Chapter 23 - Closer

2076 Words
The weeks flew by, leaving me wondering where all the hours had gone. Sa isang kisap-mata ay natapos na ang final examination ko. Before I knew it, I was already enjoying the first week of our semestral break. I was beyond happy and at the same time extremely grateful to Kuya Leonel. With his help and guidance, I passed my examination in Calculus. In the past three weeks, I have been receiving overseas calls from Sage almost every day. Though these last few days felt strangely quiet and empty without Maurine around, I was able to get through them because of Sage. May mga pagkakataong nagpaparinig siya sa akin tungkol sa panliligaw niya kuno na tinatawanan ko lang. Parang naaasiwa kasi ako lalo pa’t hindi pa namin nakikita ang isa’t isa. Pero aminado akong kinikilig ako sa mga banat niya. Idagdag pang napakaseryoso niya na minsan ay gusto ko nang maniwala o sakyan ang trip niya at sagutin siya sa kaniyang panliligaw. Sa halos araw-araw naming pag-uusap ay tila naging mas malapit at mas nakilala pa namin ang isa’t isa. Mas naging palagay na rin ako sa kaniya. Masarap siyang kausap kahit minsan ay may pagkaseryoso. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya. He’s knowledgeable about a lot of things and there’s something about the way he speaks that captivates me every time. His words carry a weight and sincerity that demand attention, creating a charm that draws me in completely. Hindi ko na namamalayan na unti-unti na akong nakaka-move on sa mga pinagdaanan ko lalo na kay Josha. Dahil semestral break na rin naman at wala na si Josha sa boarding house ay nagdesisyon akong bumalik na roon. Noong una ay hindi pumayag sina Tita Riza at Tito Matthew lalo na si Kuya Leonel, ngunit nakiusap ako at nangakong paminsan-minsan ay dadalaw sa kanila at doon matutulog. Pangalawang linggo na ng semestral break at magsisimula na ang enrollment para sa second semester kaya nagdesisyon akong pumunta ng university upang magpa-enroll. Habang nakapila ako sa cashier ay may babaeng lumapit sa akin. Sa tantiya ko ay kaedad ko lamang siya. “Hi, Miss. Itatanong ko lang sana kung saang banda ang guidance office?” malumanay niyang tanong. “Hello, Miss. Nakikita mo ba ang pasilyo sa kaliwa? Lumiko ka lang diyan at dumiretso ka sa pinakadulo. Ang pinakahuling kuwarto sa kanan ay ang guidance office. Are you a new student here?” “Yes, Miss. Maraming salamat sa tulong mo. I am Riz Monreal from Dumaguete. Dito na ako mag-aaral at schedule ko ngayon para sa admission test,” pakilala niya sabay lahad ng kaniyang kamay na kaagad kong tinanggap. “Hi, Riz. I’m Margaux Cuevas. Nice to meet you.” “Nice to meet you too, Margaux. Sige, I’ll go ahead.” “Sure. Good luck sa test mo. See you around.” Pagkatapos kong magpa-enroll ay nag-text ako kay Kuya Leonel na uuwi na ako. Kahit wala na ako sa kanila ay gusto pa rin niyang malaman ang mga lakad ko at kung nasaan ako upang madali lang daw niya akong mapuntahan kung kinakailangan. Pagdating ko ng boarding house ay dumiretso ako sa kuwarto ko. It’s almost ten in the morning. Alam kong tatawag na si Sage. Pagpasok ko ay naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pambahay bago humiga sa kama ko at naglaro sa aking cellphone habang hinihintay ang tawag niya. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Sage ang tumatawag. “Hello, Sage!” masiglang bati ko sa kaniya. “Hi, Marg! How’s your day? Tapos ka na bang magpa-enroll?” “Yup. Nandito na ako sa boarding house at nagpapahinga.” “That’s good. Wala ka bang gagawin buong araw?” “Nope. I’ll stay home. How about you?” “I’m at the office now, sa university. Katatapos ko lang mag-swimming.” “Oy, gabi na. Nagswimming ka pa talaga?” “Yeah, alam mo na, exercise ko rin kasi iyon. Kailan nga pala magsisimula ang klase mo?” “Second week of November ang pasukan. That’s a week from today.” “I see. Handa na ba ang lahat ng mga kailangan mo, like books?” “Hindi pa, Sage. Baka bukas pa ako lalabas at bibili ng books at school supplies. Sasamahan daw ako ni Kuya, e.” “Ganoon ba? Pwede ba akong sumama?” pagbibiro niya. “Sure, why not? Uuwi ka rito bukas?” natatawang pagsakay ko sa biro niya. “Kung pwede lang, Marg. Nakakainggit kasi ang Kuya mo. Pwedeng-pwede ka niyang makasama kahit kailan niya gustuhin. Samantalang ako, nandito sa malayo,” saad niya sa malungkot na boses. “Sus! Nagdadrama ka na naman. Tumigil ka nga. Hindi bagay sa ‘yo.” “Totoo naman, a. Minsan nga gusto ko nang magselos. Kaso wala naman akong karapatan. Kailan mo ba kasi ako bibigyan ng karapatang magselos, Marg?” tila naiinip at nagtatampo niyang tanong. “Bakit? Nagsasawa ka na ba? Do you want to give up? At isa pa, it’s Kuya Leonel. There’s no reason for you to get jealous.” “Who said about giving up? Ang sa akin lang naman, baka… alam mo na, baka pwede na tayong mag-level up? Gusto ko nang magkaroon ng karapatan sa ‘yo, Margaux. I’ve been dreaming for the time when I can finally call you mine,” madamdamin niyang saad. Aaminin kong kinilig ako sa kaniyang naging sagot. Ramdam ko ang tila nagliliparang paro-paro sa aking sikmura. Ngunit hindi ko ipinahalata iyon. “Ikaw talaga, Sage. You are so good with words,” sa halip ay sagot ko. “Ngali-ngali na kitang sagutin,” dugtong ko pa sa isip ko. “What did you just say? Sasagutin mo na ako?” he asked. His voice was filled with excitement. “I didn’t say that!” “But you did, Marg!” he insisted. Natampal ko ang aking noo. Napalakas yata ang boses ko doon sa huling sinabi ko. Sadyang walang preno ang bibig ko at may pagkalutang talaga ako minsan. “May sinabi ba akong ganoon?” “Yes, Marg. Huwag mo nang bawiin. Please?” Nakaramdam ako ng awa dahil sa kaniyang pakiusap kaya nagdesisyon akong sagutin na lang siya. “Marg? Are you there? Sasagutin mo na ba ako?” “A—Ano kasi… P—Paano ba ‘to? Ahmm—” “Just say it, Marg. Please. Just say it,” dagdag pakiusap pa niya. “Bahala na. Anyway, ang layo naman niya. Baka trip-trip lang din niya ito,” piping saad ko sa sarili ko. “Sige na nga. Sinasagot na kita. Ang kulit!” “What? For real? Tayo na? As in tayo na talaga?” Maririnig sa kaniyang boses ang labis na tuwa na ikinangiti ko. “Bakit? Ayaw mo?” “No. I mean s—syempre gusto ko. In fact, g—gustong-gusto ko, Marg! Thank you! Pangako, hinding-hindi ka magsisisi,” masayang saad niya. Halata sa medyo nanginginig niyang boses ang matinding emosyon. “Masaya ka na?” “Sobrang saya ko, Marg. You have no idea how happy I am tonight! Damn! Kung pwede lang na umuwi ako ngayon, without hesitations, I’m taking the first flight at the JFK International Airport. I can’t wait to see you!” “Huwag kang atat, Sage. May trabaho ka riyan. Alangan namang iwanan mo ang klase mo?” “I know, I know. No worries, kinaya ko nga ang ilang buwan, ‘di ba? What’s another month? Hmmm, dapat may endearment tayo!” ang tila bata niya saad. Biglang nag-iba ang kaniyang tono. He sounded like an excited teenager. “Kailangan ba talaga iyan? Hindi ba pwedeng Sage at Marg pa rin?” “Mas gusto kong may endearment tayo. Ikaw? Ano ba ang gusto mong endearment para sa akin?” “Aba! Ewan ko sa mga endearment na ‘yan.” “What do you think of darling?” “Eww! Ang pangit! Hindi cute pakinggan. Ano na lang... love na lang. Pwede ba iyon?” “Of course! That sounds great, love!” Hindi ako nakasagot. Unang beses ko kasing magkaroon ng endearment sa isang lalaki kaya nahihiya ako. Pero si Sage, parang napakanatural lang sa kaniya na tawagin akong love. “Hello, love?” “Y—Yes, S—Sage. I mean, l—love. I’m here,” nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa endearment naming dalawa. Naaasiwa ako. “What’s wrong, love? Aren’t you comfortable?” “N—Naninibago lang siguro.” “That’s okay, love. You don’t need to force yourself. I know you’ll get used to it in the long run,” bahagyang nabawasan ang sigla sa kaniyang boses. “Hey. Huwag ka nang magtampo, l—love. Pasasaan ba’t masasanay din ako.” “Ako magtatampo? Ngayon ba pa, love? Now that I can finally tell the world that you are mine. You are my woman now.” Heto na naman siya sa pa-woman woman niya. Kinikilig na naman ako. Napakagaling talaga niyang magpabilis ng t***k ng puso ko. “Thank you, l—love.” “No, love. Thank you. I promise. You won’t regret saying yes to me. Ah! I can’t wait to see you and hold you in my arms. Gustong-gusto ko na talagang makauwi.” “Hey, kalma lang. Ako lang ‘to,” pagbibiro ko sabay tawa upang kahit papaano ay kumalma ang pagtibok ng puso ko. Sobrang kinikilig ako kay Sage. He’s my first official boyfriend. “Kaya nga, love. Ikaw iyan. That’s why I’m truly happy that you finally said yes.” Hindi ako nakakibo kaya nagpatuloy siya. “Love, I may never be able to give you all that you deserve, but if God will allow, I’ll do my best to come close for the rest of my life. I promise to give you my heart, love, and all that I am. I love you, Margaux. Mahal na mahal kita, love,” puno ng damdaming pahayag niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sikmura ko. Parang hindi na lang yata paro-paro ang nasa loob. The way he uttered the words I love you; it was full of emotions. It’s giving me an overwhelming feeling of euphoria. My God! Nag-iinit na ang mga pisngi ko sa mga pinagsasabi ni Sage. Ibang klase talaga siya. Napaka-intense! Parang di ako makahinga. Habang pinapakalma ko ang sarili ko ay bigla akong napatanong sa sarili ko kung talagang seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. Nakaramdam ako ng kaba at pag-aalinlangan. “What have I gotten myself into? Paano kung hindi ko ito mapanindigan? Hindi naman talaga ako gano’n kaseryoso. Pero itong si Sage parang totohanin yata talaga ang lahat,” piping usal ko sa sarili ko habang nakatulala. Hindi ko na namalayan na panay hello na si Sage sa kabilang linya. “Love, are you there? Hello?” “Yes, l—love. I’m here. I’m sorry.” “Thank, God! Are you okay, love? Bakit bigla kang natahimik?” Nagtanong pa talaga. Sino’ng hindi matutulala at matatahimik sa mga pinagsasabi niya? “N—Nothing, love. Masyado lang akong nagulat sa bilis ng pangyayari. One moment, nagkukumustahan lang tayo, and the next thing I know, you are already telling me you love me. Natatakot ako, love, baka hindi ko mapanindigan itong pinasok ko.” “Naiintindihan ko, love. Alam kong naging mabilis ako. Pero hindi mo kailangang ma-pressure. Okay lang sa akin kung hindi mo masagot ang I love you ko sa ngayon. Pasasaan ba’t matututunan din ng puso mong mahalin ako. I’m going to make you fall in love with me. HARD, love. Just promise me na sa akin ka lang. I am a very jealous man, lalong-lalo na sa kung ano’ng alam kong akin. I am territorial. Ayaw ko ng kahati. Gusto kong ako lang. Promise me, love, promise me na ako lang,” puno ng sinseridad niyang saad. “I—I promise, love. I promise na ikaw lang. Wala kang magiging kahati. Pero sana ganoon ka rin. Alam kong hindi pa kasing tindi ng nararamdaman mo ang nararamdaman ko para sa ‘yo. But I know that it would really hurt me kapag nalaman kong may iba ka.” “That will never happen, love. Ikaw lang ang pag-aalayan ko ng atensiyon at ng buong pagmamahal ko. That’s my promise to you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD