin ang una naming pagkikita.
I felt a sudden rush of emotions while we were reminiscing the past. Bigla kong naalala kung paano ako na-love at first sight sa kaniya.
It was more than a year ago. She was a new student in our university. Nagkasabay kami sa pila upang magpagawa ng school ID. Naalala ko pa kung paano ako nakiusap sa isang estudyante sa unahan ko na dapat sana ay makakasabay ni Margaux.
“Miss, makikiusap sana ako kung maaari bang mauna ako sa ‘yo sa pila? Mga kasama ko kasi ang tatlo sa unahan mo,” pakiusap ko na inirapan lang ng babae. “Please, please. I will consider this a huge favor,” nagpapa-cute kong muling pakiusap na sinabayan ko pa ng kindat. Laking pasasalamat ko nang pinagbigyan ako nito.
Panay pagpapapansin ang ginawa ko sa loob ng ID section. I was hoping that Marg would give me a quick glance. Pero hindi iyon nangyari. Kaya kinulit ko siya nang kinulit nang siya na ang nasa harapan ng camera. Mula noon ay nakuha ko na ang atensiyon at loob niya. I was sure she’d be mine in the long run. Or so I thought.
I was lost in thought while going down memory lane and before I knew it, I was already caressing her face, making everything awkward.
Dali-dali siyang pumasok ng banyo. Naghintay ako. At nang maramdaman kong lalabas na siya ay nagkunwari akong tulog. May pumasok na kapilyohan sa ulo ko. Nagkunwari akong parang mahuhulog, at hindi nga ako nagkamali, mabilis siyang sumaklolo sa akin.
I was surprised at first, lalo pa at naramdaman ko ang malambot niyang dibdib sa aking mukha. Hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko siya sa kaniyang palapulsuhan at mabilis na inihiga sa kama. Hanggang sa humantong kami sa paghahalikan. I was a bit nervous. Damn! Never in a million years did I imagine that this time would come, that I would ever get a chance to be this close to her. Unti-unti ko na kasing natatanggap sa sarili ko na hanggang magkaibigan lang talaga kami. Pero nangyari ito kaya nabuhayan ulit ako ng loob. Maybe, just maybe, there is, after all, a chance for the two of us.
Habang naghahalikan kami ay hindi ko maiwasang mag-aalala sa maaaring kahihinatnan ng ginawa ko. Ngunit sa kabila niyon ay sobrang saya ko dahil ito ang unang pagkakataon na nahalikan ko siya sa kaniyang mga labi. It felt heaven! Damn! She’s my first kiss.
Pero biglang dumating ang gagong si Josha at wala akong nagawa nang nakiusap si Margaux na umalis ako. Ramdam kong sa aming dalawa ni Josha ay mas matimbang ang gagong iyon sa kaniya. Masakit mang isipin pero alam kong si Josha ang pinipili niya. Alam kong sa kabila ng nangyari sa amin kani-kanina lang ay hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa akin. Siguro ay nadala lang siya dahil sa galit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Pero wala akong pakialam kahit panakip-butas lang ang papel ko sa buhay ni Marg. Ganyan ko siya kamahal na handa akong magpakatanga. Masakit pero iyon ang totoo.
Kahit labag sa loob ko ay umalis ako. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Magulo ang isipan ko. Ang sakit isipin na sa ganito kami magtatapos. Kinakabahan ako sa magiging resulta ng kapangahasan ko. Pero kahit ilang beses kong itanong sa sarili ko, wala akong makapang pagsisisi sa puso ko. Ano man ang kahahantungan nito ay buong puso kong tatanggapin.
Mabilis na dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata. The pain that I was feeling was crushing my heart to pieces. f**k! Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, pero mukhang ito pa ang magiging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin.
Pinalis ko ang aking mga luha at nagdesisyon akong pumunta na lang sa tambayan. Pinasibad ko ang kotse paalis ng boarding house ni Marg. Nawalan na ako ng pakialam sa paligid ko. Gusto kong magpakalunod sa alak. Tamang-tama at naroon ngayon ang mga kasama ko sa bandang binuo ko noong high school kung saan ako ang lead vocalist hanggang ngayon.
Pagdating ko sa tambayan ay kaagad akong niyayang uminom ng mga kabanda ko kahit alas kuwatro pa lang ng hapon. “Great! This is what I want! Ang magpakalasing. Baka sakaling mabawasan ang sakit at sama ng loob na nararamdaman ko,” wika ko sa sarili.
Bandang ala singko ay unti-unti nang dumating ang mga customers. Nang medyo dumami na ang mga tao ay pinakiusapan ako ng mga kasama ko na kumanta.
“LC, kumanta ka, bro! Sa kanta mo ilabas ang kung ano mang nararamdaman mo,” si Cedric, ang aming rhythm guitarist.
Sumabat naman ang aming bassist na si Tristan. “Hindi mo man sabihin, alam naming may dinadala kang problema, Lenny.”
“Alam naming may kinalaman na naman iyan kay Margaux. Kaya go na, bro. Sa pagkanta mo na lang idaan ang unrequited love mo,” tukso ni AJ, ang drummer ng grupo.
“Sayang ang pagiging lead guitarist at vocalist mo kung magpapakalasing ka lang ngayong gabi. Come on, brother! Show them what you’ve got!” si Nikho, ang keyboardist.
Dahil medyo nakainom na ay napapayag ako ng mga gago kong kaibigan. Kinuha ko ang acoustic guitar bago umakyat ng mini stage.
“This song is for the special girl who has my heart in the palm of her hand,” ang madamdamin kong saad gamit ang microphone bago ko sinimulang kantahin ang “Why Can't It Be the Two of Us” habang nakaupo sa silyang naroon.
Pagkatapos ng kanta ay wala akong nakuhang reaksiyon mula sa audience. Matiim lang silang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung bakit. Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Nakita ko ang aking mga kaibigan na nakatingin din sa akin, awang ang kanilang mga bibig. Biglang sumenyas si Cedric na kaagad kong naintindihan. Inangat ko ang aking kamay upang damhin ang aking mukha, at doon ko unti-unting naramdamang basa ang aking mga pisngi. Hindi ko namalayan, umiiyak pala ako habang kumakanta. Mabilis kong pinahid ang aking mga luha gamit ang aking kamay at saka ako nagsalita sa microphone sa harap ko.
“Thank you everyone for listening. At pasensiya na talaga sa drama ko,” hinging paumanhin ko at bahagyang yumuko. Ngunit muling napaangat ang ulo ko nang makarinig ako ng sigaw at kantiyawan.
“Bakit ba kasi hindi mo sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo?” kantiyaw ng isang babaeng customer.
“Napakaswerte naman ni girl kung sino man s’ya!”
“Bulag ba si girl? Hindi niya ba nakikita ang kagwapohan sa harap n’ya?”
Ito ang mga narinig ko mula sa audience na sinuklian ko lang ng isang tipid na ngiti. Muli akong yumuko bago tuluyang bumaba ng stage at kasabay niyon ay ang muling pagdaloy ng aking mga luha.