Chapter 34 - Playful Sage

2310 Words
Third Person POV Pagdaan ng ilang minuto ay pabalik na si Sage. Bitbit nito ang tray na naglalaman ng mga pagkain. Akmang tatayo si Margaux upang tulungan ito ngunit pinigilan siya nito. “I’m okay, love. Maupo ka lang. Alam kong pagod na pagod na ang mga paa mo,” saad nito habang inaayos sa lamesa ang mga pagkain bago muling umupo sa kaniyang tabi. Napangiti siya nang makita niyang magkapareho sila ng pagkain nito. “Why are you smiling, love?” “Hmm. Pareho kasi ng food ko ang sa ‘yo. I can’t believe you like coke float.” “Ahm, m—mukha kasing masarap, love, that’s why I ordered the same,” nakangiti nitong sagot. “Ang sabihin mo, wala kang ideya sa mga pagkain dito. Tama?” “Y—Yeah,” muling sagot nito habang nagkakamot ng ulo. “But I trust your judgment, love, so, I’m sure masarap ‘to. Kain na tayo. It’s getting late.” “Alright,” tanging sagot ni Margaux. Habang tahimik na kumakain ay napapiksi si Margaux nang biglang umangat ang kamay ni Sage at hinawakan ang kaniyang pisngi. “Love, para kang bata kung kumain,” natatawa nitong saad. “Nagkalat ang mayo sa lips mo, parang gusto kong dilaan,” biro pa nito na ikinapatda ni Margaux, especially when Sage started brushing his thumb against her lips. Umawang ang bibig niya nang isinubo nito ang daliring ginamit sa pagpunas sa kaniyang mga labi. Napapapikit pa ito habang ginagawa iyon na tila sarap na sarap. “Hmmm, I never thought mayonnaise cound be this delicious. Dati ko nang alam na masarap ito, pero mas sumasarap pa pala kapag galing sa mga labi mo, love,” dugtong nito sa nang-aakit na tono na ikinatulala ni Marg. She was speechless. Namula ang kaniyang mga pisngi na tila naiinitan kahit fully air-conditioned naman ang lugar. Maya-maya pa ay inilapit ni Sage ang bibig nito sa kaniyang tainga. “You’re blushing, love. Nagiging halata tuloy na may crush ka sa akin,” nakangiti nitong bulong sabay dampi ng mga labi nito sa punong tainga niya. Hindi siya kumibo hanggang sa tumigil ito sa ginagawang panunukso at nagpatuloy sa pagkain. Bandang alas-nuwebe ay nasa resort na sina Sage at Margaux. Pagka-park ni Sage ng sasakyan ay kaagad nitong pinatay ang makina bago binalingan si Margaux na tahimik na nakaupo sa passenger’s seat at diretsong nakatingin sa dashboard. Iniiwasan ni Marg na salubungin ang nakatutunaw na mga titig ni Sage. Halata sa mukha niya ang kabang nararamdaman habang ang bahagyang nanginginig na mga kamay ay nakapatong sa kaniyang kandungan. Maya-maya ay biglang nagsalita si Sage sa malumanay na boses. “Hey, love. Look at me.” Hindi kumibo si Margaux. Sa halip ay napayuko siya at napatitig sa magkahugpong niyang mga kamay. Ngunit bigla siyang napakislot na tila napaso nang walang salitang hinawakan ni Sage ang kaliwang kamay niya. “Relax, love. I’m not going to do anything to you... YET. Kaya huwag kang matakot.” Makikita sa mukha ni Margaux ang mas pagtindi pa ng kabang narararamdaman nang marinig ang salitang yet. “Come on, love. Look at me. Please.” Dahil sa pakiusap ni Sage ay unti-unti niyang ibinaling ang kaniyang paningin sa gawi nito. Nagkatitigan sila. Hindi niya naiwasang humanga sa asul na mga mata nito. Para siyang nahihipnotismo. Unti-unting tumagilid ng upo si Sage paharap sa kaniya at itinaas ang kaliwang kamay. Masuyong nitong hinaplos ang kaniyang pisngi. Sage gently brushed his thumb against her lips. Unti-unti siyang napapikit. Para siyang kinikiliti sa ginagawa nito sa kaniyang mga labi. Hanggang sa naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kaniyang mukha na naging dahilan upang dumoble pa ang kabang kaniyang nararamdaman. Akala niya ay hahalikan siya nito. Ngunit bigla siyang napamulat nang sa punong-tainga niya napunta ang mga labi nito. “You look hot and gorgeous, love. Nakatatakam ka. I’ve been wanting to EAT you since I first laid eyes on you at the auction,” Sage uttered, his voice a seductive whisper causing every hair on her body to stand on end. Pakiramdam niya ay inaakit siya nito lalo pa at naramdaman niyang pinaglandas nito ang mainit at basa nitong dila sa kaniyang leeg. Lingid sa kaalaman ni Margaux ay ibayong pagpipigil na ang ginagawa ni Sage. Gustong-gusto na niyang sunggaban ng halik ang nobya lalo na nang pumikit ito. Naaakit siya sa maamo at napakaganda nitong mukha. Kung gugustuhin niya ay madali niyang magagawa iyon subalit iniisip niya ang magiging kapalit. Baka biglang magwalk-out ang dalaga at iwanan siya sa resort. Nang hindi sumagot si Marg ay binitawan na niya ito. Lumabas siya ng sasakyan at umikot sa kabila upang pagbuksan ito ng pinto. Maingat niya itong tinulungang makababa at iginiya papasok ng resort patungo sa villa na inuukupa niya. Pagpasok nila ay namangha si Marg sa interior ng villa. Inililibot niya ang kaniyang paningin sa kabuoan niyon nang maramdaman niyang inalalayan siya ni Sage paupo sa sofa bago ito tumabi sa kaniya. Nang dahil sa ginawa nito ay bigla na namang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Ngunit mas lalo siyang kinabahan nang tumagilid ito ng upo at muling hinawakan ang kaniyang kamay at bahagyang pinisil. Hinawakan din ng kabilang kamay nito ang kaniyang baba at maingat na ibinaling ang kaniyang mukha sa direksyon nito. Muling silang nagkatitigan na s’yang naging dahilan ng bahagyang panginginig ng kaniyang mga kamay. “Bakit ba ganito ang epekto ni Sage sa akin?” tanong ni Marg sa isip. “Love, relax. Wala akong gagawin na labag sa loob mo. What I want is for you to act yourself and be comfortable around me. Hindi mo ma-e-enjoy ang bakasyon natin kung palagi kang kinakabahan,” pahayag ni Sage sa malumanay na tono na sinuklian lamang niya ng bahagyang pagtango. “Now, tell me. What do you want to do?” “G—Gusto ko sanang magbihis ng komportableng damit. Nangangati na kasi ako sa suot ko. Kaso wala naman akong dalang pamalit,” halos pabulong na sagot ni Marg. “Iyon lang pala. Come on. May dala akong mga pambahay ko. Iyon na lang muna ang gamitin mo. Okay lang ba sa ‘yo, love?” “Y—Yeah,” nahihiyang sagot ni Marg. Tinulungan siyang makatayo ni Sage at dinala sa loob ng kuwarto. Inilibot niya ang paningin sa buong silid hanggang sa dumako ang mga mata niya sa malapad na kama. Napansin niyang binalingan siya ni Sage at kitang-kita niya sa gilid ng kaniyang mata ang pilyo nitong ngiti. “Why are you blushing, love?” mapanuksong tanong nito. “W—Wala. Naiinitan na kasi talaga ako.” “Why don’t we go swimming? May maliit na pool sa likod nitong villa. Maaga pa naman, love.” “W—Wala akong swimming attire. At isa pa, hindi ako m—marunong lumangoy.” “Hmm. Know what, love? Napapansin ko na hindi mo na ako tinatawag sa endearment natin.” “A—Ano kasi... N—Nahihiya ako.” “Love, huwag kang mahiya. It’s me, Sage, your boyfriend,” maagap nitong sagot bago bumuntong-hininga. “I hope you’d act and treat me like how you did when I was still in New York. Please,” pagsusumamo nito. “Okay, l—love. S—Susubukan ko.” “Alright!” masigla nitong sagot. “Swimming tayo? Tuturuan kitang lumangoy.” “S—Sige. Pero, l—love, wala akong i—isusuot. Kasi wala akong b—bra sa loob nitong gown ko,” nahihiya niyang paliwanag na umani ng isang pilyong ngiti mula kay Sage. “I don’t mind you naked, love. Tayong dalawa lang naman dito. Mas gusto ko ngang hubo’t hubad ka para hindi na ako mahirapan,” tila nagbibiro nitong saad na ikinagulat niya nang husto. Bigla niya itong hinampas sa braso. “Love! Ayan ka naman sa mga kalokohan mo!” natatawa niyang komento na ikinahalakhak nito. “Iyan ang gusto ko, love. You, acting yourself,” natatawa nitong sagot. “I’m just trying to make you laugh. Masyado ka kasing seryoso simula pa kanina sa hotel. Parang hindi ikaw si Margaux na naging ka-chat ko ng ilang buwan at naging girlfriend,” dugtong pa ni Sage. “Thank you, love,” nakangiti nang saad ni Marg. Sage couldn’t help but feel happy at the subtle shift in Marg’s behavior, kahit iyong simpleng pagngiti lang nito. It was as if a weight had been lifted off her shoulders, and she finally allowed herself to relax, to be herself in his presence. Seeing her loosen up, even just a little, filled him with joy and contentment. “Now that’s better,” saad niya bago pinaupo si Marg sa gilid ng kama. Lumuhod siya sa harapan nito at maingat na hinubad ang suot nitong sandals. Napasinghap si Margaux. The confident and authoritative Sage, kneeling in front of her and taking her sandals off. Naramdaman na naman niya ang nagliliparang paro-paro sa kaniyang tiyan. Pagkatapos nitong hubarin ang sandals niya ay tumayo ito at maayos nito iyong inilagay sa tabi ng sarili nitong sapatos. “Do you want me to take your gown off, love?” tanong nito na labis niyang ikinagulat. “N—No need, love. I can manage. Ahm, p—pwede ba akong makahiram ng t-shirt o sando mo? Iyong mahaba sana.” “Sure, love,” sagot ni Sage sabay kuha ng isang may kalakihang itim na sando sa loob ng luggage nito. Pumasok sa loob ng washroom si Marg bitbit ang sando ni Sage. Kaagad niyang inabot ang tali ng gown sa bandang likod niya subalit sa halip na lumuwag ay mas lalo iyong humigpit. Ilang minuto na ay hindi pa rin niya nahuhubad ang gown. She didn’t have a choice but to ask for Sage’s help. Sumilip siya sa pinto ng banyo at nakita niyang nakasuot na si Sage ng puting sando at swimming trunks. Hindi siya napansin nito dahil may kinakalikot ito sa hawak nitong cellphone habang nakaharap sa pinto ng banyo. Namula si Marg nang makita niya ang kaumbukan nito. Napako roon ang kaniyang paningin. Hindi siya nakagalaw at biglang bumilis ang t***k ng kaniyang puso. “Eyes up, love,” pilyo nitong saad habang nakangisi. Mabilis na tumalikod si Marg at isinarado ang pinto. Hiyang-hiya siya dahil nahuli siya ni Sage sa akto. Maya-maya pa ay kumatok si Sage sa pinto. “Margaux, love, I was just kidding, okay?” natatawang saad ni Sage. “Don’t be shy because sooner or later ay mahahawakan—” Hindi na natapos ni Sage ang sinasabi dahil biglang bumukas ang pinto at nagsalita si Marg. “Love, zip it! Huwag mo nang ituloy!” asik nito habang sumisenyas na isarado ni Sage ang bibig bago nito muling isinarado ang pinto ng bathroom. “Okay, okay. Bakit ba kasi ang tagal mo riyan, love? Nahihiya ka bang lumabas? Come on, mag-swimming na tayo.” “Paano ako makakalabas, e, ayaw matanggal ng tali nitong gown? I need your help!” naiinis na sigaw ni Marg mula sa loob ng bathroom. . “Iyon lang pala. Halika ka rito, love, huhubaran kita.” “Sagittarius, ano ba? Umiiral naman ang pagkamanyak mo!” pagmamaktol ni Marg. Natuwa si Sage dahil kahit papaano ay hindi na masyadong nahihiya si Marg kapag nagsasalita. “Biro lang, love. Sige na, buksan mo itong pinto at tumalikod ka. Tatanggalin ko ang tali,” saad ni Sage na kaagad naming sinunod ni Marg. Lumapit si Sage sa pinto at nang nasa likod na siya ni Marg ay kaagad niyang hinawakan ang tali. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay biglang nanginig ang kaniyang mga kamay. He was tempted to touch Marg’s nape. Sobrang kinis nito at napakaputi. Gusto niyang paglandasin ang kaniyang mga daliri pababa sa likod nito hanggang sa maumbok nitong pang-upo. s**t! Napamura si Sage sa kaniyang isipan. Tama nga si Marg, umiiral na naman ang kamanyakan ko. Nahimasmasan lang siya nang magsalita si Marg. “Love, matagal pa ba? Nangangati na talaga ako.” “W—Wait, love. M—Malapit na,” natataranta niyang sagot. “There you go. It’s done, love.” “Love, pwede ba akong gumamit ng towel dito?” “Yes, love. You can. Feel free to use anything that is in here. Kung may kailangan ka na wala rito, sabihin mo lang para maipabili natin bukas. Okay?” “Okay, love. Mag-aayos muna ako.” “Sure, love. Take your time,” sagot ni Sage bago lumabas ng bathroom. Isinarado ni Marg ang pinto ng bathroom bago hinubad ang gown at maingat na inilagay sa hanger na naroon. Naghilamos siya ng mukha upang matanggal ang kaniyang make-up. Pagkatapos ay pumuwesto siya sa ilalim ng shower na tanging panty lang ang suot. Saglit siyang naligo. Tinuyo niya ang kaniyang katawan at isinuot ang itim na sando na umabot sa itaas ng kaniyang tuhod. Dahil may kalakihan ang sando ay bahagyang nakikita ang gilid ng kaniyang dibdib. Nahihiya siyang lumabas pero naisip niyang wala siyang pagpipilian dahil wala siyang damit. She composed herself. She took a deep breath before she opened the door and stepped out of the bathroom just to find Sage standing in front of her. Muntik pa silang magkabanggaan na magiging dahilan sana ng kaniyang pagkatumba. Naging maagap si Sage at kaagad nitong ipinulupot ang mga bisig sa kaniyang baywang at likod upang masuportahan siya. Sa kaniyang pagkabigla ay wala sa loob na naipulupot din niya ang kaniyang mga bisig sa leeg ng nobyo. Kapwa sila natigilan dahil sa nangyaring pagkakadikit ng kanilang mga katawan. Titig na titig si Marg sa asul na mga mata ni Sage. Nakita niyang napalunok ito at kasabay niyon ay naramdaman niyang may matigas na bagay na bahagyang gumalaw sa ibabaw ng kaniyang puson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD