Third Person POV
December 6, 2003, Saturday
Dumating na ang araw na pinakahihintay nina Sagittarius at Margaux. Just a few more hours and they will finally see each other for the first time.
Habang nag-aayos si Margaux ay nakatanggap siya ng tawag galing sa kaniyang Kuya Leonel.
“Good morning, Kuya! Ang aga mo yatang napatawag. May problema ba?”
“Hello, sweetheart! I’m calling to let you know that I’ll be out at ten dahil kukunin ko ang gown mo. Gusto mo bang daanan kita sa boarding house at sabay na tayong umuwi sa bahay? Dito ka na rin mananghalian.”
Natahimik si Margaux. Hindi pa niya nasasabi sa kaniyang Kuya ang tungkol kay Sage at sa napipintong pagkikita nilang dalawa mamayang tanghali.
“Hello?”
“Y—Yes, Kuya. I’m here. Ano nga ulit ‘yon?” natataranta niyang sagot.
“Why are you spacing out? Is there a problem?”
“No, Kuya. Inaantok pa kasi ako.”
“It’s already nine, sweetheart. Are you still in bed?”
“Yes, Kuya. I just woke up a few minutes before you called,” pagsisinungaling niya. Halata sa kaniyang boses ang kaba.
“Oh, I’m sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo. I’ll hang up now, so you can go back to sleep.”
“It’s okay, Kuya. Nagising na talaga ako bago ka pa tumawag.”
“Alright. Anyway, can you make it at one? Darating ng alas dos ang mag-aayos sa inyo ni Mom.”
“Yup. I will be there, Kuya.”
“Great! Bye, sweetheart. I have to prepare now. See you.”
“Bye, Kuya. Ingat!”
“You too, sweetheart! Take care.”
Pagkatapos ng tawag ay saka nakita ni Margaux na may text message si Sage.
“Hello, love! I was trying to call you, but your line was busy. I’m just letting you know that I am taking the 9:15 trip. I should be at McDonald’s at about 10:30. See you, love. Ingat. Mahal kita!”
Nakangiting nagtipa ng sagot si Margaux.
“I love you more, love. Ingat sa biyahe.” Ibinaba niya ang phone sa ibabaw ng kama at nagpatuloy sa pag-aayos.
Hindi siya mahilig magsuot ng dress. But she made an exception dahil sa lunch date nila ni Sage at dahil ito ang unang pagkakataon na magkikita sila sa personal. She opted for a knee-length flowy casual dress na may maikling manggas. Kulay itim iyon at may naka-print na mga balahibo ng ibon na iba’t-iba ang kulay. Mas lalong tumingkad ang kaniyang kaputian. Pinaresan niya iyon ng kaniyang low-cut black and white Chuck Taylor sneakers at maliit na itim na sling bag na naglalaman ng kaniyang wallet, cellphone, at panyo.
Sinuklay niya ang kaniyang pixie cut na buhok at naglagay lang ng unflavored lip gloss. Hindi na niya kailangan ng lipstick dahil likas na mapupula ang kaniyang mga labi. Wala siyang suot na kahit ano mang alahas maliban sa kaniyang puting Baby G wristwatch na regalo rin ng kaniyang Kuya Leonel. Mahahalata ang pagiging teenager sa kaniyang porma lalo pa at petite ang kaniyang pangangatawan. Ganoon pa man, hindi ito naging dahilan upang mabawasan ang taglay niyang ganda na kung ibang tao ang magsasabi ay parang barbie raw siya. Napaka-cute kasi ng kaniyang mukha, maliit din ang kaniyang baywang na pinaresan ng kaniyang magagandang pang-upo. Katamtaman lang ang laki ng kaniyang mga dibdib, subalit dahil maliit siyang babae ay nagiging pansinin ang mga iyon. Pagkatapos niyang magbihis ay tiningnan niya ang kaniyang kabuoan sa vanity mirror.
“Magugustuhan kaya ako ni Sage? A, bahala na! Kung talagang mahal niya ako, matatanggap niya kahit gaano pa kabadoy ang pananamit ko,” pagkausap ni Margaux sa sarili.
It’s almost ten when she went out of her room. Maaga pa siyang kumain ng agahan kaya hindi na siya dumaan pa ng dining area. Pagkalabas ng gate ay pumara siya ng taxi at nagpahatid sa McDonald’s. Mga tatlumpung minuto din ang biyahe kaya mas inagahan niya ang pag-alis dahil sa pag-aalala niyang maipit sa heavy traffic. She arrived at McDonald’s at about ten twenty-five. Kaagad siyang pumasok at naghanap ng puwesto sa may dulong bahagi. Pagkaupo pa lang niya ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang cellphone upang tingnan kung may message ba si Sage. Nang makita niyang wala ay nagpasya siyang maghintay na lang. Maya-maya pa ay nakita niyang tumatawag ang kaniyang Kuya Leonel na kaagad naman niyang sinagot.
Samantala, si Sage naman ay lulan na ng RORO. He received a message from Margaux before he left the port telling him to stay safe. She also said the words “I love you” which made him feel those little butterflies in his stomach. Napapangiti siyang mag-isa habang muling binabasa ang mensahe nito.
“Damn! What is Margaux doing to me?” bulong niya sabay buntong-hininga. Nakangiti pa rin siya habang ibinabalik sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone. Hindi na niya sinagot ang text ni Margaux dahil magkikita na rin naman sila. Hindi na aabot sa tatlumpung minuto at dadaong na ang barko sa BREDCO Port ng Bacolod.
Sage was only wearing a pair of black fitted tattered jeans and white polo shirt na pinaresan niya ng black and white Adidas Superstar. He’s also wearing his gunmetal and black classic Rayban Aviator sunglasses. Tanging itim na wristwatch lang sa kaniyang kaliwang bisig at isang diamond stud earring sa kaniyang kaliwang tainga ang palamuti sa kaniyang katawan. Hindi siya mahilig magsuot ng maraming burloloy. Nakasukbit ang kaniyang itim na backpack sa kaniyang kaliwang balikat habang nakatanaw sa malapad na dagat na naghihiwalay sa isla ng Panay at Negros.
Walang makakapagsabing tatlumpu’t anim na taong gulang na si Sage. He looks younger than his age because of his aura. He has an oval face with an angular jaw that adds to his ageless charm. Dark brown ang natural na kulay ng kaniyang buhok na mas nagpatingkad pa sa maputi niyang balat. At upang mapanatili ang cool niyang dating, especially when he’s in his casual attire, he usually combs his hair upwards and pulls it to the side, creating cool spikes on his bangs. Lalo siyang nagmumukhang mas bata sa kaniyang edad sa ganoong ayos.
Parehong may lahing banyaga ang kaniyang mga magulang na naging dahilan ng kaniyang kulay asul na mga mata na pinaresan ng medyo makakapal na kilay. Matangos ang kaniyang ilong at may mapupula siyang mga labi. Maganda rin ang kaniyang katawan dahil alaga ito sa swimming na siyang ehersisyo niya araw-araw. Kung titingnan ay mukha lang siyang ordinaryong college student. Sa kaniyang porma, walang makakapagsabi ng totoo niyang estado sa buhay. Hangga’t maaari ay gusto niyang mapanatili ang low profile, nang sa gano’n ay malaya siyang makakakilos nang walang bodyguard na nakasunod sa kaniya. Katulad sa New York, where not a single soul knew who he really is, malaya siyang gumalaw nang naaayon sa kaniyang gusto. Minsan, sa kagustuhang itago ang totoong family background ay gumagamit siya ng ibang pangalan kapag nasa Pilipinas siya.
Habang nakatingin sa dagat ay napapatanong si Sage sa sarili kung ano ang kaniyang gagawin sa oras na makaharap niya si Margaux. Oo at girlfriend na niya ito. But does that give him the right to kiss her the moment they met? Hindi niya alam. Ayaw niyang gumawa ng kahit na ano na pwedeng maging dahilan upang makaramdam si Margaux ng pagkaasiwa. Hangga’t maaari, gusto niyang maging komportable ito sa presensya niya.
“Bahala na mamaya,” muling bulong niya habang tinitingnan ang relong pambisig. It’s ten in the morning.
Paglipas ng labing-limang minuto ay inanunsyo na ang pagdaong ng barko. Naghanda na si Sage sa kaniyang pagpunta sa ibabang bahagi ng barko upang kunin ang kaniyang sasakyan. Nauna na kaninang umaga ang dalawang tauhan ng kaniyang Tatay na itinalaga nito upang maging bodyguards s***h personal assistants niya habang nasa Bacolod siya. But he already gave them instructions. One of which was to not show themselves hangga’t hindi niya ipinapatawag ang mga ito.
Nang maayos nang nakadaong ang barko ay bumaba na si Sage at nagmaneho ng kaniyang pulang Ford Mustang. At nang tuluyan na siyang makalabas ay saka niya ito pinaharurot patungo sa Sixth Lacson Street kung saan sila magkikita ni Margaux.
He arrived at McDonald’s at about ten thirty-five. Kaagad siyang naghanap ng parking space bago may pagmamadaling bumaba ng sasakyan at ini-lock iyon. Sukbit ang kaniyang backpack sa kaniyang balikat ay tinungo niya ang entrance ng McDo. Saktong pagbukas niya ng pinto ay may nakabanggaan siyang babae. Hindi nito nakita ang kaniyang pagpasok dahil may kausap ito sa cellphone habang may pagmamadaling naglalakad.
Sa tantiya niya ay nasa four feet, ten inches lamang ang height ng babae dahil hanggang dibdib lang niya ito. Dahil sa malaki siyang tao ay muntik pa itong matumba. Mabuti at nasalo niya ito gamit ang kaniyang kanang bisig. May kahigpitan ang pagkakahawak niya sa baywang ng babae upang hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Dahil sa nangyaring pagsalo niya rito ay napadikit ito sa kaniya. Ramdam niya ang malambot nitong katawan na tila ayaw na niyang bitawan. Dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa ay doon niya napagtantong maganda ang babae. Hindi lang basta maganda, kundi napakaganda nito. Mukha itong manika sa kaniyang paningin. Bagay na bagay dito ang maiksi nitong buhok na kulay ash gray. Kahit wala itong ni ano mang kolorete sa mukha ay nag-uumapaw ang ganda at s*x appeal nito. Pero sa kabila ng lahat, hindi maipagkakailang teenager pa lamang ito.
He was about to talk to the lady when he saw that she was intently gazing at him. It’s like she was looking at him with so much admiration. Para itong nahipnotismo habang nakatitig sa kaniyang mga mata na nakasuot pa rin ng sunglasses. Naaakit din siyang titigan ang mga mata nito. Bigla siyang nakaramdam ng init sa kaniyang katawan sa hindi niya malamang dahilan. Naputol lang ang kanilang pagtititigan nang mahismasan ang babae at natatarantang hinanap ang cellphone nitong nalaglag sa sahig. Doon pa lamang niya binitawan ang baywang nito na kanina pa niya hawak.
“Oh, my God! Where’s my phone? I need my phone asap. I was on an emergency call!” Makikita sa mukha ng babae ang sobrang pag-aalala.
Nakita ni Sage na nasa gilid ng pinto ang cellphone na hinahanap nito kaya kaagad niya iyong dinampot at iniabot dito.
“Here’s your phone, Miss. I’m sorry. Hindi ko sinasadyang banggain ka.”
“N—No, it’s okay. A—Ako dapat ang mag-sorry. I wasn’t l—looking kasi may kausap ako sa phone h—habang palabas ng pintuan. P—Pasensiya na,” sunod-sunod na pahayag ng babae sa nanginginig na boses.
Biglang sumikdo ang kaniyang puso sa hindi niya malamang dahilan nang marinig niya ang boses nito. Hindi kaagad siya nakasagot. And before he knew it, nakaalis na ang babaeng kausap niya. Nagpasya na rin siyang pumasok sa loob.
Habang naglalakad ay nakaramdam siya ng pagkakosensiya dahil sa papuring ibinigay niya sa babae kahit sa isip lang niya iyon. Pakiramdam niya ay nagtaksil siya kay Margaux. Kaagad niyang iwinaksi sa isipan niya ang babae at nagmamadaling naghanap ng bakanteng puwesto. May nakita siyang bakanteng lamesa at mga upuan sa may dulong bahagi kaya doon siya dumiretso.
Nakita niya sa kaniyang wristwatch na ten forty-five na. He immediately took his phone out of his pocket and dialed Marg’s number. Pero hindi nito sinasagot ang kaniyang tawag. He dialed her number again, still, she didn’t pick up. After his fifth attempt ay saka niya nakita na may text message siya galing dito. He excitedly opened the message but to his surprise, it was something he never expected.
“I’m sorry, love. I won’t be able to make it. May emergency lang talaga. Please forgive me but I will make it up to you. I love you.”
Pakiramdam ni Sage ay literal siyang pinagsakluban ng langit at lupa.