Chapter 01:TROUBLEMAKER

1507 Words
Nakaupo ako ngayon kaharap si Kim, ang aking personal secretary na siyang nagmamahala ng aking kompanya habang wala ako. "Kim, bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" sabi ko nang mapansin ang pagtitig niya sa akin. "W-wala, Ms. Amor. Siguro, if I'm an outsider, hindi kita agad makikilala sa mukha mo ngayon, may kaunting pagbabago," sagot niya. Napangiti ako nang palihim nang sabihin niya iyon nang seryoso. "Ano pa nga ba ang magagawa ng pera? Everything you can buy except principles na meron ka," sagot ko. "Kumusta ang mga negosyo, Kim?" tanong ko. Kaagad niyang ibinigay sa akin ang mga dokumento ng kumpanya. Tiningnan ko agad ito at saka binasa. "Great, Kim, you're doing well. Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang bonus mo ngayong taon," "No need, Ms. Amor, I'm happy with what I'm doing for you. By the way, you have to prepare for the event tonight." "No need to prepare, Kim, I'm going not as Amor De Gutierrez." "Ano, eh! Anong plano mo?" diretsong tanong niya. "Ms. Amor, ito na ang damit na pinakuha mo sa akin," sabi ng isa sa mga pinagkakatiwalaan kong bodyguard sabay abot sa akin ng paper bag. Kinuha ko mula sa kanya ang paper bag at saka tiningnan ang laman nito. "Isang waiter's dress?" diretso banggit ni Kim. "Yes, you're right, Kim. I will come in tonight as an ordinary person. Don't pay attention to me, understand." "Yes, Ms. Amor," mahinang sagot niya. Pagkatapos ng aming pag-uusap ni Kim, agad akong lumabas ng kwarto at naglakad sa hallway palabas ng hotel. Pagkalabas ko, dumiretso ako sa isang coffee shop malapit sa hotel. Pagdating ko, agad akong umorder ng aking maiinom na kape. Habang ako ay umiinom ng kape, bigla akong napatigil nang mapansin kong may mga matang nakatingin sa akin. Sino sila? Bakit nila ako tinitiktikan? Hindi ko sila kilala. May nakakaalam ba kung sino ako? Pero imposible iyon. Maingat ako sa bawat kilos ko. Tinapos ko agad ang pag-inom ng kape at lumabas na ng coffee shop. Naglakad ako sa kalsada hanggang sa may nakita akong itim na sasakyan na nakaparada. Agad ko itong binuksan at pumasok. "Manong Mandaluyong, please," diretsong sabi ko. "Ma'am, I'm not traveling," diretsong sagot ng driver. Bigla akong napatigil at napagtantong pumasok lang ako nang hindi tumitingin sa sasakyan. Paano kung napunta ako sa masamang tao? Kinagat ko ang labi ko, nahihiya sa ginawa ko. "Pasensya na, Manong," sabi ko sa driver. Agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at naghanda na para lumabas, pero napatigil ako nang may makita akong mga lalaking nakatayo di kalayuan sa akin. Napabuntong-hininga ako. Bigla akong may narinig na tumikhim sa gilid ko. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "This man looks good, but he's quite arrogant." "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Lumabas ka sa kotse ko," sarkastikong sabi niya. Napalunok akong magkasunod pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. "Gwapo sana kaso mayabang," mahinang sabi ko. "What did you say? I'm not deaf. Get out of my car right now," malamig na boses ang nanggaling sa kanya. "Sir, please help me," sabi ko sabay hawak sa isang kamay niya. Tumingin siya sa akin na nakataas pa ang dalawang kilay. "Let me stay in your car kahit saglit lang," pagmamakaawa ko sa kanya. Agad siyang tumingin sa paligid bago nagsalita. "Gumagawa ng gulo na hindi kayang ayusin. Ano bang nagawa mong mali sa kanila? Bakit ka nila hinahabol? Ah! Baka may tinatakasan ka diba?" "Tumakas? Hindi, ahh! Hindi ko sila kilala. Bakit nila ako hinahabol?" "Troublemaker," mahinang sabi niya. Makalipas ang tatlong segundo, nagmamadali akong bumaba ng sasakyan niya nang makita kong umalis na ang mga humahabol sa akin. "Aalis lang ng walang salita, hindi man lang marunong magpakita ng pasasalamat," aniya. Biglang nagpanting ang tenga ko nang marinig ko ang sinabi ng lalaki. Agad akong tumingin sa kanya at saka sinabing, "Ah! Salamat sa pagpapatago mo sa akin sa sasakyan mo, sir. Huwag kang mag-alala, babayaran kita balang araw," at saka umalis sa harapan niya. Dahan-dahan akong naglakad sa kalsada papunta sa puti kong motorbike kung saan ito naka-park, pagdating ko inilagay ko ang susi at saka sumakay sa aking motorbike at tinungo ang Mandaluyong. Makalipas ang kalahating oras, nakarating na ako sa bahay. Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Dumiretso ako sa ref, kumuha ng pitsel, nagsalin ng tubig sa baso, at iniinom. "Sino ang humahabol sa akin kanina?" tanong ko ulit sa sarili ko. Umupo ako sa maliit na sofa at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Agad kong dinial ang number ni Kim. "Hello, Ms. Amor," sagot ng kabilang linya pagkasagot niya. "Kim, gusto kong magsagawa ka ng imbestigasyon sa nangyari kanina. May mga grupong humahabol sa akin. Hindi ko sila kilala. Gusto kong alamin mo kung kaninong grupo iyon." "Yes, Ms. Amor," sagot ng kabilang linya. Binaba ko agad ang cellphone ko. Pagkatapos kong makipag-usap kay Kim, sinandal ko ang ulo ko sa sofa at pumikit. Makalipas ang tatlong oras, nagising ako nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko namalayan na nakatulong na pala ako. Agad kong kinuha iyon sa gilid ko at tiningnan ang screen kung sino ang nagpadala ng message. "Ms. Amor, are you alright? Nabalitaan ko kay Kim ang nangyari sa iyo." "Yes, I'm fine, Jun. Thanks for the concern," sagot ko sa message niya. Muli kong nilagay ang cellphone ko sa sofa at pumunta sa banyo para maglinis ng katawan. 5:30 na ng hapon; may isang oras pa ako para ayusin ang sarili ko. Magsisimula ang event bandang 6:30 PM. Agad kong binasa ang katawan ko at naligo. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko agad ang tuwalya na nasa maliit na kabinet; nakatupi pa rin ito. Tinakpan ko ang buong katawan ko at lumabas ng banyo. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, agad akong lumabas ng kwarto at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa aking puting motorbike at agad na umalis, dumiretso sa Luxury Emerald Hotel, isa sa pinakasikat na hotel dito sa Maynila, na pagmamay-ari ng pamilya De Gutierrez. Pagdating ko, agad akong pumasok sa hotel at pumunta sa private room para magpalit ng damit. Habang naglalakad ako sa hallway, napatigil ako nang may narinig akong ingay sa di kalayuan sa akin. Sinundan ko ang ingay na iyon kung saan nanggaling iyon hanggang sa makarating ako sa pinanggalingan ng ingay. Napasilay agad ako sa pinto dahil bukas ito, at parang sinadya na buksan ang pinto ng kwarto. Pagpasok ko ay biglang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang malaking **ass** habang paakyat-baba ito sa ibabaw ng kasama niya. Agad akong napapikit, mabilis na tumalikod, at nagsimulang maglakad, ngunit napatigil ako nang magsalita ang boses ng lalaki. "Stop right there," malamig na boses ng lalaking nasa likod ko. "Nakakaistorbo," pagmumura ng babae na parang nabitin sa kanilang ginagawa. "I'm sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi may mga pusa dito na nakapasok at nag-aaway. At isa pa, kasalanan niyo, hindi niyo nilock ang pinto," paliwanag ko sa kanila at dali-daling lumabas ng kwarto. Hindi ako lumingon para tingnan kung sino sila. Pagdating ko sa kwarto, dumiretso ako sa kama at umupo. First time kong manood ng live. "Ganoon pala gumawa ng bata," Jusko, ano bang nasa isip ko? Umiling ako at tumayo, dumiretso sa banyo, at naghilamos ng mukha. Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon, pero hindi ko lang maalala kung kailan ko siya huling nakausap. Bigla akong nabalik sa kahelidad ng tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha ang maliit na tuwalya na nakatupi sa cabinet, pinunasan ang mukha ko, at naglakad pabalik sa kama. Mabilis kong binuksan ang bag, kinuha ang cellphone, at chineck ang message mula kay Kim. "Magsisimula na ang event," aniya sa kanyang mensahe. Mabilis akong nagpalit ng damit, lumabas ng kwarto, at dumiretso sa event. Pagkapasok ko, pumunta agad ako sa counter area para kumuha ng mga alak na ihahain sa mga negosyante. Habang naglalakad ako, bitbit ang isang tray na may laman: isang bote ng wine at tatlong baso na ihahain sa isang mesa, bigla akong napatigil nang may dumaan sa harapan ko. Nakasuot siya ng red silky dress na walang manggas hanggang talampakan ang haba at nakabuka ang harapan mula hita hanggang paa. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pupunta hanggang sa makarating siya sa isang table. Hindi pamilyar sa akin ang babaeng ito. Hindi ako binigyan ni Kim ng anumang impormasyon tungkol sa kanya. "Sino siya?" naibalik ako bigla sa aking kahelidad ng may nagsasalita sa harapan ko habang may kausap. "Ito si Mr. Henry, ang Presidente ng Cooper Corporation, isa sa aking mga kasosyo sa negosyo," Agad kong inilagay ang wine sa mesa, nagsalin sa tatlong baso. Pagkatapos, dali-dali akong pumunta sa counter area. Hindi na nila ako nakilala sa mukha ko ngayon dahil medyo nagbago na ito, malaya akong gumalaw sa loob at nakikinig sa usapan nila. Hindi nagtagal ay nakita ko si Kim sa isa pang mesa na nakikipag-usap sa ilan sa aming mga kasosyo sa negosyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD