Chapter 02:LUXURY EMERALD HOTEL

1555 Words
Makalipas ang kalahating oras, nakarating na ako sa bahay. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Dumiretso ako sa ref, kumuha ng pitsel, nagsalin ng tubig sa baso, at iniinom. "Sino ang humahabol sa akin kanina?" tanong ko ulit sa sarili ko. Umupo ako sa maliit na sofa at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Agad kong dinial ang number ni Kim. "Hello, Ms. Amor," sagot ng kabilang linya pagkasagot niya. "Kim, gusto kong magsagawa ka ng imbestigasyon sa nangyari kanina. May mga grupong humahabol sa akin. Hindi ko sila kilala. Gusto kong alamin mo kung kaninong grupo iyon." "Yes, Ms. Amor," sagot ng kabilang linya. Binaba ko agad ang cellphone ko. Pagkatapos kong makipag-usap kay Kim, sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. Makalipas ang tatlong oras, nagising ako nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakatulong na pala ako. Agad kong kinuha iyon sa gilid ko at tiningnan ang screen kung sino ang nagpadala ng message. "Ms. Amor, are you alright? Nabalitaan ko kay Kim ang nangyari sa iyo." "Yes, I'm fine, Jun. Thanks for the concern," sagot ko sa message niya. Muli kong nilagay ang cellphone ko sa sofa at pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. 5:30 na ng hapon; may isang oras pa ako para ayusin ang sarili ko. Magsisimula ang event bandang 6:30 PM. Agad kong binasa ang katawan ko at naligo. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko agad ang tuwalya na nasa maliit na kabinet; nakatupi pa rin ito. Tinakpan ko ang buong katawan ko at lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, agad akong lumabas ng kwarto at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa aking puting motorbike at agad na umalis, dumiretso sa Luxury Emerald Hotel, isa sa pinakasikat na hotel dito sa Maynila, na pagmamay-ari ng pamilya De Gutierrez. Pagdating ko, agad akong pumasok sa hotel at pumunta sa private room para magpalit ng damit. Habang naglalakad ako sa hallway, napatigil ako nang may narinig akong ingay sa di kalayuan sa akin. Sinundan ko ang ingay na iyon kung saan nanggaling iyon hanggang sa makarating ako sa pinanggalingan ng ingay. Napasilay agad ako sa pinto dahil bukas ito, at parang sinadya na buksan ang pinto ng kwarto. Pagpasok ko ay biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang malaking **ass** habang paakyat-baba ito sa ibabaw ng kasama niya. Agad akong napapikit, mabilis na tumalikod, at nagsimulang maglakad, ngunit napatigil ako nang magsalita ang boses ng lalaki. "Stop right there," malamig na boses ng lalaking nasa likod ko. "Nakakaistorbo," pagmumura ng babae na parang nabitin sa kanilang ginagawa. "I'm sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi may mga pusa dito na nakapasok at nag-aaway. At isa pa, kasalanan niyo, hindi niyo nilock ang pinto," paliwanag ko sa kanila at dali-daling lumabas ng kwarto. Hindi ako lumingon para tingnan kung sino sila. Pagdating ko sa kwarto, dumiretso ako sa kama at umupo. First time kong manood ng live. "Ganoon pala gumawa ng bata," Jusko, ano bang nasa isip ko? Umiling ako at tumayo, dumiretso sa banyo, at naghilamos ng mukha. Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon, pero hindi ko lang maalala kung kailan ko siya huling nakausap. Bigla akong nabalik sa kahelidad ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang maliit na tuwalya na nakatupi sa cabinet, pinunasan ang mukha ko, at naglakad pabalik sa kama. Mabilis kong binuksan ang bag, kinuha ang cellphone, at chineck ang message mula kay Kim. "Magsisimula na ang event," aniya sa kanyang mensahe. Mabilis akong nagpalit ng damit, lumabas ng kwarto, at dumiretso sa event. Pagkapasok ko, pumunta agad ako sa counter area para kumuha ng mga alak na ihahain sa mga negosyante. Habang naglalakad ako, bitbit ang isang tray na may laman: isang bote ng wine at tatlong baso na ihahain sa isang mesa, bigla akong napatigil nang may dumaan sa harapan ko. Nakasuot siya ng red silky dress na walang manggas hanggang talampakan ang haba at nakabuka ang harapan mula hita hanggang paa. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta hanggang sa makarating siya sa isang table. Hindi pamilyar sa akin ang babaeng ito. Hindi ako binigyan ni Kim ng anumang impormasyon tungkol sa kanya. "Sino siya?" naibalik ako bigla sa aking kahelidad ng may nagsasalita sa harapan ko habang may kausap. "Ito si Mr. Henry, ang Presidente ng Cooper Corporation, isa sa aking mga kasosyo sa negosyo," Agad kong inilagay ang wine sa mesa, nagsalin sa tatlong baso. Pagkatapos, dali-dali akong pumunta sa counter area. Hindi na nila ako nakilala sa mukha ko ngayon dahil medyo nagbago na ito, malaya akong gumalaw sa loob at nakikinig sa usapan nila. Hindi nagtagal ay nakita ko si Kim sa isa pang mesa na nakikipag-usap sa ilan sa aming mga kasosyo sa negosyo. Pagdating sa counter area, kumuha ako ng isa pang bote ng wine at baso, nilagay ko sa tray bago pumunta sa table ni Kim. Paglapit ko sa table nila, napansin ko agad ang titig niya sa akin. "Kim, sino 'yung babaeng 'yun?" Bulong ko habang nagsasalin ng wine. "I don't know, Ms. Amor. Ngayon ko lang siya nakita. Baka anak siya ng isa sa mga businessmen na pumapasok dito," mahinang sagot niya. "Ms. De Gutierrez, kumusta?" sabi ng boses lalaki mula sa likod ko. Kumalabog ang puso ko sa narinig ko. Kinagat ko ang labi ko. Did he recognize me? Mabilis akong lumingon at ngumiti sa kanya, pero laking gulat ko nang marinig ko ang babaeng nakasuot ng red silky dress na tinawag niyang Amor De Gutierrez. Napatingin agad ako kay Kim na naguguluhan. "Kim, what the hell is going on? Why did someone assume my identity and claim it as their own? Kilala mo ba siya?" "Hindi ko rin alam, Ms. Amor. Paano nangyari 'to? Bakit nila in-assume ang identity mo?" aniya sa sarili. "Lumapit ka sa kanya. I don't want to mess up," utos ko sa kanya. "Yes, Ms. Amor." "No! Stay here," sabi ko nang magbago ang isip ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong bodyguard. "I want to ask you to do something. I want you to investigate this girl. I sent you a picture. I want results immediately before this event ends," diretsong sabi ko pagkasagot niya ng tawag ko. Agad akong bumalik sa counter area, kumuha ng isa pang bote ng wine, at lumapit sa babaeng nagpapanggap na ako. Pero napatigil ako nang makasalubong ko si Jun, dumiretso siya sa kinatatayuan ni Kim at hindi man lang ako nakilala. Pagdating ko, nilapag ko agad sa mesa habang nakikinig sa usapan nila. "Ms. De Gutierrez, hindi ko akalain na makikita kita ngayon dito sa event na ito. No one knows what Amor De Gutierrez looks like." Ms. Amor De Gutierrez ay hindi kailanman dumadalo sa kaganapang; secretary niya lang ang pumupunta sa mga ganitong event. She is a mysterious woman, but now you show up here standing in front of me. "Nice to meet you, Ms. De Gutierrez," sabi ng kausap, sabay abot ng isang kamay niya para makipagkamay sa dalaga. Ngumiti muna ang dalaga tsaka inabot ang kamay sa lalaking kausap niya. "Nice to meet you too, Mr. Anderson." Kilala mo ako, Ms. De Gutierrez? Yes, of course, Mr. Anderson. Sino ba naman hindi makakakilala sa'yo, you are a popular and handsome na nakikilala ko. Sagot niya habang nagpapacute ito sa lalaking kausap niya. So, is this man from the Anderson family? But their family's ranking is not that high. The De Gutierrez company is the one that supported the Anderson company. Sorry ma'am, hindi ko sinasadya. Diretso akong humingi ng tawad habang pinupunasan ang natapong wine sa damit niya. "Huwag mo akong hawakan, madumi ang kamay mo," sigaw niya sabay tulak sa akin, at kumuha din siya ng alcohol moisturizer at nilagay sa kamay niya. Lahat ng tao sa paligid nakatingin sa amin. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong silid na ito at tila may hinahanap. "Okay ka lang ba, Ms. De Gutierrez?" tanong ni Mr. Anderson sa kanya. "Yes, I'm fine, but it would be better if she kneels down and apologizes to me," pagmamalaki niyang sabi. "Ms. De Gutierrez, I already apologized to you, pero lumuhod ako sa harapan mo. You're daydreaming." Sa totoo lang, hindi mo deserving ang sorry ko. Ang mga taong hinihingian ko ng tawad ay binibilang sa aking mga daliri, ngunit hindi ka kabilang dito. What? Ano ang sinabi mo? You are a b***h, waiter. How dare you talk to me like that. I'm Amor De Gutierrez, the heiress of the De Gutierrez family. Aren't you afraid that I might kill you here? Afraid for who, Ms. De Gutierrez? Are you really Ms. Amor De Gutierrez, or did you steal her identity and claim her title and tear it into pieces? Hindi alam ng lahat ang pagkatao ni Amor De Gutierrez. Who is she, maliban sa mga commoners and highest ranking in this world? Alam mo bang pag-aari niya ang Luxury Emerald Hotel na ito? Hindi ka ba kinakabahan sa maaaring mangyari sayo dito? Mr. Anderson recognized you as Amor De Gutierrez because of the Blue Jade pendant you are wearing now. But I pity you, this pendant is fake. What? Is it fake? Mahinang sabi ni Mr. Anderson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD