Chapter 2 - Charade

1503 Words
"What's your plan?" tanong sa kanya ni Hunter nang nasa isang safe house na siya. Bahay iyon na ibinigay sa kanya ng Mommy at Daddy niya noong tumuntong siya sa edad na 20 years old pero ni minsan ay hindi siya roon tumira dahil mas gusto niyang nakakasama sa bahay ang pamilya niya. In that way ay mababantayan nila ang bawat isa at hindi lalayo ang loob nila sa bawat isa. She's a family-oriented woman. Pero bigla na lang ay nawala na ang pamilyang minamahal niya at labis na pinapahalagahan. "We'll let everyone believe that no one in my family survived. Then, when Steven tries to get the throne my dad left, I'll show myself infront of him when he least expect it and kill him myself." determinado at nakangisi niyang saad kay Hunter. Alam niyang may tiwala ito sa kanya pero bumakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Isn't it too dangerous for you to face him yourself—" "Hunter, walang hindi delikado sa mundong ginagalawan natin. Look at Daddy, he trusted that devil but look at what that devil had done to him? Pero nagkakamali siya kung mapapasakamay niya ang kapangyarihang iniwan ni Daddy. I will make sure to stop his evil plans by all means! Kahit sino, wag lang siya ang dapat pumalit sa puwesto ni Dad! So, will you support me or not?" Nananantiya niyang tanong kay Hunter. Siguro ay nagdadalawang isip ito dahil babae siya at kahit kailan ay hindi siya naging involved directly sa business transactions ng Daddy niya. Pero kahit hindi siya personal na nakikipagkita sa mga ka-deal ng Daddy niya at mga kilalang tao sa underground world ay lingid sa kaalaman ng lahat na lihim din niyang inaalam at pinag-aaralan lahat ng negosyo at transaksiyon ultimo nakakausap ng Daddy niya. As to why? She didn't know the answer. Siguro na-curious lang siya. "Of course! I'll always have your back no matter what." Sagot naman agad ni Hunter. Loyal na loyal talaga ito sa pamilya niya lalo na sa Daddy niya. At siguradong gustung-gusto rin nitong ipaghiganti ang pamilya niya. "Good. Then I need you to know his whereabouts, kung sino ang mga kinakausap niya at kung maaari ay malaman natin ang plano niya. Plant a spy inside his territory if possible." Aniya sa matigas at puno ng galit na tinig. Hindi na siya makapaghintay sa tamang pagkakataon na ito naman ang susugurin at sosorpresahin niya! "On it." Mabilis nang tumalikod si Hunter sa kanya para gawin ang ipinag-uutos niya. Mabuti na lang at may isang kagaya ni Hunter na nananatiling loyal sa kanya na ngayon ay naaasahan niya at siyang tumutulong sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay naganap ang burol ng 'buong pamilya niya.' Her Mom and Dad, her kuya Maynard at siya. Pero imbes na siya mismo ay lihim siyang nakapagpagawa ng mannequin na kamukhang kamukha niya. Ni walang makakahalata na hindi totoong tao ang laman ng ataul niya dahil kuhang-kuha ang hitsura niya. In today's advanced technology, madali na lang gawin iyon lalo na kung may pera ka at kapangyarihan. Sinigurado rin niyang walang ibang nakakaalam na buhay pa siya bukod kay Hunter at sa iilan nitong taong mapagkakatiwalaan talaga. Nakasarado rin naman ang ataul niya at walang ni isa ang maglalakas-loob na hawakan ang 'bangkay' niya o isa man sa pamilya niya. Kinakatakutan at nirerespeto ang Daddy niya sa underground world, kaya ni minsan ay hindi niya inakalang tatraydurin ito ng sarili nitong kaibigan dahil ni minsan ay hindi nila inakalang sakim ito at may lihim na inggit sa Daddy niya. "This is so sudden! I still can't believe that you're gone, Alfredo. I swear, I will find whoever did this to your family and make them pay!" Nagtatagis ang mga ngipin niya habang pinapanuod sa CCTV camera ang pag-acting ni Steven sa mismong harap ng ataul ng Daddy niya! What a great acting! Kung namatay din siguro siya ay walang makakalaam na ito mismo ang nagpapatay sa pamilya niya. Mukhang pinagplanuhan kasi nitong maige ang pag-assassinate sa Daddy niya. Kaya nga ingat na ingat sila ngayon ni Hunter na walang makaalam na buhay pa siya. "Too bad he died so soon and so sudden. The organization might collapse because of his death." sabi naman ni Mr. Sielo Grein, isa rin sa may mataas na posisyon sa organisasyon ng Daddy niya. Base sa nakikita niya ay mukhang genuine naman ang ipinapakita nitong lungkot sa pagkawala ng Daddy niya. But it's not enough for her to trust him that easily. Minsan nang nagpanggap na isang anghel ang isang demonyo sa Daddy niya kaya hindi na dapat iyon maulit sa kanya. She must be wiser and more careful now. "You're right, Mr. Grein. It's so unfortunate that Mr. Quinn died this way. Moreover, the mastermind hasn't been identified." saad naman ni Mr. Edmundo Valdemar at nagsitanguan pa ang iba nitong mga kasama. Paunti-unti na kasing dumadalaw sa burol ang mga leader ng mga sindikatong nakakasalamuha noon ng Daddy niya, maging mga leader ng kani-kanilang organisasyon sa iba't-ibang bansa sa Asya pero patago at saglit lang ang pagbisita ng mga ito sa Daddy niya. "You're right, gentlemen. But we can't do anything about his death but to continue doing what we have been doing. I'm sure that's what Alfredo wants. We have to make sure that the organization's immense power will carry on so that no other continents would even dare to belittle us because of our leader's death. Not because Alfredo is gone, the organization will die with him." muling pagpapabida ni Steven kaya kumuyom ang kamao niya. This is what he really wants. Power. Authority. Kingdom of his own. That is why he killed her father, even her mother and brother and tried to murder her with his own hands! "That's an optimistic remark, Mr. Leez. You really are Mr. Quinn's friend. I won't be surprised if the highest position in our sovereignty will be passed on to you." komento naman ng isa pa na halatang nauto na rin ni Steven Leez kaya muling napakuyom ang kamao niya at nagtagis ang mga ngipin niya. No! She will never let that happen! Mamamatay muna siya bago makuha nito ang posisyong iniwan ng Daddy niya! "We really need someone to take the vacant position soon before the Europeans attack us." Sabi pa ng isa. Doon siya napakunot-noo. There are seven continents in the world pero hindi niya alam sa ibang kontinente kung kagaya rin sa Asya ay bumuo ang mga ito ng isang domain ng mga piling Mafias. Binuo ang organisasyon na iyon kasama ang Daddy niya para maiwasan din at makontrol ang labis na pang-aabuso naman ng ibang Mafia leaders sa mga tao. Pero kung tuluyang masisira ang organisasyong iyon ay malamang na maghahari na ang kasamaan ng mga pinakamasasamang Mafia Leaders sa iba't-ibang bansa sa Asya. "Gentlemen, gentlemen... Please, let's not talk about it here. We're still mourning our king's death." mapagkunwari namang pigil ni Steven sa mga kausap nito. Nagpapaka-humble pa ang demonyong iyon samantalang iyon naman talaga ang gusto nito! But if he thinks he is winning, no it's not gonna happen as long as she's alive! Nang makaalis na ang mga ito ay kinausap niya si Hunter para mapadali na ang paghihiganti niya. "Ano'ng balita kay Steven?" seryoso niyang tanong kay Hunter. Kung puwede nga lang na patayin na lang niya basta si Steven nang pumunta ito sa burol ng pamilya niya! But she couldn't do that dahil lalabas lang na na-murder si Steven. Baka maging hero pa ang tingin ng mga tao sa demonyong iyon! If she kills him, sisiguraduhin din niyang masisiwalat na ito ang mastermind sa pagpapapatay sa buong pamilya niya! Kaya nga naglagay na sila ng tauhan sa teritoryo nito para makakuha ng ebidensiya. "He's meeting with different leaders in discreet and trying to get on their good side to get their vote." ani Hunter. "Bakit, kailan na ba ang susunod na assembly?" tanong niya. Siguradong sa araw na rin na iyon ang selection kung sino ang papalit sa iniwang trono ng Daddy niya. "It's happening two days from now since the leaders are hasty in choosing their new ruler." Sabi pa ni Hunter na halatang gigil na ring gumanti kay Steven. "Then I have to be on that assembly, Hunter. It is when and where I'll kill Steven." Napatitig si Hunter sa kanya ng ilang segundo, wari ay tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo at kung gaano siya kadesidido. But since her family died, joke has no place in her heart. "Kumusta na ang ipinasok nating tuta sa bahay ni Steven?" paglilihis niya sa usapan. At gusto na rin talaga niyang magkaroon na ng resulta ang mga hakbang na ginagawa nila para mabigyan na rin niya ng katarungan ang pagkawala ng pamilya niya. "Bukas, makikipagkikita siya sa akin. And he has a good news for you." Napangiti na siya sa sinabi ni Hunter sa kanya. Sana ay magamit niya ang good news na dala ng tauhan niya kapag maninigil na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD