Chapter 28 - Comfort and Rest

1683 Words
It’s almost six o’clock in the evening. Tapos na ang klase ko at pauwi na ako ng boarding house. Hindi nakapag-text si Sage sa akin buong araw. Hindi rin siya nakatawag kaya hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa event na pupuntahan ko sa Sabado. Miyerkules pa lang naman ngayon. Kaya may oras pa upang mabago ang schedule naming dalawa. Pagdating ko ng boarding house ay dumiretso ako sa dining area. Nakasabay ko sa lamesa ang dalawang boardmates ko na sina Ate Sugar at Ate Pingske. “Good evening, mga Ate.” “Good evening, Marg. Sumabay ka na sa aming kumain,” saad ni Ate Pingske. “Sige po, Ate. Sasabay na po ako kasi may gagawin pa akong school work mamaya.” “Hello, Margaux,” bati sa akin ni Ate Sugar. “Hi, Ate Sugar!” “Kumusta ka na, Margaux? Habang tumatagal parang mas lalo ka yatang gumaganda. Napaka-blooming mo. Mukhang in love ka. May boyfriend ka na siguro, ‘no?” tukso ni Ate Sugar na naging dahilan upang mag-init ang magkabilang pisngi ko. “Sugar, tumigil ka na. Na-conscious tuloy si Marg,” saway ni Ate Pingske. “Ikaw naman, Pingske. Binibiro ko lang naman si Marg. Pero totoo naman talagang mas gumanda pa siya. Dati naman na siyang maganda pero iba ang aura niya ngayon. Basta! Hindi ko maipaliwanag,” dagdag pa ni Ate Sugar. “Hmmm. Alam mo, Marg, sa palagay ko, mas bagay sa ‘yo ang mahabang buhok. Bakit ‘di mo pahabain ang buhok mo? For sure, napaka-cute mong tingnan,” suhestiyon ni Ate Pingske. Medyo nakahinga ako nang maluwag nang malihis ang usapan. “Hindi kasi ako sanay na mahaba ang buhok ko, Ate. But I’ll consider it.” “Yes, Marg. Subukan mo. Paniguradong mas magiging maganda ka pa.” “Thank you po, Ate,” sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos kong maghapunan ay dumiretso na ako sa kuwarto ko at nagsimulang gumawa ng essay sa Philosophy. Nang natapos ko iyon ay nagpasya akong maligo. Pasado alas otso na pero wala pa ring tawag mula kay Sage. Naghahanda ako ng gamit ko para sa klase ko kinabukasan nang makita kong tumatawag siya. “Hello, love!” masiglang bungad ko sa kaniya. “Hi, love. How’s your day? I’m sorry I wasn’t able to call you. I was with Tatay at the office and I left my phone in my bedroom.” Huminga siya nang malalim. “I’m really sorry. Kauuwi lang namin at ikaw kaagad ang tinawagan ko.” Hindi ko alam kung anong opisina ang tinutukoy niya at kung ano ang trabaho ng kaniyang Tatay. Hindi rin naman ako nagtatanong. Maghihintay ako na siya ang kusang magkuwento sa akin ng tungkol sa pamilya niya. “It’s okay, love. I was also busy the whole day. Sunod-sunod ang klase ko.” “Ganoon ba? Aren’t you tired?” “Hindi naman, love.” “Great! Can we talk for a moment? I missed you, love,” puno ng pagsuyong tanong niya. “Na-miss din kita, love,” malambing kong sagot. As usual, kinilig na naman ako sa simpleng linyahan niya. Ewan ko pero parang napakanatural niya sa relasyon namin. Hindi halata na hindi pa namin nakikita ang isa’t isa. “Love? Bakit parang nang-aakit ang boses mo? Please huwag kang ganyan. Ang layo ng Bacolod, love.” “Anong nang-aakit? Inaantok lang ako, ‘no! Assuming ka, love,” sita ko sa kaniya na ikinahalakhak niya. “I’m just kidding, love. Ang sarap talaga ng boses mo sa pandinig ko. Hindi ko alam na mas may isasarap pa pala kapag inaantok ka, para akong hinehele. Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng antok.” “Baka pagod ka, love? Marami ba kayong ginawang trabaho ng Tatay mo buong araw? Isa pa, kadarating mo lang sa inyo kaninang umaga.” “Medyo, love. But I’m okay. I feel a lot better now that I’ve heard your voice. Nakawawala ng pagod. You know what, love?” “Yes, love?” “You are my comfort and rest in this tiring world. Sana ganito araw-araw. Iyong tipong pagdating ko galing sa trabaho, ang malambing mong boses ang maririnig ko. Iyong ikaw ang madadatnan ko pag-uwi at yayakapin ako.” Pakiramdam ko ay lumundag sa sobrang tuwa ang puso ko dahil sa sinabi niya. “Ikaw talaga, love. Napakagaling mong mambola,” kalmadong sagot kahit ang totoo ay gusto kong mangisay sa sobrang kasiyahan. “Totoo, love. Maisip lang kita ay nawawala ang pagod ko.” “Sus, ang sweet naman ng love ko. Mas nai-inlove na tuloy ako sa ‘yo,” sagot ko habang malapad na nakangiti. Hindi na naitago ng boses ko ang nararamdaman kong kilig. “Well, that’s the plan, love. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? I will make you fall for me, HARD.” “Oo na, love. Ikaw na ang magaling.” “Naman, love!” proud niyang sagot. “Teka, kumain ka na ba? Baka nagugutom ka na. Naghapunan na kasi kami ni Tatay bago umuwi.” “Tapos na, love. Ahm, love, may sasabihin sana ako sa ‘yo.” “Yes, love? What is it?” “Kuya Leonel called this morning to remind be of the event that we’ll attend together with his parents on Saturday evening. Actually, this was already arranged back in September, I just forgot about it. I’m sorry. Kung okay lang sa ‘yo, sa Sunday na lang tayo magkita, love?” Pakiramdam ko ay hiningal ako dahil sa dire-diretsong pagsasalita. Sinamantala ko na ang pagkakataon dahil baka biglang umurong ang dila ko. Hindi kaagad siya nakasagot. Then, I heard him clear his throat. “S—Sure, love. That’s completely fine with me. Naiintindihan ko. Pero sa Sabado ng gabi pa naman, ‘di ba? Baka pwede pa rin tayong tumuloy sa lunch natin? Then, the next day na lang tayo pupunta ng resort. What do you think?” “Yeah, pwede naman, love,” maagap kong sagot. “Pero okay lang ba talaga sa ‘yo? Pasensiya na, ha. Nangako na kasi ako kay Tita.” “Don’t worry, love. Okay lang talaga sa akin. At isa pa, matagal na ang plano na ‘yan, hindi ba? Sayang naman kung hindi ka matutuloy.” “Thanks, love. Ang bait mo talaga kaya love na love kita, e. Pa-kiss nga!” “Sa lips ba ‘yan, love?” parang batang paglalambing niya na ikinangiti ko. “Yes, love, sa lips. Gusto mo pa ng isa? Bayad ko dahil pumayag kang tumuloy ako sa event.” “Love, ayaw ko ng kiss lang. Baka naman pwede, ahm... alam mo na,” paglalambing pa niya. “Pwede’ng ano, love?” “H—Huwag na lang, love. Baka ma-offend at magalit ka.” “Bakit ako magagalit? Sige na, love, tell me.” “Love, can we... ah, can we… you know… Can we make love over the phone?” Umawang ang bibig ko dahil sa kaniyang tanong. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Make love over the phone? Is that even possible? Sa ilang buwan naming pag-uusap, ito ang unang pagkakataong nagtanong siya ng tungkol sa ganito. Hindi ako nakasagot. “Love? Just forget about what I asked, okay? Please don’t get mad---” “Sure, love. If that’s what you want.” Hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi dahil sa biglang pagsagot ko. Kaagad siyang natahimik. Halatang nabigla rin sa pagpayag ko. “Love, nandyan ka pa ba?” “Y—Yes, love. I’m here. Y—You were saying?” natatarantang sagot niya. “Ang sabi ko, y—yes, we can m—make love over the phone if that’s what you want,” sagot ko pero halata sa nanginginig kong boses ang kaba. “Are you sure about that, love?” “Y—Yes, love. But I don’t know how to do it. Will you guide me?” Gusto kong pagbigyan ang kahilingan niya at pasayahin siya kahit sa maliit o simpleng paraan lang. At kung ito ang makakapagpasaya sa kaniya, bakit hindi? At the end of the day, he’s my boyfriend. Mahal ko siya. “Love, we don’t have to do it. I don’t want you to think that I am taking advantage of you, na binabastos kita and that I don’t respect you. As I have said before, I won’t force you to do something na hindi mo gusto. Kaya hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, okay? Mahal na mahal kita. Alam kong mahal mo rin ako at hindi mo kailangang patunayan iyon sa ganitong paraan. I’m sorry. Sobrang na-miss lang talaga kita dahil hindi kita nakausap buong araw,” may pag-aalalang pahayag niya na umantig nang husto sa puso ko. “Thank you, love. Mahal na mahal din kita,” puno ng emosyon kong sagot. “I know how much you love me. Damn! I can’t wait to be with you, love. Two more days and we’ll finally see each other. We’ll finally be together. Hindi na ako makapaghintay.” I heard him take a deep breath. “It feels like the next two days will be the longest two days of my life. Sobrang lapit mo na talaga. You are just an hour away from me pero wala akong magawa. I won’t allow you to sacrifice your studies.” “Just be patient, love. Mabilis lang lilipas ang dalawang araw. Libangin mo ang sarili mo riyan sa inyo. Spend some time with your family. Mamasyal kayo. Minsan lang sa isang taon ka umuuwi, so, make the most out of it. Panigurado, miss na miss ka rin ng pamilya mo.” “Thank you, love. I’ll ask Nanay and Tatay at sina Ate na mamasyal kami. Dahil pagkatapos nito, I will be staying with you in Bacolod for the rest of my vacation. Excited na talaga ako, love. Makikita na rin kita sa wakas at mayayakap.” “I’m also excited to see you, love. Malapit na malapit na talaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD