Chapter 19 Pakiramdam nila, sila lang dalawa ang naroon. Tanging malambot na labi lang nila ang kanilang nararamdaman, kahit amoy alak silang pareho ngunit iyon na ang pinakamabango na nilang naamoy at wala silang naririnig kundi ang mabilis na t***k ng kanilang mga puso. "Putang ina! Anong ginagawa ninyo? Ano to!" singhal ng galit na galit na si Ken. Natigilan silang dalawa. Mabilis na itinulak ni Drew si Markie kahit alam niyang huli na para gawin niya iyon. Nagpadala sila sa silakbo ng kanilang damdamin. Bago pa man nakabawi si Markie at Drew sa pagkakabigla ay mabilis nang lumapit si Ken kay Markie. "Putang-ina mong basura ka! Ngayon lang ako makagaganti sa ginawa mo sa akin sa restaurant noon. Gusto kong maramdaman mo din yung sakit ng mga ginawa mong ito sa akin noon, gago!" Mala