Nilagok ni Gerard Dean and lahat ng laman ng baso niya. Hindi siya makapaniwalang iniwan na naman siya ni Deborah! f**k! Parang umaalingawngaw pa nga isip niya ang mga sinabi nito noong araw na huli itong magpakita sa kanya.
"Dean, I'm leaving. Thank you for last night. I enjoyed it, really. But this will be the last time that you'll see me. You don't really know me. For your own good, stay away from me or better yet, just forget about me."
"You're leaving again... for good? Ganoon na lang iyon pagkatapos ng nangyari sa atin? Is this some kind of a joke?!" He couldn't stop himself from shouting at her in the end. He feels so f*****g frustrated! He felt that he was played at! Hindi dapat ganoon dahil siya ang hindi nagseseryoso sa mga babae. But this time around, it bounced back at him. Siya naman ang basta na lang iniwan at tila pinaglaruan. f**k!
"Yeah. I'm leaving for good this time. As I've said, you don't really know me. Alright, for your peace of mind, I'll tell you a secret. Sinadya kong lapitan ka dahil may kailangan ako sa'yo. I was looking for the blue diamond Crown Stone and your deceased grandma might've known where was it, or probably she's the one who hid it. But I guess I don't need it anymore so I am aborting my plan of finding it. I am telling you this because you're a good man, Dean, despite being a womanizer. And this may be the last time that you can get near me. I am a dangerous person Dean, so don't involve yourself to me again. Pretend that we never met. Forget everything about me. If you still love your life, just do what I said."
Marahas siyang napabuntong-hininga. Until now, he couldn't figure out what she meant by that? Dangerous person? Si Debbie? How come? She is such a lovely and modest woman.
"You don't really know me. For your own good, stay away from me or better yet, just forget about me."
Muli na namang bumalik sa isip niya ang ilang sinabi ni Deborah.
Ano ba talaga kasi ang ibig nitong sabihin?
At ano daw? Sinadya lang daw nitong lapitan siya?? Then everything was planned? f**k! Kumuyom ang isang kamao niya at pabagsak niyang ibinaba ang baso sa glass table ng bar ni Clinton. Muntik pa yata iyong mabasag!
"Bro, ano ba'ng problema mo? Para kang galit na galit!" Bigla ay narinig niyang komento ni William.
"Don't mind me." Sagot lang niya rito. Sila lang tatlo doon nina William at Luke dahil sina Bruce at Clinton ay mukhang busy sa babae, si Brian naman ay isang dakilang asawa na. Tsk.
"Sinadya kong lapitan ka dahil may kailangan ako sa'yo. I was looking for the blue diamond Crown Stone and your deceased grandma might've known where was it, or probably she's the one who hid it. But I guess I don't need it anymore so I am aborting my plan of finding it."
Muli na namang sumiksik sa alaala niya ang sinabing iyon ni Deborah. Blue diamond crown stone. f**k! Who was she fooling?! wala nang ganoon— Bigla niyang naalala ang picture ng lola niya at kung gaano naging interesado roon si Debbie. Hindi kaya....?
"Hey, bro, where are you going?" tanong ni William sa kanya nang bigla na lang siyang tumayo.
There's only one way to find out... He thought to himself.
"To find the answers that I need." Seryoso niyang sagot dito bago humakbang palayo.
May mga babae pang nagpapansin at sumalubong sa kanya pero lahat ay hinawi niya at wala siyang pinansin o tiningnan sa mga ito ni isa. Ang dami niyang iniisip kaya wala siyang panahong lumandi! At totoong wala siya sa mood makipag-s*x sa kung sinu-sinong babae.
"What the hell? Why don't you just search the answer at go0gle?" Narinig pa niyang suhestiyon ni William pero hindi na niya ito pinansin. Go0gle his ass! Not every answer can be found at that site!
Dumiretso na siya sa bahay niya, sa kuwarto ng namayapa niyang abuela. Nandoon pa ang mga gamit nito at alam niya kung saan nakatago ang mga pinakamahalagang gamit nito.
He opened the hidden vault at hinanap sa loob niyon ang isang royal blue na steel case. Dalawa ang ganoon ng lola niya at ang isa ay nakatago nga sa loob ng vault.
Kinuha niya ang steel case at binuksan niya iyon. According to her grandma when she was still alive, there are only two people who knew the number combination to unlock that steel case except her. Siya at ang bestfriend raw nito. It was a long time ago at hindi niya man lang naisip na magkakaroon siya ng interes buksan ang steel case na iyon. Fortunately ay hindi naman niya nakalimutan ang number combinations.
Agad na niyang binuksan ang steel case pero hindi isang blue Crown Stone ang nakalagay roon kundi ay mga pictures... Mga pictures ng lola niya at ng isang babaeng hindi pa niya kailanman nakita. Halos lumuwa pa ang mga mata niya nang makitang suot ng babaeng iyon ang isang kumikinang na blue Crown Stone. f**k!
Bigla siyang kinabahan! So it's really true! What Debbie said is true! There is still a blue diamond stone and it is a crown! Blue diamonds aren't trully non-existent anymore!
But where is it— Agad siyang napatigil sa pag-iisip dahil naalala niya kung saan nakalagay ang isa pang royal blue steel case na pinaka-iingat-ingatan ng lola niya. Tanging siya lang ang nakakaalam kung nasaan iyon dahil iyon ang kabilin-bilinan ng lola niya noon bago ito malagutan ng hininga. He thought it was absurd when her grandma said that what was inside that steel case is treasure! f**k! Posibleng totoo pala iyon!
But how come that Debbie knows about it? How did she really have the idea about it??
Iniligpit na niya lahat ng laman ng vault pero imbes na puntahan niya ang kinaroroonan ng isa pang royal blue steel case ay napagpasyahan niyang maghanap ng impormasyon tungkol kay Deborah. Gabi na kasi at wala naman iyon sa loob ng bahay niya. At hindi aakalain ninuman kung saan iyon ipinatago ng lola niya sa kanya.
Nag-search siya sa internet tungkol kay Debbie pero halos wala naman siyang nakuha! f**k! Ni ang picture ni Debbie bilang may-ari ng QJ ay malabo! If he didn't know her personally, hindi niya makikilalang mukha iyon ni Debbie.
Natulog na lang siyang bigo. No matter how much he tried to know about Debbie from the internet, wala talaga siyang mahanap na impormasyon. It's like her identity is hidden. It's like she doesn't exist as Deborah Quinn.
Debbie said that she is dangerous but for him, she is mysterious.
Sa mga sumunod na araw ay gumala siya kung saan-saan. Halos gabi-gabi rin siyang nagpupunta kung saan-saang bar. His friends wondered why kaya't sinabi na lang niyang nangha-hunting siya ng magagandang chix but the truth is, isang chix lang talaga ang hina-hunting niya at iyon ay walang iba kundi si Debbie.
Di niya sure kung nasa Pilipinas pa ba ang babae dahil palagi rin siyang pumupunta sa bahay nito pero hindi na siya pinapansin ng mga guard doon, kaya nagbabaka-sakali na lang siyang makikita niya si Debbie somehow, somewhere.
Kung iiwasan at tataguan siya nito, siya ang gagawa ng paraan para mahanap niya nito.
He's still confused, that's why! He needs a goddamn clarification! Basta na lang ibinigay ni Debbie sa kanya ang virginity nito tapos ay basta na lang siya nitong iiwasan? f**k! She's so vague!
Pero isang gabi, imbes na si Debbie ay nagulat siya nang makita niya ang girlfriend ni Bruce sa isang bar kasama ang chika babe ni Clinton at kainuman ng mga ito ang kapatid sa ama ni Bruce Axell! Bakit doon uminom ang dalawang babae at hindi sa bar ni Clinton? Bakit kasama ng mga ito ang mortal enemy ni Bruce? Napanganga pa siya sa pagkagulat nang biglang yakapin ng Michael na iyon ang girlfriend ni Bruce! What the f**k!
He quickly called his friend Bruce to inform him about what he saw. Kahit busy siya sa paghahanap kay Debbie ay mahalagang maipaalam niya sa mga kaibigan niya ang nakita niya, lalo na kay Bruce. Posible rin kasi na pinagtataksilan ng mga babaeng iyon ang friends niya. Damn!
"Dude, you won't believe what I just saw! I saw your girlfriend hugging another man!" panimula agad niya nang sagutin ni Bruce Axell ang tawag niya pero tinawanan lang siya ng gago.
"I really won't believe it kaya bakit sinabi mo pa?"
The f**k?! Siya na nga ang concern, tatawanan pa siya? Pati ang boses at tawa ni Clinton ay narinig din niya. Mukhang magkasama ang dalawang gagong iyon at walang kaalam-alam na posibleng ginagago na talaga ang mga ito ng mga kinababaliwan nitong babae! Tsk!
"You ungrateful c0ck! Sige tumawa ka pa! It's not my problem if you won't believe me. I'm just a concerned friend here. Pero alam mo kung sino ang kayakap ng girlfriend mo? Ang kapatid mo." Nang-aasar pa niyang sabi. Tingnan lang niya kung makatawa pa ito!
"Are serious? Wag na wag mo akong pinagloloko ng ganito Gerard dahil—"
"You really think I'm kidding? Come here right now at Z Place. Your girlfriend is here with her friend and they are drinking with your brother." Nang-uuyam niyang saad dito.
"What the hell!"
Sabi na nga ba at mapapamura ito. Tsk.
"Are you talking about Becka?" narinig din niyang tanong ni Clinton.
"Oo, wala nang iba. Kaya pumunta na kayo rito para makita niyo mismo na nagsasabi ako ng totoo. The asshole even brought two of his friends to join them—"
Bigla na lang naputol ang tawag. Mukhang binabaan na siya ng bastardong iyon at mukhang susugod na ang dalawang iyon bar na kinaroroonan niya.
Pasalamat talaga ang mga ito dahil nakita niya ang magkaibigang chix ng mga ito.
Umupo na lang muna siya at nagpasyang hintayin ang dalawa sa may bukana ng bar. Siguradong darating naman agad ang dalawang iyon.
Kung sana lang mahanap na rin niya si Debbie. Pero mukhang malabo pa iyon.
Sa mga sumunod pang araw na bigo siya sa paghahanap kay Debbie ay napagpasyahan na niyang pupuntahan niya ang main branch ng store nito sa Singapore. Doon na lang niya ito hahanapin. Bahala na!
But before he left, pumunta muna siya sa sementeryo kung saan nakalagak ang labi ng yumao niyang lola.
Binuksan niya ang private mausoleum nila at tinungo niya ang isang hidden vault doon na ipinasadya ng lola niya. Binuksan niya iyon at sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang isa pang royal blue steel briefcase na ipinatago roon ng lola niya bago ito tuluyang bawian ng buhay.
Binuksan niya iyon at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Nandoon ang hinahanap ni Deborah.