Chapter 18 Huminga ng malalim si Drew. Humarap siya kay Dante. Kailangan nilang magtulungan para magiging ligtas ang pamilya nito habang nagsasabi siya ng katotohanan para tuluyan na din siyang makalaya. Sa wakas, nakakakita na siya ng liwanag. Ngumiti siya. Nabubunutan na siya ng tinik sa dibdib. Makakalaya na siya! "Hindi ko alam kung paano nagawang pag-aralan lahat ni Sir Ken ang lahat ng ito na lalabas na malinis siya at wala siyang magiging kinalaman sa lahat ng nangyari." pagsisimula ni dante. "Tanggap ko na kasalanan ko ang lahat ng ito dahil ako din naman ang nagbigay ng idea sa kaniya na puwede naming gawin ito para mapadali ang pagpapalayas sa mga informal settlers. Sinunod ko lahat ang mga inutos sa akin pati na din ang pagtetext sa'yo sa karagdagang bayad. Alam ko, sinadya ni