Jessa Zarossa’s POV “Good morning, Mr. Del Fiero. It’s nice to meet you again, finally.” Halos mapupunit na ang labi ng babaeng ka-handshake ni Levi dahil sa lapad ng ngiti nito. Hindi ko alam at lalong hindi maintindihan ang sarili ko dahil nakaramdam ako ng inis sa babae na halatang nagpapa-cute kay Levi. Nakipag-beso na nga ito at mukhang hindi pa nakuntento na kailangan pang hawakan ang kamay ni Levi kahit magkakilala naman pala sila. Tapos na ang business event for today. Ngayon ay nakatayo na ang mga guest na business tycoon para magkamustahan. Malaking business convention kasi itong pinuntahan namin para sa food business industry ng mga kilalang kumpanya sa Pilipinas. This is an annual event na dinadaluhan nga raw talaga ng malalaking kumpanya katulad ng Amare Chocolates for con