Rain's POV, It's been one week simula ng pumayag ako sa kasunduan namin ni Thunder. At wala siya ngayon dito, nasa Manila siya dahil kasal na ni Nix. One week na siyang wala, at ako lang mag-isa dito. Pumupunta din naman ako kahit saan, pero minsan lang. Pero ngayon sa cabin ako ni Blue papunta. Doon ako kakain, tamad akung magpadeliver. "Blue! Buksan mo ang pinto!" Sigaw ko at kinatok ito ng malakas. Naka tsenilas at T-shirt tsaka short lang ako. "Tangina Blue!" Sigaw ko at sinipa ang pinto. Bwesit eh. Bakit ba kasi hindi pa bumalik dito si Thunder. Bumukas ang pinto at niluwa si Blue na naka boxer lang. "Rain? May kailangan ka?" Tanong nito sa akin na nagpupunas pa ng mata. Bagong gising tapos may bahid pa ng lipstick ang katawan. Alam na. "Dito ako kakain, gutom na ako. Tinatamad