"Are you ready?" Tanong sa kanya ni Hunter nang pinuntahan siya nito sa hotel room niya matapos niyang maghanda para sa pasikretong pagpunta sa assembly ng mga Mafia leaders sa Asia na gaganapin sa bansang iyon ng Thailand.
Dahil si Hunter ay ang assistant noon ng Daddy niya ay masasabing may malakas din itong impluwensiya sa organisasyon kahit wala na ang daddy niya. Dahil doon ay nakakuha ito ng upuan para sa kanya sa gaganaping assembly. At siyempre, hindi nalalayo ang upuang iyon sa upuang para kay Steven.
"Never been this ready." nasasabik niyang sagot kay Hunter.
Nakasuot na siya ngayon ng dark polo and dark pants na pinatungan niya rin ng black coat. Dark brown ang suot niyang boots at nakasuot din siya hat para bahagya at pansamantalang maitago ang hitsura niya. Suot niya pa rin ngayon ang kuwintas na nagligtas sa buhay niya at nasa bulsa ng coat niya ang bala ng baril na muntik nang pumatay sa kanya.
"Are you really sure about this? I'm sorry, I'm just worried—"
"You don't have to be worried about me, Hunter. I know what I'm doing and my goal today is clear as clean water. There's a reason why I survived that night, and that is to avenge my family!"
Napatitig ng mataman sa kanya si Hunter at napabuntong-hininga. Nakasuot na rin ito ngayon ng coat kagaya niya at kagaya niya ay makakapasok din ito sa hall kung saan gaganapin ang closed-door assembly para sa pagpili ng tatayong bagong pinakalider ng Mafias sa buong Asia.
Hunter is in his mid 30s. Handsome, has an intimidating huge body built and also rich pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong sariling pamilya dahil ginugol nito ang maraming taon sa paglilingkod ng buong-puso sa Daddy niya.
Kaya marahil ay labis lang ang pag-aalala nito sa kanya dahil para na rin silang tunay na magkapamilya. Hunter is like a real brother to her.
"Puwede naman kasing ako na ang gumawa—" he tried to argue but she stopped him through a hand signal. Marunong din talaga itong magtagalog dahil half-Filipina ang Mommy nito though hindi masyadong maganda ang Filipino accent niyo.
"I will do it myself, Hunter. Kung hindi ko ito magagawa ay wala akong kuwentang anak. You have nothing to worry about. My vision is clear. And my plan will succeed."
Wala nang nagawa si Hunter kundi sumunod sa kanya.
Ilang minuto na lang ang natitira bago ganap na magsimula ang assembly ay halos puno na ang bulwagan. Sinamahan naman siya ni Hunter na makapuwesto sa medyo tagong upuan niya. May ilan pang napapalingon sa kanya at tila sinisiyasat ang hitsura niya pero hindi siya lumingon man lang dahil diretso lang ang tingin niya at isa lang naman ang sadya niya. Ang tapusin ang buhay ni Steven sa harap ng mafia leaders ng buong Asya at ipaalam na hindi ito karapat-dapat na mamuno sa pangkalahatang organisasyon ng Mafias sa Asya.
Natanaw pa nga niya ang pakay niya na tila tiwalang-tiwala na, na ito ang uupo sa iniwang trono ng Daddy niya. Panay ang ngiti ng hayup!
Napangisi na lang siya habang sinasabi sa sarili na iyon na ang magiging huling tawa ni Steven.
Nagsimula na nga ang assembly. Maraming nagsalita sa unahan at siya naman ay kating-kati nang tapusin ang buhay ni Steven! Pero naghintay pa siya ng tamang pagkakataon... Iyong pinakamagandang pagkakataon kung kailan niya ito papatayin!
Di nagtagal ay nagkaroon ng mga nominasyon kung sino ang magiging Mafia King ng buong Asya. Siyempre, kasama na roon ang demonyong si Steven dahil halatang planado na nito iyon.
Nang dumating sa puntong magsasalita sana si Steven sa gitna ay sinalubong niya ito. Dalawang hakbang lang ay nasa harap na siya nito at itinutok niya agad ang baril sa noo nito. Hindi naman ito nakahuma dahil siniguro niyang nakadikit ang dulo ng baril niya sa mismong noo nito para mas intense sa pakiramdam nito ang papalapit nitong kamatayan!
Biglang nagkagulo sa loob ng bulwagan at nagsilabasan ng armas ang mga naroroon. Agad namang nakalapit at tumabi sa kanya si Hunter kaya dahan-dahan rin niyang tinanggal ang malaki niyang sombrero at bigla ay mabilis niyang kinuha ang bomba sa bulsa ng coat niya. Kilala si Hunter ng mga tao roon kaya nabitin lang din ang pagsugod sana sa kanya ng mga armadong kalalakihan doon at taka ang mga itong napatingin sa kanila ni Hunter idagdag pa ang sindak ng mga ito pagkakita sa bombang wala nang safety pin.
"Hunter! What's the meaning of this?! How dare you ruin the crucial—"
Natigil bigla sa pagsasalita ang lalaking biglang sumigaw sa may kalayuan nang tila mapatitig ito sa kanya. Maging ang iba pang naroroon na mafia leaders sa iba't-ibang bansa maging ang mga bodyguard nito ay tila napapaisip ding napatingin sa kanya habang si Steven naman ay nanlaki ang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Wala rin doon ang mga bodyguard o mga alipores nito. Siguro ay ginawan na iyon ng paraan ni Hunter gaya ng napag-usapan nila noon.
"Aren't you...."
Hindi naituloy ni Mr. Lander ang pagsasalita nang igala niya ang matalim niyang mga mata at lalong idiin sa mismong gitna ng noo ni Steven ang dulo ng baril niya. Itinaas din niya lalo ang hawak niyang bomba para makita iyon ng lahat ng mga naroroon.
Maging si Hunter ay nagulat sa bombang wala nang safety pin. Hindi niya kasi sinabi rito ang tungkol doon dahil alam niyang kokontra lang ito.
"I am Deborah Andres Quinn and I am here to avenge my family's death!" Malakas niyang sigaw sa lahat ng taong naroroon at nag-echo pa ang boses niya sa buong kwartong iyon.
Sa pagpapakilala niya ay halos lahat ng baril na nakatutok sa kanya ay bumaba dahil nakumpirma ng mga itong anak nga siya ng Daddy niya. May iilan pang nakatutok ang baril sa kanya pero wala siyang pakialam. Nandoon siya para patayin si Steven at gagawin niya iyon kahit kapalit pa mismo ng buhay niya.
"H-How..."
Hindi na naituloy ni Steven ang sasabihin dahil agad niya itong sinibat ng nakamamatay na tingin.
"What's the meaning of this, Hunter?!" tanong muli ng lalaking nangangasiwa sa assembly na iyon habang nakatingin at unti-unting lumalapit sa kanila.
"You think you killed me too, huh?! Well, I'm telling you now that I'm the one who's going to kill you!" Sigaw niya sa mukha ni Steven at lalong nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
Napangisi siya rito. Ngayon ay wala itong magawa!
"Why is that vulnerable and helpless look now, Steven Leez? After you murdered my family, you think you can easily bury your secret? You badly want the throne, eh?"
"I... I'm sorry! It was just an accident!" bigla ay natatarantang bulalas ni Steven sa kanya.
Namumutla na rin ito dahil marahil sa takot nitong kalabitin niya bigya ang baril na hawak niya. Pero tinawanan niya lang ito at lalo pang idiniin sa gitna ng noo nito ang baril niya. Ang tapang lang pala nito kapag may hawak na baril! Pero ngayon ay mabilis pa sa alas kuwatrong tumiklop ito sa kanya!
Siguro ay dahil susubukan nitong iligtas pa rin ang sarili nito kahit alam nitong malabo na iyon.
They are living in a world where there are ruthless people like himself! Akala ba nito ay matatanggap niya ang sorry nito?
"Accident?? Do you recognize this gun, Steven? This was the gun you used when you tried to kill me! And I'm wearing the necklace that saved me which my Dad gave to me!"
Ramdam niya ang pagkagulat ng mga tao sa paligid niya matapos ang pasabog niya pero wala ni isa ang nagtangkang lumapit sa kanya nang matalim niya muling iginala ang mga mata niya sa buong paligid. Itinaas rin niya lalo ang bombang hawak niya bilang warning sa mga naroroon na wag makikialam sa kanya!
Maging si Hunter ay nakaprotekta sa kanya at pabaling-baling ito ng posisyon habang may hawak na armalite at palipat-lipat itinututok sa lahat.
Ngayon ay napapagitnaan na silang tatlo sa malaking bulwagan na iyon habang nakataas ang isang kamay niya na may hawak na bomba.Takot lang talaga ng mga tao roon na mabitawan niya iyon dahil lahat sila ay sabay-sabay na sasabog!
"Goodbye, Steven. Have a nice ride going to hell!"
Magsasalita pa lang sana muli si Steven pero walang pag-aalinlangan na niyang kinalabit ang gatilyo ng baril niya. Correction, baril pala iyon ni Steven na kinuha ng spy niya sa bahay nito at hiniram lang niya.
Ibinalik lang naman niya ang ginawa nito sa kanya. Ang pagkakaiba lang nila ay sinigurado niyang hindi siya papalpak kagaya ng ginawa nito sa kanya.
She may look like a real killer now, a murderer... But it is really her first time to kill someone.
Nang magawa niya ang pakay niya ay ibinaba na niya ang kamay niyang may hawak na bomba. Tipid at tagumpay niyang nginitian si Hunter bago siya nagpasyang umalis doon.
Kung sakaling may susugod at papatay sa kanya nang mga oras na iyon ay tatanggpin niya. Wala na rin namang saysay ang buhay niya dahil nag-iisa na lang siya.
Alam niya... sa mundong ginagalawan ng pamilya niya ay laging nanganganib ang buhay niya. Atleast ngayon, naipaghiganti na niya ang pagkamatay ng pamilya niya.
Wala na rin naman siyang pupuntahan... Ni wala na siyang inspirasyon para mabuhay.