Chapter 19:COFFEE

1205 Words
Kinabukasan, nakatayo ako habang pinapanood si Miguel sakay sa kotse habang papalayo sa bahay. "Oh! Bakit ganyan ang mukha mo? Hindi bagay sa'yo na nakasimangot ka diyan. Ilang buwan lang naman mawawala ang asawa mo, Camila, at babalik din siya dito. Mabuti pang pumasok na tayo sa loob ng bahay," sabi ni Kuya Ricky na nasa gilid ko habang minamasdan ang kotse na sinasakyan ni Miguel. Agad ko siyang sinunod at pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto, habang naglalakad ako sa hallway ng mansion patungo sa kwarto, napahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran ko. Mabilis ko itong nilingon. "T-Tito, ikaw pala. May kailangan po ba kayo sa akin?" diretsong tanong ko. "Ipagtimpla mo ako ng kape, Camila," diretsong utos nito. "Po! Tito," takang sagot ko. Simula ngayon, tutulong ka sa mga gawaing bahay. Dito ka nakatira sa bahay ko, kaya dapat suklian mo ang pagpapakain ko sayo dito. Hindi ka isang Prinsesa para pagsilbihan, Camila. Pero Tito, marami na pong mga kasambahay dito. Isa pa, asawa ako ni Miguel. You are just his mistress, and I will not accept you to be my daughter-in-law. You're just a scumbag who stuck with my family, kaya ilagay mo ang sarili mo sa tamang lugar. Naiintindihan mo ba ha, Camila? Pakiramdam ko ay biglang tumigil sa pagtibok ang sarili kong puso nang marinig ko ang sinabi ng ama ni Miguel. Hindi ko akalain na ang ama ni Miguel ay mayabang, gahaman sa kapangyarihan. Kapag mahirap ka, trapo ang tingin niya sa iyo. Napabuntong-hininga ako habang nakakuyom ang mga kamao ko. "Calm down, Camila," bulong ko sa sarili ko. Tumango na lang ako sa kanya para wala nang gulo. Agad akong pumunta sa kusina at saka siya pinagtimpla ng kape. "Tito, ito na po ang kape na pinatimpla niyo," sabi ko at saka nilapag ang isang tasa ng kape sa mesa. Agad niya itong kinuha at ininom, pero napasigaw ako sa gulat nang bigla niyang ibuhos sa akin ang mainit na kape na hawak niya. Anong klaseng kape ito, Camila? Kape lang, hindi ka marunong magtimpla? I'm sorry, tito, hindi ko kasi alam kung anong klaseng kape ang gusto mo. Tapos sinabi mo lang na timplahan kita ng kape. Anong nangyayari dito, pa, Camila? Mula sa labas ng bahay naririnig ko ang malakas mong boses, diretsong sabi ni Kuya Ricky na biglang sumulpot sa harapan namin. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakikita ng kapatid mo sa babaeng iyon; kape lang ang pinapagawa ko sa kanya hindi marunong magtimpla. Taas boses na sabi ng ama nito. Agad namang lumingon sa akin si Kuya Ricky, nagulat siya na hinawakan ang isang braso ko at saka nagsalita. Okay ka lang ba, Camila? Pa, bakit mo ginawa ito kay Camila? Paano kung malaman ni Miguel ang ginawa mo sa kanyang asawa? Isa ka pa, Ricky, pinagtatanggol mo rin sa akin ang babaeng 'yan. Huwag mong sabihing na may gusto ka rin sa babaeng 'yan. Biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko sabay na tiningnan ng diretso si Kuya Ricky. Pa, asawa ni Miguel si Camila. Hindi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo, Pa? Startled? Hmmp, kilala kita, Ricky. Alam ko ang ugali mo. Sa tingin mo ba hindi ko napansin ang pagtingin mo sa babaeng iyon? Camila, wag kang maniwala kay papa sa mga sinasabi niya. Mabuti pa, umakyat ka muna sa kwarto mo at magpalit ng damit. Pagkatapos, mamaya gagamutin natin ang braso mong tinamaan ng mainit na kape. "I'm fine," diretsong sabi ko saka tumalikod sa kanila at tinungo ang kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong naghubad ng damit at tiningnan ang sunog sa dibdib ko na namumula pa at bugbog sa init ng kape. Hindi ko inaasahan na ganoon ang ugali ng ama ni Miguel; napakalupit niya. Sa maliit na bagay lang, ito na agad ang gagawin niya. Kailangan kong magtiis hanggang sa makabalik si Miguel dito. Agad kong kinuha ang medicine kit na nakalagay sa drawer at ginamot ang nasunog kong dibdib. Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto kaya dali-dali akong nagbihis at saka binuksan ang pinto ng kwarto. "Camila, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa sa'yo ni Papa kanina," diretsong sabi ni Kuya Ricky. Tiningnan ko lang siya ng nakatikom ang bibig, saka ako tumalikod sa kanya, umupo sa gilid ng kama, at pinagpatuloy ang paggamot sa braso ko. "Ako na," mahinang sabi niya sabay kuha sa akin ng basang tuwalya, kaagad ko naman iyon ibinigay sa kanya at hinayaan siyang gamutin ang braso ko. "Camila, okay ka lang ba? You can tell me whatever you feel. Camila sorry talaga; matanda na si Papa kaya ganyan ang ugali niya." "Ayos lang ako kuya. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina," mahinang sabi ko. Tumingin siya ng diretso sa akin bago nagsalita. Nangako ako sa kapatid ko na aalagaan kita habang wala siya, kaya hangga't nandito ako, sinisigurado kong walang mangyayaring masama sa iyo sa bahay na ito. Pagkatapos niyang gamutin, agad niyang niligpit ang mga gamit na ginamit sa panggagamot sa braso ko. Tapos, lumabas din siya ng kwarto ko. Alas 9 na ng gabi, natutulog na lahat ng tao sa loob ng bahay, pero ako, nakaupo sa ibabaw ng kama habang hinihimas ang sugat sa dibdib ko. Maagang natutulog ang mga tao dito at gumigising din ng maaga, lalo na ang mga katulong na nagtatrabaho dito. Hindi lang pala ako ang nakaranas ng ganitong kalupitan mula sa ama ni Miguel. Halos lahat ng mga kasambahay nila dito ay nakaranas ng kalupitan mula sa ama ni Miguel. Di ko sinasadyang narinig ang usapan ng dalawang maid kanina sa kusina. Nakita nila ang ginawa sa akin ng tatay ni Miguel. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang kalupitan. Hindi ko talaga akalain na ganito kalala ang ama ni Miguel. Ano pa nga ba ang aasahan ko dito? Kahit anong gawin ko, hinding-hindi niya ako tatanggapin bilang manugang niya. Dahil ba mahirap ako at hindi kasing yaman nila? Kung alam mo lang ang totoo tungkol sa pagkatao ko, alam kong kakapitan niya ako na parang linta, pero hindi ko isisiwalat ang pagkatao ko dahil lang sa kalupitan niya. Hindi pa ako handang harapin ang kapatid kung si Carlos. Gusto kong matutong lumaban mula dito. Agad kong pinatay ang ilaw sa gilid ng kama at humiga. Pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata, nang maramdaman ko ang pagdalaw ng antok. Makalipas ang tatlong oras, nagising ako nang makaramdam akong may kamay na humahaplos sa aking binti pataas patungo sa hita ko. Mabilis akong bumangon at saka binuksan ang ilaw sa kwarto ko. Agad akong bumaba sa kama at tumingin sa pinto ng kwarto. Naka-lock, paanong may makapasok sa kwarto ko? Tanong ko sa sarili ko habang nililibot ang tingin sa kwarto. Imposibleng namang dumaan siya sa bintana; ito ay masyadong mataas. Nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto namin ni Miguel. Mabilis kong tiningnan ang mga gamit sa kwarto ko. Binuksan ko ang mga cabinet pero wala akong nakitang tao. "This house is mysterious, interesting," mahinang sabi ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi magtatagal; Makikilala din kita, kung sino ka man, na pumasok sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD