Natasha Astrid’s POV
Hindi ako makahinga. Para akong sinasakal at kinakapos sa hangin! Minulat ko ang mga mata ko at nanlalaki na tinignan ko si Jacob na nasa harapan ko habang hawak-hawak ang ilong ko na madiin niyang pinipisil!
“Jacob!” Mabilis kong pinalo ang kamay niya na kinabitaw niya sa ilong ko.
Mabilis akong napaupo sa kama ni Jessica na tinulugan ko at nanlilinsik ang mga mata na tinignan ang walang emosyon na si Jacob.
“Papatayin mo ba ako?!” inis na sigaw ko.
“Ang sabi ko, gumising ka ng maaga, brat.”
Mukhang maling-mali talaga na natulog ako rito sa bahay ng kapatid ni Jessica! Parang may masamang d**o na papatay sa akin dito!
“Ano ba kasi ‘yon?!” Iritadong napakamot ako sa buhok ko.
Napatingin ako sa labas ng kwarto ni Jessica at wala pang araw pero ginigising na agad ako ng Jacob na ‘to!
“Sumunod ka sa akin sa baba,” malamig na turan niya at napatingin sa bandang dibdib ko.
Sinundan ko siya ng tingin at mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin siya sa dibdib ko! I am only wearing pink nighties at wala rin akong bra!
Napataas ang tingin ko sa kanya na parang tutunawin ang dibdib ko sa kakatitig niya, “Bastos!”
“This is my house, brat. Gagawin ko ang kung anong gusto ko at titignan ko kung anong gusto ko,” seryosong sambit nito at naglakad paalis sa harapan ko.
Umagang-umaga pero kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking ‘yon! Hindi nga kami close pero grabe! Para akong inaapi rito! Unang linggo pa lang ng bakasyon ko mula nang matapos akong maka-graduate tapos may isang lintek na agad na gumugulo sa akin!
Napabuntong hininga ako at napatingin sa babaeng katabi ko. Tulog na tulog pa rin si Jessica at nakaawang pa ang labi niya. Sumigaw na ako’t lahat-lahat pero tulog mantika pa rin siya. Napailing na lang ako at inalis ang comforter na nakaharang sa katawan ko.
Naglakad ako papasok sa bathroom ng kwarto ni Jessica at kumuha ako ng bagong toothbrush na hindi pa gamit. Nag-toothbrush ako at nag-mouthwash na rin bago ko pa mabugahan ng apoy ang kapatid ni Jessica.
Close na close kami ni Jessica pero baka itong kapatid niya ay hindi ko maka-close. Pinapainit ba naman ang dugo ko!
“Sana mabulunan ka, Jacob,” inis na saad ko sa harap ng salamin.
Matapos ko sa banyo, lumabas na ako at dumiretso sa walk-in closet ni Jessica. Magka-size lang kami halos kaya ang damit niya ang ginagamit ko. Ayos lang din naman sa kanya ‘yon.
Nagsuot ako ng bra, maluwag na t-shirt at short. Nang matapos akong magbihis, pinusod ko naman ang buhok ko gamit ang itim na tali na nasa pulsuhan ko. Ayokong magmukhang bruha sa harapan ng antipatikong ‘yon.
“Ano kayang kailangan ni Jacob sa akin?”
Naglakad ako palabas ng walk-in closet at napatingin sa kama. Tulog na tulog pa rin si Jessica at hindi ko na siya inabala pa. Naglakad na ako patungong pinto ng kwarto niya at lumabas.
Feel at home na feel at home ako sa bahay ni Jacob dahil sanay na ako. Si Jessica lang naman ang dahilan kaya ako nandito. Gusto ko lang siyang iligtas sa panggigisa na gagawin sa kanya ni Jacob. Ewan ko ba pero takot na takot talaga si Jessica sa kapatid niya.
Wala namang katakot-takot kay Jacob. Baka nakakainis, pwede ba! Dahil sa tuwing makikita ko ang mukha ni Jacob, kumukulo agad ang dugo ko.
“Magandang umaga po, ma’am,” bati sa akin ng isang nakaunipormeng kasambahay. “Hinihintay po kayo ni sir sa loob ng kusina,” parang takot pa na sambit nito.
Nakakunot ang noo na tumango lang ako. Malaki ang bahay ni Jacob. Mas malaki sa bahay ng Lolo kong manloloko kung saan kami nakatira. Marami rin akong kasambahay na nakita at marami rin siyang mga bodyguard na parang mandudurog ng tao sa laki ng mga katawan.
“Ang tagal mo,” malamig na turan niya pagpasok na pagpasok ko sa kusina.
Nakasandal siya sa ref habang magka-krus ang dalawang braso niya sa harap ng dibdib niya. Ang gwapo niya kahit sa suot niyang simpleng itim na t-shirt at itim na pants kaya lang palagi akong binabasag nito.
“What do you need?” inis na tanong ko. “At sinabi ko bang hintayin mo ko?”
Tumigil ako sa harap ng kitchen island na malayo sa kanya. Ayokong lapitan siya dahil baka mamaya mapatay na talaga ako ng lalaking ‘to. Hindi nga yata ako safe rito.
“Maldita,” aniya. “Hindi pwede sa bahay ko ang ugali mo.”
Umikot ang mata ko dahil wala naman akong sinabi na pwede sa bahay niya ang ugali ko. Noon pa man, wala na talagang may gusto sa kamalditahan ko. My parents always describe me as well-educated but not well-mannered and I don’t give a care. Sila nga, hindi na well-educated tapos hindi pa well-mannered. Mga feeling malinis lang siya dahil simba sila nang simba tuwing Linggo.
“Huwag kang mag-alala dahil aalis na rin naman ako—”
“At sa tingin mo naman hahayaan kitang umalis agad?”
“Ano pa ba kasing kailangan mo?!” hindi ko mapigilan na magtaas na naman ng boses sa kanya.
Siya na ang pinakagwapong lalaki na nakita ko pero sobrang baliko naman pagdating sa pang-iinis sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya at bakit ako nang ako ang napapansin niya.
“Ipagluto mo ko ng almusal.” Umalis siya sa pagkakasandal sa ref.
“Sinabi ko na sa’yo na hindi ako marunong magluto at baka masunog ko pa ang kusina mo—”
“Shut up and do what I want.”
Talagang ipagpipilitan niya ang gusto niya. Bahala siya! Kapag nasunog ang bahay niya, hindi ako ang may kasalanan no’n.
“Ang dami-dami mong kasambahay tapos ako pa ang uutusan mo,” inis na sambit ko at naglakad palapit sa stove.
Kahit nga ang pagbubukas ng stove ay hindi ko alam! Aba malay ko ba sa mga ganito! Mas pipiliin ko na mag-order na lang ng pagkain o kaya ay kumain na lang sa labas.
“Baka kahit itlog, hindi mo alam lutuin,” sarcastic na sambit ni Jacob sa likod ko.
Buhusan ko kaya ng mantika ang lalaking ‘to tapos bigla na lang akong tumakbo paalis? Kaya lang baka-hunting-in ako nito.
“A brat like you does not know how to cook. As expected,” pang-iinsulto na naman niya sa akin.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ba akong ininsulto simula nang magkakilala kami. Ayoko na rin bilangin dahil baka mas lalo pa akong mainis sa kanya. Ano bang trabaho ng matandang ‘to? Ang inisin ako?
“Maupo ka na lang nga,” utos niya sa akin.
Mabilis naman akong umalis sa harap ng stove at naupo sa high stool. Nakatalikod ako sa kitchen island kaya ipinatong ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng malamig na tiles ng kitchen island habang pinagmamasdan si Jacob.
“What do you want?” he asked me while looking inside the fridge.
Oh, parang siya na ngayon ang utusan. Tumaas ang sulok ng labi ko, “Egg and toasted bread,” masayang sagot ko.
Kumuha siya ng itlog sa ref at napalingon sa akin. Saglit lang ‘yon at humarap na siya sa stove. Binuksan niya ang kalan at nagsimulang magluto.
“Akala ko ba uutusan mo ko? Bakit ngayon parang ikaw na ang inuutusan ko?” masayang sambit ko.
“Shut up and watch. Baka sabihin pa ni Jessica, kinakawawa ko ang bisita niya.”
“Well, that’s true,” sambit ko. “You are so rude to me. Wala naman akong ginagawang masama sa’yo.”
Sayang, gwapong-gwapo pa naman ako sa’yo. Gusto ko pa sanang sabihin ‘yon pero baka lumaki pa ang tenga niya.
“I don’t like you for my sister. You are a bad influence on Jessica,” aniya.
“Sino?”
“You.”
“Sino ang may pake?” pambabara ko naman sa kanya. Akala niya hah! Sa wakas, nabara ko na rin siya.
Lumingon siya sa akin at nanlilinsik ang mga mata niya. Tumaas lang ang isang kilay ko habang komportableng nakaupo sa stool.
“Shut up, Natasha.”
“Then shut up too. Wala akong pakialam kung ayaw mo sa akin para sa kapatid mo. Hindi rin ako bad influence sa kanya at ‘saka malaki na ‘yang kapatid mo. Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sino ang kakaibiganin niya o hindi—”
“I am just protecting my sister—”
“Protecting from what? From me?” Natawa ako. “Jacob, wala akong gagawing masama sa kapatid mo. Kung ginising mo ako ng maaga para lang kausapin tungkol kay Jessica, well makakaasa ka na wala akong gagawing masama kay Jessica. Alam ni Jessica ang mga sikreto ko kaya hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin.”
Inirapan ko siya at napatingin sa itlog na niluluto niya.
“Baka masunog pa ‘yang itlog mo,” sambit ko.
Tinapunan niya muna ako nang masamang titig bago binalik ang tingin sa itlog. Hindi ko na siya kinausap pa kaya inikot ko na ang silya ko paharap sa kitchen island. Ipinatong ko ang dalawang siko ko at nagsalubong agad ang kilay ko nang makita ko ang mga maid na nakasilip sa gilid ng pintuan ng kitchen.
“Anong ginagawa niyo diyan?” tanong ko.
Mabilis naman silang nagsialisan na parang nakakita ng multo. Mas lalong nagsalubong tuloy ang kilay ko.
“Sino ‘yon?” Tanong ni Jacob.
Napalingon ako sa kanya at tumama ang mukha ko sa dibdib niya dahil nasa gilid ko pala siya! Mabilis akong napatayo sa silya.
“W-Wala!” kinakabahang sagot ko. “Mga kasambahay mo lang.”
Umikot ako papunta sa kabilang side ng kitchen island at doon naupo. Ang awkward kapag nagdidikit kaming dalawa! Hindi ako sanay.
“Kumain ka na.”
Napatingin ako sa pinggan na nasa kitchen island. May dalawang itlog doon at dalawang toasted bread.
“May lason ba ‘yan?” tanong ko.
“Pang mahina lang ang lason.” Hinawakan niya ang pinggan at tinulak papunta sa harapan ko. “Kung papatayin man kita, mas gusto ko na barilin ka mismo sa ulo.”
“W-What?” Nagtaas ang tingin ko sa kanya. It’s dangerous. Pakiramdam ko, tototohanin niya ang sinabi niya sa akin.
“Just eat, Natasha. Hindi pa naman kita papatayin.”
“So, papatayin mo nga ako?”
“It depends.”
Oh, God! Sino ba ang lalaking ‘to? Ano ba talaga siya? Normal pa ba ang taong ‘to? Sa tono nang pananalita niya parang normal na sa kanya ang pumapatay ng tao. Pero hindi! Hindi pwedeng isang killer ang kapatid ng kaibigan ko! Nakilala ko na rin ang mommy ni Jessica, sobrang bait nito sa akin! Mas gusto ko pa nga siya maging mommy kaysa sa ina ko na nasa loob ng mansyon ng lolo ko.
“Kung magiging mabait ka, hindi kita papatayin, pero kung ipagpapatuloy mo ‘yang kamalditahan mo sa harapan ko, baka mapatay na lang kita bigla.”
For sure tinatakot lang ako nito dahil naiinis siya sa akin. Tama! Kaya dapat hindi ako magpadala sa mga pinapakita niya at mga sinasabi sa akin.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman na makikita ang pagiging maldita ko,” nakangising sambit ko. “Kasi huling pagkikita na rin natin ‘to.”
“Gaano ka kasigurado?”
“Hundred percent!”
Hindi siya sumagot at naupo na lang siya sa silya na nasa harapan ko. Wala siyang pinggan at isang tasang kape lang ang nasa harapan niya.
“Hindi rin ako naniniwala na kaya mo kong patayin. Tsaka kung papatayin mo ko, magagalit sa’yo ang kapatid mo. I am her only best friend,” may magpagmamalaking sambit ko.
Malaki ang trust issue ni Jessica dahil sa nakaraan niya kaya ako lang ang kaibigan niya. Kaya rin siguro nagdududa sa akin si Jacob dahil ayaw niyang mangyari ang nangyari noon kay Jessica. Jessica got betrayed by her ex-friends.
“Hindi naman niya malalaman na ako ang papatay sa’yo,” aniya at sumimsim sa kape niya.
Napairap na lang ako sa kanya at kinuha ang isang toasted bread. Kinagat ko ‘yon at naramdaman ko agad ang lutong sa mga ipin ko.
“I always do my job carefully. Hindi ako nag-iiwan ng ebidensya.”
“Tinatakot mo ba ako?” diretsong tanong ko sa kanya.
“I am not. Sinasabi ko lang sa’yo ang kaya kong gawin.”
Well, hindi niya ako mauuto. Hindi ako mahina para madaan niya sa mga pananakot niya sa akin.
“Baka naman sinasabi mo lang ‘yan pero ang totoo may gusto ka sa akin,” nakangising sambit ko. “Baka naman kaya mo ko ginising para may kasabay kang mag-breakfast. Admit it, Mr. Siciliano.”
“I have no time to babysit a brat like you, Natasha Astrid.”
Napairap ako sa kanya dahil tinawag na naman niya akong brat! Tsaka anong babysit?
“Mukha ba akong bata?!” inis na tanong ko sa kanya. Inirapan ko ulit siya.
“Isa pang irap mo sa’kin, titirik talaga ‘yang mga mata mo.”