Jessa Zarossa’s POV “Nasobrahan sa pag-inom ng alak?” Nakakunot ang noo na tanong ko sa lalaki sa kabilang linya. “Yes, actually something happened...” bigla naman na natigilan ang nasa kabilang linya bago muling magsalita. “Ang mabuti pa ay puntahan mo na ang boyfriend mo para maiuwi mo na siya sa condo niya. Ayaw niya kasi na magpasundo sa kapatid niya. Ikaw daw dapat ang sumundo.” Napilitan akong magsabi na lang doon sa kaibigan ni Levi ng ‘oo’ matapos nitong ibigay ang address kung nasaan sila. Ni hindi ko tuloy man lang naitanong ang pangalan nito dahil sa pagmamadali. Bigla kasi akong nag-alala at baka mapahamak pa si Levi o mapa-away. Mabilis ang kilos ko na nagbihis ng damit. Isang denim skirt na lang ang pang-alis na meron ako dahil hindi naman ako nakapaglaba nitong weekend