"La," tugon ni Lola Vilma, "sa bahay ka na maghapunan mamayang gabi. Magluluto siya ng tinulang manok. Buti na lang naabutan kita ngayon. Napansin kong sarado na ang tindahan mo," diretsong sabi niya pagpasok niya ng bahay.
"May trabaho na kasi akong nakuha, Jane, kaya isinara ko muna habang walang magbabantay sa panindan kung isda."
"Pakisabi kay Lola Vilma na pupunta ako mamaya. Kamusta na siya?"
"By the grace of God, mas maayos na ang kalagayan niya ngayon, La. Siyanga pala, napansin kong namumutla ka. May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Jusko, ang init mo. Mabuti pa dadalhin kita hospital," sabi niya nang ilapat niya ang palad niya sa noo ko.
"Okay lang ako, Jane. Huwag mo akong intindihin."
"Sigurado ka na ayos ka lang? Teka, ang dami mong pantal sa katawan." Ano ba talaga ang nangyari sayo La?
Jane, huwag kang mataranta, okay? May kinain lang ako, kaya nagkaroon ako ng pantal.
"Inom lang ako ng gamot, mawawala din ito," sagot ko. Agad siyang umupo sa sofa at nanood ng balita sa telebisyon na lumabas sa flash report.
Ano bang nangyayari sa kanya? Para siyang kinagat ng uod, kinikilig habang pinapanood si Carlos sa telebisyon na nakikipag-usap sa ilang media.
Alam mo bang matagal na niyang hinahanap si Amor de Gutierrez? Nawawala pala ang kapatid niya. Halos tatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa trahedya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol sa pagkawala ng kanyang kapatid. Mahal na mahal niya talaga ang kapatid niya. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon ni Carlos, ganoon din ang gagawin ko. Kawawa naman, ani niya rito.
Kung alam mo lang ang totoo, Jane, hindi kawawa si Carlos. Demonyo siya," bulong ko sa sarili ko.
"Oh! Aalis ka na ba?" Tanong ko nang tumayo siya sa kinauupuan niya at humakbang pasulong.
Oo, baka kasi hahanapin ako ni Lola Vilma sa bahay, mag-isa lang siya doon. Oops, mamayang gabi ha, pahabol niya pa rito, na agad kong tinanguan.
Pagkaalis ni Jane, sinara ko na ang pinto at bumalik sa pagkakaupo sa sofa at nanood ng palabas sa TV.
Hindi ko namalayan ang oras; alas-sais na ng gabi. Nag-enjoy akong panoorin ang dramang iyon.
Pagkatapos kong manood, pumunta na ako sa kwarto at nagbihis. Nakasuot lang ako ng pambahay dahil nasa kabilang bakuran lang naman ang bahay ni Lola Vilma kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng ibang damit.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa bahay ni Lola Vilma.
Pagdating ko, naamoy ko agad ang mabangong lutong manok ni Lola Vilma na tinula. Kumatok ako sa pinto at agad itong bumukas.
La, mabuti at nandito ka na, halika pasok at makakain na tayo, kanina pa naghihintay si Lola Vilma sa iyo, diretso sabi ni Jane. Pumasok ako sa loob at nagtungo sa maliit na lamesa kung saan nakaupo na si Lola Vilma habang naghihintay.
"Magandang gabi, Lola. Pasensya na kung medyo natagalan ako," diretso kong sabi habang kinuha ang isang kamay niya at inilagay sa noo ko.
"Umupo ka na, Camila, at masimulan na ang pagkain," ani naman ni Lola Vilma.
Agad kong hinila ang upuan at umupo, kumuha ng kanin at ulam.
"Hmm, mukhang masarap ah. Amoy pa lang, sobrang sarap na," ani ko.
"Si Lola ang nagluto niyan, siyempre masarap," sagot naman ni Jane habang sinusubo ang kanin.
Habang kumakain kami ng hapunan, napahinto ako nang hawakan ni Lola Vilma ang isang kamay ko.
"Camila, salamat sa iyo, iha," sinabi sa akin ni Jane na ikaw ang tumulong sa akin upang maipagamot ako.
Tiningnan ko siyang mapangiti at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko bago nagsalita.
Wala po 'yon, Lola. Natutuwa akong kahit papaano ay matulungan kita. Sagot ko at kumagat ng kanin.
Pagkatapos naming kumain ng hapunan, nagpaalam na ako sa kanila at aalis na. Alas otso na ng gabi. Pumasok na ako sa bahay pagdating ko ng biglang may narinig akong ingay sa labas ng bahay kaya binuksan ko ulit 'yung pinto baka si Jane 'yun.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may biglang pumasok na tatlong lalaki sa bahay.
"Who are you? Bakit kayo pumasok sa bahay ko? You are trespassing. Umalis kayo dito," diretsong sigaw ko sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin habang lumalapit naman ang isang lalaki sa akin.
"Wag kang lalapit," sigaw ko. Napalingon ako bigla sa likod ko nang mabasag ang flower vase na nakapatong sa maliit na lamesa.
"Tumigil ka, umalis na kayo dito o tatawag ako ng pulis,"
Nagkatinginan sila at saka agad ibinalik ang atensyon sa akin. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at nag-dial, pero napatigil ako nang kinuha ng isang lalaki ang cellphone na hawak ko at inihagis sa sahig. Tumakbo ako papunta sa pinto at dali-dali itong binuksan, pero laking gulat ko, nakasara na ito.
"Sino kayo, anong kailangan niyo sa akin?" Tanong ko na nauutal ang dila ko sa takot.
"Bitawan niyo nga ako," sigaw ko nang hawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko.
Napasulyap ang mga mata ko sa isang lalaki habang hinahalungkat ang mga gamit ko at mukhang may hinahanap ito.
Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone ng isang lalaki. Agad niya itong kinuha sa bulsa ng pantalon niya at sinagot,
"Boss, wala kaming nakikita dito sa bahay ni Camila Makiling para patunayan na siya si Amor De Gutierrez. Ano ang gusto mong gagawin namin sa babaeng ito, Boss?" Bigla akong kinabahan nang makita ko ang tingin niya sa akin na para bang sinisipsip niya ang kaluluwa ko. Nakakamanyak yung mga titig na yun.
Sino ang nag-utos sa kanila? Hindi kaya si Carlos ang nasa likod nito?
“Dalhin niyo siya,” utos ng lalaki sa mga kasama niya na agad namang sinunod ang utos niya.
Binuksan nila ang pinto, gulat na napaatras kaming bumalik sa loob ng bahay nang makita namin si Miguel nakatayo sa may pintuan at kitang-kita namin ang galit sa kanyang mga mata.
"How dare you touch my woman," diretsong sabi niya na biglang tumama ang isang malakas na suntok sa mukha ng mga lalaki.
"Are you alright? Sorry kung nahuli ako ng dating," mahinang sabi niya.
Kaagad naman akong napayakap ng mahigpit sa kanya na hindi ko namalayan. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko at saka ang mga braso ko.
"How dare you hurt her," galit na sabi nito na parang nagbubuga ng apoy ang mga mata nang makita na may sugat ang kamay ko. Nanlaki bigla ang mata ko nang sinuntok niya iyon nang magkasunod hanggang sa napuno ng dugo ang mga kamay niya. Mabilis tumayo at tumakbo palayo ang mga lalaki.
"Miguel, salamat sa pagligtas mo ulit sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa ginawa mo para sa akin." Hinawakan niya ang isang mukha ko at hinaplos iyon nang marahan bago nagsalita.
"Kilala mo ba kung sino sila, Camila?"
"H-Hindi, hindi ko sila kilala, Miguel. Hindi ko rin alam kung ano ang pakay nila," sagot ko. Umupo ako sa sofa habang nakatingin sa paligid kung saan nagkalat ang mga gamit.
"You're not safe here, Camila. Hindi ka pwedeng mag-isa dito sa bahay mo; baka balikan ka ng mga hayop na 'yon."
"Ayos ka lang?" tanong niya nang makita akong nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tunay kong pagkatao, ngayong malakas ang hinala ko na si Carlos ang nasa likod nito.
"Miguel, ayokong masaktan ka dahil sa akin, pero kailangan ko ng tulong mo. Nakita ko kanina kung paano siya magalit. Alam kong kaya niya akong protektahan laban kay Carlos. Alam kong makasarili ako, pero ito ang tanging paraan para maging ligtas sa ngayon. Alam kong hindi titigil si Carlos na alamin ang tunay kong pagkatao." Bigla akong nabalik sa kahelidad nang magsalita siya.
"Huwag kang mag-alala, hindi ka nila magagalaw hangga't nandito ako, Camila."
"Salamat Miguel, pero hindi ka ba natatakot na baka ikaw ang babalikan nila? Paano kung masaktan ka dahil sa akin?"
"So, nag-aalala ka sa akin?" sabi niya sabay lapit ng labi niya sa labi ko.
Hindi ah! Sinong nagsabing nag-aalala ako sa iyo? At saka, hindi ko naman hiningi na tulungan mo ako. Diretsong sagot ko. Nakataas ang kilay niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kabinet para kumuha ng medicine kit, at saka ginamot ang mga kamay niyang sugatan.
Pagkatapos kong gamutin ang mga sugat niya, inayos ko ang buong paligid ng bahay. Pagkatapos, pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng bed sheets. Wala bang balak bumalik ang lalaking ito sa kanyang bahay? Sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa sofa. Lumabas ako ng kwarto at lumapit sa kanya, saka nagsalita.
"Miguel, it's already 11 pm. Wala ka bang plano..." Biglang naputol ang pagsasalita ko nang bigla siyang sumingit.
Camila, maari bang dito ako matutulog ngayong gabi? Wala ka bang konsensya na pauwiin ako sa ganitong oras ng gabi? Paano kung inaabangan ako ng mga lalaking iyon? Sabi niya na para bang pinapakonsiya niya pa ako. Napabuntong-hininga ako at tumingin ng diretso sa kanya.
"Sige, papayag ako na dito ka matutulog ngayong gabi, pero huwag kang magkakamaling may gagawin, Miguel."
"What if I wanted to, Camila? What if I wanted to own you tonight? What would you do?"
"I'm f**king with you," sagot ko. Bigla siyang natawa, nang-aasar.
"Biro mo, seryoso ka agad. Wag kang mag-alala, hindi kita gagahasain. Hindi ako ganoong klaseng lalaki, Camila, pero kung gusto mo, bakit hindi? Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya." Napapikit ako bigla nang marinig ko ang sinabi niya, saka kinuha 'yung unan na nasa ibabaw ng sofa at ibinato sa kanya.
Mabilis akong umalis sa harapan niya, pumasok sa kwarto, kumuha ng unan at kumot, at lumabas ulit ng kwarto para maglakad papunta sa kinauupuan niya.
Pagdating ko, binigay ko agad sa kanya 'yung unan at kumot na dala ko saka tumalikod. Pero napatigil ako nang magsalita siya.
"Salamat dito," sabi niya.
Napangiti ako nang marinig ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto.
Agad akong kumuha ng pantulog na manipis lang na damit na hanggang tuhod. Hindi kasi ako sanay matulog nang naka-pajama; mas gusto ko ito, sariwa sa pakiramdam.
Agad akong humiga sa kama pagkatapos kong maisuot ang manipis na damit saka pumikit.
"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ako makatulog? Baka kasi first time na may natutulog sa bahay ko kaya balisa ako," ani ko sa sarili.
Bumangon ako at tiningnan ang oras sa cellphone ko; 1 AM na ng umaga. Baka tulog na siya. Agad akong lumabas ng kwarto, nang maramdaman ko namamalat ang lalamunan ko.
Dahan-dahan akong pumunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko na rin binuksan ang ilaw dahil baka magising si Miguel at kung ano pa ang isipin niya.