Pagdating ko sa ref, agad kong binuksan at kumuha ng isang bote ng tubig at ininom ito at ang ilaw na nagmumula sa ref ay nagsilbing gabay.
Pagkatapos kong uminom ng tubig, nagsimula na ulit akong maglakad pero bigla akong napatigil nang makita ko siyang nakatayo at pinagmamasdan ako.
Napalunok ako na kinakabahan, hindi ko alam ang gagawin habang tinitingnan niya ako mula itaas hanggang ibaba. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko, parang hindi na kumikislap ang mga mata niya, saka titig sa buong katawan ko na naghuhurma ang katawan ko dahil sa manipis lang na damit ang suot ko.
Jusko, anong nangyari sa akin? Parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero bakit hindi ko magawa?
Napabilis ang pagtibok ng sarili kong puso habang papalapit siya sa kung saan ako nakatayo at agad na inilapit ang kanyang labi sa akin.
"Napakaganda mo. Gusto ko ang damit mo; bagay sa iyo ang suot mong damit," sabi niya sabay bulong sa isang tenga ko.
"M-Miguel," mahinang sabi ko, nauutal.
"Don't move, let me kiss you. Don't worry, hindi kita pipilitin kung ayaw mo."
"P-pero... M-Miguel!?"
Nanigas ako bigla nang biglang sumalubong ang mainit niyang labi sa labi ko, at gumapang agad ang kamay niya sa buong katawan ko, kung saan-saan na umabot hanggang sa umabot sa gitna ng dalawang paa ko.
"Stop, Miguel," nanginginig kong sabi at agad siyang tinulak. Tumakbo ako papunta sa kwarto at diretsong umupo sa gilid ng kama.
Muntik na ako doon ah! Akala ko tulog na 'yung taong 'yun. Pero bakit gising pa siya ng ganitong oras? Napalingon ako bigla sa pinto nang may kumatok at binuksan ang pinto ng kwarto. Sh*t, hindi ko pala ni-lock ang pinto.
"Miguel, anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong ko.
"I'm sorry for what I did. Natakot ba kita? Sorry ha, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko," diretsong paghingi niya ng tawad sa akin habang papalapit siya sa upuan ko. Tiningnan ko lang siya ng nakatikom ang bibig ko.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Muling tumibok ang puso ko nang kagatin niya ang ilalim ng bibig niya, at namumula na ito. Parang nang-aakit ang lalaking ito.
"Jusko Amor, wag kang magpadala sa kanya," sabi ko sa sarili ko at agad na tumayo sa kinauupuan ko bago nagsalita.
"Miguel, please get out of my room. It's past 1:30 am, and I want to rest. Can I?"
Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata, saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinaplos ang ilong ko gamit ang isang daliri niya bago nagsalita.
"Okay, good night," sabi niya, saka ako tinalikuran at lumabas ng kwarto. Mabilis niyang isinara ang pinto. Dali-dali naman akong lumapit sa pinto at ni-lock iyon.
Pagkatapos ay napabagsak akong umupo sa kama. Huminga ako nang malalim at agad na humiga sa malambot kong kama, saka pumikit.
"What's happening to me? I've been tossing and turning. Kahit anong gawin ko, hindi ako makatulog."
"Amor, 'wag kang makonsensiya sa ginawa mo. Okay, tama lang ang ginawa mo. Hindi mo dapat pinagbigyan ang lalaking 'yon. Oo, niligtas niya ang buhay ko, pero hindi ibig sabihin ay magagawa niya na ang mga gusto niya."
Madaling araw na, pero hindi pa rin ako makatulog hanggang alas singko na ng umaga.
Ilang sandali lang ay ramdam ko nang dinadalaw na ako ng antok kaya agad kong pinikit ang aking mga mata.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa maliit na mesa na nasa gilid lang ng kama na galing sa cellphone ko. Kinuha ko ito at saka tiningnan ang oras; alas onse na ng umaga. Paano naman kasi umaga na ako nakatulog.
Pinatay ko ang cellphone at bumangon, nagsuot ng tsinelas, at pumunta sa banyo. Paglabas ko ng kwarto papuntang banyo, tumingin ako sa kaliwa't kanan. Wala na siya rito; siguro maaga siyang nagising at umalis. Buti naman, makahinga na ako ng maluwag.
Mabilis akong pumasok sa banyo. Napasigaw ako sa gulat nang makita ko siya sa loob ng banyo habang nakahubad. Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at tumalikod sa kanya.
"Miguel, anong ginagawa mo dito sa loob ng banyo?" Diretsong sabi ko.
"Naliligo, pasensya ka na ginamit ko ang banyo mo. Tulog ka pa kasi kaya ginamit ko na lang at saka makigamit na din ako ng shampoo mo," sagot niya. Tumango na lang ako at lumabas ng banyo.
Anong kamalasan na naman ito? Akala ko nakaalis na 'yung lalaking 'yun. Naliligo ng hindi man lang nilock ang pinto, ano akala niya, mag-isa lang siya dito sa bahay. Ayon tuloy, nakita ko ang buhay niyang alaga, napakalaki, mga ilang pulgada ang haba kaya 'yun?
Napatingin agad ako sa pinto nang bumukas ito, lumabas siya na nakatapis lang ng pink na tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya. Parang tutulo ang laway ko sa matigas niyang katawan, malapad ang dibdib niya na may maliliit na buhok, habang tumutulo ang tubig sa ulo niya, pinunasan niya ito ng pink na tuwalya.
Shit, ang gwapo niya, pakiramdam ko mahuhulog ang panty ko. Baka kung hindi ka lang babaero baka nagustuhan na kita Miguel.
Hmm, tumikhim siya kaya napabalik ako sa aking kahelidad.
"Don't say you're in love with me now," sabi niya sabay ngisi.
"Ako? I'm in love with you," sabi ko sabay turo sa sarili ko gamit ang isang daliri.
"You're daydreaming, Miguel. I don't like you, so don't push yourself," sarkastikong sagot ko at agad na tumalikod sa kanya at pumunta sa banyo. Ni-lock ko ang pinto, saka naghubad.
Agad kong binasa ng tubig ang buong katawan ko, pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang tuwalya na nakatupi sa cabinet at tinakip sa katawan ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng banyo at dali-dali pumunta sa kwarto ko at agad na ni-lock ang pinto.
Kinuha ko ang aking masusuot na damit sa kabinet, isang pares ng construction uniform, at isinuot ang mga ito.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.
Paglabas ko ay naamoy ko agad ang mabangong luto mula sa kusina. Dali-dali akong pumunta doon. Nakita ko si Miguel na nagluluto sa kusina; parang tutulo ang laway ko, at mukhang masarap ang luto niya.
Ano pa ang itinatayo mo diyan? Halika at kumain. May trabaho ka ba ngayon? Ihahatid kita sa pinagtatrabahuhan mo kung okay lang sa iyo, Camila.
Tumango ako sa kanya at saka lumapit sa mesa; hinila niya agad ako ng upuan.
"Salamat, Miguel," mahinahon kong sabi. Kinuha ko ang kutsara at naghanda na kumuha ng ulam sa mesa, pero napahinto ako at napatingin sa kanya habang diretsong nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko.
"Ano, masarap ba?" tanong niya habang tinikman ko ang nilutong beefsteak.
"Hmm, masarap," sagot ko, at agad na tumayo sa kinauupuan ko at kumuha ng tasa. Nagtimpla ng kape, at saka nagpatuloy sa pagkain. Umupo si Miguel at saka kumain na rin. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang magkakagusto sa kanya; gentleman siya at masarap mag-alaga, gwapo, ani ko sa sarili.
Pagkatapos naming kumain, niligpit ko agad ang mga plato na pinagkainan naming dalawa at saka hinugasan ito. Nakakahiya naman sa kanya kung siya pa ang maghuhugas ng mga ito; baka kung ano pa ang masabi niya.
Pagkatapos kong maghugas ng pinggan, kinuha ko agad ang bag ko na nakapatong sa maliit na mesa. Saka mabilis na naglakad papunta sa pinto. Sumunod naman si Miguel sa likod ko. Agad kaming sumakay sa kotse niya papuntang De Gutierrez Company.
Habang nasa daan kami, "Camila, okay ka lang? May problema ka ba? Pwede mong sabihin sa akin; handa akong makinig sayo," ani niya nang makitang akong nakatitig sa kanya.
"W-wala, Miguel," sagot ko. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Pakiramdam ko na parang nakuryente ang buong katawan ko nang hawakan niya ang kamay ko saka marahang hinalikan.
Alam kong naguguluhan ka, Camila, sa mga nangyayari, pero totoo naman na gusto kita at mahal kita. Handa akong hintayin ka hanggang sa maging handa ka.
"P-Pero Miguel,"
Huwag kang mag-alala, okay. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka sa mga taong gustong manakit sa iyo.
Salamat, Miguel. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa ginawa mo para sa akin; mahinang usal ko.
Wag mong intindihin 'yun, okay. Masaya ako sa ginagawa ko.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming destinasyon. Ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng kumpanya. Bumaba ako ng sasakyan.
"Thanks for the ride, Miguel," sabi ko bago naglakad palayo sa sasakyan. Bigla naman akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Carlos na nanggaling sa likuran ko.
"Nice to meet you again, Ms. Camila," diretsong sabi niya.
"Mr. De Gutierrez, nice to meet you too," sagot ko pabalik sa kanya.
Anong ginagawa ni Carlos dito sa kumpanya? Bakit siya nandito? Hindi pwede. Kung magpapatuloy si Carlos dito sa kumpanya, baka matuklasan niya ang tunay kong pagkatao.
Nabalik ako sa aking kahelidad nang hawakan ni Carlos ang isang kamay ko.
"Rash," sabi niya. "Agad kung tinanggal ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak,
Mr. De Gutierrez?Anong ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba ng bait? Don't tell me na pinaghihinalaan mo na naman ako bilang Amor De Gutierrez.
Hindi ako puwedeng magkamali.Ikaw si Amor,ang aking kapatid na tatlong taon nang nawawala."
"Ayan ka na naman,Mr.De Gutierrez.Pwede bang tigilan mo na 'yang kabaliwan na 'yan? Magkaiba kami ni Amor. Ako si Camila Makiling at hindi si Amor De Gutierrez."
Agad kong nasampal ang isang mukha niya nang hawakan niya ulit ang kamay ko habang sinusubukang tingnan ang mga braso ko,pero natigil ito nang may humawak sa kamay niya.
"Mr.De Gutierrez,ilagay sa maayos ang kamay mo,"dire-diretsong sabi nito,saka ibinaling ang tingin sa akin at nagsalita.