Chapter 26 - Priority

2079 Words
Hindi naging maganda ang pagtatapos ng usapan namin ni Sage kahapon. Alam kong naging unfair ako. Pero masisisi n’ya ba ako? Sa kaniya na mismo nanggaling na s*x lang ang habol niya sa mga naging babae niya. I knew it’s already a part of his past at hindi pa naman kami noong nangyari iyon. But I can’t help but get hurt. Sobrang nasaktan ako lalong-lalo na nang sinabi niyang nakipag-s*x siya ng dalawang beses sa magkaibang babae noong nakaraang ilang linggo. Samot-saring emosyon ang naramdaman ko nang mga oras na iyon, galit, takot, selos. Siguro dahil mahal ko na siya kaya ganoon ang naging reaksiyon ko. Nahihirapan akong tanggapin ang mga sinabi niya dahil hindi ko inisip kailan man na ganoon siya. Napuno ng takot ang dibdib ko ngunit kasabay niyon ay may isang damdaming hindi ko matukoy ang napukaw sa pagkatao ko. Pananabik, kaba? Hindi ko alam. Dahil sa nangyari kahapon ay hindi ko na inasahan na tatawag pa siya ngayong araw. I also knew he’s busy because it’s going to be his flight tomorrow. Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang naghahanda ako sa pagpasok sa university. Ang saya pa namin kahapon, pero sa huli ay nag-away lang kami, at kung kailan pa talaga na uuwi na siya. Ewan ko ba. Ganito nga siguro ang mga babae o baka ako lang. Iyong pinilit kong paaminin si Sage at noong sinabi na niya ang totoo ay sobra naman akong nasaktan. May pagkamasokista lang siguro talaga ako. Habang papasok ako ng main gate ng university ay nakita ko si Riz na nakaupo sa isa sa mga benches sa may garden. Nilapitan ko siya upang kumustahin. “Hello, Riz! Kumusta ka na?” “Oh, hi, Margaux. Okay lang naman ako. Nakakapag-adjust na. Ikaw, kumusta?” “I’m good. Ano nga pala ang course mo? At anong year ka na?” “Business Administration, third-year pero irregular student. Ikaw?” “BS Mathematics ang kinukuha ko, nasa second year na ako.” “Ganoon ba? May klase ka ba ngayong araw? Ako mamayang hapon pa. Kaso naisipan kong pumunta na rito nang maaga at tatambay na lang ako sa library.” “I see. May klase ako in twenty minutes. So, paano? Mauuna na ako, Riz. Baka sa susunod kapag may time tayo, ipapasyal kita rito sa campus kung gusto mo. Tambay tayo sa canteen, pwede tayong magkuwentuhan doon.” “Oo ba, gusto ko iyan, Margaux. Salamat ha.” “Sure. Paano, I’ll go ahead. Bye.” “Bye, Margaux.” Kumaway ako kay Riz bago naglakad paakyat ng second floor ng main building kung saan ang klase ko sa Philosophy. “This is going to be a boring day!” reklamo ko sabay buntong-hininga. Pagpasok ko sa classroom ay iilan pa lang sa mga kaklase ko ang naroon. Kaagad akong umupo sa armchair ko malapit sa bintana. Habang hinihintay ang aming Professor ay bigla ko na namang naalala si Sage. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may missed call ba galing sa kaniya. Nalungkot ako nang makitang kong wala kahit isang message. “Siguro busy pa siya. At isa pa, maaga pa naman. Mamaya pa iyon tatawag mga bandang alas diyes,” bulong ko habang ibinabalik ko sa loob ng bag ang cellphone. Dahil lumilipad ang isip ko ay hindi ko na namalayang nag-umpisa na pala ang lecture ni Ma’am Villanueva. Maya-maya pa ay naramdaman kong may kumalabit sa braso ko. “Hoy, Margaux! Tinatanong ka ni Ma’am!” Dahil sa narinig ay natataranta akong tumayo at nahihiyang humingi ng paumanhin. “Ma’am, I’m sorry. What was your question again?” “Miss Cuevas, kung wala kang gana sa klase ko, sana hindi ka na lang pumasok. Kanina ka pa nakatulala riyan,” malumanay ngunit may diing saad ni Ma’am. “I’m sorry po talaga, Ma’am,” hinging paumanhin ko ulit sabay yuko. Hiyang-hiya ako lalo pa at ito ang unang beses na nasita ako ng guro. “Alright. Maaari mo bang ipaliwanag sa klase ang fallacy na argumentum ad populum?” Napag-aralan ko na kagabi ang topic kaya walang kahirap-hirap kong naibigay ang sagot na naging dahilan upang maghiyawan ang mga kaklase ko. “Ang galing talaga! Tulala pa iyan, ha? Paano na lang kung hindi?” “Maganda na, matalino pa. Margaux, ikaw na talaga ang pinagpala.” Iilan lang iyan sa mga komento ng mga kaklase ko na sinagot ko lang ng isang tipid na ngiti bago umupo. Pinilit kong mag-focus sa klase sa takot kong baka masita na naman ako. Pagkatapos ng klase ay muli akong tumambay sa canteen. Bigla ko na namang naalala si Sage. Sa kabila ng nangyari ay umasa pa rin akong tatawag siya at susuyuin ako. But maybe, I did cross the line this time. Napuno na rin siguro siya kaya siya nagalit kahapon at natiis na hindi ako tawagan ngayon. It’s already past eleven in the morning, kaya sigurado akong hindi na siya tatawag. Nakaramdam ako ng pagod at tinamad na rin akong pumasok sa natitira ko pang klase kaya sa halip na manatili sa university ay mas pinili ko na lang na umuwi sa boarding house at magpahinga. Kaagad akong naligo at nagsuot ng komportableng pantulog pagdating ko sa aking kuwarto. Kahit pasado alas dos na ng hapon ay tiningnan ko pa rin ang cellphone ko kung may tawag ba si Sage. Nang makita kong wala ay ipinatong ko iyon sa side table bago humiga sa kama. I took a deep breath while staring at the ceiling. Alam kong may kasalanan din ako. Ako ang nagtulak kay Sage upang sumabog ang galit niya. Ang totoo ay nasaktan ako dahil iyon ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. But I knew I deserved it. Kaya heto ako ngayon, nakararamdam ng matinding takot at pagsisisi dahil baka hindi na siya tumawag at bigla na lang akong kalimutan. Dahil sa isiping iyon ay hindi ko napigilang pangiliran ng luha hanggang sa tuluyan akong napaiyak. Bakit ang sakit? Iniisip ko pa lang na hindi ko na makakausap si Sage ay parang pinipiga ang puso ko at parang hindi ako makahinga. Maybe I have completely fallen in love with him and just realized it now that it’s already too late. Napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko yata kaya kung sakali mang bigla na lang mawawala ang communication naming dalawa. Paano ko tatanggapin? Umiyak ako nang umiyak hanggang sa igupo ako ng pagod at tuluyang nakatulog. Nang magising ako ay nakita kong madilim na sa labas. Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa side table at nakita kong pasado alas sais na ng gabi. Sigurado akong wala pa ring tawag mula kay Sage dahil alas sais pa lang ng umaga sa New York. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko at nagsimula na namang maglandasan ang aking mga luha. Nasa ganoon akong ayos nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Dali-dali akong bumangon at kinuha iyon sa ibabaw ng side table, hoping to see Sage’s name on the screen. Pero nadismaya ako nang makita kong unregistered local mobile number lang ang nasa screen. Thinking that it’s one of my classmates, I decided to ignore the call hanggang sa tumigil na ang pagtunog ng ringtone. Pero tumawag ulit ang may-ari ng numero. I ignored it the second time. Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iyak. Sa ikatlong tawag nito ay napilitan na akong sagutin kahit panay pa rin ang mahihinang paghikbi ko. “H—Hello! Good evening. S—Sino po sila?” “Hi, love! It’s me!” masiglang bungad ng caller. Biglang kumabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko sa tuwa. Kahit hindi na sabihin ng caller ang pangalan niya, alam ko, alam na alam kong si Sage ang nasa kabilang linya. Sa halip na sumagot ay humagulgol ako ng iyak. Nakahinga ako ng maluwag sa isiping hindi niya ako iniwan ng gano’n-gano’n lang. “Hey, love? What’s wrong? Why are you crying?” nag-aalala niyang tanong. Hindi ako nakasagot dahil iyak pa rin ako nang iyak. “Love, sabihin mo kung ano ang problema? I’m worried.” Bakas ang matinding pag-aalala sa kaniyang boses. “Answer me, love,” muling saad niya kaya napilitan akong sumagot kahit sige pa rin sa pagdaloy ang aking mga luha. “N—Natakot ako dahil akala ko i—iniwan mo na ako. Akala ko a—ayaw mo na sa akin dahil hindi ka tumawag kaninang umaga. A—Akala ko basta mo na lang akong k—kakalimutan. I’m sorry sa ginawa ko kahapon. P—Please huwag mo akong iwanan, love. Mahal na kita. M—Mahal na mahal na kita.” Hindi ko na napigilang aminin kay Sage ang nararamdaman ko sa pagitan ng pag-iyak. “I know, love. Alam kong mahal mo na ako. Kahit hindi mo sinasabi ay ramdam ko iyon. You wouldn’t have reacted that way yesterday if you don’t love me. You were hurt when you heard everything I said because deep inside your heart, mahal mo ako. Kaya naiintindihan ko ang naging reaksiyon mo kahapon. And no. Please don’t say sorry. Ako dapat ang humingi ng tawad sa ‘yo. I made a promise that I will never hurt you, yet I broke that promise when I shouted at you yesterday. I am terribly sorry for what I did. Forgive me for hurting you. And please, let’s forget about it, love. As I’ve said, it’s already a part of my past. Hindi pa kita girlfriend nang nangyari ang mga iyon. At simula nang sinagot mo ako ay wala na akong naging babae. Iyan ang totoo, love. Maniwala ka. Ayokong nag-aaway tayo lalo pa’t hindi tayo magkasama.” “H—Hindi ka na galit sa akin?” “No, love. Hindi naman ako nagalit kahapon. Hindi ako galit sa ‘yo kaya please, tahan na. Ayokong naririnig kang umiiyak. Kung iiyak ka man, gusto ko sa sarap lang, love,” may halong birong sagot niya na nagpatigil sa paghikbi ko. “Love, ayan ka na naman, e,” tila bata kong pagrereklamo na ikinatawa niya. “Biro lang love para tumahan ka na. Tandaan mo, hindi ako galit sa ‘yo, okay? If I am, I wouldn’t be on the phone right now asking for your forgiveness.” Napaisip akong bigla dahil sa kaniyang sinabi. “Teka, love. Paanong local number itong gamit mo at hindi ang number mo sa New York?” “Hmm... Do you want to make a guess?” “Love, huwag mong sabihing... Oh, my God!” Natutop ko ang aking bibig. “Yes, love. I’m in the Philippines already.” “Ano?” Literal na napasigaw ako dahil sa labis na pagkagulat. “You heard it. Nandito na ako sa Pilipinas, love. Kalalabas ko lang ng Manila International Airport.” “A—Ano’ng sabi mo? Akala ko ba bukas pa ang flight mo? At ang bilis naman yata ng naging biyahe mo. Di ba nasa seventeen hours ang biyahe galing New York patungong Pilipinas?” sunod-sunod kong tanong. “Supposed to be bukas pa. But because of what happened ay mas inagahan ko ang pag-uwi. When you ended the call yesterday ay nataranta ako. I immediately went home, fixed myself and left for the airport. Natakot ako na baka biglang magbago ang isip mo dahil sa mga pinagsasabi ko. So, I decided to take the earliest flight home to see you as soon as possible. Hindi na ako makapaghintay ng Monday. Alam kong hanggang Friday lang ang klase mo. So, can we meet this Saturday, instead?” dire-diretso niyang pahayag na ikinaawang ng bibig ko. Seryoso ba siya? Hindi ako makapaniwala na umuwi siya nang mas maaga dahil lang sa nangyari kahapon. I’m totally speechless. “Love? Are you there?” “Y—Yeah. I’m here, love. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito ka na. Na inagahan mo ang pag-uwi dahil lang sa akin.” “No, love. Hindi “dahil LANG sa ‘yo”. Inagahan ko ang pag-uwi DAHIL SA ‘YO. That’s how much I love you. I will sacrifice anything just for you, love. To hell with work! You are more important than anything. Please remember this, you are and will always be my top priority. I will always find a way to be with you no matter the distance and the circumstances. That’s how much you mean to me, Margaux Cuevas.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD