Thunder's POV, Nagising ako sa sakit ng ulo ko. f**k! Mahina ang tolerance ko sa alcohol. Napabangon ako dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. Tangina! "Uhm!" Napabalikwas ako at napatingin sa katabi ko. Napangiti naman ako ng makita ko si Rain na mahimbing ang tulog. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may nangyari sa amin. Akalain mo magka-away kami pero nauwi sa kama. Tiningnan ko ang mukha niya. Bumabagay sa kanya ang kulay puting buhok pero kita na ang tumutubong itim nito. Hinaplos ko ang kanyang mukha na maaliwalas na natutulog. Hindi ako nakabalik agad dito kasi inasikaso ko pa ang kompanya ko. Hindi nga natuloy ang kasal ni Nix dahil umalis ito at hindi na nagpakita. At walang may alam kung nasaan siya. Napabuntong hininga nalang ako. Ano kaya ang magiging r