I was about to log out from my YM account when I received a reply from Sage. I wasn’t expecting he’d be online. Sabado ng umaga ngayon sa New York and I thought he might be out somewhere doing whatever OFWs do during the weekends.
Hindi ko inaasahan ang sinabi niyang na-miss niya ako. At mas lalo kong ikinagulat ang paghingi niya ng mobile number ko. Sa ilang buwan naming pagiging chatmate, never did he ask for my number. Nag-alangan pa sana akong ibigay pero naisip kong wala namang mawawala sa akin kung ibibigay ko. At isa pa, mahal ang overseas call, siguradong hindi siya tatawag nang basta-basta. Kaya sa huli ay ibinigay ko na lang.
Maayos na sana ang pag-uusap naming dalawa ngunit bigla siyang nagtanong tungkol sa amin ni Josha. Naalala ko na naikuwento ko nga pala sa kaniya ang tungkol sa aming dalawa. Hindi ko alam pero pagdating kay Sage ay hindi ako nahihiyang magkuwento. Napaka-openminded kasi niya at isa pa, alam kong malayong mangyaring magkikita kaming dalawa sa personal. Ni hindi pa nga namin nakikita kahit ang picture ng isa’t isa at hindi rin kami gumagamit ng webcam tuwing nag-uusap kami. Parang may unawaan na kami na hindi na kailangan pa ang mga ganoong bagay.
Nang nagtanong si Sage ay bigla ko na namang naalala si Josha. Nag-flashback na naman sa isip ko ang kaniyang mga sinabi bago niya ako tinalikuran kanina sa pizza house.
Siguro hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol doon. Kahit si Kuya Leonel ay walang kaalam-alam sa nangyaring pag-uusap namin ni Josha kanina.
Knowing Sage, alam kong kukulitin na naman niya ako. Kaya sa halip na magpatuloy sa pakikipag-chat, I decided to say goodbye and directly logged out without even waiting for his reply.
Heto na naman ang pakiramdam na iniiwasan ko. The emptiness that I started to feel after that short encounter with Josha earlier. Alam kong sa pag-alis niya, he took with him a piece of my heart. At hindi ko alam, kung mabubuo pa ba ito. Maybe. Pero kung kailan ay hindi ko alam. Muli na namang dumaloy ang mga luha ko. Despite what Josha did to me, masasaktan pa rin pala ako sa kaniyang pag-alis.
“Ahhh, kainis! Nagiging iyakin na yata ako lately,” wika ko sa sarili ko.
Mabilis kong pinahid ang aking mga luha at nagpasyang matulog na lang. When I was about to go to bed, I remembered my cellphone. Magse-set ako ng alarm para bukas. Pero hindi ko iyon mahanap. I suddenly remembered that I was texting Maurine while inside Kuya’s car earlier. Inayos ko ang aking sarili bago bumaba upang hanapin ang cellphone ko sa loob ng kotse ni Kuya. Pagdating ko ng sala ay wala siya roon. Nang makita kong nakabukas ang sliding door palabas ng garden ay naisipan kong doon dumiretso. Hindi nga ako nagkamali. There he was, nakatayo at mukhang may kausap sa cellphone. Tumigil siya sandali sa pakikipag-usap nang makita niya akong papalapit sa kaniya.
Nang sinabi kong hinahanap ko ang cellphone ko ay saka niya sinabi na may tumatawag at hinahanap ako. Galing pa raw ng New York ang tawag.
"Sino naman ang tatawag sa akin from overseas?" tanong ko sa isip ko.
I immediately asked the caller’s name when he handed me the phone. But to my dismay, ay walang sumagot kahit connected pa rin ang tawag, so I decided to end the call.
Magkasama kaming pumasok ng bahay ni Kuya. Hinatid niya ako sa kuwarto ko habang bitbit ang isang basong gatas. Humalik lang siya sa noo ko bago tumuloy sa sarili niyang kuwarto.
Pagkatapos kong mag-set ng alarm ay ipinatong ko sa side table ang cellphone ko bago ako humiga sa kama. Katulad kanina ay hindi ko na naman maiwasang isipin si Josha. Ngayon ko lang napagtanto, ang dali palang sabihin ng salitang move on. But it’s easier said than done, ika nga. Dati-rati ang galing kong magbigay ng advice sa iba, pero ngayong ako na ang nasa sitwasyon, ni hindi ko mabigyan ng payo ang sarili ko. Heto na naman ang pagkaiyakin ko. Dumaloy na naman ang masaganang luha sa mga mata ko. Bakit bigla kong na-miss si Josha? Akala ko sa loob ng mahigit isang buwang magkalayo kami ay nakalimutan ko na siya. Pero hindi pala. Pinaniwala ko lang ang sarili ko. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Kinuha ko ang isang unan at itinakip sa mukha ko saka ko pinakawalan ang impit na pag-iyak. Ayaw kong marinig ako ni Kuya. Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa tumigil na ang ringtone. Pero maya-maya pa ay tumunog na naman iyon. Sa pag-aakalang importante ang tawag ay pinilit ko iyong inabot at wala sa loob na sinagot kahit humihikbi pa rin ako.
“H—Hello. G—Good evening po. Sino po sila?” nauutal kong tanong. Medyo sinisinok pa ako dahil sa pag-iyak. Pinilit kong ayusin ang aking sarili lalo na ang boses ko.
Wala akong narinig mula sa kabilang linya, so I decided to just cancel the call. But when I was about to press the end call button, a man spoke on the other end of the line.
“Hi there! May I please speak with Margaux.”
His voice was deep, sexy, and confident. Napakasarap pakinggan. He sounded like my favorite Hollywood actor, George Clooney.
Ngunit kahit dire-diretso ang pagsasalita niya ay halata ang pag-aalangan sa kaniyang boses. Napaisip ako kung sino ang caller. Hindi na kasi ako nag-abalang tingnan ang screen ng cellphone ko nang sagutin ko ang tawag.
“Y—Yes? This is she. May I know who’s on the line, please.”
Biglang natahimik ang nasa kabilang linya.
“Hello? Are you there? Hindi ko po kayo marinig. Hello? Sige po, tawag na lang po kayo ulit. Baka po wala kayong signal.”
Nang akmang tatapusin ko na ang tawag ay saka ito muling nagsalita.
“W—Wait!”
Bigla akong nakaramdam ng pagkairita. Ano ba ang trip nito sa buhay? Wala ba itong ganang matulog? Pero sa halip na magalit ay hinabaan ko pa ang pasensiya ko.
“Yes po? Naririnig n’yo na po ako? Sino po sila?”
Narinig kong tumikhim ang caller bago nagsalita.
“Hi, Margaux! It’s me... ahmm—”
Hindi na ako nakatiis at tinarayan ko na ang caller kahit hindi pa ito tapos magsalita.
“Oo nga po! Kayo nga po iyan! At wala po akong pakialam kong ano ang trip ninyo sa buhay. Kung ayaw n’yo pa pong matulog, magpatulog po kayo. Maaga pa po akong gigising bukas. Sige, bye!”
“Sandali lang, Marg! W—Wait! Ako ito, si Sage!” mabilis nitong sagot.
Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang natahimik. Natataranta kong tiningnan ang screen ng phone ko. Lo and behold! It’s an overseas call!
“My goodness! Is this real? Hindi ba ako nananaginip? Totoo? Si Sage ang tumatawag?” sunod-sunod kong tanong sa isip ko. Bigla akong kinabahan.
“Hello? Marg? Nandyan ka pa ba? Hello? Are you there, Marg? Hello?”
Saka lang ako nahimasmasan nang nakailang hello na si Sage.
“Y—Yes. I’m here. Si Sage ka ba talaga? As in Sagittarius? Is this… Is this you? Like for real?” ang hindi ko makapaniwalang tanong. Sino ang mag-aakalang tatawag nga siya from New York? Akala ko talaga ay biro lang iyong sinabi niya kanina. Gaano ba kaimportante ang sadya niya sa akin at talagang nag-overseas call pa?
“Yup, ako talaga ito, Marg. Bakit? Iniisip mo bang ginu-good time lang kita kanina? As I’ve said, I was serious. If I was joking, I wouldn’t be here making this overseas call.”
Hindi ko alam ang isasagot. Katulad ng inaasahan ko, napakaseryoso ng dating niya. Ibang-iba sa chat. Kung sabagay, sa chat kasi ay hindi ko nalalaman ang reaksiyon at tono niya. Pero grabe! Ibang klase ang boses. It exuded authority and power.
“Hey, bakit hindi ka na nakasagot diyan? Are you still in shock?”
“Talaga! Sino naman kasi ang mag-aakalang totohanin mo ang sinabi mo?”
“So, ngayon? Naniniwala ka na? Teka, ang taray mo pala, Marg!” sagot niya sabay tawa.
“Oo na. Ikaw na talaga ang maraming pera. Ang dali lang sa ‘yong gumastos para sa call na ‘to. At excuse me! Nakaiirita ka kasi kanina. May pa-suspense ka pang nalalaman.”
“Pero in all fairness naman sa ‘yo, kahit mataray ka, masarap pa rin sa pandinig ko ang boses mo. Nakaaano—”
Ibinitin niya ang kaniyang sinasabi kaya nagtanong ako.
“Nakaaano?”
“Nakaka-in love! Feeling ko in love na nga ako sa ‘yo. I mean, sa boses mo.”
“Loko ka talaga, Sagittarius!”
Hindi ko na namalayan na naging madaldal na ako na parang magkaharap lang kami ni Sage. Nakalimutan ko na ang pag-iyak ko. Kaagad naging palagay ang loob ko sa kaniya. Kung sabagay, matagal naman na talaga kaming nag-uusap sa chat at kahit papaano ay palagay naman na talaga ang loob ko sa kaniya. Ang pinagkaiba lang, ngayon ay kausap ko na siyang talaga sa phone.
“Biro lang. Anyway, it’s nothing really, I mean the overseas calls. Chargeable naman ito sa university. One of the perks of working here.”
“Wow! Ibig sabihin, libre lang itong tawag mo?” pag-uusisa ko. Nawaglit na sa isip ko ang matulog.
“Yup! Kaya walang problema kahit magdamagan pa tayong mag-usap.”
“Wow, grabe! Ang gandang privilege naman niyan! Kahit araw-araw mo pang tawagan ang pamilya mo rito sa Pinas ay okay lang. Wala bang bawas sa sahod iyan?”
“Nope. Kaya kahit araw-araw kitang tawagan ay okay lang din.”
“Talaga? Kahit araw-araw?”
“Yup. Ok lang naman sigurong tawagan kita araw-araw, ‘di ba?”
“Ay, oo naman. Ang lagay, e, sa halip na mag-chat ay tumawag ka na lang. Total libre naman, ‘di ba?”
“Wala bang magagalit?”
“Wala naman. Sino naman ang magagalit?”
“Alam mo na, the one I asked you about earlier. Did I somehow offend you? Bigla ka kasing nag-log out.” Natahimik ako sa sinabi niya. I know he was referring to Josha. “Marg? Are you there?”
“Y—Yeah. I—I’m here,” nauutal kong sagot.
“Hey! May problema ba? Kanina ko pa napapansin na parang galing ka sa pag-iyak. Do you want to tell me about it? As I’ve said before, I am all ears, especially when it comes to you,” malumanay niyang saad.
His voice somehow calmed me down. Before I knew it, I was already giving him an account of the things that had happened in the past weeks, ang tungkol kay Josha at sa fiancée nito, ang tungkol sa nangyari sa amin ni Kuya Leonel at ang ipinagtapat nitong mahal ako nito, ang reason kung bakit ako isinugod sa hospital at kung saan ako nakatira ngayon.
Sa halos isang oras na pagkukuwento ko ay ilang beses akong napaiyak. But Sage was so sensitive of how I was feeling na siya pa mismo ang nagsasabi na hindi ko kailangang ituloy ang pagkukuwento kung nahihirapan ako. But I knew that somehow, I needed someone like Sage na mapagsasabihan ko ng saloobin ko. Umiyak ako nang umiyak, especially when I was telling him about my talk with Josha earlier. As expected, he understood where I was coming from. Hanggang sa nailabas ko na yata ang lahat ng dinadala kong sakit at naubos na ang luha ko, saka ako natigil sa pag-iyak.
“Sage, m—maraming salamat sa pakikinig mo sa lahat ng sentiments ko. I appreciate your patience and understanding.”
“I hope I was able to somehow lessen your pain, Marg,” saad niya. Mahihimigan ang pag-aalala sa kaniyang boses.
“Yeah. Gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Hindi naman talaga siguro basta-bastang mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa paghihiwalay namin ni Josha. But I am hopeful that one day, magiging okay din ako.”
“Of course, you will be fine. Life must go on, Marg. Masakit sa umpisa but I am sure, you’ll learn to eventually embrace the pain sooner or later. Challenges and opportunities for growth are what make life worth living. Ang mahalaga ay may natutunan ka sa lahat ng pinagdaanan mo. Just always remember, you are not alone. Kung kailangan mo ng makakausap, I’m just a chat away.”
“Maraming salamat ulit sa pakikinig, Sage. You are an angel in disguise. Ang galing ng timing mo. You came at the right moment when I needed someone. Hulog ka talaga ng langit.”
“Don’t mention it. I can do greater things for you if you’ll allow me.”
“What do you mean greater things? Ang ginawa mong pakikinig sa drama ko ay malaking bagay na para sa akin, Sage.”
“I know this is too early at alam kong kagagaling mo lang sa break-up. I would understand if you’d be surprised or even get mad at me, but I hate beating around the bush, Marg. Naniniwala ako sa kahalagahan ng bawat segundo.” Nagpatuloy siya nang hindi ako sumagot. “Marg, will you allow me to help you move on and forget about Josha? I can’t promise you that life will always be a bed of roses. But know that I won’t let anything, or anyone hurt you. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon.”
“Ano ang ibig mong sabihin, Sage?”
“Will you allow me to help you mend the broken pieces of your heart? Gusto kitang ligawan, Marg. That’s what I meant.”
He dropped the bomb like it’s nothing. Gano’n pa man, dama ko ang matinding emosyon sa mga binitawan niyang salita na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko mapangalanan. Hindi ko alam ang isasagot ko. Bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. And for the nth time that night, I was at a loss for words.