Rain's POV, Nagising ako sa ingay sa paligid ko. Dumilat ako at inilibot ang paningin ko sa kwarto. Napabangon ako ng wala sa oras ng makita ko si Thunder na naka tux pa at may tinatawagan sa cellphone niya. Napatingin ito sa akin pero hindi manlang ako pinansin. Walang hiya. Umayos ako ng upo sa kama at uminat. Gabi na, anong oras na kaya. Gutom na ako hindi pa ako nakahapunan. Ano kaya ang masarap na kainin. Tsaka nahihiya pa ako kay Thunder. My god! Ipinilig ko ang ulo ko at tumayo para pumunta sa kusena. Aakto nalang ako na hindi ko nakita si Thunder. Tapos hindi niya manlang sinabi sa akin na ngayon na pala ang uwi niya. Hindi niya manlang sinabi sa akin na hindi na pala natuloy ang kasal ni Nix. May puwang pa naman sa puso ko si Nix, pero nagkalinawan na kami. Hayss! Tumigil ka