Chapter 08:ONE NIGHT STAND WITH STRANGERS

1559 Words
Agad akong lumabas ng banyo at nagsuot ng damit bago lumabas ng kwarto. Gayunpaman, napatigil ako nang makita ko si Kim na nakatayo sa may pintuan na may dalang paper bag. "Kim, bakit ka nandito?" diretsong tanong ko. "Good morning, Ms. Amor. Gising ka na. Dinalhan kita ng pagkain, gamot, at damit. Kamusta ang pakiramdam mo?" sabi niya. Napatingin ako sa kanya, nagtataka kung paano nalaman ni Kim na nandito ako ngayon sa hotel na ito. "Mabuti pa, kumain ka muna bago ka umalis. Kailangan mong uminom ng gamot, baka lumala ang mga pantal sa buong katawan mo." Kim, sinusundan mo ba ako? Paano mo nalaman na nandito ako sa hotel? Ms. Amor, nahimatay ka kagabi kaya dinala kita dito sa hotel. Dinala mo ako dito? Kung ikaw ang nagdala sa akin kagabi dito, paano nakapasok si Miguel sa kwarto? Ano? anong sabi mo, nandito si Miguel sa hotel? takang sagot niya. Okay ka lang ba, Kim? Tanong ko sa kanya nang makita ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Parang may mali sa nangyari kagabi. Si Kim daw ang nagdala sa akin dito, pero paano nakapasok si Miguel sa kwarto ko, at nagse-s*x kami? Salamat sa pagkain na dala mo Kim, pero hindi ako nagugutom. Kinuha ko iyon at dali-daling umalis sa harapan niya, saka nagpatuloy sa paglalakad palabas ng hotel. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kagabi, why I can't remember anything kung sino ang nakasiping ko kagabi, pero imposible naman na si Kim. Nakasama ko siya ng ilang taon, he never touched me. Hindi ko na namalayan na nasa labas na ako ng hotel, agad kong nasilayan ang sasakyan ni Miguel na nakapark sa harap. Tiningnan ko lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kalsada, pero nakasunod pa rin ang sasakyan ni Miguel. Miguel, pwede bang layuan muna ako, pakiusap? Camila, mag-usap tayo sandali. Huminto ako, saka humarap sa kanya. Bumaba muna siya ng kotse niya saka lumapit sa akin bago nagsalita. "Pwede ba tayong mag-usap? Pag-usapan natin ang nangyari kagabi. Alam kong mali ang ginawa ko. I took advantage of you." "Miguel, kalimutan mo na ang nangyari sa atin kagabi. It was just one nightstand. Bakit mo pinagpipilitan ang sarili mo? Ayoko talaga sa'yo. Siguro naintindihan mo ang sinabi ko. At isa pa, walang relasyon ang nabubuo sa ating dalawa," diretsong sabi ko." Bumuntong-hininga siya, saka tumingin ng diretso sa akin. "Sige, kung iyan ang gusto mo, pakakawalan kita sa ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun ay titigilan na kita, Camila. Gusto kita at mahal kita. You are mine, only mine. Do you understand? Ano ba talagang gustong mangyari ng lalaking 'to? Hindi pa ba sapat sa kanya ang dalawang babae? At pati ako gusto niya din kabilang sa mga laruan niya. Agad akong napalingon nang may humintong sasakyan sa gilid namin habang nag-uusap kami ni Miguel. "Camila, okay ka lang ba? Iniistorbo ka ba ng lalaking ito?" sabi ni Kim pagkababa niya ng sasakyan at pumagitna sa amin ni Miguel. Agad na tumingin sa kanya si Miguel, at saka muling ibinalik ang atensyon sa akin bago nagsalita. "Camila, remember what I said, you are mine," sabi niya bago umalis sa harapan namin ni Kim at sumakay sa kotse niya. Agad akong sumakay sa kotse ni Kim at umalis sa lugar. Habang nasa daan kami, napapaisip ako kung sino ang kasama ko sa pagtulog ng gabing iyon. "Turn the car, Kim," sabi ko. Tumingin sa akin si Kim saka sinunod ang sinabi ko. Pinaikot niya ang sasakyan pabalik sa hotel. Pagkarating namin, kinausap ko agad ang isa sa mga staff ng hotel. "I want to check the CCTV footage, who exactly was with me that night." Habang tinitingnan ko 'yung CCTV footage, nakita ko si Kim na naglalakad habang buhat-buhat ako sa dalawang braso niya na parang bata papasok ng kwarto, pero ilang saglit lang, biglang nawala. "Anong nangyayari, bakit biglang nawala?" Tanong ko sa staff ng hotel. "Hindi ko alam, Ms. kung bakit biglang nawala, baka nagkaroon ng problema 'yung CCTV," sagot niya. "Ano?" "Suriin mong mabuti," sabi naman ni Kim. "Sir, ilang beses ko na po na-check pero ganun pa rin ang lumalabas." Napabuntong-hininga ako at lumabas ng kwarto at dire-diretso lumabas ng hotel. "Camila, hindi ka naniniwala na si Miguel ang kasama mo kagabi. Iniisip mo ba na ako ang kasama mo kagabi?" mahinang tanong niya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. "Kim, gusto kong malaman kung sino sa inyo ni Miguel ang kasama ko kagabi." "Pero bakit pa, si Miguel ang nakita mo kaninang umaga at hindi ako." Kim, ano ba talaga ang nangyari kagabi? Dinala mo ako sa hotel na iyon. Paano si Miguel ang kasama ko kagabi? Ano ba talagang nangyari, Kim? Tiningnan niya lang ako ng nakatikom ang bibig. "We'd better go, I'll take you to your house," sabi niya at binuksan ang sasakyan. Pumasok na ako at umalis sa lugar, dumiretso sa Mandaluyong kung saan ako nakatira. Pagdating namin, binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan, pero napatigil ako nang hawakan ni Kim ang isang kamay ko. Napatingin agad ako sa kamay na iyon, at medyo malamig pa. "May sasabihin ka ba, Kim?" diretsong tanong ko sa kanya. Tumingin siya ng diretso sa akin bago nagsalita. "Paano kung ako ang kasama mo kagabi?" "Ano? A-anong sabi mo? Ikaw yung kasama ko kagabi? Kim, bakit mo ginawa yun?" "No! Hindi ako, nagbibiro lang ako, Camila. Pero paano kung sakaling ako nga iyon, anong gagawin mo?" Bigla akong napahinto na parang bato sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya, "Kung sakaling ikaw 'yon Kim, hinding-hindi kita mapapatawad. Walang relasyon ang nabubuo sa ating dalawa, parang kapatid na ang turing ko sayo. Sana'y hindi ikaw ang lalaking iyon, Kim. Wag mo sanang samantalahin ang kabutihan na pinapakita ko sayo. Kasi kapag nangyari 'yun, wag na wag ka nang magpapakita pa sa akin kahit kailan," sagot ko at lumabas ng kotse at naglakad papunta sa bahay. Pagdating ko ay agad kong binuksan ang pinto at pumasok sa kwarto. Humiga agad ako sa kama habang iniisip ang sinabi ni Kim. Pero nabaling ang atensyon ko sa cellphone nang tumunog ito. Tumingin muna ako sa labas ng screen kung sino ang tumatawag. Numero lang ang lumalabas at hindi pamilyar sa akin ang numerong ito. Agad kong sinagot. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang marinig ko ang boses niya. "Nandito ako sa labas ng bahay mo," diretsong sabi niya sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag. Mabilis akong bumangon at sumilip sa labas ng bintana. Paano niya nalaman kung saan ako nakatira? Sinusundan ba niya ako? "Miguel, anong ginagawa mo? Ano ba talagang gusto mong mangyari?" ani ko sa aking sarili. Agad kong pinatay ang cellphone ko at inihagis iyon sa kama. Hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang gusto ng lalaking iyon. Ang daming babaeng humahabol sa kanya, bakit ako pa? Hindi ko siya gusto. Isa siyang babaero na hindi marunong makuntento sa isang babae. Agad akong pumasok sa banyo, naghubad ng damit, at binasa ang buong katawan ko. Habang naliligo ako biglang pumasok sa isip ko 'yung nangyari kagabi. Hinila ko ang necktie niya ng lalaking iyon palapit sa akin, tapos naghalikan kaming dalawa. Iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyon. Siya ay madamdamin at banayad, at nararamdaman kong puno ng pagmamahal habang ginagawa namin ang mga bagay na 'yon. Pero, sino ang lalaking kasama ko noong gabing iyon? Hindi! Imposible na si Kim. Hinding-hindi iyon magagawa ni Kim sa akin. Hindi ko matanggap kapag siya ang nakasama ko noong gabing iyon. Personal secretary at bodyguard ko lang siya. Ilang taon ko siyang kasama, ngunit wala akong nararamdaman na kahit anong paghihinala sa kanya. Kahit magdamag akong maglasing, hindi niya ako ginalaw. Mas lalo kong sinabon ang buong katawan ko nang biglang pumasok sa isip ko si Miguel. 'Yung lalaking 'yun, I hate him so much. Hindi ko alam kung bakit galit ako sa kanya. Walang naman siyang ginagawa sa akin ang lalaking iyon, pero bakit galit na galit ako sa kanya? Amor, gumising ka. Hindi ka dapat magpadala sa matatamis niyang salita. Laruan ka lang para sa kanya. Kapag nagsawa siya, katulad ka rin ng iba na itatapon na parang basura. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang tuwalya sa kabinet at tinakpan ang katawan ko. Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kwarto. Kumuha ako ng damit sa kabinet na pantulog; manipis ito at umabot hanggang sa ibaba ng aking mga binti. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit ng buong katawan ko. Para akong binugbog buong gabi. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto, umupo sa sofa, at binuksan ang TV. Manonood ako ng mga teleserye na lumalabas sa telebisyon. Pagbukas ko, lumabas agad ang news report, si Carlos ang laman ng balita ngayon. Siguro kung hindi kita kilala Carlos, maniniwala talaga ako na concern ka sa akin. Nag-alok pa siya ng malaking halaga bilang pabuya sa sinumang makakahanap sa akin. Pinapahanap niya ba ako para patayin ulit? Carlos, hindi pa ba sapat ang narating ko ngayon at ipinaubaya ko na sa iyo ang buong yaman ng De Gutierrez? Kulang pa ba 'yun? Pinatay mo ang mga magulang ko, Carlos, you shameless. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa pinto nang may kumatok. Sumilip muna ako sa maliit na butas bago ito binuksan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD