Chapter 32 - Auction

2288 Words
Third Person POV Samantala, bandang alas kuwatro ng hapon ay mabilis na nagmamaneho si Sage ng kaniyang sasakyan sa kahabaan ng Burgos Street. Galing pa siya ng resort at kailangan niyang umabot sa charity event na pupuntahan. Kaninang tunawag ang kaniyang Tatay ay pinakiusapan siya nitong dumalo sa pagtitipong iyon. Ayaw pa sana niya dahil tinatamad siya ngunit nagpumilit ito. Dahil wala rin naman siyang gagawin ay pumayag na lang siya. Sinabi naman nitong hindi niya kailangang magtagal doon. Magbibigay lang siya ng maikling mensahe at iaabot sa organizer ng event ang donation nito, a cheque worth one million pesos. Eksaktong alas singko nang pumasok si Sage sa function hall kung saan maraming tao na ang naroon. Wala siyang masyadong ideya kung ano ang mangyayari sa pagtitipong kaniyang dinaluhan. Ang tanging alam niya ay may auction na magaganap. Naisip niyang baka painting ang ipapa-auction. If ever, he decided to buy one for Margaux. Pipiliin niya ang pinakamaganda na tiyak niyang magugustuhan ng kaniyang nobya. Alam kasi niyang mahilig ito sa art. Pagkaupo niya sa isang bakanteng puwesto sa bandang likuran ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang cellphone upang tingnan kung may mensahe si Margaux. He saw that she sent him a message almost an hour ago telling him that she was already at the venue of the event that she's attending. Hindi na siya nagpadala ng reply dahil magsisimula na ang programa. Tatawagan na lang niya ito pagkatapos ng event dahi nananabik na siyang marinig ang boses nito. Maya-maya pa ay narinig niyang nagbibigay na ng opening speech sa gitna ng stage ang organizer ng event. Ito ang pagbibigyan niya ng cheque mamaya. Mabilis ang naging daloy ng programa. Before he knew it, it was already his time to deliver his message. The emcee spoke again to introduce him to the crowd. “Our benefactor, who is also our guest speaker will not be able to make it tonight due to unavoidable circumstances. Instead, his youngest and only son will give a message on his behalf. Ladies and gentlemen, it’s my honor to introduce our guest speaker this evening. He is a successful Mechanical Engineer and an educator. He completed his Master’s Degree, as well as, his Doctorate Degree in Environmental Engineering at Harvard University in Cambridge, Massachusetts, USA. Ladies and gentlemen, let us all welcome, Dr. Rius D. Zobel! Let’s give him a round of applause please.” Napuno ng masigabong palakpakan ang buong venue matapos ipakilala ng emcee ang guest speaker ng event. Nakita ni Margaux na tumayo ang lalaki mula sa kinauupuan nito sa may bandang likuran at buong kompiyansang naglakad paakyat ng stage at kaagad na nagbigay ng mensahe. “Good evening, ladies and gentlemen. It is my honor to be invited here tonight and to be a part of this noble cause...” Natulala si Margaux nang magsimula nang magsalita ang lalaki. The man was oozing with confidence and eloquence. Halatang matalino ito. He seemed familiar but she just can’t remember kung saan niya ito nakita. Nagpatuloy sa pagsasalita ang guest pero walang nauunawaan si Margaux sa mga pinagsasabi nito dahil napako ang kaniyang paningin sa gwapo nitong mukha. Nang bumaling ito sa kanilang direksiyon ay doon niya naalala na ito ang nakabanggaan niya kanina sa entrance ng McDo. Kung kanina ay medyo rugged ang porma nito, ngayon naman ay naka semi-formal attire ito. Nakasuot ito ng puting fitted v-neck shirt na pinatungan ng kulay kremang coat. Pinaresan nito iyon ng fitted black jeans at black leather top-sider shoes. Sa tantiya niya ay nasa mid to late twenties pa lamang ang edad nito. Maganda ang tindig nito at maganda rin ang katawan na halatang alaga sa exercise. Hindi maitatangging napakagwapo nito. Nagmistula siyang highschooler na na-starstruck sa kaniyang crush. Hanggang sa natapos ang message ng lalaki ay nakatulala lamang siya. “Sweetheart, are you alright?” Doon lamang nahimasmasan si Margaux. “Ah, y—yes. I’m okay, Kuya.” Hindi na niya namalayan na nakababa na ng stage ang lalaki. Nagpatuloy pa ang programa pagkatapos ng maikling mensahe ni Sage hanggang sa umabot na sa part ng auction na siyang highlight ng event. Doon na naunawaan ni Sage ang magaganap nang ipinaliwanag iyon ng emcee. Ayon dito ay nasa sampung dalaga ang kasali sa auction at kung sino man ang mananalo sa bidding ay siyang makakasama ng dalaga sa isang formal dinner. Napagtanto niyang hindi pala painting ang ipapa-auction kundi mga naggagandahang dilag. Napapangiti si Sage sa mga nakikita niya. He just can’t fully grasp as to why some people would go as far as joining an auction just to win a date. “It’s just pathetic,” naiiling niyang bulong. Hanggang sa ipapakilala na ang panghuling dalaga. He felt bored, so he decided to leave the place and would have his bodyguard hand-carry the cheque the following day. He just can’t stand seeing people spend their fortunes on useless dinner dates. “f*****g losers!” nakangisi niyang saad sabay tayo at may pagmamadaling tinungo ang exit. “The last, but certainly not the least, we have Miss Margaux Cuevas!” pagpapakilala ng emcee sa panghuling dalaga na naging dahilan upang magpalakpakan ang lahat maliban kay Sage na napako sa kaniyang kinatatayuan nang tila bombang sumabog sa kaniyang pandinig ang inanunsyo ng emcee. Maya-maya pa ay pigil ang hiningang humarap siya pabalik sa loob ng venue at mabilis na inilibot ang kaniyang paningin sa buong lugar upang hanapin ang Margaux Cuevas na ipinakilala nito. Hindi niya alam pero kinakabahan siya. Hindi siya mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Malakas ang pakiramdam niyang ang Margaux na sinasabi ng emcee at si Margaux na girlfriend niya ay iisa. Unti-unti bumilis ang t***k ng kaniyang puso. His hands were shaking in too much anticipation. Maya-maya pa ay tumayo ang isang napakagandang babae na nakasuot ng isang emerald green evening gown at maingat itong inalalayan paakyat ng stage ng isang binata na sa tantiya niya ay kaedad lamang nito. Nag-igtingan ang kaniyang mga panga nang makita niyang iniyapos ng binata ang bisig nito sa baywang ng babae. Nakaramdam siya ng matinding selos sa hindi niya malamang dahilan. Ngali-ngaling lapitan niya ang lalaki at undayan ng suntok. When the lady sat down the chair in the middle of the stage ay doon niya napagtuunan ng pansin ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang mapagtanto niyang ito ang babaeng may pagmamadaling naglakad at tuloy ay nakabanggaan niya kanina sa McDo. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Nagsimula na siyang pagpawisan sa kaniyang noo kahit fully centralized ang air conditioning unit sa loob ng function hall. Bigla niyang naalala ang sinabi nito kanina sa McDo. “Oh my God! Where is my phone? I need my phone asap. I was on an emergency call!” He immediately connected the dots between what the lady said and Marg’s text message. Naging malinaw sa kaniya ang boses nito kanina nang magkabanggaan sila. That’s when it dawned on him that the lady up the stage is, indeed, Margaux! HIS Margaux! Mabilis siyang napabalik ng upo sa kaniyang puwesto. “f**k! I will not allow anyone to be with my woman! Kahit formal dinner lang iyon ay hindi maaari. Ako! Ako lang ang maaaring makasama ni Margaux! She is my woman. She’s mine!” galit na galit na bulong ni Sage. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamao. Gustuhin man niyang ipatigil ang bidding ay hindi maari. Masisira ang programa kung gagawin niya iyon. Kaya sa halip ay sumali na lang siya sa nangyayaring bidding. He didn’t care how much it’s going to cost him just to win Margaux! He’s willing to spend his fortune to protect his woman! Sa kaniya lang si Margaux at hindi niya hahayaang may ibang humawak kahit sa dulo ng kalingkingan nito. Nagsimula na ang bidding. Unang nag-bid ang isang binatang doctor sa halagang twenty thousand pesos. Sumunod ang isang negosyante sa halagang thirty thousand. Nagpatuloy ang bidding habang si Margaux ay nagsimula nang dampian ng dala niyang panyo ang kaniyang noo. Makikita sa kaniyang mukha ang kaba habang nakaupo sa Cleopatra chair sa gitna ng stage. Wala pa ring nananalo sa bidding hanggang sa umabot na iyon ng two hundred thousang pesos. Ngunit natahimik ang lahat nang biglang may nag-bid ng kalahating milyon mula sa likurang bahagi ng venue. Dahil sa dami ng tao ay hindi masyadong maaninag ni Margaux ang lalaki. At dahil wala ng iba pang nag-bid ay ito ang nanalo sa halagang five hundred thousand pesos. Pagkatapos ng auction ay muling inalalayan si Margaux ng kaniyang Kuya Leonel pababa ng stage. Masaya siyang binati ng kaniyang Tita Riza at Tito Matthew. Maya-maya pa ay isa-isa nang inanunsyo ng emcee ang magkakapareha para sa formal dinner. Nagulat si Margaux nang marinig niyang ang makakasama niya sa dinner ay walang iba kundi si Dr. Zobel na siyang special guest ng event at siya ring nakabanggaan niya sa McDo kanina. Nakita niyang papalapit na ito sa kanilang lamesa. Nang nasa harap na nila ito ay doon niya nakita ang diamond stud earring sa kaliwang tainga nito na mas nakadagdag pa sa malakas nitong s*x appeal. Tila badboy ang dating nito. Bigla siyang kinabahan, lalo na nang nagkatitigan sila ng lalaki. Tila nabato-balani siya sa asul nitong mga matang matiim na nakatitig sa kaniya. Ramdam niyang nagsisimula nang manlamig ang magkahugpong niyang mga kamay na nasa kaniyang kandungan. Hindi niya alam pero napakalakas ng epekto nito sa kaniya. Kaagad na tumayo ang kaniyang Tita Riza at Tito Matthew. Binati at kinamayan ng mga ito ang lalaki na mainit naman nitong tinanggap habang malapad na nakangiti. “Dr. Zobel, good evening. I am Matthew Lacson. Thank you very much for gracing this event with your presence,” masayang bati ng kaniyang Tito Matthew. “Hello, Dr. Zobel! I am Riza, Matthew’s wife. Maraming salamat sa napakalaking contribution ninyo ngayong gabi. Malaking tulong po ito sa mga kababayan nating kapus-palad.” “Walang ano man po, Mr. and Mrs. Lacson. It’s my honor to be a part of this event. Masyadong abala kasi si Tatay kaya ako ang pinapunta niya rito upang ibigay ang kaniyang donation para sa charity. And oh, you can call me Rius po,” masigla nitong sagot sabay abot ng envelope sa kaniyang Tita Riza. Natulala si Margaux nang muling marinig ang boses ng lalaki sa malapitan. Hindi kasi niya ito nabigyan ng pansin sa McDo kanina dahil nagpapanic siya. Napakapamilyar ng boses nito. Hindi nga lang niya maalala kung saan niya iyon narinig. “Sure, Rius. Just call me Tito Matthew and you can call my wife Tita Riza,” nakangiting saad ng kaniyang Tito Matthew. “Oh, by the way, Margaux, hija, this is Dr. Rius Zobel. He’s our special guest for tonight’s event at siya rin ang makakasama mo sa formal dinner mamaya,” pakilala ng kaniyang Tita Riza. Maingat siyang tumayo habang nakaalalay ang kaniyang Kuya Leonel. “Rius, hijo, this is my son Leonard Cynel and this is Margaux Blanche Cuevas. My future daughter-in-law,” saad ng kaniyang Tita Riza na ginamit pa talaga ang buo niyang pangalan. Margaux lang kasi ang madalas niyang ginagamit. Ang Blanche ay makikita lang sa mga mahahalagang dokumento kagaya ng school records, identification cards, at birth certificate niya. Makikita sa mukha ni Margaux at ng kaniyang Kuya ang pagkagulat dahil sa pagpapakilala sa kaniya ng Mom nito bilang future daughter-in-law subalit hindi na nila ito kinontra. May palagay siyang sinabi nito iyon upang protektahan siya. Para kay Margaux ay mas mabuti na ring isipin ng lalaki na engaged na siya. At least, alam nito kung saan ito lulugar. Nakita ni Margaux ang saglit na pagdaan ng gulat sa mukha ni Rius. Then, he smiled, amusement was evident on his face. “Good evening, Miss Cuevas.” “Good evening, Dr. Zobel. You can call me Marg.” “Hello, Marg! I didn’t know you have a second name. Blanche, napakagandang pangalan,” masiglang panimula nito. “But, I was more surprised to hear that you’re already engaged to be married. What a lucky man!” pagpapatuloy nito sa mababang boses bago maingat na inabot ang kaniyang kamay at dinala sa mga labi nito at binigyan ng magaang halik. Sa kabila ng kaseryosohan nito ay halatang pinipigilan nito ang mapangiti. “Hi, Dr. Zobel. It’s my pleasure to meet you,” saad ni Marg habang pasimpleng binawi ang kamay niyang parang ayaw nang bitawan ng lalaki. “Hello, LOVE. Masyado ka namang pormal,” nakangiti nitong sagot na binigyang-diin ang salitang love. Nagulat silang lahat sa sinabi ni Rius lalong-lalo na sa itinawag nito sa kaniya. “Love? Why are you calling Margaux love,” kunot-noong tanong ni Leonel sabay hawak ng kamay nito sa braso ni Margaux habang ang kabila ay iniyapos nito sa baywang ng dalaga. Napatingin doon si Sage. Maya-maya pa ay madilim ang mukha nitong tinitigan si Leonel bago nagsalita. “You will take your hands off MY WOMAN or I’m going to have to take them off for you! You choose!” may diin nitong saad kasabay ng pag-igting ng mga panga nito. “Woman? Sweetheart, do you know this man?” tanong ni Leonel habang wala sa loob na unti-unting inalis ang kaniyang kamay sa baywang ni Marg. “Sweetheart, huh!? You should stop calling her that if you want to go home in one piece. Because you know why? I could easily break your neck right now if I want to,” puno ng pagbabantang pahayag ni Sage. Dahil sa sobrang selos ay hindi na niya naisip na ang kaharap niyang lalaki ay ang best friend ni Marg na si Leonel at mas lalong nakalimutan niyang kaharap niya ang mga magulang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD