I’ve been so busy that I haven’t even noticed it’s already the first day of December. Lunes ngayon at isang linggo na lang ay Christmas vacation na namin sa university.
Katatapos lang ng klase ko at patungo ako sa canteen upang tumambay. Wala akong klase at saktong tatawag si Sage.
Sa nakalipas na mahigit tatlong linggo ay nagpatuloy ang communication naming dalawa. Wala talaga siyang palya sa pagtawag sa akin simula noong naging kami na. At dahil doon, mas lalo kaming naging malapit at komportable sa isa’t isa.
Nararamdaman ko ang sinseridad niya. Seryoso talaga siya sa relasyon naming dalawa na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin akong paniwalaan. Alam kong unti-unti ko na ring natatanggap ang ganitong set-up pero sadyang nakakapanibago lang.
Pagka-upo ko pa lang ay siyang pag-ring ng aking cellphone. Mabilis ko iyong sinagot.
“Hi, love!” nakangiting bungad ko. Medyo komportable na rin ako ngayong tawagin siyang love.
“Good morning, love! How are you? Nasa canteen ka na ba ngayon? Kumusta ang klase mo?” masiglang bati niya. Alam na alam na niya ang mga ginagawa ko sa araw-araw.
“I’m doing okay, love. At maayos naman ang klase ko kanina. Kararating ko lang dito sa canteen. Ikaw, kumusta? Wala ka bang ginagawa ngayon sa opisina mo?”
“Wala naman, love. I have already arranged everything. Naayos ko na ang mga bagay at mga trabahong iiwanan ko sa secretary ko,” sagot niya. Minsan ay napapatanong ako kung ang mga professors sa U.S. ay talagang may secretary ba.
“That’s good. What are you up to now?”
“Nagliligpit lang ako ng mga gamit ko, love. Naihanda ko na rin naman ang mga dadalhin ko sa pag-uwi ko. Is there anything you want me to buy for you here in New York? Books, perhaps? Or clothes and jewelries?”
“Huwag ka nang mag-abala, love. Ikaw lang sapat na.”
“Love, huwag mo nga akong pakiligin ng ganyan. Ang daya mo. Malayo ka pa naman,” nanunudyo niyang saad.
“Tigilan mo ako, love. Iyang utak mo talaga!”
“Bakit, love? Ano’ng masama sa sinabi ko?” painosente niyang tanong. Minsan talaga may pagka-berde rin ang utak niya.
“Tse! Wala! Siyanga pala, kailan ang flight mo?”
“It’s on the third, love. That’s the day after tomorrow. I’ll stay overnight in Manila, then, didiretso na ako ng Iloilo. Namimiss na raw ako ng Tatay at Nanay, e. Gusto ko sanang dumiretso sa ‘yo pero magiging malaking abala lang ako lalo pa’t may pasok ka pa sa university hanggang Friday. What’s a few more days, right?” mahabang pahayag niya.
“Yeah. Sa susunod na linggo pa kasi magsisimula ang bakasyon.”
“That’s alright, love. Makakapagpigil pa naman ako.”
“Makakapagpigil saan, love?”
“Sa ‘yo,” maagap niyang sagot bago tumawa nang malakas.
“Tumigil ka nga! Loko-loko ka talaga!”
“Ikaw talaga, love. Hind ka na mabiro. Anyway, how do you feel about seeing me in person? Are you excited?”
“Excited na kinakabahan. Pero mas lamang ang kaba.”
“Bakit ka naman kinakabahan? Hindi naman kita kakainin, unless gusto mo.”
“At bakit mo naman ako kakainin? Pagkain ba ako, love?”
“Hindi. Pero sigurado akong mas masarap ka pa sa pagkain, love. Pwede ngang ikaw na lang ang kakainin ko bawat oras habang nasa Pinas ako. Panigurado, hinding-hindi ako magsasawa. At hindi lang ako ang masasarapan, pati ikaw din at may kasama pang ungol iyan.”
“Love! Ang bastos mo talaga!”
“Ano’ng bastos sa sinabi ko, love? I thought we were talking about food?”
“Kainis! Ewan ko sa ‘yo! Napakamanyak mo talaga!” naaasar kong sagot.
“Hey, love! Please huwag ka nang magalit. Binibiro lang naman kita. Sige na, smile ka na. Please?”
“Oo na.”
“Hindi ka na galit?”
“Hindi na nga sabi. Ang kulit!”
“Kung hindi ka na galit, i-kiss mo nga ako sa lips,” paglalambing niya.
“Hoy! Magtigil ka! Nasa canteen ako ngayon!”
“May klase ka pa ba? Umuwi ka na lang kaya sa boarding house mo, love? Mas maigi iyon kaysa sa canteen.”
“Sage, ano ba? Isa na lang talaga!”
Muli siyang humalakhak.
“Oo na, titigil na nga. Humanda ka talaga sa akin pag-uwi ko, love. Papagurin talaga kita nang husto, makikita mo. Masyado mo akong tinatakam. Matagal na akong nagtitimpi sa ‘yo, alam mo ba? Damn! Hindi na ako makapaghintay.”
“Ikaw ang humanda sa akin pag-uwi mo, Sagittarius! Bibigyan kita ng award sa kaberdehan ng utak mo!”
“Oy, gusto ko iyan!” dagdag pa niya habang natatawa.
“A, ewan! Loko-loko! Tumigil ka na!”
“Oo na. Titigil na, love. Teka…” Tila bigla siyang may naalala. “Saan mo gustong magkita tayo? May tinatawag yatang Bar 21 Restaurant sa Bacolod. Gusto mo ba roon, love? And is it okay with you if we’ll meet on the eighth? That’s a week from today. Magtatagal kasi siguro ako ng tatlong araw sa Iloilo.”
“Okay lang sa akin, love. Pero huwag na sa Bar 21. Hindi kasi ako sanay sa fine dining.”
“Not a problem, love. I will let you decide kung saan tayo magkikita.”
“Ahm, okay lang ba na sa McDonald’s, love? Iyong nasa Sixth Lacson Street, kaharap ng Provincial Capitol building, doon sa may lagoon.”
“Sure, love. You’re the boss. Whatever my woman wants, my woman gets.”
“Ayan ka na naman, love. You’re spoiling me.” Hindi ko naitago ang kilig sa boses ko dahil sa mga banat ni Sage. Para akong kinikiliti.
“Para iyon lang, love. At isa pa, I want to spoil you with the everything that I can give. Ganyan kita kamahal, love.”
Natahimik ako sa sinabi niya. Ganito siya katindi sa pagpaparamdam sa akin na mahal niya ako. Natatakot ako na baka hindi ko matumbasan ang pagmamahal niya. I don’t want to disappoint him and most of all, I don’t want to hurt him. Sana lang ay matatanggap niya ang kung ano lang ang kaya kong ibigay.
“Alam mo, love, first time ko talagang maramdaman ang ganito. Do you know that I was not into courtship in the past? Hindi ako naniniwala sa ligaw ligaw na iyan,” pagpapatuloy niya.
“So, paano kung may nagugustuhan kang babae noon. Ano ang ginagawa mo?”
"Hindi sa pagmamayabang, pero wala akong ginagawa. Because sooner or later, sila pa rin naman ang lumalapit sa akin. Lapitin yata ng chicks ang boyfriend mo, love.”
“E, ‘di ikaw na ang gwapo! Yabang!”
“Hindi, a! I’m telling you about these things matter-of-factly. Walang halong chemical, puro natural,” pagbibiro pa niya.
“So, paano nga?”
“Nagiging kami na kaagad. Walang ligawang nangyayari.”
“So, boyfriend-girlfriend kayo kaagad, gano’n?”
“Yup. At never akong nagkaroon ng babae na tumagal sa relasyon namin.”
“Bakit naman?”
“Do you really want to know the truth? Baka magalit ka sa akin at hiwalayan mo ako? Anyway, it’s in the past. Huwag nalang nating pag-usapan, love.”
“Bakit naman kita hihiwalayan?” Hindi siya sumagot. “Sage? May sasabihin ka ba sa akin? Sige na, love. Makikinig ako. Hindi ako magagalit. Past na rin naman iyon.”
“Alright. Just promise me na hindi mo ako aawayin at hihiwalayan pagkatapos nito.”
“Yes, I promise.”
“Love, ang totoo, nakikipaghiwalay ako sa kanila pagkatapos ko silang maikama. Kasi ayaw ko ng commitment. At alam naman nila iyon.”
“You mean to say, s*x lang ang habol mo sa kanila.”
“Yeah, you could say that. I’m a man, after all, love. I have s****l needs.”
“So, hanggang pangkama lang sila?”
“Sort of, yes.”
“Ganoon din ba ang tingin mo sa akin, Sage?” tanong ko. Kababakasan ng pangamba ang boses kong tila maiiyak. I can’t imagine kung ganito lang din ang tingin ni Sage sa akin. Pangkama lang.
“Of course not. Iba ka sa lahat ng mga babaeng dumaan sa buhay ako, love,” maagap niyang sagot.
“P—Paanong iba, Sage? Sila nga na n—nakasama mo physically, hindi mo n—nagawang mahalin. A—Ako pa kaya?” Nagsimula nang manginig ang boses ko.
“Hey. Love, please huwag kang mag-isip nang ganyan. You’re different.”
“Ano’ng pinagkaiba namin? Pareho lang kaming may butas at iyon lang naman ang habol mo, ‘di ba? Ano? Gagawin mo rin ba sa akin iyon? Pagkatapos mo akong maikama, iiwanan mo rin ako?”
“Love, come on. Huwag mong sabihin iyan. Stop making my past an issue. Wala na iyon. You promised you won’t get mad. Love, you promised,” pagsusumamo niya.
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa nalaman ko. Bigla akong nakaramdam ng takot. Paano nga kung iiwanan lang niya ako sa huli? Paano ako? Lalo pa ngayong unti-unti ko na siyang natututunang mahalin. Bigla akong napaiyak. Sa unang pagkakataon, umiyak ako na siya ang dahilan. Mabuti na lang at walang mga taong malapit sa puwesto ko.
“Please stop crying, love. It’s not my intention to hurt you. I was just being honest with you about my past just like how honest you were with me. Please, love. Huwag ka nang magalit. Mahal na mahal kita.”
“E—Ewan ko, Sage. H—Hindi ko alam kung t—tama ba itong pinasok ko,” sagot ko sa pagitan ng pag-iyak.
“Please, love. Huwag ka namang maging unfair.”
“Pero natatakot ako. Natatakot ako sa ‘yo.”
“Wala kang dapat ikatakot, love. I won’t do anything that will harm or hurt you. Pangako ko sa ‘yo iyan. Please trust me, love. Trust me when I say I love you dahil iyan ang totoo,” sandaling siyang tumigil sa pagsasalita. Narinig ko siyang huminga nang malalim. “P—Papatunayan ko sa ‘yo kung gaano kita kamahal at nirerespeto. I will never force you to do something na ayaw mo. Sa r—relasyong ito, i—ikaw ang masusunod, love. Please, don’t hate me. H—Huwag mo akong bitawan. N—Nagmamakaawa ako,” muling pakiusap niya. Base sa tono ng boses niya, I can tell he’s crying, too.
“Gusto kong maniwala sa ‘yo, Sage. But you are too good to be true. And your past? It’s scaring the hell out of me.”
“Love, I don’t know what else to tell you but please, please give me a chance na patunayan ang sarili ko. I’m begging you.”
Nakaramdam ako ng awa pero hindi ko siya pinakinggan.
“Tell me, Sage, when was the last time you had s*x with your women? Ilan ba silang pinagsasabay mo? Dalawa? Tatlo? O baka higit pa? Gusto mong maging honest sa akin, ‘di ba?” Alam kong pinapasakitan ko lang ang sarili ko pero hindi ko napigilang magtanong.
“Love, please stop. Huwag kang maging unfair! Ginagawa mong issue ang nakaraan ko kahit hindi naman dapat!” Halos magsisigaw na siya sa kabilang linya. I can sense frustration, and fear in his voice.
“No, Sage! Sabihin mo! Ngayon ka maging honest!” pamimilit ko. Kulang na lang ay magsisigaw ako kung wala lang ako sa canteen.
“Do you really want to know? Gusto mo talagang mas lalo kang masaktan?” napipikong asik niya. Alam kong napatid na ang natitira niyang pasensiya.
“Oo, iyon ang gusto ko!”
“Fine! I will tell you! Listen, and you listen very well! Natatandaan mo noong nag-chat tayo and you told me about what happened between you and Josh? Pagkatapos nating mag-usap, I had my fling visit my condo and I f****d her to my heart’s content! I f****d her like a b***h! I made her c*m so many times hanggang sa siya na ang sumuko! O, heto pa. Second week na hindi ka nagparamdam, parang mababaliw na ako noon. I f****d another woman just to forget you! I made her scream in so much pleasure! I made her suck my d**k. I f****d her mouth until she was about to p**e! Ano? Masaya ka na? Iyan ang gusto mong marinig, hindi ba?” galit na galit niyang litanya na labis kong ikinagulat.
“Oh, my God! Sage, I can’t believe you!” Humagulgol na ako. Hindi ako makapaniwala na ganitong klase siyang lalaki. Iba ang pagkakakilala ko sa kaniya.
Sumagot siya sa malumanay na tono.
“Please don’t be unfair with me, love. Just forget what I said. Hmm? That was my past. Hindi pa tayong dalawa at that time. At simula nang sinagot mo ako, noong naging tayo na, I have neither touched nor slept with any woman. Please, maniwala ka.”
“Susubukan ko, Sage. Susubukan ko,” tanging naisagot ko bago ko tinapos ang tawag.