Chapter 31 - Gala

1713 Words
Third Person POV Sage felt so down and disappointed, but what can he do? Emergency iyon kaya wala siyang choice kundi intindihin ang sitwasyon ni Margaux. Sa kabila ng nararamdaman ay nagpadala pa rin siya ng sagot. Mahal niya si Margaux, at iintindihin niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Nanlulumong nagtipa si Sage ng sagot. “Hello, love! No worries, I perfectly understand. I hope everything is fine with you. Please call me when you can, I’m worried. You take care and know that I love you.” Nawalan na siya ng ganang kumain kaya nagdesisyon na lang siyang dumiretso sa resort upang makapag-swimming at makapagpahinga na rin. Bigla siyang nakaramdam ng pagod. Nanghihinang lumabas siya ng McDo at tinungo ang kaniyang sasakyan. He turned the ignition on and immediately left the parking area. Pagdating ng resort ay dumiretso siya sa reception desk upang kunin ang susi ng villa na kaniyang ipinareserba. Pagpasok ay basta-basta lamang niyang inilapag ang kaniyang backpack sa center table na nasa sala at pabagsak na humiga sa mahabang sofa. He took his sunglassess off and closed his eyes for a quick nap. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa kaniyang mga mata upang umidlip ngunit tila tuksong bumalik sa kaniyang alaala ang nakabanggaang babae sa McDo. “Damn! She’s beautiful! f**k! What am I even doing? Parang nagtataksil na ako kay Margaux!” pagkausap ni Sage sa sarili. Upang matigil ang itinatakbo ng kaniyang isip ay mabilis siyang tumayo at dinampot ang kaniyang backpack bago pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan ang kaniyang luggage. Ipinatong niya ang kaniyang backpack sa coffee table kasama ang kaniyang wristwatch. Tinanggal niya ang lahat ng kaniyang saplot at inayos ang mga iyon bago hubo’t hubad na naglakad patungo sa loob ng shower room. Pagkatapos mag-shower ay nagsuot siya ng swimming trunks. Nakita niya sa kaniyang relo na mag-aala una na ng hapon. Kahit medyo mataas pa ang araw ay lumabas siya ng villa at pumunta sa Olympic-sized pool ng resort. Gusto niyang lumangoy upang mawala ang stress at pagod na kaniyang nararamdaman. Pagkatapos ng halos tatlumpung minutong pabalik-balik na paglangoy ay umahon siya at pabagsak na umupo sa sun lounger. Nakita niyang may tumatawag sa kaniyang cellphone. Kaagad niya iyong dinampot sa pag-aakalang si Margaux ang tumatawag. Ngunit nanghina siya nang makitang ang Tatay niya ang nasa linya. Walang kagana-gana niya iyong sinagot. Samantala, si Margaux ay kasalukuyang nasa emergency room ng RMC. Hinihintay niyang magising ang kaniyang Kuya Leonel. Pagkalabas niya ng McDo ay sa RMC siya dumiretso. Nakatanggap siya ng tawag kanina mula sa kaniyang Kuya pero nagulat siya nang ang kanilang Ate Zenia ang nasa kabilang linya. Sinabi nito na nasa emergency room ang Kuya niya dahil nasangkot ito sa isang minor accident habang pauwi. Kaya sa halip na hintayin si Sage sa McDo ay mas pinili niyang umalis at puntahan si Leonel sa hospital. Alam din naman niyang hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya makikita ang totoong kalagayan nito. Pagdating niya roon ay nadatnan niyang natutulog ang Kuya niya dahil pinayuhan ito na magpahinga muna bago lumabas ng emergency room. Hindi naman na raw kailangang ma-confine nito dahil wala naman itong malalang pinsalang natamo maliban sa maliliit na galos. Nagising ito mga bandang alas dos. Kaagad niya itong nilapitan at niyakap. “How do you feel, Kuya?” puno ng pag-aalala niya tanong. “Hey, sweetheart. I feel okay. Bakit nandito ka?” “Tinawagan kasi ako ni Ate Zenia kanina. Naaksidente ka raw.” “Nah, it’s nothing serious. I’m perfectly fine, sweetheart. Where’s Ate? Magpapaalam lang ako bago tayo umalis.” “Sigurado ka bang okay ka lang?” “Yeah. You don’t have to worry. And please, don’t tell Mom about what happened. For sure, maghi-hysterical iyon.” “Pero makikita niya ang mga galos mo sa kamay.” “No, she won’t, sweetheart, basta huwag mo lang sasabihin. At kung sakaling mapansin man ito ni Mom ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya.” “Okay, Kuya.” Pagkatapos nilang mabayaran ang bill at magpaalam sa Ate Zenia nila ay dumiretso na sila sa bahay ng kaniyang Kuya. Pagdating doon ay kaagad silang sinalubong ng Mom nito. “Hello, hija. Maraming salamat at pumayag ka sa imbitasyon ko,” bungad nito bago kinausap si Leonel. “Anak, nakuha mo ba ang gown ni Margaux?” “Yes, Mom,” maikling sagot ni Leonel sabay halik sa pisngi ng ina. Pasimple nitong itinago sa likod ni Marg ang kamay na may mga galos sa pamamagitan ng pagyapos sa baywang ng dalaga. “Good afternoon po, Tita Riza. Walang ano man po. Masaya po akong makatulong,” magalang na sagot ni Margaux sabay mano sa ginang. “Don’t worry, hija, mababait ang mga guests na pupunta mamaya sa event. At galing ang mga iyon sa mga kilalang pamilya kaya wala kang dapat ipag-alala,” paniniguro ng kaniyang Tita. “Salamat po, Tita.” “Ako dapat ang magpasalamat,” saad nito na hinawakan pa siya sa kamay. “Anyway, hali ka at magpapaganda tayong dalawa,” paanyaya ng ginang na kaagad na tinanguan ni Margaux. “Cynel, anak, maghanda ka na rin upang makaalis tayo nang maaga. Alam mo namang mahaba na ang traffic pagpatak ng alas kuwatro.” “Yes, Mom. Anyway where’s Dad?” “Nauna nang umalis ang Dad mo, anak, dahil titingnan pa niya ang venue.” “I see. Sige, Mom. Kayo na po ang bahala kay Margaux. Ipapahatid ko na lang po kay Manang ang gown niya sa kuwarto ninyo ni Dad.” “Thank you, anak,” sagot ng ginang bago tumalikod habang hawak sa kamay si Margaux upang umakyat sa ikalawang palapag kasama si Charles Duran, isang sikat na make-up artist sa Bacolod at ang dalawa nitong assistants na babae. Kumaway lamang si Margaux sa kaniyang Kuya na sinuklian nito ng isang ngiti. Unang inayusan ng make-up artist ang Mom ni Leonel. Nang matapos ito, ay ang dalaga naman ang pinapuwesto ni Charles sa harap ng dresser na may malaking salamin. Simple lang ang ayos na ginawa ni Charles kay Margaux dahil ayon dito ay hindi na niya kailangan pa ng heavy make-up. Charles went for a classic, smokey eye and opted for a high-intensity volumizing mascara that accentuated her eyelashes. Maganda na ang korte ng mga kilay niya kaya nilagyan na lamang ni Charles ng brow gel upang mas ma-emphasize ang mga iyon. Sa mga labi naman niya ay gumamit si Charles ng smudge proof nude lipstick na bumagay sa maputi niyang balat. Ang kaniyang pixie cut na buhok ay maayos lamang nitong sinuklay at nilagyan ng kaunting setting lotion upang pumirmi. Bakas sa mukha ni Margaux ang pagkamangha nang makita niya ang kaniyang sarili sa salamin. Hindi niya akalain na magiging gano’n kaganda ang kalalabasan ng kaniyang hitsura. Tinulungan siya ng dalawang assistant ni Charles na isuot ang kaniyang evening gown. Isa iyong emerald green cross back satin jersey trumpet gown na hanggang sakong niya ang haba. May mahaba itong slit sa kaliwa na umabot hanggang mid-thigh. Mas lalong nabigyang-diin ng tabas ng gown ang maliit niyang baywang at ang magandang korte ng kaniyang balakang at pang-upo. Nakakorteng V ang neckline nito na umabot hanggang sa pagitan ng kaniyang mga dibdib. Pinaresan ito ng silver four-inch Steve Madden breslin sandals. Ang tanging palamuti sa kaniyang katawan ay ang pearl stud earrings na bigay ng kaniyang Tita Riza noong eighteenth birthday niya na nakatago lang sa guest room na inuukupa niya. “Oh, my gosh, Ma’am Riza! Talagang napakagandang dalaga naman po pala nitong girlfriend ng anak ninyo!” masiglang komento ni Charles na parang kinikilig. “Aba, oo naman, Charles! Magaling pumili ang bunso ko,” may pagmamalaking pahayag ng kaniyang Tita na hindi na lang niya kinontra. “Napakagaling nga naman po, Ma’am. Anyway, hindi na po kami magtatagal. Maraming salamat po,” paalam ni Charles. “You’re welcome, Charles, and thank you. As usual, you did an excellent job. Ididiretso ko na lang sa account mo, okay?” “Sure, Ma’am. Mauuna na po kami,” sagot ni Charles bago tuluyang lumabas ng silid kasama ang dalawang assistants nito. “Hija, are you ready?” “Yes po, Tita,” sagot ni Marg sabay bitbit ng silver purse na kapares ng kaniyang sandals. “Great. Let’s go, hija.” Pagdating sa baba ay naghihintay na sa living room si Leonel. Nakasuot ito ng black tuxedo at black leather shoes. Napakagwapo nitong tingnan kahit napakasimple lang ng ayos nito. Kaagad itong tumayo at sinalubong sila. “Wow! You look gorgeous, sweetheart!” papuri ni Leonel. Kababakasan ng paghanga ang mga mata nito. “Ikaw talaga, Kuya. Napakabolero mo,” natatawang sagot ni Margaux. “I’m not kidding, sweetheart.” “Anak, parang nakalimutan mo yata ang Nanay mo?” pagbibiro ng ginang. “Of course not. You also look beautiful, Mom. Parang hindi po kayo fifty years old.” “Hmmm... Bolero ka nga, anak,” sagot ng ginang na ikinatawa nilang tatlo. “O s’ya, tama na ang bolahan. Let’s go,” natatawa pa ring saad nito at nauna nang lumabas ng malaking bahay. “Shall we?” saad ni Leonel habang nakalahad ang kamay nito na kaagad naming tinanggap ni Margaux. Dumating sila sa venue bandang alas kuwatro ng hapon. Wala pang masyadong tao kaya madali silang nakapunta sa kanilang table na nasa harapan ng stage. Naroon na ang ama ni Leonel na nakangiting sinalubong sila. They, then, settled in their respective seats after a short exchange of pleasantries. Pagkaupo ni Margaux ay saka niya naalala si Sage. Hindi na niya ito natawagan kanina. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone sa loob ng dalang purse. Nakita niyang may limang missed calls galing dito. Sa tantiya niya ay tumawag ito mga ilang minuto pagkaalis niya ng McDo. May reply din ito sa kaniyang text. Napangiti siya nang mabasa ang message nito. Kaagad siyang nagreply at sinabi ritong nasa venue na siya ng event na kaniyang dadaluhan. Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Nagdesisyon siyang tatawagan na lang ito pag-uwi niya dahil sobrang nami-miss na niya ito. Pagpatak ng alas singko ay nagsimula na ang programa. Masaya niyang pinanood ang kaniyang Tita Riza habang nagbibigay ito ng welcome message sa gitna ng stage.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD