“Sage is finally home,” naiiling kong saad habang nakahiga sa kama. Ilang oras nang natapos ang pag-uusap naming dalawa pero hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya sa Pilipinas. Ang mas malala ay ang sinabi niyang umuwi siya nang maaga dahil lang sa nangyaring sagutan namin kahapon. Bakit parang napakadali lang para sa kaniyang gawin ang mga bagay-bagay? Paano na ang mga naiwan niyang responsibilidad sa New York? Nag-aalala ako na baka mawalan siya ng trabaho dahil sa ura-uradang pag-uwi niya na hindi naman talaga kailangan.
It’s almost one in the morning but I can’t fall asleep. Bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina. Ramdam ko ang sobrang pag-aalala sa kaniyang boses at higit sa lahat ang nag-uumapaw na pagmamahal. I have never imagined, not in a million thoughts, that I will meet someone like Sage. Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung deserve ko ba talaga siya. Ano ang kabutihang nagawa ko at binigyan ako ng Panginoon ng isang taong sobra-sobra ang pagmamahal para sa akin? Ganoon pa man, nakararamdam pa rin ako ng takot at pangamba. Nasa malayo siya. Hindi kami palaging magkasama lalong-lalo na kapag bumalik na ulit siya ng New York. Makakaya kaya naming dalawa ang magpatuloy sa aming relasyon sa kabila ng milya-milyang distansiya?
“We’ll cross the bridge when we get there,” wala sa sariling bulong ko. Sa ngayon, iisipin ko na lang muna ang mangyayaring pagkikita namin.
Bigla na namang kumabog ang dibdib ko nang maalala ko ang plano niyang pagpunta namin sa isang resort dahil gusto niyang mag-swimming. Araw-araw daw kasi siyang lumalangoy dahil sumasama ang kaniyang pakiramdam kapag hindi niya iyon nagagawa. Kahit na kinakabahan ako ay pumayag pa rin ako sa gusto niya.
Another thing that’s been bothering me is how I should act in front of him. Ano kaya ang magiging reaksiyon naming dalawa kapag nagkita na kami sa personal? Nakatatakot pero nakararamdam din ako ng excitement. Ngayon pa nga lang ay sobrang bilis na ng t***k ng puso ko. Ano pa kaya kung nasa harapan ko na siya?
Nang makaramdam ako ng antok ay s’ya namang pag-ring ng cellphone ko. Mabilis kung inabot iyon. Kaagad ko iyong sinagot nang makita kong si Sage ang tumatawag.
“Hello, love?”
“Good morning, love! I’m sorry to have disturbed you in your sleep,” he apologetically said.
“It’s okay, love. Hindi pa naman ako matutulog.”
“Bakit, love? May problema ba?”
“Wala naman, love. Hindi lang talaga ako dinadalaw ng antok.”
“Ako rin, love. Naninibago siguro ako sa lugar. Naka-check in ako ngayon sa isang hotel. I will take the earliest flight to Iloilo later. I will stay there until Saturday, then, I’ll be on my way to Bacolod at around ten in the morning. Tamang-tama, lunch time tayo magkikita. After lunch saka tayo pupunta sa resort,” mahaba niyang saad na nagdulot na naman sa akin ng kakaibang pakiramdam. Bigla na naman ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko. Hindi ako nakasagot. “Love? Are you alright?”
“Y—Yes, love. I’m okay. But I must be honest with you. Kinakabahan ako. Kaya nga siguro hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa pagkikita natin.”
“That’s normal, love. I am also nervous and excited at the same time. Just know that you can trust me, okay? Kaya wala kang dapat ikatakot. I won’t do anything bad to you, love. Pangako.”
“T—Thank you, love.”
“No worries, love. I’ll make sure that we’ll both enjoy each other’s company. We will make wonderful memories together. Pupunta tayo sa mga lugar na gusto mong puntahan. Sabihin mo lang, okay? Gusto kong maging open at honest ka sa akin lalong-lalo na sa mga nararamdaman mo at sa kung ano ang mga gusto mo. Just like how you were before, iyong walang pag-aalangan. That’s one of the things that I love about you.”
“I’ll try, love. Thank you for making me feel better.”
“Mahal kita, love. You and your happiness will always come first. Everything else is secondary. When we are together, I want you to be yourself. Huwag ka mag-alangan sa akin o mahiya. Remember, matagal tayong naging magkaibigan bago mo pa ako sinagot. Kung gaano kapalagay ang loob mo sa akin sa chat ay gusto ko ring ganoon ka kapag magkasama na tayo. Hmm?”
“Y—Yes, love. I’ll remember that.”
“That’s my girl! So, let’s sleep, love? Baka mapuyat ka na nang husto. May klase ka pa mamaya at hating-gabi na. I just called because I want to hear your voice before I go to sleep.”
“Sige, love. Matulog na tayo. Inaantok na rin naman ako. Good night, love. I love you.”
“Goodnight, love. I love you more.”
“Bye.”
Tinapos ko na ang tawag at ibinalik sa ibabaw ng side table ang cellphone ko bago ako umayos ng higa hanggang sa dinalaw ako ng antok at nakatulog nang mahimbing.
Napakagaan ng pakiramdam ko paggising ko kinabukasan. Kaagad kong binuksan ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Sage.
“Good morning, love. Alam kong tulog ka pa kaya hindi na ako tumawag. I’m at the airport now. I’m taking the 5 A.M. flight. I’ll be in Iloilo at around 6. Just send me a message if you have the time. I’ll be busy in the next 3 days but I’ll do my best to call you. Ingat ka and enjoy the rest of your day, love. I love you!”
Heto na naman ang nagliliparang paro-paro sa tiyan ko. Iba talaga magpakilig ang isang Sagittarius Dela Victoria. Sapul ako palagi. Napapangiti ako habang nagta-type ng sagot.
“Hello, love. Ingat ka sa biyahe and text me kapag nasa inyo ka na. Mag-iingat ka. I love you too.”
Pagkatapos kong mai-send ang message ay mabilis na akong pumasok ng banyo upang maligo at maghanda sa pagpasok sa university.
Habang nagbibihis ako ay nag-ring ang aking cellphone. It’s Kuya Leonel. Kaagad kong sinagot ang tawag.
“Hello, Kuya! How are you? Kumusta ka na? Na-miss kita, Kuya,” masigla kong bati sa kaniya.
“Hi, sweetheart! I missed you too. I got busy these past few days. Alam mo namang naghahanda na ako para sa on-the-job training ko sa January. Tatagal din iyon ng mga tatlong buwan. Kumusta ka na?”
“I’m doing great, Kuya!”
“Hmm, parang napakasaya yata natin ngayon, a.”
“Kuya, masaya lang talaga ako dahil malapit na ang bakasyon,” pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handang sabihin kay Kuya ang tungkol kay Sage. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon niya. Napaka-overprotective pa naman niya pagdating sa akin.
“Ah, that! Uuwi ka ba sa inyo? Because if not, sa bahay ka na mamalagi. Dito ka na mag-celebrate ng Christmas at New Year. How’s that?”
Hindi kaagad ako nakasagot. How will I tell him I’ll be somewhere in the next three weeks? I’m sure he’ll ask questions.
“Hindi ko pa talaga alam, Kuya. But I’ll let you know right away kung uuwi ako o hindi. Teka, bakit ka nga pala napatawag? Ang aga pa, a.”
“Well, I called because Mom asked me to remind you of the event on Saturday evening. You know, the gala at the Ocean Breeze Hotel.” Nagulat ako sa narinig. That’s when I remembered. Tita Riza invited me when I was staying with them last September. Paanong nakalimutan ko iyon? Literal na natulala ako. Paano na ‘to? Magkikita kami ni Sage. “Hey, are you there, sweetheart?”
“Y—Yes, Kuya. Do I really need to be there? Wala akong isusuot na gown.”
“Huwag kang mag-alala, sweetheart. Mom took care of it already. Alam naman daw niya ang sukat mo kaya pinagawan ka na niya ng gown. May kasama na rin daw iyong footwear at accessories kaya wala ka nang iisipin pa. And yes, you need to be there.”
“Okay, Kuya,” tanging sagot ko. Nakaramdam ako ng panlulumo.
“Ikaw naman kasi, bakit ka pumayag? Sabi ko sa ‘yo na huwag na.”
“That’s alright, Kuya. I already gave Tita Riza my word. At isa pa, dinner lang naman iyon. Just one dinner wouldn’t hurt, would it?”
“Yup. And don’t worry. I’ll be there with you. I’ll be your date for the night.”
“Okay, Kuya. Salamat. Alam mo namang hindi ako sanay sa mga sosyalang event. Kung kasama kita, hindi ako ma-a-out of place.”
“Yeah, no worries. I got you.”
“Thanks, Kuya. Anyway, I’ll go ahead. May klase pa kasi ako.”
“Sure, sweetheart. Ingat ka. I love you.”
“I love you too, Kuya. Ingat ka rin,” I said before I ended the call.
After my talk with Kuya Leonel ay doon nag-sink in sa akin ang lahat. Paano ang pagkikita namin ni Sage? Papayag kaya siyang sa Sunday na namin ituloy ang plano namin? Biglang naging komplikado ang lahat. Pero hindi rin naman ako pwedeng hindi dumalo sa event na iyon. Maganda ang layunin ng event at alam kong maraming matutulungan iyon. Bahala na. Sasabihin ko na lang mamaya kay Sage ang sitwasyon kapag tumawag siya. Alam kong maiintindihan niya.