"You're fine, Camila," sabi niya sabay lagay ng isang kamay niya sa balikat ko. Tumango ako sa kanya at saka hinaplos ang braso ko.
"Mr. De Gutierrez, I'm warning you, don't do this to her again. Camila is my woman, so settle down."
"Hindi mo siya kilala, Mr. Acosta. Manloloko ang babaeng ito."
"Anong ibig mong sabihin, Mr. De Gutierrez? Parang dalawampu't apat na oras mo na siyang pinagbabantayan."
"Hindi naman sa ganun, Mr. Acosta. Curious lang ako sa babaeng 'to."
"Why don't you find out her true personality? Don't waste your time with that girl; baka mamaya mahulog ka sa bitag niya."
Salamat sa paalala, Mr. De Gutierrez. Sa tingin ko mabait si Camila, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mainit ang dugo mo sa kanya.
Ahh, naalala ko na dahil ba nangyari sa event noon? Hindi ba dapat magpasalamat ka kay Ms. Camila dahil sa kanya hindi nagtagumpay si Ms. Marti sa ginawa niya? Kaya wala ka sa posisyon para sabihin sa akin kung sino ang gusto kong makasama. Camila is my woman, at handa akong protektahan siya laban sa iyo, kaya huwag kang magkakamaling bastusin siyang muli lalo na't sa harap ko kung ayaw mong ako ang makalaban mo dito.
Mr. De Gutierrez, binabalaan kita. Mariing bilin ni Miguel sa kanya at agad na hinawakan ang isang kamay ko saka tinalikuran si Carlos.
Camila, napansin ko lagi kang ginugulo ni Carlos? May nangyari ba sa inyong dalawa, Camila? Agad akong napatigil sa paglalakad nang diretso niyang tanungin ako.
Miguel, ang totoo, hindi ko alam kung bakit ako ginugulo ni Carlos. Sabi niya, I and Amor De Gutierrez is one.
Hindi ko nga alam kung bakit niya pinagsiksikan ang sarili niya dito. Aaminin ko, nakita ko si Amor De Gutierrez minsan nang pumunta siya dito, pero yun lang.
"Okay, naniniwala ako sa anumang sasabihin mo, Camila," sagot niya.
Agad akong nagpaalam na pumasok sa loob nang makarating kami sa gate. Tumango siya bago nagsalita.
"Ingat ka," maikling sabi niya na agad naman akong tumango.
Habang naglalakad ako sa hallway ng construction site, napahinto ako nang makasalubong ko si Engineer Kris, at mukhang nagmamadali ito sa paglalakad.
"Ms. Camila, buti na lang nakita kita ngayon. Nagpapatawag ng meeting si Mr. Miguel Acosta," ani Kris. Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko kay Kris.
"Meeting? Para saan daw ang meeting na 'yan, Kris?" pag-uusisa kong tanong sa kanya.
"Hindi ko rin alam, Ms. Camila. Kung para saan ang meeting na 'yan, basta bigla na lang nagpatawag ng meeting si Mr. Miguel Acosta," sagot ni Kris.
Napakagat labi na lang ako habang iniisip kung bakit sa dinami-dami ng mga taong hahawak sa project na ito, siya pa ang kasama ko sa project na ito.
Halika na, ano pang ginagawa mo diyan, Ms. Camila? Kanina pa naghihintay si Mr. Miguel, ani ni Kris, naibalik agad ako sa aking kalidad. Sinundan ko siya papunta sa isang kwarto. Nararamdaman ko na naman ang pagtibok ng sarili kong puso. Kahit dito makikita at makakasama yung lalaking yun.
"Are you okay? Wag kang kabahan. Mabait si Mr. Miguel," "Ms. Camila, I think magkakasundo kayong dalawa. Gwapo siya, mabait, at gentleman. Yun nga lang may problema."
"Anong problema, Kris?" diretsong tanong ko.
"Ang balita ko, kilalang-kilala siyang playboy na CEO kaya mag-ingat ka sa kanya." Napalunok ako bigla ng magkasunod habang mabilis kaming naglalakad sa hallway papunta sa isang kwarto.
Pagdating namin ay agad na binuksan ni Kris ang pinto at pumasok sa loob.
Nakita ko agad si Miguel na nakaupo sa harap ng ilan pang construction member kaya umupo agad ako sa bakanteng upuan malapit sa kinauupuan ni Miguel.
"Magandang hapon, Ms. Camila, kumusta ka?" diretsong sabi niya.
Tumingin ako sa kanya ng diretso bago nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito Miguel?" mahinang sabi ko sa kanya.
"Nagtatrabaho."
"Alam kong nagtatrabaho ka, pero bakit dito pa? Wala ka bang gagawin sa kumpanya mo?"
"Camila, ayaw mo yata akong makita. Hindi ka ba masaya na nandito ako?"
"Miguel naman, sinusundan mo ba ako hanggang dito? Ano ba talagang gusto mo?"
"Ikaw," diretsong sagot niya.
Nagpakawala ako ng hininga saka ibinalik ang atensyon sa kanya.
"Alam mo namang ayoko sa'yo Miguel. Wala akong nararamdaman para sa'yo. Pwede bang tumigil ka na?"
"Camila, kahit ilang beses mo akong itulak palayo, hindi ako susuko sa'yo."
"Pero bakit? Hindi ka ba kuntento sa mga babaeng nakapila sa'yo, Miguel? Hindi ako katulad nila."
Alam ko, kaya mas lalo akong nagka-interesado sa iyo dahil sa mga ipinapakita mo sa akin. Nakuha mo ang atensyon ko, Camila. Alam mo ba 'yon? Ibang-iba ka sa kanila, kaya gagawin ko ang lahat para makuha ka. You're mine, Camila.
Agad napapikit ang mga mata ko sa kanya, ngunit bigla kaming napalingon nang marinig namin ang pagtikim ng iba pa naming kasama.
Ang sakit sa mata, ano ba, itutuloy pa ba natin ang meeting na ito, Mr. Acosta? sabi ng isa sa mga kasamahan namin sa trabaho.
Agad na napatingin sa kanya si Miguel na may kasamang humahalinghing, at pagkatapos ay itinuon niya ang atensyon sa computer at nagsimulang magsalita sa harap namin.
After our meeting, dali-dali akong lumabas ng room pero napatigil ako nang magsalita siya.
"Camila, you stay here." Nilingon ko siya nang diretso.
"Miguel, pwede bang itigil mo na 'yang kabaliwan mo?" Napaatras ako ng ilang hakbang habang dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ko hanggang sa napasandal ako sa malapad na pader.
"M-Miguel. Stop, okay. Wala ka na sa sarili mo. Pwede bang bawas-bawasan mo 'yong kalandian mo? Kahit saan na lang ba?"
"Camila, gusto kong malaman kung bakit ayaw mo sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa'yo. Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon? Papatunayan ko sa'yo na totoo ang nararamdaman ko. Alam ko kung ano ang iniisip mo. Pero handa akong magbago para sa'yo, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon, Camila?"
Naikuyom ko ang mga palad ko nang magtama ang aming mga mata, palapit ang labi niya sa labi ko.
"Jusko, Camila, wag mo siyang pagbigyan," sabi ko sa sarili ko. Pero biglang nanlaki ang mata ko nang dumapo sa labi ko ang maiinit niyang halik. Parang hindi ko na napigilan ang sarili ko at gustong sumuko."
"Ipikit mo ang mga mata mo kapag hinahalikan kita. Paano mo mararamdaman ang mga halik ko kung nakadilat ang mga mata mo?" mahinang usal niya.
"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin." para akong kinuryente na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Agad na pumikit ang mga mata ko habang pinapakasawa ko ang mga halik niya hanggang umabot sa leeg ko.
"M-Miguel, hindi dapat natin ginagawa 'yan dito. Baka mamaya may makakita sa atin, at ano pa ang sasabihin nila?" mahinang sabi ko.
Tumigil siya sa paghalik sa leeg ko at tumingin sa paligid.
"Pwede bang manatili sa akin, simula ngayon."
"P-pero M-Miguel."
"Don't ask me why you have to stay with me. I want to protect you, especially from Carlos De Gutierrez, Camila."
Inimbestigahan ko ang nangyari sa bahay mo at nalaman kong si Carlos ang nasa likod ng mga pangyayari.
Bakit, Miguel? Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito? Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa iyo sa pagprotekta sa akin laban sa kanya?
Si Carlos ay isa sa mga makapangyarihang tao sa mundong ito. Hindi ka ba natatakot na baka ikaw ang pag-iinitan niya dahil sa akin?
Wala akong pakialam kung siya ang pinakamakapangyarihan sa mundo, basta ang alam ko kaya kong protektahan ang babaeng mahal ko at ikaw iyon, Camila.
Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa isang babae, pero noong nakilala kita, iba ang pananaw ko. Binago mo ako, Camila. Sa totoo lang, hindi ako naghahabol sa mga babae para lang makuha sila, pero ngayon ako na mismo ang humahabol sa iyo.
"Please give me a chance, Camila," aniya at naghandang lumuhod sa harapan ko.
Miguel, tumayo ka nga diyan, wag kang lumuhod.
No! Hindi ako tatayo dito kung walang sagot mula sa iyo, mahal kita Camila, mahal na mahal kita.
Nagpakawala ako ng hininga saka tumingin sa kanya na nakaluhod sa harapan ko.
"Miguel, can you give me a few days to think?" Sabi ko. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang magkabilang kamay ko bago nagsalita.
"Okay, I'm giving you three days to think, Camila," aniya. Matapos makuha ko ang sagot niya, dali-dali akong umalis sa harapan niya at nagmamadaling naglakad sa hallway ng construction site palabas ng gusali.
Sorry Miguel sa gagawin ko. Alam kong mali, pero ito lang ang naiisip kong paraan para makalayo kay Carlos. Kaya't sasamantalahin ko ang pagkakataong ito.
Makalipas ang tatlong araw, dumating si Miguel sa bahay ko, at pareho kaming nakaupo sa maliit na sofa.
"Ano, nakapagdesisyon ka na ba? Camila, gusto kong malaman ang sagot mula sa iyo," mahina niyang sabi.
“Oo Miguel, gusto kitang makasama,” diretsong sagot ko. Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata, hindi makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.
"Mahal mo ba ako, Camila? May nararamdaman ka rin ba sa akin? Gusto kong malaman ang totoo."
"Hindi ko alam, Miguel. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa iyo." Agad siyang lumapit sa akin, umupo sa tabi ko, hinawakan ang magkabilang kamay ko, at hinalikan ang tuktok ng ilong ko.
"Don't worry, I'm waiting for you until you're sure of your feelings for me. Now, I'm happy because I finally got your answer."
Mahal kita, Camila. Kahit anong mangyari, handa akong ipaglaban ka kahit kanino.
Hinawakan niya ang gilid ng ulo ko saka pinasandal sa kanyang isang balikat.