Chapter 15:MALL

1371 Words
Kinabukasan, maaga akong gumising at nag-ayos ng aking sarili. Pupunta kami ni Miguel ngayon sa mall upang mamili ng mga damit. Habang nakaupo ako na nakaharap sa malaking makeup drawer na may kasamang salamin, pinagmamasdan ko nang mabuti ang sarili habang naglalagay ng lipstick sa bibig ko. Pagkatapos kong maglagay ng makeup sa mukha ko, tumayo ako at saka nilingon si Miguel na nag-aayos ng sarili. "Let's go. Aalis na tayo," sambit ko habang kinukuha ang Hermes handbag ko sa kabinet at lumabas ng kwarto diretso sa parking area kung saan nakaparada ang kotse niya. Habang naglalakad kami ni Miguel sa hallway ng mall, magkahawak ang aming mga kamay. Hanggang sa napadaan kami sa store ng mga bag. Agad naman kaming pumasok doon at saka namili ng mga bag. Habang umiikot kaming dalawa sa loob ng store, bigla kaming napalingon ni Miguel nang marinig namin ang boses ng bata na nagmula sa aming likod. Agad kaming napalingon pareho. "Papa," sabi ng batang lalaki kasabay ng pagtakbo palapit sa aming kinatatayuan. "Angelo Anak," sambit naman ni Miguel at agad itong binuhat. "Sino ang kasama mo sa pagpunta dito, anak?" "Si Mommy, Pa," sagot naman ng batang lalaki. "Where's Mommy?" "Ayon, Pa," sagot ng batang lalaki kasabay ng pagturo ng isang daliri niya. Napasunod naman ako ng tingin kung saan itinuro ang daliri ng bata. Nakatayo ang babae na nakatingin sa amin kasama ang isa pang bata at mukhang nasa edad na 11 o 12 years old na ito. Maganda siya at matangkad, mukhang galing din ito sa mayamang pamilya. "Teka, parang kilala ko ang babaeng ito, ah! Loriene?" mahinang sabi ko. Naibaling ko naman ang aking mga mata sa kamay ko nang hawakan iyon ni Miguel. "Ayos ka lang Me, Siyanga pala, siya si Angelo, ang ikalawang anak ko." Angelo Anak, magbigay ka ng galang kay Tita Camila mo, mahinang sabi ni Miguel sa bata habang binubuhat niya ito. Ayaw ko, she is a bad woman. Angelo, si Tita mo Camila she's not a bad woman, okay, magbigay ka ng galang sa kanya, sambit muli ni Miguel. Ayaw ko pa, inagaw ka niya sa amin ni Mommy, she's bad. Angelo... It's okay Miguel, hayaan mo muna ang bata, diretsong sambit ko ng tumaas ang boses nito. Are you sure, me. I'm sorry sa pang-aasal ng anak ko, hayaan mo ipaunawa ko sa kanya. Tumango ako at muling tiningnan si Loriene habang naglalakad patungo sa amin. gulat din siyang makita ako. Angelo Anak, halika na, diretsong sabi ni Loriene habang kinukuha ang bata kay Miguel na karga pa rin ito. Pagkatapos ay binaling niya muli ang kanyang mga mata sa akin. Hi, I'm Loriene, Miguel's wife," sabi ni Loriene habang inaabot ang kanyang kamay. Kaagad ko naman inabot sa kanya saka nagpakilala ng aking pangalan. "I'm Camila Makiling," biglang naningkit ang kanyang mga mata sa kanyang narinig. "Camila? How come," Amor. mahinang sabi niya. "Loriene, mahabang kwento, please don't tell Miguel about my personality, hindi niya alam ang totoo tungkol sa pagkatao ko." "what, pero paano nangyari, Amor? Bakit ka nandito sa Pilipinas, ilang taon kang nawawala?" alam mo bang hinahanap ka ng kapatid mo, "Mahabang kwento, Loriene. e kwento ko sayo ang lahat, pero sa ngayon please help me to hide my identity kay Miguel," bulong ko. Tumikhim si Miguel kaya agad naming naibaling ang aming mga mata sa kanya. "Kayong dalawa ay magkakilala ba?" Takang tanong niya, muli kaming nagkatinginan ni Loriene. "No! She looks familiar to me, so, is she Miguel?" ani Loriene. Tiningnan lang siya ni Miguel ngunit naibaling ang kanilang atensyon nang magsalita ang bata na si Angelo. "Pa, I want to play with you, namimiss ko na kasing makipaglaro sa'yo." "I'm sorry anak, papa is not available today, maaari bang sa susunod na araw na lang?" "Hindi mo na ako mahal, kami ni kuya Tamir at Mommy dahil sa bad woman na 'yan," sabi ng bata habang umiiyak ito. "Miguel, pagbigyan mo na ang bata saka mahaba pa naman ang oras, kaya okay lang sa akin," mahinang sabi ko sa kanya pero ang totoo gusto kong kausapin si Loriene ng sekreto. Hindi ko alam na asawa pala si Miguel ng matalik kong kaibigan. Nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Loriene noong nag-aaral kami sa Unibersidad sa Switzerland at iisang kurso lang din ang kinukuha naming dalawa. Hanggang sa lumipas ang mga taon, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. She is my best friend at naging kapatid. Kahit na nakagraduate na kami sa Unibersidad, patuloy pa rin ang aming komunikasyon sa isa't isa. Nakaupo ako ngayon sa coffee shop kasama si Loriene habang umiinom ng kape. Wala rito si Miguel; nasa playground siya kasama ang dalawa niyang anak. "Loriene, I'm sorry hindi ko sinasadyang saktan ka. Hindi ko alam na asawa mo si Miguel," tumingin siya sa akin saka umiling. "Hindi mo kasalanan, Amor. Laging ganyan si Miguel. Hindi lang ikaw ang babaeng nakasama niya, marami kayo. Sanay na ako sa ugali ng asawa ko. At isa pa, kasal kami dahil sa kasunduan ng mga pamilya namin, nung una ayaw ako talaga sa kanya, pero dahil sa kabaitan na ipinakita niya sa akin, lalo na nung nagkaroon kami ng anak, unti-unti nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya, yes mahal ko na ang asawa ko. Amor, nakikiusap ako, layuan mo si Miguel, alang-alang sa mga anak namin. Napakuyom ang mga palad ko nang marinig ko ang sinabi ni Loriene. Napatamimi ako sa kinauupuan na hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Bakit si Loriene ang karibal ko sa pag-ibig, kung saan ko siyang natutunang mahalin, doon ko nalaman ang katotohanan. Bakit? Bakit ba napakalupit ng tadhana sa akin? Minsan lang ako nainlove sa lalaking may asawa at anak pa. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero mahal ko rin si Miguel. Sa mata ng mga tao, ito ay isang malaking kasalanan. Loriene, sorry kung hindi ko maibigay ang hinihiling mo. Bulong ko sa sarili ko, bumuga ako ng hangin bago siya sinagot. Naiintindihan kita, Loriene, at naiintindihan ko ang sitwasyon mo, pero mahal ko rin si Miguel. Minsan lang ako magmahal, Loriene, kaya please. Hayaan mo akong manatili sa kanya at alam ko na mahal niya rin ako. Loriene, pakiusap, nakikiusap ako, hayaan mo akong makasama si Miguel. Handa akong ibigay sa'yo ang lahat wag lang ang lalaking natutunan kong mahalin," sabi ko sabay hawak sa isang kamay niya. "Amor, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan dati. Mayaman ka kumpara sa akin. You're an heiress of a billionaire, at mabibili mo ang lahat ng gusto mo. Pero sana naman wag mong patulan ang may pamilya. "I have nothing now, Loriene. Isinuko ko na kung anong meron ako, kayamanan, at pagkatao ko. Matagal nang patay si Amor De Gutierrez. I am Camila Makiling now from the countryside. Alam kong mali ito, Loriene, ang ginagawa namin ni Miguel. handa akong Ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. I know you are the legal wife at wala akong kapangyarihan laban sa'yo. Siya na lang ang meron ako, Loriene. I have nothing. Patay na ang buong pamilya ko dahil kay Carlos. Pinatay niya na ako minsan, Loriene. Wala na akong pamilyang natitira maliban kay Miguel. Loriene, intindihin mo naman ako, kahit ito lang ang ibinalik mo sa akin bilang kapalit ng lahat ng tulong ko sa iyo at sa kumpanya mo. Naaalala mo ba ang sinabi mo sa akin noon? Bibigyan mo ako ng feedback sa lahat ng ginawa ko para sa iyo. Alam kong hindi tama, pero nakikiusap ako, Loriene, si Miguel na lang ang meron ako ngayon. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa iyo sa tamang panahon, ngunit huwag sa ngayon. Alam kong makasarili ako, Amor, don't do that. You never kneel to anyone, pero ngayon luluhod ka sa harapan ko dahil kay Miguel. Sabi niya habang hawak ang magkabilang braso ko habang dahan-dahan akong lumuhod sa harapan niya. Hindi mo kailangang gawin iyon, Amor. Alam kong mahal ka ni Miguel at sinabi niya sa akin ang tungkol sa iyo. Nakita daw niya ang babaeng mahal niya at nag-file siya sa akin ng divorce. Masakit para sa akin, sobrang sakit, pero wala akong magawa. May mga kasunduan na kami ni Miguel bago pa man kami ikasal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD