CAMILA'S POV:
Aalis na ako. Kailangan kong pumasok ng maaga dahil may importante akong trabaho na hahabulin sa kumpanya. sabi niya.
"Kumain ka muna ng almusal bago pumasok sa opisina," sagot ko habang inaayos ang necktie na nakasabit sa leeg niya.
"I'm sorry, hindi kita makakasama sa pagkain ngayon. Hayaan mo, babawi ako sa mga susunod na araw," aniya. Natahimik ako saka naghanda ng isang box ng pagkain para sa kanya. Pagkatapos kong maglagay ng pagkain, agad kong inabot sa kanya, at mabilis naman niyang kinuha sa akin. Pagkatapos ay mabilis na lumabas ng bahay.
"Anong nangyayari sa kanya? Bakit biglang nagbago si Miguel? Hindi naman siya ganoon dati, pero ngayon iba na ang ihip ng hangin. May kinalaman kaya ito sa pagpunta ng tatay niya dito kanina?" tanong ko sa sarili ko.
Iniligpit ko agad ang pagkain sa mesa bago pumasok sa kwarto. Mag-isa na naman ako sa bahay.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto nang marinig ko ang katok sa pinto at agad ko itong binuksan na may ngiti sa labi.
"M- Hindi ako nakatapos sa pagsasalita, nang laking gulat ko nang makita ko siyang nakatayo sa may pintuan.
"Kim, bakit ka nandito?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Ms. Amor, I have you sign some papers in the company, that's why I'm here."
"Kim, may hiling ako sa iyo kung maaari, wag ka nang magpakita sa akin. Ayokong magkagulo kami ni Miguel. Maayos na ang pagsasama naming dalawa. Ah, Siyanga pala, huwag mo nang banggitin ang pangalan ni Amor simula ngayon. Kung maaari, kalimutan mo na ako si Amor De Gutierrez."
"Pero, Ms. Amor, bakit? Huwag mong sabihin na dahil kay Miguel, bakit mo kakalimutan ang tunay mong pagkatao? Paano ang inaasam mo na mabigyan ng hustisya ang iyong mga magulang? Kakalimutan mo na lang ba ang nangyari sa kanila? Ipapaalala ko lang sa iyo kung bakit tayo nandito sa Pilipinas dahil sa kanila, hindi ba? Pero bakit ngayon, kakalimutan mo na ang lahat na parang walang nangyari dahil lang sa lalaking iyon."
Alam mo bang niloloko ka niya, Amor?
What? What did you say? You're calling me Amor.
Yes, dahil iyan ang totoong ikaw at hindi si Camila Makiling. Ikaw si Amor De Gutierrez, ang babaeng minahal ko sa loob ng ilang taon.
Yes, tama ang narinig mo, Amor. Mahal kita higit pa sa buhay ko kaya sumama ako sa iyo para makasama ka. Pero dahil sa lalaking iyon, lumayo ka sa akin. Naghintay ako nang matagal na panahon at nagpakaila sa iyo, pero mapupunta ka lang din sa iba. Alam mong sobrang sakit iyon.
Biglang nagpantig ang tenga ko sa aking narinig mula sa kanya.
Kim, I'm sorry. Hindi ko alam na nasasaktan na kita. Alam kong makakahanap ka pa ng babae na nararapat para sa iyo.
Amor, please layuan muna si Miguel at sumama sa akin. Hindi ka niya totoong mahal. Niloloko ka lang ng lalaking iyon.
Kim, hindi totoo 'yan. Mahal niya ako at handa siyang gawin ang lahat para sa akin. Mahal ko din siya at handa akong kalimutan ang aking nakaraan, yaman, at mga ari-arian na meron ako. Hayaan mo na ako maging masaya kasama siya. Masaya na ako sa piling ni Miguel.
Amor, please makinig kang mabuti. Hindi ka niya mahal dahil mayroon nang ibang pamilya si Miguel.
"What? Kim, hindi totoo 'yan. Alam kong sinisiraan mo siya sa akin." Napatingin ako sa kamay niya nang iabot niya sa akin ang puting sobre.
"Ano ito?" tanong ko.
"Buksan mo para malaman mo ang totoo sa lalaking iyon, na totoo ang sinabi ko. I never lie to you, at handa akong gawin ang lahat para sa iyo. Kung sakaling magbago ang isip mo, alam mo na kung saan ako kukuntakin."
"Kim, umalis ka na dito sa Pilipinas at bumalik sa Switzerland. Hayaan mo na si Carlos ang mamahala ng lahat."
"Pero, Amor."
Please, Kim, pakiusap, napabuga siya ng hangin saka ako tiningnan nang diretso sa mga mata saka biglang dinakip ang batok ko at hinalikan ng marahas sa labi. Gulat siyang napatingin nang diretso sa akin ng sampalin ko ng malakas ang kabilang pisngi niya.
Umalis ka na dito, ayaw kong makita pa ang pagmumukha mo sa harap ko. Umalis ka na, Alis. Pasigaw kong utos sa kanya.
Kaagad niya akong tinalikuran at saka nagpalakad palayo sa akin na nahuhulog ang dalawang balikat nito.
I'm sorry, Kim. Alam kong nasaktan kita, at alam ko din na maiintindihan ako ng mga magulang ko sa gagawin ko. Hindi naman siguro mali kung uunahin ko ang sarili ko na maging masaya kasama ang lalaking natutunan ko nang mahalin. Saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan si kim na naglalakad palayo sa akin.
Agad akong humakbang papasok sa kwarto ngunit napahinto ako nang may naapakan akong puting sobra. Kinuha ko iyon at saka tiningnan.
Teka lang, ito 'yong sobra na inaabot sa akin kanina ni Kim. Dali-dali kong binuksan at saka tiningnan ang laman nito.
Kumabog nang husto ang puso ko nang makita si Miguel habang binubuhat ang batang lalaki, at ang isa naman ay nakahawak sa isang kamay niya.
No! Imposible, walang pamilya si Miguel. Ang sabi niya ako lang ang babaeng minahal niya. Dali-dali kong sinarado ang pinto at saka nagpalakad patungo sa kwarto at hinalungkat ang mga gamit niya sa loob ng kwarto.
Mula sa mesa at saka sa mga drawer hanggang sa mga kabinet, ngunit napahinto ako nang makita ang isang puting papel na nasa kanyang mga damit nakaipit iyon.
Divorce papers, napaupo ako sa gilid ng kama na nagyanig ang buong katawan ko.
Bakit, bakit mo nagawa ito sa akin Miguel, bakit hindi mo sinabi na may asawa at anak ka na, hinayaan mong mahulog ang damdamin ko sa iyo, bakit Miguel. Magkasunod kung tanong sa aking sarili habang umiiyak sa sobrang sakit ng aking nararamdaman.
Nakaupo ako sa malaking sofa sa sala, naghihintay sa pagbabalik ni Miguel. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang hindi umuuwi si Miguel.
Makalipas ang dalawang oras, bumukas ang pinto. Agad kong nasilayan ang matamis na ngiti sa kanyang labi, habang naglalakad siyang palapit sa akin, at nang tuluyan na siyang makalapit ay agad niya akong hinalikan sa isang pisngi.
"Kamusta ka dito sa bahay Me? Sorry ha kung ngayon lang ako nakauwi," mahinang sabi sabay yakap sa akin. Bumuntong-hininga ako bago humarap sa kanya,
"Miguel, gusto kong marinig ang kwento mo tungkol sa pamilya mo. Gusto kong malaman kung anong klaseng pamilya meron ka. Magpakasal na tayo. Pwede mo bang ibigay sa akin ang kasal na hinihingi ko? Miguel, halos isang taon na tayong magkasama, pero hindi ko pa nakikita at nakikilala ang pamilya mo. Kailan mo ba ako balak ipakilala sa kanila?
Tiningnan niya ako nang diretso na kumunot ang noo sa pagkabigla ng marinig ang sinabi ko.
"Me, iharap naman kita sa pamilya ko pero hindi pa ngayon, marami pa akong bagay na ginagawa sa kompanya. Saka na kapag maayos na ang lahat. Don't worry, ihaharap kita sa kanila. Please understand me, okay?"
Napabuntong-hininga ako saka siya tinalikuran at kaagad dumiretso sa kusina at kumuha ng mga plato na ihahain sa mesa.
Habang kumukuha ako ng dalawang plato sa kabinet, biglang may yumakap nang mahigpit sa likod ko at saka hinalikan ang aking leeg. Napahinto ako sa ginagawa ko saka kinalma ang aking sarili.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan mo kakayanin na itago sa akin ang totohanan, Miguel. Mas lalo mo akong sinasaktan sa ginagawa mo."
"Me, what's wrong? Umiiyak ka ba? May nagawa ba akong mali sa'yo, me? Please tell me kung ano ang gumugulo sa isip mo. Nagsisi ka ba na sumama sa akin?"
Miguel, bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito? Hinayaan mong mahulog ang damdamin ko sa iyo. Bakit ngayon pa, bakit Miguel? Oo, alam ko na ang totoo. Sabi ko habang umaagos ang luha sa aking mga mata, agad kung inabot sa kanya ang puting sobre na naglalaman ng kanyang larawan kasama ang dalawang bata.
Dali-dali niyang kinuha saka ito tiningnan ang laman nito. Gulat siyang napatingin na kumunot ang noo, at saka tiningnan ako nang diretso sa mga mata.
"Me, saan mo nakuha ang mga litrato na ito?" diretsong tanong niya.
"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha ang mga 'yan. Ngayon, sagutin mo ako. Pinaglalaruan mo din ba ako katulad ng mga babae mo ha Miguel? Laruan din ba ang tingin mo sa akin, katulad ng iba. Itatapon at ibabasura mo din ba ako.
Miguel? Nagtiwala ako sa iyo na totoo ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Isa kang sinungaling.
Ipapaliwanag ko sa iyo, makinig ka sa akin. Hindi ko minahal si Loriene; nagpakasal kami dahil sa kagustuhan ng aming mga pamilya. Totoo ang pagmamahal ko sa iyo. Kaya naman ginagawa ko ang lahat para maayos ang problemang ito. Nag-file ako ng divorce kay Loriene para makasama ka. Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Mangyaring magtiwala sa akin at bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali.
Sinundan ko siya ng tingin nang lumuhod siya sa harapan ko at agad na niyakap ang katawan ko habang humihikbi na parang bata. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Pakiramdam ko tinitusok ng karayom ang puso ko habang nakatingin sa kanya na nakaluhod sa harapan ko.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko rin siyang makasama at mahal na mahal ko rin siya. Alam ko may masasaktan kaming tao, pero hindi naman siguro mali kung pagbibigyan ko siya at unahin ko ang aking sarili. Handa akong maging mistress sa lalaking may asawa at anak.
"Miguel, I want to meet them," mahinang sabi ko, kasabay ang paghaplos sa kanyang ulo habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.
Tumingala siya at tiningnan ako na tumatango bago nagsalita.
"Yes, Me. Dadalhin kita sa kanila, pupunta tayo sa bayan ng Isidro. Ipakilala kita sa pamilya ko," diretsong sagot niya.