Chapter 22 - Deal

2145 Words
“Marg, are you there? Hello?” Matagal bago ako nakasagot. Ni sa hinagap ay hindi ko inisip na magagawa niyang magsabi nang ganito. Bigla akong na-conscious kahit hindi naman kami magkaharap. Nag-init ang mukha ko at nasisiguro kong pulang-pula ang mga pisngi ko. “Is this some kind of j—joke, Sage? Kasi hindi ka nakatatawa,” seryoso kong saad. “Do I sound like I am joking, Marg? I believe that things like these shouldn’t be taken lightly. Given the circumstances, kagagaling mo lang sa isang failed relationship. I am not that heartless para paglaruan ka o ang damdamin mo. Alam kong mahirap paniwalaan dahil hindi pa tayo nagkikita. But I do care about you. Oh no, let me correct that. I care for you, Marg. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero nagising na lang ako na ganito na ang nararamdaman ko. Alam kong kailangan munang maghilom ng mga sugat sa puso mo. I also know that you need to mend all the broken pieces of yourself. Pero sana, hayaan mo akong tulungan ka. Hayaan mong ako ang maging rason upang mabuo kang muli.” Hindi ako nakasagot. “But please know na hindi ako nagmamadali. Maghihintay ako kung kailan ka magiging handang magtiwalang muli. I am just confessing to you now dahil hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa ‘yo. It’s like I am torturing myself. Just like what happened in the past month. I was already losing my mind sa kakaisip kung nasaan ka.” Bumuntong-hininga siya. “I also want to be honest with you about my feelings. Given my age, I’m at the point in my life right now na ayaw ko nang pinapatagal pa ang mga bagay-bagay. Sana lang pagkatapos nito ay hindi ka magbabago. Ako pa rin ito, Marg, si Sage na nakilala mo at naging kaibigan. Sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon.” Given his age? Bakit? Ilang taon na ba siya? Because honestly right now, he doesn’t sound like twenty-six years old. “Sage, sa pagkakaalala ko, twenty-six years old ka pa lang naman. Pero kong makapagsabi ka ng given my age, you sounded like someone na lumagpas na sa kalendaryo,” saad ko na may halong pagbibiro. Siya naman ang hindi nakasagot. “Bakit, Sage? Ilang taon ka na bang talaga? Mukhang mas seryoso ka pa yata sa Papa ko, e.” “B—Bakit Marg? Kapag sinabi ko bang hindi nga ako twenty-six years old ay magagalit ka?” “Honestly, I won’t get mad just because you are way older than me. Wala akong pakialam sa mga edad edad na iyan. What will make me get mad is the fact that you lied to me. Pinakaayaw ko sa lahat, ang sinungaling,” prangkang sagot ko na ikinatameme niya. “I—I perfectly understand.” “Sa totoo lang, Sage, napakahirap paniwalaan ng mga sinabi mo. Ni hindi pa tayo nagkikita. We don’t know each other that well kaya paano mo nasabing gusto mo akong ligawan? High ka ba?” pang-aasar ko sa kaniya to somehow lighten the atmosphere. “I’m completely sober, Marg, and I’m not into drugs,” seryoso niyang sagot na ikinangiti ko. “Ikaw naman, ‘di ka na mabiro. Napakaseryoso mo sa buhay. Sige ka, tatanda ka nang maaga niyan.” “That’s alright kung ikaw naman ang makakasama ko sa pagtanda.” “Oh, my! Ang corny mo, alam mo ba iyon?” “Corny na kung corny, e, sa iyan ang totoo. I have never felt like this with anyone before.” “Gosh, I didn’t know you could be like this, Sage. Ibang-iba ka kasi sa chat.” “There are still a lot of things that you do not know about me, Marg. Sana ay hindi ka magbago kahit na malaman mo ang mga bagay na iyon.” “What? Hindi ka naman siguro serial killer, ‘no? O ‘di kaya ay rapist?” “So far, wala pa namang nagsasampa sa akin ng kasong rape simula noon. Baka ikaw pa lang.” “Ano ba iyan? Kung saan-saan na napunta ang usapang ‘to. Change topic tayo, you’re scaring me!” “Ano ba ang gusto mong pag-usapan?” “Magkuwento ka ng tungkol sa ‘yo. Kahit ano.” “Bakit hindi ikaw ang magkuwento sa akin ng tungkol sa ‘yo? About your dreams, mga gusto mo sa buhay, you pick.” “Hmmm, dreams ko? I don’t dream big dreams, Sage. Ang mga pangarap ko ay iyong tipong sa tingin ko ay makakaya kong abutin because I don’t want to end up disappointed. Minsan nga naiisip ko, tamad ba ako dahil wala akong pangarap sa buhay at kontento na ako sa kung anong mayroon ako?” Humugot ko ng isang malalim na hininga. “Alam mo, mahirap lang kami kaya lumaki akong salat sa lahat ng bagay. Siguro ito ang dahilan kong bakit hindi ako mapaghanap. Nasanay akong kainin ang kung ano lang ang nakahain sa lamesa. Hindi ako nagde-demand ng kahit na ano. At nasanay akong tumayo sa sarili kong mga paa. Alam mo namang maagang nawala ang Mama ko, that’s why I became independent at an early age hanggang ngayong college na ako. Ayaw kong maging pabigat sa Papa ko at lalong-lalo na sa aking mga kapatid. May sariling buhay na ang mga iyon. Sisikapin kong makuha ang pinakaminimithi kong college diploma sa sarili kong pagsisikap. Ayaw kong umasa sa iba.” “Wow! Ikaw ba talaga si Marg? You don’t sound eighteen. Ang mature mong mag-isip.” “Siguro kung napagdaanan mo ang napagdaanan ko simula bata pa ako, you’d know why I am like this. Iisa lang talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko, Sage, ang hindi mapagdaanan ng mga magiging anak ko ang buhay na mayroon ako. I’m not blaming my father. He was the best father that I could ever wish for at kahit papipiliin akong muli, siya pa rin ang Papa na pipiliin ko. I wouldn’t be where I am today if it wasn’t for him. Noong namatay si Mama, si Papa ang tumayong Papa at Mama namin. Oo, nahirapan siya pero hindi siya sumuko. And I admire my father for that. Sadyang may mga bagay lang talaga minsan na gusto man nating abutin, ang tadhana ang pumipigil. But I am a firm believer of the line “Everything happens for a reason”. This is what helps me see the brighter side of things lalong-lalo na kapag nasa punto na ako ng buhay ko na gusto ko nang sumuko. People may say that I am a hypocrite for saying this, but yes, hindi ko pangarap ang yumaman. Ang tanging pangarap ko lang ay komportableng buhay para sa akin, sa pamilya ko, at sa pamilyang bubuuin ko balang-araw. So, ‘yon. Ang drama ko,” pagtatapos ko sa napakahaba kong speech bago humalakhak. “I am speechless, Marg. Kahanga-hanga ka—your personality, your outlook in life, and how you see things. Parang hindi ka talaga eighteen. Mas lalo yata akong mai-in love sa ‘yo nito. Pakasal na kaya tayo pag-uwi ko?” “Hoy, grabe ka! Ni hindi pa nga ako pumapayag na makipag-meet up, kasal na kaagad ang iniisip mo?” “Pumayag ka na kasi. Promise, kahit pangit ka, mamahalin pa rin kita.” “Ewww, you’re so cheesy!” “Oo nga, e. Ewan ko pero pagdating sa ‘yo, pakiramdam ko ay bumabata ako, parang bumabalik ako sa pagiging teenager. Iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig.” “Pag-ibig? Kilabutan ka nga!” sagot ko na tinawanan lang niya. “You sound cute, alam mo ba? Hmm, I can’t wait to finally meet you. Sana mapapayag na kitang makipagkita sa akin this December. Anyway, I still have two months to convince you. At sigurado ako, makukuha ko rin ang matamis mong oo.” “Wow! Nag-uumapaw ang confidence natin, a! Saan ka humuhugot ng ganyang klaseng lakas ng loob?” “Trust me, Marg. Wala pang nakahihindi sa isang Sagittarius Dela Victoria.” “Baka ako pa lang?” “We’ll see. Teka, kung sakaling mapapayag kita, may premyo ba ako?” “Aba! Aba! Parang gugulangan mo pa ako, a? Ako na nga ang papayag sa gusto mo, tapos bibigyan pa kita ng premyo. Ang galing lang din talaga! Masyado kang mautak.” “Malay mo baka makalusot.” “Bakit? Anong premyo ba ang hihingin mo kung sakali?” “Bakit mo tinatanong? Ibibigay mo ba? Baka ‘di mo kaya?” “Try me, Sage.” “Saka ko na sasabihin. Isa-isa lang. We still have two long months, Marg. We’ll take this one step at a time. Alam kong sinasakyan mo lang ang mga sinasabi ko. But seriously, I’m going to court you first. And maybe, just maybe, mapapayag kitang makipagkita sa akin. Saka ko na iki-claim ang premyo ko.” “Okay, malay natin, kaya ko naman palang ibigay. Why not, ‘di ba? Anyway, how long will you stay here in the Philippines?” “I will be there the entire month of December, Marg. If you want, we can spend some time together, para mas makilala pa natin ang isa’t isa. Kailan ba magsisimula ang Christmas break ninyo sa university?” “I’m not sure, yet. But maybe the third week of December until the first week of January.” “Do you have other plans during your Christmas break?” “Nope. Hindi ako uuwi sa amin.” “Great! So, we have three weeks to spend together, right?” “Yeah.” “You mean to say, pumapayag ka na?” “Pumapayag saan?” nagtataka kong tanong. “To spend your entire vacation with me.” “Hoy, wala akong sinasabing gano’n, ha!” “Well, you said yeah. So, it’s a deal.” Narinig ko siyang tumawa. “See? I told you, mapapapayag din kita. It didn’t take long, did it?” “Ang daya mo!” “You already said yeah, kaya huwag mo nang bawiin. Iisipin ko na lang ngayon kung paano kita mapapasagot. I’ll do my best to win your “yes” bago pa ako umuwi ng Pinas. When we finally meet, I want you to be completely MINE,” pahayag niya na binigyang-diin pa ang salitang “mine”. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko ay kumislot ang puso ko sa sinabi niya. “Asa ka, Sage! Ang daya mo. As in,” naiinis kong saad. Ngunit bago pa man makasagot si Sage ay nakarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko. Mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto habang hawak ko pa rin ang aking cellphone. “Oh, hi, Kuya! Bakit gising ka pa?” “Hey, sweetheart. Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan sa ‘yo? It’s almost eleven in the evening at maaga tayong gigising bukas dahil magsisimba tayo, remember? I was about to go to the kitchen when I heard noises. I thought you were crying that’s why I checked on you to make sure you were okay. Were you talking to someone?” “Y—Yes, Kuya. I am talking to a friend on the phone.” “I see. Don’t stay up late, okay? Baka antukin ka bukas sa church.” “No worries, Kuya. Patapos na rin naman kaming mag-usap.” “Good. Sige na, close and lock your door, then, go to bed.” “Okay, Kuya.” Lumapit siya sa akin. He gave me a quick hug and a light kiss on my head. “Good night sweetheart.” “Good night, Kuya.” Tumalikod na siya upang pumunta ng kusina. Sinarado ko na rin ang pinto at ini-lock iyon bago ko binalikan si Sage. “Sage, nandyan ka pa ba?” “Yes, I’m here. Who was that?!” tila naiinis na tanong ni Sage. “Ah, that was Kuya Leonel. Nagtanong lang kung okay lang ako.” “He sounded sweet. Ganyan pa rin ba ang pakikitungo niya sa ‘yo after what happened?” “Yup. We’ll, umiwas ako sa kaniya ng ilang linggo. But we are okay now.” “He is one lucky bastard!” pabulong niyang sagot kaya hindi ko masyadong naunawaan. “May sinasabi ka, Sage?” “Oh, no. Nothing.” “So, paano? Matutulog na ako. Maaga pa kaming magsisimba ni Kuya bukas.” “Alright! I’m going to call you again tomorrow. Just send me a private message kung available ka na upang tawagan.” “Sure, Sage. Good night, or good morning.” “Good night, Marg. Dream of me.” “Bye. Dream of me, too,” pagsakay ko sa sinabi niya before I ended the call and went to bed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD