Chapter 16:ISIDRO

1162 Words
Makalipas ang tatlong araw, pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, agad kong inilabas ang maliit na bag ko na nasa gilid ng malaking kabinet. Ngayong araw, ang alis namin ni Miguel papuntang Bayan ng Isidro. Excited at kinakabahan ako dahil alam kong hindi pabor ang tatay ni Miguel sa relasyon naming dalawa, pero ayos lang, kailangan ko silang harapin. Wala namang mawawala kung susubukan ko. Mahal ko si Miguel at alam kong hindi niya ako pababayaan doon. "Ayos ka lang ba, Me?" tanong ni Miguel na biglang sumulpot sa harapan ko. "Oo, Meg, okay lang ako. Medyo kinakabahan lang ako. Naisip ko lang kung ano ang pwedeng mangyari kapag pupunta tayo sa Bayan ng Isidro." "Come here, Me," sabi niya sabay hawak sa isang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya at agad akong pinaupo sa kandungan niya at hinalikan ang isang pisngi ko at hinahaplos ang aking buhok ng dahan-dahan. Don't worry, okay, natural lang na kinakabahan ka. First time mong makita ang pamilya ko, at huwag kang mag-alala, nandito ako. Hindi kita pababayaan. Hmm, tumango ako saka ngumiti ng may pag-aalinlangan. Mananatili tayo doon ng labinlimang araw, kaya kailangan mong dalhin ang lahat ng mga kailangan mong mga gamit. Remember what I say; walang signal doon kaya hindi mo rin magagamit ang cellphone mo. Ang bahay namin ay nasa gitna ng malawak na farm, malayo sa mga bahay. Ang makikita mo lang doon ay malalawak na mga pananim at puno, pero sigurado akong matutuwa ka doon," sabi niya. "Salamat, Meg," diretsong sabi ko at saka namang hinahalikan siya sa labi. "Salamat sa ano, Me? Dapat ako nga ang magpasalamat sayo dahil kahit alam mo ang totoo tungkol sa akin, hindi mo ako iniwan at tinanggap mo ako. Dahil natutunan na kitang mahalin, Meg. Mahal kita. Mahal na mahal kita, Miguel." "I love you too," sagot niya at saka pinatayo ako mula sa pagkakaupo sa kandungan niya at lumuhod sa harapan ko. Sinundan siya ng mga mata ko nang may kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya: isang maliit na itim na kahon at saka binuksan iyon sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang napakagandang singsing. Parang tumatalon ang puso ko sa sobrang saya ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito ngayon. "Ms. Camila Makiling, will you marry me?" sabi nito habang inaabot sa akin ang hawak nitong singsing. "Oo, oo, Meg. I will marry you," sagot ko, na napatagilid ang tubig sa gilid ng mga mata ko sa saya na nararamdaman. Ang tagal kong hinintay ito, sa wakas nangyari din. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod matapos maisuot ang singsing sa aking pang-apat na daliri at agad na sinalubong sa labi ko ang kanyang mga maiinit na halik na kaagad kong ginantihan iyon. Pagkatapos ng mga pangyayari, umalis na kami ni Miguel sa condo at tumungo sa Ninoy aquino international airport. Ang bilis ng t***k ng puso ko, hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Medyo pawisan at malamig din ang mga palad ko, siguro dahil sa nerbiyos. Noong una kong nakita at nakilala ang ama ni Miguel, masasabi kong napakahigpit niya. "What's on your mind, me? Relax, okay," mahinang sabi niya habang pinipisil ang isang kamay ko, na agad namang napabalik sa aking kahelidad. Tumingin ako ng diretso sa kanya saka isinandal ang ulo ko sa matigas niyang dibdib habang nakaupo kami sa loob ng eroplano. Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan namin, nagsimula nang bumaba ang mga pasahero. Hinintay naming makababa ang lahat dahil puno ng excitement ang paglabas ng mga pasahero sa eroplano. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang makababa kami ni Miguel sa eroplano. Pagkalabas namin ng airport, may lumapit sa amin na lalaki. "Welcome back, bro," diretsong sabi niya sabay yakap kay Miguel. Agad niyang ibinaling ang tingin niya sa akin. "Sino siya, Miguel?" tanong niya habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Asawa ko siya, bro, siya si Camila," sagot ni Miguel. "Asawa?" gulat na sabi niya na nakatingin kay Miguel nang marinig ang sagot ng kapatid. "Hi! I'm Ricky, Miguel's brother," pakilala niya habang inilahad ang kamay niya sa akin. Agad kong inabot ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. "You're so beautiful, Camila," mahina niyang sabi sabay bulong sa tenga ko. "Salamat, Ricky," sagot ko na may malaking ngiti sa labi. Agad niyang kinuha sa akin ang maleta ko at nilagay sa likod ng sasakyan. Pumasok na rin ako kasama si Miguel. Habang nasa daan kami, tumingin ako sa kaliwa't kanan; habang madadaanan namin malalaki ng mga puno at malalawak na mga pananim patungo sa bahay nila Miguel. Siguro inabot kami ng mahigit tatlong oras bago kami nakarating sa bayan ng Isidro. "Do you like it? O diba, sabi ko maganda dito," mahinang sabi ni Miguel habang kinukwento niya sa akin ang dadaanan namin habang tinuturo ang lugar gamit ang isang kamay. First time kong makapunta sa ganitong lugar, kaya nakakatuwa. I didn't realize pagdating namin sa bahay ni Miguel, agad na bumusina ang driver, mula sa labas ng napakalaking gate. Ilang sandali lang ay bumukas ang malaking gate ng mansion, agad na ipinasok ang sinasakyan naming sasakyan sa loob. Hindi ko akalain na ganito din pala kayaman ang pamilya nila Miguel. Kung titingnan mo ang dinadaanan namin kanina, sobrang sira ang daan. Hindi talaga inaasahan na ganito kaganda ang bahay nila. Inayos ko muna ang aking sarili saka huminga ng malalim bago lumabas sa loob ng sasakyan. Pagkalabas ko sa sasakyan, agad bumungad sa akin ang ilang mga kasambahay na nakatayo habang nakayuko ang mga ito. Hinawakan naman ni Miguel ang kamay ko bago nagpalakad papasok sa loob ng bahay. Pagkapasok namin, sumalubong naman ang tatay ni Miguel. "Mabuti at nandito ka na, Miguel. Akala ko ba wala ka nang balak na umuwi pa ng bahay," diretsong sabi nito, agad niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa akin. "Magandang tanghali po, Tito," diretso kong sabi. Kasabay nito, naghanda akong kunin ang kamay niya ngunit iniwas niya iyon at saka nagsalita. Dinala mo pa dito ang babae mo, anong ibig sabihin nito Miguel? Sinusuway mo na ba ako? Pa, Camila is my wife. What? A-anong sabi mo? Paano mo siya naging asawa? Nababaliw ka na ba, ha Miguel? Pa, please, saka na natin pag-usapan ang mga bagay na 'yan. Hindi pa nga kami nakaupo, ganyan na kaagad ang isasalobong mo sa amin. Napabuntong-hininga ang tatay ni Miguel saka tumalikod sa amin. Napatingin ako kay Miguel nang hawakan niya ang kamay ko at saka nagsalita. Pasensya ka na kay papa, Me. Hayaan mo, kakausapin ko siya at ipaintindi sa kanya. Okay lang ako, Meg. Naiintindihan ko ang papa mo, sagot ko. Let's go to our room. Bukas ng umaga aalis tayo. Ipapasyal kita sa buong Hacienda. Talaga, Meg? Mamamasyal tayo bukas? Nakangiti kong sagot sa kanya. Oo, kaya kailangan maaga tayo matulog, sabi niya. Kaagad naman akong sumunod sa kanya patungo sa ikalawang palapag ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD