Sage’s POV
It’s Friday and my last day in Iloilo. Nasa mansyon ang buong pamilya pati na rin ang mga Ate ko kasama ang kanilang mga anak. Nasa trabaho ang kani-kanilang asawa kaya hindi nakasama ang mga ito.
My eldest sister is Ate Gemini, a neurosurgeon. She’s forty-six years old at may dalawang anak; Apollo, who is twenty years old, and Athena, who is fifteen. Ang asawa ni Ate ay si Kuya Damon na isang cardiothoracic surgeon.
Ang sumunod kay Ate Gemini ay si Ate Pisces. She’s forty-one years old and an architect. She has a ten-year-old son, Draco, with her husband Kuya Henry, an engineer.
Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain nang biglang nagtanong si Ate Gemini.
“Sagittarius, wala ka pa rin bang permanenteng girlfriend hanggang ngayon? You are thirty-six already. What’s your plan?”
Bago ako makasagot ay sumabat na si Ate Pisces.
“Oo nga naman, bunso. Kailan mo balak mag-asawa at manatili sa Pilipinas? Alam mo namang kailangan ka ni Tatay sa kompanya.”
“Mga Ate, pwede bang tigilan ninyo ang pangungulit sa akin? Bakit ba kayo nagmamadali?”
“Son, tama ang mga Ate mo. I need you to assist me in running the company. Matanda na ako at gusto ko nang magretiro. Isa pa, kailan mo ba kami bibigyan ng apo ni Nanay?” sabat naman ni Tatay.
“Ano ba kasi ang ipinaglalaban mo riyan sa pagtuturo mo sa Amerika? Hindi ka ba napapagod, bunso?”
“Ate Pisces, mahal ko ang pagtuturo.”
“Kahit na. Ano? Gusto mong tumandang binata? At iyang pagiging babaero mo, kailan mo ba balak itigil?” muling tanong niya.
“Pie, let your brother be. May sarili na siyang isip at siguradong alam niya ang tama at mali. Pasasaan ba’t uuwi rin siya rito sa atin,” malumanay na saad ni Nanay bago ako binalingan. “Hindi ba, anak?”
“Yes po, Nanay. Huwag po kayong mag-alala. Malapit na po akong mag-settle down dito sa Pilipinas. Isang taon na lang siguro at magre-resign na ako sa university,” sagot ko bago binalingan si Tatay. “Tatay, pwede po bang bigyan ninyo ako ng isang taon upang ayusin ang lahat sa New York? I promise, I am coming home for good after a year to take care of the family business.”
“Alright, son. I’m giving you a year. Sana ay tuparin mo ang sinasabi mo ngayon.”
“Salamat po, Tatay,” sagot ko na tinanguan lang ni Tatay. “Nanay, pwede po ba akong tumingin ng mga jewelry designs ninyo mamaya?”
“Sure, anak. Bakit may ipapagawa ka ba?”
“Yes po. I need a ring, something unique, Nanay. Iyong nag-iisa lang po talaga sa mundo. Kahit magkano pa po iyon. Posible po bang matapos na iyon before Christmas?”
“Wow! Napakaespesyal naman yata ng jewelry na iyan, Sagittarius. Ikaw ba ang susuot?” may pagtatakang tanong ni Ate Gemini.
“No, Ate. I’m giving it to someone as a gift for Christmas.”
“Oh, my! Babae ba, Tito?” sabat ng makulit na si Athena.
“Alangan namang lalaki? Gamitin mo nga iyang utak mo, Athen. Huwag puro ganda lang, pwede?” pang-aasar ni Apol sa kapatid na ikinatawa naming lahat. Inirapan lang siya ni Athena.
“Aba, malay natin? Baka nag-iba na ang preference ni Tito, ‘di ba?” sagot ni Athena.
“Yes, Athen. Babae ang bibigyan ko,” sagot ko na ikinatili niya na parang kinikilig.
“Who is she, son? Do we know her?”
“No, Tatay. She isn’t from around here.”
“She must be someone special, anak?”
“Very special po, Nanay,” malapad ang ngiti kong sagot nang dumaan sa isip ko si Margaux.
“Pwede na ba namin siyang makilala?” tanong ni Ate Gemini na sinang-ayunan ni Ate Pisces.
“Not at the moment, Ate. But soon, I’ll introduce her to the family. I’m sure you’ll like her,” puno ng pagmamalaki kong sagot.
“Is she from the States, anak? Ano’ng trabaho niya? How old is she?”
“Actually, she’s also from the Philippines, Nanay. And ahm, she is... s—she’s just e—eighteen and a second year college student,” may pag-aalangan kong sagot na ikinatulala nilang lahat.
“Say what now? Tama ba ang narinig ko, Tito? She’s just eighteen? She’s two years my junior?” kunot-noong tanong ni Apollo. Halata ang pagkabigla sa kaniyang boses.
“Yup. You’re right, Apol. Mas bata siya sa ‘yo ng dalawang taon.”
“My, my! That’s what I said earlier. Nagbago na nga ang preference ni Tito. Hindi na model ang kinababaliwan niya. Teenager na! Kung sabagay, mas mabuti na rin iyon, at least, hindi lalaki,” maarteng komento ni Athena na ikinangiti ko.
“Son, are you sure about that? Hindi ka pa naman siguro nasisiraan ng bait.”
“Oo nga naman, anak. Sa dami ng babaeng naghahabol sa ‘yo, sa isang eighteen years old talaga? Hindi ka kaya makasuhan niyan?”
“Bunso, corrupting minor ka!” panunukso ni Ate Pisces.
“Sagittarius! Eighteen years old? Mas matanda lang ng tatlong taon kay Athena? Nag-iisip ka ba? You are twice her age for goodness’ sake!” si Ate Gemini.
“Please. Kumalma kayong lahat. Alam ko ang ginagawa ko. Just trust me, okay?” pagtatapos ko sa usapan. “By the way, Tatay, Nanay, I’ll be leaving for Bacolod po tomorrow. I’ll stay there for the rest of my vacation. I’ll be back a few days before my flight to New York.”
“Alright, son. Mas mabuti iyan at nang mabisita mo na rin doon ang ipinapatayong branch ng hotel at ng jewelry store ni Nanay.”
“Sige po.”
“Isama mo ang dalawang tauhan natin. Nandito ka sa Pilipinas, son, kailangan mong mag-ingat.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni Tatay upang hindi na humaba pa ang usapan.
Naging masaya ang salo-salong naganap. I was glad that I was able to tell them about Margaux. Kahit wala akong ibinigay na detalye, ang mahalaga ay alam nila ang tungkol sa relasyong mayroon ako ngayon. Alam kong hindi tututol ang pamilya ko. Wala ring problema sa kanila ang estado sa buhay. Palaging sinasabi ni Tatay na maayos naman daw ang pamumuhay namin. Masagana kami sa lahat ng bagay, kaya bakit pa raw kami maghahanap ng mayamang mapapangasawa? Kung sino raw ang pipiliin naming mahalin ay siyang masusunod. Hindi sila mangingialam ni Nanay basta’t nasa tama naman daw.
Napakabuti ng pamilya ko kaya sigurado akong magugustuhan nila si Margaux. Sa susunod na pag-uwi ko, I’ll introduce her to them. Hindi na muna sa ngayon dahil gusto ko siyang masolo sa buong bakasyon ko. I maybe selfish, but I want her all for myself in the next three weeks.
Nasa aking kuwarto ako at naghahanda ng mga dadalhin ko sa pagpunta ng Bacolod. I wasn’t able to call Margaux since this morning. Alam naman niya ang tungkol sa salo-salo kasama ang pamilya ko kaya siguradong maiintindihan niya.
I prepared two medium-sized luggage na naglalaman ng aking mga damit at iba pang importanteng gamit. Ipapahatid ko na lang ang mga ito sa mga tauhan ni Tatay, diretso na ng resort. I already made a reservation. Naihanda ko na rin ang itim na backpack na s’yang dadalhin ko lang bukas. I also had my red Ford Mustang Cobra R checked yesterday. Iyon ang gagamitin ko bukas sa pagpunta ko ng Bacolod. Isasakay ko iyon sa RORO na bumibiyahe papunta roon.
Natapos ko ang aking paghahanda mga bandang alas syete na ng gabi. I decided to take a shower first before calling Margaux. Habang naliligo ay naalala ko ang pag-uusap namin noong Miyerkules. I can’t f*****g believe I asked her to have phone s*x with me. Sobrang na-miss ko lang talaga siya kaya ko iyon nagawa. Hindi ko inaasahan ang pagpayag niya. Muntik na talaga akong bumigay especially when she told me to guide her how to do it. Damn! Mabuti na lang at nakapagpigil pa ako. Sana lang talaga hindi mapatid ang pagtitimpi ko kapag magkasama na kami. Ayaw kong ako ang magsimula. Ayaw kong ma-pressure siya. Kung ano man ang mangyayari sa amin, gusto kong siya ang mag-initiate niyon. Ibayong pagtitimpi ang dapat kong gawin simula bukas.
Bigla akong nakaramdam ng init dahil sa mga naiisip ko. Pagyuko ko ay nakita kong tayong-tayo na ang mahaba at matigas kong p*********i. f**k! Mabilis kong tinapos ang paliligo dahil baka kung saan pa mapunta ang mga kamay ko.
Nagsuot lang ako ng boxer shorts bago kinuha ang phone ko at humiga sa kama. Kaagad kong tinawagan si Margaux.
“Hey, love! I am sorry kung ngayon lang ako nakatawag. Naging sobrang abala kasi rito sa bahay. Alam mo na, nagkaroon ng mini reunion,” bungad ko pagkasagot niya ng tawag.
“Hi, love. Okay lang. Kumusta ang reunion ninyo? Nag-enjoy ka ba?”
“Yes, love. Sobrang nag-enjoy kami kanina. By the way, handa ka na ba bukas sa lunch date natin?”
“Yes, love. I’m good to go. After ng lunch natin ay didiretso na ako sa bahay nina Kuya Leonel.”
“Alright. See you at about eleven o’clock, love. Okay lang ba sa ‘yo?”
“Yes, love. Walang problema. Tamang-tama, mga bandang alas dos ay nasa kanila Kuya na ako at makakapag-ayos para sa event.”
“Okay, then. Ilang oras na lang love, magkikita na talaga tayo. I’m so excited, love.”
“Ako rin, love. So, paano? Matulog na tayo? Maaga ka pang bibiyahe bukas.”
“Sige, love. Let’s go to bed early. I love you. Dream of me.”
“I love you more, and dream of me too, love. Bye,” sagot niya bago tinapos ang tawag.