Chapter 33 - Boyfriend

2000 Words
Third Person POV Hindi nakapagsalita ang mga magulang ni Leonel. Makikita sa kanilang mga mukha ang pagkalito dahil sa mga sinabi ng kanilang bisita. Hindi rin inaasahan ni Leonel ang mga narinig mula sa lalaking ngayon lang nila nakilala. Nang mahimasmasan si Margaux ay doon siya nagsalita. “Dr. Zobel... I mean, R—Rius, hindi kita maintindihan.” “Oh, no, love. It’s Sage to you,” mabilis nitong sagot kasabay ng isang nakakalokong ngiti. “W—What did you just say?” buong pagtatakang tanong ni Marg. “You heard it, love. Or do I really have to repeat what I said?” sagot ni Sage sabay hapit sa baywang ni Margaux at bumulong sa tainga nito. “It’s me, love. And as I can recall from your message this morning, you said, YOU. WILL. MAKE. IT. UP. TO. ME. Shall we start now? Napakalaki na ng utang mo sa akin, love. Literally and figuratively. Hindi pa kasama ang interest. At sisingilin kita araw-araw sa loob ng tatlong linggo,” he seductively whispered as he gently brushed his lips at the back of Marg’s ear, which sent shivers down her spine. Biglang nanlamig si Marg. Hindi siya makapaniwalang ang lalaking nasa harap niya ay walang iba kundi si Sage, o mas tamang sabihing si Sagittarius Dela Victoria. Hindi siya nakasagot. Nakahuma lamang siya nang bitawan siya ni Sage. “B—But I thought your name is R—Rius Zobel?” “It’s a long story, love.” “If you’ll excuse us, Rius, do you know Margaux?” puno ng pagtatakang tanong ng Mom ni Leonel na sinabayan din ng Dad nito. “Actually, Tita, my real name is Sagittarius. Nickname ko lang po ang Rius at ang Zobel naman ay family name ni Nanay. And yes, I know Margaux very well because I’m her boyfriend,” proud at diretsong sagot ni Sage na ikinatahimik ng Mom ni Leonel. Natutop ng ginang ang sariling bibig marahil ay sa sobrang pagkagulat. “Ikaw? Boyfriend? Are you dreaming?” salubong ang kilay na sabat ni Leonel bago nito hinarap si Margaux. “Sweetheart, can you explain what is going on right now?” “Why? Do you have a problem with that? As far as I know, ikaw lang naman ang dakilang BEST FRIEND ng GIRLFRIEND KO! So, please, cut me some slack!” may bahid ng pang-iinsultong sabat ni Sage. “Sage, watch it!” saway ni Marg sabay pinandilatan ng mga mata ang nobyo. “Why, love? I’m just putting this best friend of yours in his rightful place, para kasing wala sa lugar,” dagdag pa nito sa nang-iinis na tono. “Sage, stop it, ano ba?!” naiinis na muling saway ni Marg. “Alright. I’m sorry, love. Anyway, shall we go have our dinner now? I guess, I’ve earned it after all,” malokong sagot ni Sage sabay kindat kay Margaux na ikinapula ng mukha nito. “Tita Riza, Tito Matthew, pwede ko na po bang isama si Margaux sa dinner namin?” Nag-aalala at nagtatakang napatitig kina Margaux at Sage ang mag-asawa. Tila naghihintay ang mga ito ng paliwanag. “Ahm, Tita Riza, Tito Matthew, K—Kuya, I would like you all to formally meet my boyfriend, Sagittarius Dela Victoria,” pakilala ni Margaux kay Sage na ikinasinghap ng tatlo. “Sweetheart, are you serious? Bakit wala akong alam tungkol dito?” Sasabat sana si Sage pero kaagad itong sinenyasan ni Marg na tumahimik. Nag-aalala ang dalaga na baka kung ano-ano na namang pang-iinsulto ang ibato nito kay Leonel. “Kuya, I’m sorry. Sasabihin ko rin naman sa ‘yo. Naghahanap lang ako ng tamang tyempo. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin na hindi ka magre-react.” “Paanong hindi magre-react? Ni hindi ko nga alam kung paano mo nakilala ang lalaking ito!” naiiritang sagot ni Leonel. “I’m sorry, Kuya. I promise I will tell you everything, okay? Just not now.” “May magagawa pa ba ako?” sumusukong sagot ni Leonel. “Tita, Tito, may I now take Margaux to dinner,” Sage interrupted. Tila wala itong pakialam sa pinag-uusapan nina Leonel at Margaux. Sa halip na sagutin si Sage ay si Margaux ang kinausap ng ginang. “Hija, okay lang ba sa ‘yo? Will you be alright?” “Y—Yes po, Tita.” “Rius, hijo, ikaw na ang bahala kay Margaux. Please take her home safely after dinner.” “Makakaasa po kayo, Tita, Tito. Maraming salamat po,” saad ni Sage at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa mag-asawa. “So, paano? Mauuna na kami, hija. Mag-iingat ka and call us if you need anything.” “Thank you, po Tita, Tito.” Binalingan ni Marg si Leonel. “Kuya, we’ll talk later, okay? Tatawagan kita mamaya,” saad ni Marg sabay hawak sa braso nito na parang naglalambing na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ni Sage. “Alright, sweetheart. Ano pa nga ba ang magagawa ko?” “Wala,” bulong ni Sage na umabot pa rin sa pandinig ng mga kaharap niya. “Thank you, Kuya,” malambing na saad ni Marg, ignoring Sage’s remark. “Come here, sweetheart,” saad ni Leonel sabay yakap kay Margaux na umani ng isang tikhim mula kay Sage. “Love, shall we go now?” naiinip na saad nito na tinanguan lang ni Marg. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ni Leonel at binalingan ang mag-asawa. Nagmano siya sa mga ito bago magalang na nagpaalam. “Tita, Tito, we’ll go now. Thank you po ulit.” “Mag-iingat ka, hija. Call your Kuya Leonel kapag nakauwi ka na sa boarding house mo.” “Opo, Tita.” “Tita, Tito, maraming salamat po ulit,” saad ni Sage. “Thank you din, hijo. Please tell your Tatay na maraming salamat. And Rius, please ingatan mo si Margaux.” “Makakaasa po kayo,” sagot ni Sage bago bumaling kay Margaux. “Love, shall we?” saad nito at inilahad ang kamay kay Marg na alanganin nitong tinanggap. “Please take care of, Margaux,” pakiusap ni Leonel. “You don’t need to mention it. The boyfriend knows exactly what to do,” mayabang nitong sagot bago iginiya si Margaux palabas ng function hall. Nalito si Marg nang dire-diretsong naglakad si Sage papunta sa exit ng hotel habang hawak pa rin nito ang kaniyang kamay. “S—Sage, palabas yata ito ng hotel. Nandoon ang venue ng dinner,” saad ni Marg sabay turo sa restaurant na nasa loob mismo ng hotel. “Oh, I’m sorry, love. Are you hungry?” nagtatakang tanong ni Sage na bahagyang tumigil sa paglalakad at hinarap si Marg. “I’m thinking of going back to the resort. Gusto ko nang magpahinga kasama ka,” nakangiting pagpapatuloy ni Sage na ikinaawang ng bibig ng dalaga. "H—Hindi naman, pero nag-bid ka ng kalahating milyon para sa dinner na ‘yon. Sayang naman kung basta-basta na lang tayong aalis. At isa pa, sabi mo nga, you’ve earned it.” “No, love. Nag-bid ako para sa akin ka mapunta. I will never allow anyone else to have you. I don’t care about the dinner. At isa pa, ibang dinner ang gusto kong kainin,” makahulugang saad nito bago kinagat ang pang-ibabang labi na tila nang-aakit. Hinaplos pa nito ang pisngi ni Marg na ikinagulat ng huli. “Ha? A—Anong dinner ang gusto mong k—kainin?” “Ikaw,” diretsong sagot ni Sage habang nakatitig sa mga mata ni Marg. “A—Ako? What do you mean?” “Ikaw ang gusto kong kainin, este, ikaw ang bahalang pumili ng kakainin natin, love,” nakangising saad ni Sage na tila aliw na aliw kay Margaux. “Gusto mong ituloy natin ang pagkain sa McDo?” inosenteng tanong ni Marg. Sage groaned in frustration. Kanina pa siya nagpipigil kay Marg. Pero sa halip na magreklamo ay sinagot niya ito nang maayos. “Gusto mo bang kumain sa McDo, love? Anyway, you hate to be in a place like this. So, if you want, dadaan muna tayo sa McDo bago tayo umuwi ng resort. Gustong-gusto na kitang masolo.” Pabulong ang pagkakasabi ni Sage sa huling pangungusap. “A—Ano?” “Ha? Nothing, love,” nakangiting sagot ni Sage. “A—Alright.” “Let’s go?” pag-aya ni Sage at muling iginiya si Marg palabas ng hotel, patungo sa sasakyan niyang naka-park malapit sa entrance. Nakita niya ang pagkamangha sa mukha nito. “Wow! Napakaganda naman ng sasakyan na ‘to? Is this yours?” Nag-alangan si Sage kung paano sasagutin ang tanong ni Marg. Walang ka-ide-ideya ang kaniyang girlfriend kung sino talaga siya at ayaw niyang biglain ito. “Ahm, hiniram ko lang sa kaibigan ko, love.” “Really? Ang bait naman ng kaibigan mo. Pero nakatatakot, baka masira o mabangga.” “Don’t worry, love. Your boyfriend is an expert DRIVER. Magaling akong magdala. Gusto mong subukan?” Binigyang-diin ni Sage ang salitang driver pero tila wala lang kay Marg ang mga pahaging nito. Naiiling na binuksan ni Sage ang pinto ng sasakyan at maingat na inalalayan si Marg sa pagpasok. Nabigla si Marg nang biglang yumuko si Sage at tila may hinagilap ito sa gilid ng kaniyang balakang na naging dahilan ng pagkakalapit ng kanilang mga mukha. Isang maling kilos lang ay tiyak niyang mahahalikan siya ni Sage sa mga labi. Pigil ang hiningang napatitig na lang siya sa gwapo nitong mukha. Ipipikit na sana niya ang kaniyang mga mata nang biglang nagsalita si Sage. “There you are,” Sage exclaimed with the seat belt in his hand. Margaux watched as he carefully pulled the belt across her, his fingers deftly securing it into place. Mababanaag sa ekspresyon ni Marg ang pagkadismaya nang walang salitang isinarado ni Sage ang pinto at umikot sa driver’s side. Pagkasuot ng seat belt ay binuhay ni Sage ang makina bago binalingan si Marg. “Ready, love?” nakangiti niyang tanong na tinanguan lang ni Marg. Kaagad siyang nagmaneho paalis ng hotel. Paglipas ng ilang minuto ay maayos nang naka-park ang sasakyan ni Sage. Kaagad siyang bumaba at umikot sa kabila upang tulungang makababa si Marg. Hinawakan niya ang kamay nito at iginiya ito papasok ng McDo. Tahimik siyang naghanap ng bakanteng puwesto na tila balewala lang ang mga mata ng ibang customers na nakasunod sa kanila. Inalalayan niyang makaupo si Marg bago siya umupo sa tabi nito. “Ano ang gusto mong kainin, love?” “Burger, fries at coke float lang, please,” mahinhin nitong sagot. Kahit walang kaalam-alam si Sage kung paano umorder ay hindi siya nagpahalata. It may sound absurd, but he has never gone to any McDo branch his whole life. When he left Iloilo in 1989, wala pang McDo noon. Besides, he loves fine dining. Tanging si Margaux lang ang nakapagpapunta sa kaniya sa isang fast food restaurant. “There’s always a first time,” naisip ni Sage. Abala siya sa pagmamasid nang bigla niyang maramdaman ang mainit na hininga ni Marg sa kaniyang tainga. Nakaramdam siya ng kiliti at bigla na naman siyang nag-init. Ngali-ngaling sunggaban na niya ito ng halik. “Sage, doon ka umorder. Nakikita mo ba iyon? Gusto mo bang samahan kita?” bulong nito. Gustong-gusto nang balingan ni Sage si Marg pero alam niyang mahahalikan niya ito kapag ginawa niya iyon. Kaya sa halip ay tumayo na lang siya bago nagsalita. “Okay, love. I’ll be right back.” Kaagad itong naglakad patungo sa counter habang nakasunod dito ang mga mata ni Marg. Hangang-hanga siya sa tindig ng kaniyang nobyo. Puno ito ng kompiyansa at talaga namang napakagwapo. His aura radiates authority and power. Napangiti siya. Hindi niya inakala na ito ang Sage na nakakausap lang niya sa chat sa nakaraang ilang buwan. At mas lalong hindi siya makapaniwala na kasama na niya ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD