Chapter 04:ACCIDENT

1566 Words
"So you and Ms. claimed is a lovers?" mahinang sabi ko. Tiningnan niya ako nang diretso na kumunot ang noo. "No! But we have a special something. Gusto mo bang malaman kung ano 'yon?" sagot niya kasabay ng paglapit ng kanyang labi sa labi ko. Kaagad akong umiwas at saka nagsalita. I'm not interested kung anong meron sa inyo ng babaeng iyon, sagot ko at nagpahakbang pabalik sa loob ng hotel. Oh! Wait, saan ka pupunta? Wag mong sabihin babalik ka doon. So ano naman ngayon kung babalik ako doon sa loob, may trabaho pa ako na dapat tapusin at isa pa hindi ako takot sa kanila dahil nagsasabi ako ng totoo. Hindi iyon ang iniisip ko, there's a lot of reporters inside now dahil sa nangyari kanina. Kapag bumalik ka doon, sigurado akong ikaw ang hahabulin ng mga reporters. Bigla akong natigilan, may punto naman siya. Kung babalik ako sa loob, sigurado akong mabubunyag ang tunay kung pagkatao. tumikhim ako bago nagsalita. **** "Okay, since iniligtas mo ako pangalawang beses, I treat you to dinner. Okay na ba 'yon sa'yo, Mr. Miguel?" sabi ko. "Yes, it's perfect. Gutom na din ako," sagot niya. Kaagad kaming lumabas ng hotel at dumiretso sa parking area kung saan nakaparada ang aking motorbike. "Sumabay ka na sa kotse ko," mahinang sabi niya. "Thank you pero I have a motorbike," diretsong sagot ko kasabay ng paglapit sa aking puting motorbike at saka nilagay ang susi at sumakay. Dumiretso sa di-kamahalang restaurant, 'yong tipong abot-bulsa lang. Nakaupo ako ngayon dito sa talipapa restaurant kasama si Miguel, kumakain ng butchuy. Parang hindi ko mailunok ang butchuy na kinakain ko nang mapansin ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang hinuhubaran niya ako gamit ang mga mata niya. Binitawan ko agad ang tinidor na hawak ko. "What's wrong?" tanong niya. "Wala, hindi ako komportable sa mga titig mo," diretsong sagot ko. "Oh! Why? I'm not doing anything to you. What's wrong if I stare at you? Hindi naman ako puwedeng tumitig sa iba." "I'm just looking at you. Ano bang masama dun?" mahinang sagot niya habang papalapit ang mukha niya sa mukha ko. "I'm just kidding you. You take it seriously, Ms. Troublemaker," dagdag pa nito habang humahaling sa kanyang upuan. Bumuntong hininga ako at tumingin ulit sa kanya habang kumakain ng butchuy. He looks like he is from a rich family, but he is not artistic with food. "Which family are you from?" tanong ko. Ibinaba niya ang tinidor na hawak niya tsaka tumingin ng diretso sa akin bago nagsalita. "Don't say you are interested in me." Ang kapal naman ng mukha nitong lalaking 'to binigyan pa ng ibang kahulugan sa tanong ko. But he seems to be kind but a bit arrogant. Handsome is not bad, bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Bigla akong naibalik sa kahelidad ng tumikhim siya. "May dumi ba ako sa mukha Ms?" mahinang tanong niya. Agad akong umiling at nagsalita. "Kanina pa tayo magkasama kumakain dito, let me introduce myself." My name is Camila Makiling, 25 years old, single, and a graduate of Master of Business Administration. Nagtatrabaho ako sa isang construction site, may buwanang suweldo na 15,000 pesos, at nagmamay-ari ng maliit na negosyo sa pangingisda. My parents passed away 3 years ago and I live on my own. Wala akong sasakyan, pero may motorbike ako. Naputol ang pagsasalita ko nang tumingin siya sa akin; it seems he is fooling with me. "Mr. Miguel, ikaw naman?" tugon ko. Tumikhim siya bago nagsalita. "My name is Miguel, 33 years old. I do contracting at the site also. I earn just enough to get by." "Anything else...?" Tanong ko nang tumigil siya sa pagsasalita. "That's all," sagot niya. "That's all? Wala na bang ibang detalye?" tanong ko ulit sa kanya. "You certainly are a man of few words. He is lying to me, ani ko sa aking sarili. Camila, ang sabi mo nagtatrabaho ka sa construction site at may maliit na negosyo pero bakit ka naging waiter, tanong niya. Agad akong napakamot sa aking batok, at tsaka ngumiti sa kanya bago siya sinagot. "Just because I need more money, sagot ko. Ngunit bigla akong napatingin sa aking cellphone nang tumunog ito, tiningnan ko muna sa labas ng screen kung sino ang nagbigay mensahe, Pagkatapos ay ibinalik ko rin ang aking atensyon sa kanya habang nagsasalita siya sa harap. Pagkatapos naming kumain ay agad kaming lumabas ng restaurant. Dumiretso ako sa motorbike ko, siya naman papunta sa kotse niya. "Thank you for dinner with me," aniya bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Agad akong ngumiti sa kanya bago tumango at sumakay sa motorbike ko. Habang nasa kalsada ako at nagmamaneho ng aking motor, tumingin ako sa kanan sa side mirror at nakita ko ang mga sasakyan na sumusunod sa likod ko. "Bakit niya ako sinusundan?" bulong ko sa sarili ko nang mapansin ko ang sasakyan ni Miguel na sumusunod sa likod ko. Agad kong tinabi ang motor ko sa gilid ng kalsada. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko ang isang puting van na mabilis na tumatakbo papunta sa akin, dahilan para tumalsik ako sa gilid ng kalsada. Mabilis akong lumingon para tingnan kung sino ang tumulak sa akin, para maiwasang mabangga ng puting van na papunta sa akin. "Miguel," mahinang sabi ko nang makita ko siyang nakahandusay sa gitna ng kalsada at duguan. Dali-dali kong siyang nilapitan at niyugyog ang katawan niya. "Miguel, wake up, please look at me. Miguel, help, help me," sigaw ko habang tinatapik ang isang mukha niya. Makalipas ang sampung minuto, dumating ang ambulansya at agad na isinakay si Miguel. Pumasok na rin ako sa loob ng ambulansya papuntang hospital. "Miguel, please wake up, wake up," ani ko habang nakatingin sa kanya na ginagamot ng mga doktor sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa hospital. Pagdating namin ay agad siyang dinala sa ICU, at doon na ipinagpatuloy ang paggamot sa kanya. Nakatayo ako habang naglalakad pabalik-balik, nakatingin sa pintuan ng kwarto ng ICU, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doktor sa ICU. Tatlong oras na ang lumipas. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya dahil sa akin. Iniligtas niya ang buhay ko sa panganib. Doktor, kumusta na siya? Diretsong tanong ko nang may nakita akong doktor na lumabas mula sa loob ng operating room. "He is fine now, Miss.," diretsong sagot sa akin ng doktor.Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib ko nang marinig ko ang balita mula sa doktor. Agad akong sumilip sa salamin ng bintana para tingnan siya. "Thank you, Miguel,for saving my life. I'll pay you back one day,"ani ko sa sarili ko. Dok,puwede na ba akong makapasok sa loob? tanong ko ulit sa kanya. Yes, Miss.Maari na po kayong makapasok sa loob.Dali-dali akong pumasok sa loob ng operating room. Habang naglalakad ako patungo sa gilid ng kama,ramdam ko ang pagyanig ng mga tuhod ko habang tinitingnan siyang nakahiga sa kama at walang malay. Umupo agad ako sa upuan at saka hinawakan ang isang kamay niya na natutulog sa kama bago nagsalita. "Miguel, salamat. Salamat sa ginawa mo para sa akin. Ibinuhos mo ang iyong buhay para iligtas ako." "Please look at me, wake up, okay," ani ko sabay hawak ng mahigpit sa isang kamay niya, pero napatigil ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng isang daliri niya. "I'm fine," mahinang sabi niya. Tiningnan ko siya agad ng diritso. "Gising ka na pala," ani ko sabay ngiti dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko. "Miguel, hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa ginawa mo. Ibinuhos mo ang buhay mo para iligtas ako. Bakit mo ginawa 'yun? Paano kung may mangyaring masama sa 'yo?" "Don't blame yourself, Camila. Okay, I'm fine, look, this is major injured, wala ito at isa pa ito ay maliit na sugat lang naman. "You're still joking with me.Halos tatlong oras ka nang natutulog sa kama na 'yan. Sabihin mo major injury lang." "Ahh, sorry sa nangyari, Miguel. Dahil sa akin, nakahiga ka sa kama na ako dapat nakahiga diyan. "Okay lang ako, okay. Don't be nervous. Wag mo nang sisihin ang sarili mo." Salamat, Miguel. Sanga pala, hindi ko nakontak ang pamilya mo para ipaalam sa kanila ang nangyayari sa iyo. Don't worry about it, okay. You are a kind person, Camila. I don't regret what I did for you. Pero bakit? Bakit mo ito ginagawa? Miguel, ngayon lang tayo nagkakilala. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito. Lahat ng tao sa paligid ko, gusto nila akong mamatay, pero ikaw, bakit mo ako iniligtas? Just because I like you. Camila.Yes, when I first saw you, you caught my attention. I wanted to know about you, and I want to share my life with you. I will do everything to protect you. Binitawan ko agad ang kamay niya nang marinig ang sinabi niya. Hindi kita pipilitin na sagutin agad ako, Camila. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Bumuntong-hininga ako atsaka siya tiningnan ng diretso sa mga mata. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Miguel, kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, okay? ani ko, sabay bigay ng number ko, at agad na tumayo sa kinauupuan ko, tumalikod, at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang number ni Kim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD